Thursday, January 12, 2012

Masyadong Masyado : Introduction


Hello there! I’m Richelle Cruz. My friends used to call me Chel. Ang kuya ko kasi na si Richard Cruz eh sa Dominican University nag-aral; ang school kung saan biniyayaan ng magagandang lahi ang mga lalake. Samantalang ako sa isang simpleng school lang nag-aaral simply because I really hate traffics. Okay, let me drop my kuya out of this. Simple lang naman akong babae (kung babae nga ang tingin sa akin ng iba. Hahaha.) hindi mo nga iisipin na mayaman pala ako sa kilos, pananalita at pananamint ko. Para akong babae na pinalaki sa kanto ng Tondo. Kaya ayun, lagi akong napagkakamalan na apo ni Don Tiburcio. Isa akong madaldal, maingay, burara kung minsan at isip bata. Never pa akong nagkaron ng BF, mejo choosy kasi ang lola nyo. Ayoko sa mga lalake na masyadong masyado.

Konti lang naman ang totoo kong friends sa school, as in kokonti lang. Si Anna Gonzales, Princess Domingo, Jessie Sanchez at Romeo Alvarez. Makikilala nyo rin sila later at malalaman nyo din kung bakit kami magkakasundo.


At ako naman si Matthew Montenegro, member ng basketball team sa Dominican University. Hindi ako mahilig sa babae, but I have this girlfriend named Kate. Well, matagal na syang wala sa Pilipinas kasi sa US sya nag-aaral, we don’t have any communication now, but for me, she’s still the girl that I love. Pero nabago lahat ng iyon dahil sa isang babae na opposite ni Kate. I never dreamed of falling for a girl na nasa kanya ang lahat ng ayaw ko. Ayoko sa babaeng madaldal, parang lalake kung kumilos at magsalita, burara at isip bata. Pero ang kinalolokohan ko ngayon ay ang nasa kanya lahat ng ayaw ko. Anakteteng na yan. Ang labo diba?

Maiba naman ako, I have my sister named Mariel Montenegro. Bihira ko na lang syang maka-sama kasi busy sya sa modeling career nya. I have this friends at kasama ko din sila sa basketball team. Si Jacob Mendoza at Aaron Valdez, sila ang lagi kong kasama since we’re classmates and at the same time, member nga kami ng basketball team. Pero meron pa akong isang kaibigan, kaya lang graduate na sya last year and kasama din namin sya sa team, his mane is Richard Cruz.


Oh well, lets see if anong klaseng kaguluhan ang mangyayare sa magkakaibigan na to. Ang pagkakaibigan kaya nila eh mauwi sa pagiging magkaka-ibigan??? Ang masyadong masyado ba na ayaw ni Richelle Cruz ay mababago kapag nakilala nya ang isang Matthew Montenegro? Eh ang mga kaibigan kaya nila, magka-develop-an din? Hmmm... sino ang mas pipiliin ni Matthew? Si Kate ba na matagal na nyang mahal pero bigla na lang nawala o si Richelle na kahit kailan ay hindi nya naisip na nagugustuhan at mamahalin nya?



2 comments:

  1. nakow sis!!! dahil dun sa PF, sa last lang ako nakapag-comment, dito every chapter post mo ako magcocomment!

    babasahin ko siya the second time around! ^_____^

    ReplyDelete
  2. waaaahhh!!!! thank you much sis...
    sana nga next month o kaya by march, masimulan ko na yung book 2 nito...

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^