CHAPTER 8
(Regine POV)
Nakasunod lang kami sa nag-aaway na sina Rye at Richelle, tahimik na ako dahil nagugutom na kasi ako eh.
RAYCE: MAY LQ YUNG DALAWA AT KAILANGAN NA YATA NILANG AYUSIN NG HINDI NA LUMALA. HUMIWALAY NA LANG TAYO SA KANILA RHEDJ. (Did he just call me Rhedj? OhMiGawd!!! Si Paul lang ang tumatawag saakin nun, bakit ginagaya niya?)
REGINE: (Pero napangiti ako… ang sweet kasi nung pagkakasabi ni Rayce! Lumi-level up na din ba ang lovelife ko?) BRU NAMAN KASI, MAG-BEHAVE KA NAMAN, SUNDIN MO NA LANG YANG UTOS NG BOYFRIEND MO! (At nginitian ko siya. Yung pinaka-magandang ngiti na walang sinuman ang nakakatanggi! Yung tipong kahit bakla, nagiging lalaki kapag nginitian ko ng ganun! Ahahaha!!!)
Nagsimula na kaming kumain, pero nao-autistic na naman yata ‘tong si Richelle at gumagawa ng scene dito sa cafeteria. Meron ba siya ngayon? Ang init ng ulo! Pati kami ni Rayce, napagbubuntungan niya!
REGINE: TARA NA SA LABAS RICHELLE. KUMALMA KA NGA, HINDI MO NA NAMAN BA NAINOM ANG GAMOT MO?
RICHELLE: SAPAKAN NA LANG TAYO BRU! PAKYU KA, WALA AKONG SAKIT NOH. (Ampucha! Kotongan kitang babae ka eh!)
REGINE: ETO NAMAN, JOKE LANG. (Pero sige, hindi ko sasabayan yang pag-iinarte mo.)
RICHELLE: SIGE LANG BRU, I-ENJOY MO LANG YANG MOMENT NYO NI RAYCE. PUNTA NA LANG MUNA AKO NG GYM, DOON NA LANG AKO MAGPAPALIPAS NG ORAS.
What??? Tapos iniwan na niya kami! Pag-alis niya, nagwalk-out din bigla si Rye. Uso ba yun? Magwalk-out din kaya ako, pero saan naman ako pupunta?
RAYCE: OH WAG MONG SABIHIN PATI IKAW MAGWA-WALK-OUT?
REGINE: (Binabasa niya ba ang isipan ko? Iba na talaga kapag meant-to-be!) I’M HUNGRY. SO WAG MO AKONG GULUHIN HABANG KUMAKAIN KO. (Tapos sumubo na ako ng pagkain. Syempre hindi ako aalis, lulubusin ko ‘tong moment namin! Hindi lang ako papahalatang nag-eenjoy! Ahahaha!!!)
Hindi nga ako ginulo ni Rayce, pero tinitigan naman niya ako habang kumakain! Mae-empacho ako nito eh! Nakaka-concious, baka hindi ako matunawan! Makapag-isip nga ng topic!
REGINE: BAKIT BA GANUN YUNG KAPATID MO KAY RICHELLE?
RAYCE: WHY? APEKTADO KA DIN SA RELASYON NUNG DALAWA?
REGINE: OF COURSE! BESTFRIEND KO SI RICHELLE. KAHIT NAMAN PARANG NAKAWALA MINSAN YUN SA MENTAL, SA KANYA PA RIN AKO KAKAMPI NOH.
RAYCE: PFFT! ALRIGHT, I THINK BECAUSE RICHELLE REMINDS RYE OF SHINAYA.
REGINE: (Shinaya? Pet name ba yun? Sino naman yun?) WHO IS SHINAYA?
RAYCE: RYE’S EX-GIRLFRIEND…?
REGINE: EX-GIRLFRIEND!!! I THOUGHT NGSB SIYA! NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH?
RAYCE: HMMM… PANO KO BA SASABIHIN… GANITO… SI SHINAYA, CLOSE FRIEND NI RYE… AND BECAUSE OF THEIR CLOSENESS, RYE ACTUALLY THOUGHT NA NAGING SILA. BUT THE FACT IS, HINDI!
REGINE: OKAY… SO CLEAR KO LANG HA. SI RYE LANG ANG NAG-ISIP NA NAGING SILA NUNG SHINAYA!
RAYCE: EXACTLY! (Masyado naman palang assuming yang Rye Hayashi na yan! Ahahaha!!!) SINCE YOU KNOW THAT ALREADY, YOU MIGHT AS WELL WARN YOUR FRIEND.
REGINE: WARN RICHELLE? BAKIT?
RAYCE: YUNG KAKAMBAL KO NA YUN, KAPAG NAGSIMULA KASI YUNG LUMAPIT SA ISANG BABAE, IISIPIN NIYA AGAD NA MAG-M.U NA SILA. BAKA ISIPIN AGAD NUN, SILA NA NI RICHELLE.
REGINE: GANUN! (Ahahahaha!!! Oh hindi na pala kailangan mag-worry ni Richelle eh! Makukuha naman niya pala agad si Rye!) TINGIN KO HINDI NAMAN MAGIGING PROBLEMA YUN KAY RICHELLE.
RAYCE: BAKIT? KASI OBVIOUS NA MAY GUSTO SIYA KAY RYE? WHAT I WANT YOU TO WARN HER ABOUT IS ONCE MAGING SUPER-CLOSE SILA, KATAKOT-TAKOT NA PAGIGING OVER-PROTECTIVE ANG AABUTIN NIYA KAY RYE. YUNG TIPONG NAKAKASAKAL NA PROTECTIVENESS.
Ganun? Somehow, parang naka-relate ako sa naging situation ni Rye. Parang ganun din kasi yung nangyari saakin nung akala kong kami na ni Paul, tapos hindi naman pala! Anyway, I moved on, kay Rayce na ako!
JIYEON: RAYCE! SO GLAD TO SEE YOU HERE!
Kulang na lang mabulunan ako sa pagsulpot ng babaeng ‘to! Sino naman ‘to! So gald to see you here! Nasa cafeteria lang naman!
RAYCE: HI JIYEON… WE’RE HAVING LUNCH.
JIYEON: (Tapos napatingin siya saakin, at napataas ng kilay.) OH… KASAMA MO PALA SI PRINCESS REGINE.
REGINE: (WHAT? Kilala niya ako? Iba na talaga kapag sikat. Princess Regine! Paano, ordinaryong tao ka lang!)
JIYEON: WELL, I’LL JUST SEE YOU AROUND!
RAYCE: SURE!
JIYEON: AH OO NGA PALA! I’LL BE WATCHING YOUR NEXT GIG DUN SA WINELINE! BYE!
RAYCE: BYE!
Sabunutan ko kaya ‘tong dalawang ‘to! Sa harap ko pa naglandian! Takte naman! Nakakawalang gana!!! At tsaka ano yung gig na yun sa WineLine? I know that place, it’s a bar for the elites! So tumutugtog siya dun? Aish!!! Bakit hindi ko alam yun! Hindi ko na-research!
REGINE: (I stood up.)
RAYCE: OH… WHERE ARE YOU GOING? HINDI KA PA TAPOS KUMAIN HA.
REGINE: I’M DONE… AND I’M OUT OF HERE. (Ito na ang walk-out na sinasabi ko! Sabi naman selosa ako eh!)
Naglakad ako palabas ng cafeteria, at sinundan lang ako ni Rayce. Ito ang problema ko eh, hindi pa nga nagiging kami ng gusto kong lalaki, nagseselos na ako agad! Nangyari na noon ‘to saamin ni Paul, mangyayari nanaman ba saamin ni Rayce?
RAYCE: DID YOU HEAR WHAT JIYEON SAID?
REGINE: (Ahh Jiyeon pala name niya! Papakulam ko nga ang babaeng yun!) I’M NOT DEAF… AND THE HECK I CARE!
RAYCE: TEKA… BAKIT ANG INIT NA NAMAN NG ULO MO?
REGINE: BAKIT IINIT ANG ULO KO? TUKMOL KA BA? STOP FOLLOWING ME NA NGA LANG!
RAYCE: WELL… SINCE NARINIG MO NA RIN NAMAN KAY JIYEON NA MAY GIG AKO THIS SATURDAY, GUSTO LANG SANA KITANG I-INVITE DUN SA GIG KO NA YUN.
REGINE: ON SATURDAY IS OUR OUTREACH PROGRAM IN BASECO!
RAYCE: THAT GIG IS ON SATURDAY NIGHT. HERE…(Tapos may dinukot siyang ticket mula sa bulsa niya.) MAHIRAP PUMASOK SA WINELINE, BUT WITH THAT VIP ACCESS, YOU’RE FREE TO COME.
REGINE: (Isang ticket lang? Ano yun ako lang pupunta mag-isa? I’ve never been to bars before!)
RAYCE: DRUMMER AKO, AND SOMETIMES THE VOCALIST. I’LL EXPECT YOU TO BE THERE, OKAY?
REGINE: I’M NOT INTERESTED WITH THIS KIND OF THING.
RAYCE: WELL IT’S TIME FOR YOU TO GET INTERESTED WITH IT.
REGINE: OH ANO NAMANG IBIG MONG SABIHIN?
RAYCE: HMMM… BECAUSE IF EVER YOU’LL GET INTERESTED WITH THE THINGS I LIKE, THEN THE BIGGER CHANCE YOU’LL SHOW YOUR INTEREST ON ME. (Tapos kinurot niya ang pisngi ko, at natulala lang ako.)
My goodness gracious! Hihimatayin na yata ako sa sobrang kilig. Hanggang sa pag-uwi ko, hindi ko malabas yung saya! Nasaan na ba yung si Richelle, at mai-share ko sa kanya itong kagalakang ito!
*ringggg… riiinnggggg…*
REGINE: UY SPEAKING OF RICHELLE! TUMAWAG NA! HELLO…
RICHELLE: HELLO REGINA, ANONG ULAM NATIN TONIGHT?
REGINE: NAG-ADOBO LANG AKO, WALA NANG LAMAN YUNG REF NATIN EE. (Hindi naman talaga ako nagluluto eh, nagpa-practice pa lang.)
RICHELLE: ADOBO? SIGURADO KA BANG ADOBO YAN? BAKA MAMAYA PAG DATING KO JAN, PAKSIW ANG ABUTAN KONG ULAM.
REGINE: UMUWI KA NA! (Pasalamat nga maasim lang! Walang lason! Ahahaha!!!) MAY MGA DAPAT KA PANG I-KWENTO SA AKIN.
RICHELLE: CHISMOSA! IKAW DIN, MAY KAILANGAN KA PA DING I-KWENTO SA AKIN. SIGE NA, PAUWI NA AKO!
REGINE: INGAT! (Idol ko kasi si Lloydie eh!)
Pauwi na nga daw siya… tapos maya-maya nakarinig na ako ng tunog ng sasakyan. Sumilip ako sa peep hole namin… jusmio!!! Totoo ba ‘tong nakikita ko? Hinatid ni Rye si Richelle!!!
Nag-usap sila, at hindi ko marinig. Kung kiligin naman ‘tong si Richelle, akala mo wala nang bukas! Hindi ba pwedeng hindi niya muna ipahalatang may gusto siya kay Rye?
Tapos biglang napansin kong hahalikan na ni Rye si Richelle… AGAD? Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung sinabi ni Rayce about Rye! Baka mamaya i-assume na niya na sila na ni Richelle-tot, tapos gawin niya din kay bestfriend yung pagiging OA sa pagka-protective!
REGINE: HOY RICHELLE, IKAW NA BA YAN? (Napatakip ako ng bibig ko… makakahintay naman yang first kiss na yan!)
Tatanungin ko muna si Richelle kung handa na ba talaga siyang magpatali jan kay Rye… alam mo na, sa kalandian nitong kaibigan ko, baka bigla na namang magbago ang isip niya.
REGINE: PUMASOK KA NA RICHELLE, GABI NA!
Nag-usap ulit sila… halatang bad trip sa nabulilyaso nilang lapchukan! Kaso, mabilis din talaga si Rye, hindi papatalo! Humalik pa rin sa pisngi ni Richelle! Nakow, baka saan na mauwi yan!
REGINE: HOY RICHELLE-TOT, WALA KA BA TALAGANG BALAK PUMASOK NG BAHAY?
RICHELLE: AY ANAK KA NI KA DORO! REGINA NAMAN!!!
Ngiting aso naman si Richelle! Akala mo ke-cute! Ahahaha! Hinila ko siya papasok, at pinagsaraduhan agad si Rye. Sinilip ko siya hanggang sa umalis na siya ng tuluyan.
RICHELLE: WALANG HIYA KA! KAHIT KELAN EPAL KA SA MOMENT KO NOH! KISS NA YUN OH! WHO KNOWS, FRENCH KISS PA YUNG PWEDENG MANGYARI!
REGINE: KADIRI KA RICHELLE! AKALA NAMAN NITO MAY ALAM NA SA KISS NA YAN!
RICHELLE: KAYA NGA PAGPA-PRACTISAN DIBA! (Tapos hindi na yata nakapagpigil yung lukrita at dinamba ako dun sa sofa. Pinagkukurot niya yung pisngi ko at ginulo yung buhok ko sa asar.) SA SUSUNOD HA! BABASAGIN KO NA YANG BUNGO MO KAPAG NAMPIGIL KA PA NG MOMENT!
REGINE: RICH… WAIT! (Sinupalpal ko yung mukha niya. Ganito lang kami maglambingan niyan.) IKAW BA SIGURADO NA JAN KAY RYE?
RICHELLE: ANO NAMANG TANONG YAN!
REGINE: I HEARD FROM RAYCE ABOUT A GIRL NAMED SHINAYA.
RICHELLE: TEKA! YUNG BAKLITANG BRUHILDANG EX-GIRLFRIEND NI RYE NA HINDI KO PA NAKIKILALA? BAKIT? (Ay! Alam na niya yung about kay Shinaya! But for sure hindi niya alam ito…)
REGINE: SHE’S NOT HIS EX! NAG-ASSUME LANG SI RYE NA NAGING SILA.
RICHELLE: ASSUME? TEKA… PARANG YUNG SA INYO DATI NI PAUL? YUNG AKALA MO KAYO NA… TAPOS HINDI PALA.
REGINE: (Pinektusan ko nga siya! Lintek na yan, kailangan i-open yun!) WHATEVER KA SIS! BUT ANYWAY, RYE MIGHT DO THE SAME WAY TO YOU. HE COULD BE SO OVER-PROTECTIVE OF YOU! PAYAG KA BANG MAGPATALI SA KANYA NG AS IN?
RICHELLE: OPKORS! KAILANGAN PA BANG ITANONG YAN! ANGKININ NIYA AKO, YUN ANG GUSTO KO! AHAHAHAHAHA!!! (Kung mag-isip talaga ang babaeng ‘to, masyadong padalos-dalos! Wish ko lang hindi niya pagsisihan yan. Basta, I warned her.) EH KAYO NI RAYCE… NAKITA KONG MAGKAYAKAP SA HARAP NG DRINKING FOUNTAIN! SURE KA NA BA SA MALANDING YUN?
REGINE: DUH… TEKA… NAKITA MO?
RICHELLE: AY ANO YUN HINULAAN KO LANG! SYEMPRE NAKITA KO!
REGINE: FOR THE RECORD, THAT’S NOT A HUG! I TRIPPED, THEN HE CAUGHT ME.
RICHELLE: SA BISIG NIYA AT MATAGAL KAYONG NASA GANUNG POSITION AT NAG-SPARKLE ANG MGA MATA NIYO… SO HINDI YUN HUG?
REGINE: AISH! HINDI NGA! (Nahihiya tuloy ako…) KUMAIN NA NGA TAYO! SINARAPAN KO YUNG ADOBO! (Ewan ko lang talaga kung masarap… pero mapagtyatyagaan na siguro.)
RICHELLE: KUMAIN NA AKO. SO… LIGTAS AKO SA LUTO MO! HIHI!
REGINE: HUH? AKO LANG MAG-ISA KAKAIN NITO? (Syettt!!! Para kong ito-torture ang sarili ko sa pag-ubos ng niluto ko.)
RICHELLE: PEACE TAYO BRU! AHAHAHA! (At tuluyan nang tumakas ang bruha para hindi ko na siya mapilit pang kumain. Huhuhu!)
Anyway, naalala kong hindi ko pa nga pala nasasabi kay Richelle yung about sa invitation ni Rayce dun sa WineLine. Paano, isa lang naman kasi yun ticket! Eh ang hirap pa naming pumasok dun! Bahala na nga, wala naman sigurong mangyayaring masama kung mag-isa lang ako dun sa bar.
Mabilis lang ding lumipas ang araw, at dumating na ang Sabado. This is it! Yung out-reach program muna ditto sa Baseco… then mamayang gabi, dun na sa WineLine. Maaga kaming nagkita sa school dahil may school van naman daw na maghahatid saamin.
Bakit biglang kakaibang closeness na yata ang pinapakita ni Rye at Richelle sa isa’t isa? Nabawasan kasi yung awayan nila… ang lately, parang napapansin kong magka-text sila. Ewan ko lang, hindi ko sure!
RICHELLE: A’RYT! TARA NA! (Naunang umupo ang bruha sa likod ng driver’s seat, at tatabi sana ako sa kanya kaso nag-evil eye siya saakin.) DUN KA SA LIKOD REGINA! TABI KAMI NI RYE DITO!
REGINE: HA? ALAM MO NAMANG MAHILUIN AKO DIBA! DUN KAYO SA LIKOD!
RICHELLE: WELL, NAUNA AKO! HAHAHA! (Sabay hablot sa bag ko at tinapon dun sa likod.) DUN KA NA DALI! TABI KAYO NG MALANDI MONG SI RAYCE!
RYE: LET’S GO! (Lumapit na din sina Rye at Rayce saamin kaya hindi na ako nakapalag pa sa planong ito ni Richelle. Langya ka sis, ipapahamak mo pa ako!)
At success sa plano si Richelle. Nakatabi nga niya si Rye at naupo naman ako sa likod, katabi si Rayce. I’m happy okay! Katabi ko si Rayce eh! Kaso…
REGINE: MATAGAL PA BA TAYO? (Nakahawak lang ako sa noo ko.)
RAYCE: PANG-ILANG BESES MO NANG TINANONG YAN HA. PERO MEDYO MALAPIT NA TAYO..
REGINE: OMG… (Napatakip na din ako sa bibig ko.) NAHIHILO NA AKO… (Ang sama ng pakiramdam ko!!!) PARANG HINDI NA AKO AABOT.
RAYCE: WHAT? WHAT SHOULD I DO… (Malay ko Rayce…) RICHELLE! RICHELLE! (Nakadalawang tawag pa siya sa bruha bago tumingin! Busy kasi sa pakikipaglampungan eh!) NAHIHILO NA DAW SI RHEDJ!
RICHELLE: WHAT? HINDI NGA! (Mukha ba akong nagbibiro?) UY BRU! WAG DITO! (Anong wag dito? Wag dito…)
*huupp... huuupp… hourrrphh…*
RICHELLE, RYE, RAYCE: WAG KANG SUSUKA!
End of Chapter 8
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^