Sunday, October 23, 2011

Sister Complex : Chapter 7 Part 1

Chapter 7
Confessions 1
(Cecily Gonzaga POV)


Nag-aayos na ako for Gwynne’s birthday. Smiley Six kasi yung start ng party niya kaya mahaba pa ang time ko para makapag-ayos. Sinuot ko yung damit na binili ko kasabay nung gift ko sa kanya, isang ball-jointed doll. Bukam-bibig niya kasi yun dahil may collection siya nun. Tapos bigla kong narinig si Ash na sumisigaw sa living room namin, “Bilisan mo dyan Silly!!!” Oo na! Excited masyado eh. Smiley


Tapos bumaba na ako dala yung paper bag kung saan nakalagay yung gift ko for Gwynne. Pagdating ko sa living room, nakatingin lang sila papa, mama at Asher sa’kin. Smiley


“Bakit?” tapos umikot ako sa harap nila. “Maganda ba?” Smiley



Smiley “Aww! Dalaga na talaga ang Silly ko!” Sabi ni papa na kunyari ay naiiyak. Ang corny! “Ang ganda-ganda Silly! Hindi ko alam na may ganyan ka palang damit!” Tapos niyakap ako ni mama. Tapos hinihintay ko yung sasabihin ni Asher. Nakatitig siya sa’kin, nakanganga. Tapos napapikit-pikt pa siya. Maganda ba ako? Sabihin mo naman.


“Maganda…” Smiley I smiled. “Maganda ba yan?” Hindi ba? “Bakit ang ikli naman niyang dress mo! At tsaka labas yang likod mo! Magpalit ka nga doon! Baka may ibang mga lalaki ang nandoon tapos ganyan ka-daring ang suot mo.” Smiley Bwiset! Bwiset ka Ash!


Napatingin kaming tatlo nina mama at papa sa kanya. Ang OA talaga nito. “Daig mo pa si papa sa reaction mo! Anong daring dito! At tsaka diba nagmamadali na tayo! Excited ka diba! Magpapalit pa ako?”


Smiley “OO! Hindi tayo aalis hangga’t hindi mo pinapalitan yang suot mo. Akyat sa taas! Dali!” I clenched my fists. Tatay ko ba siya? Kuya ko ba siya? Boyfriend ko ba siya? Kung isa siya sa mga yun, tatanggapin ko, pero hindi eh! Wala sa tatlo! Kaya anong karapatan niyang pagsabihan ako kung ano ang dapat kong suotin. Nakakaasar! Smiley


*    *    *

Pero dumating na kami sa bahay nina Gwynne. Kung itatanong niyo kung nagpalit ba ako ng damit, the answer is wala akong choice. Smiley  Epal kasi ‘tong si Ash. Kung hindi lang sobrang halaga para saakin ang lahat ng sinasabi niya, hindi ko siya susundin. Bakit ba sunud-sunuran ako sa kanya. Bakit bam as nauuna puso bago utak! Kaainis, ang tanga ko din eh! Smiley


Smiley “You look really beautiful! Nice dress!” Bungad agad ni Hadwin nung dumating kami sa kanila.



“You should have seen me with my original dress.” Tapos tumingin ako ng masama kay Ash. Napapa-english talaga ako pag nagagalit eh. Smiley


“Anyway, nasaan ang birthday girl?” tanong agad ni Ash. Tapos nakita na namin si Gwynne. Smiley Sobrang ganda niya! Nakakainggit, ganyan din sana ako kaganda ngayon kung hindi umepal ‘tong si Ash.


“Cecily!!!” niyakap niya ako! Smiley Sobrang saya niya. “Ash…” Nagngitian muna sila.

Smiley

“Birthday hug?” Smiley Tanong ni Ash. At saka sila nag-hug.




So para itago ang selos ko, niyakap ko na lang ulit si Gwynne at binati siya ng “Happy Birthday!!!” Smiley


“Thank you!” tapos binigay ko na sa kanya yung gift ko.


“Uy tara. Ipapakilala namin kayo kina mommy at daddy! Last time kasi, hindi niyo sila na-meet.” Sabi ni Gwynne.


Hawak kami pareho ni Gwynne at ipinakilala nga kami sa mommy at daddy niya. Grabe naman pala ‘tong pamilya nila, nasa dugo na ang kagandahan at kagwapuhan. “It’s really nice to finally meet you two! Lagi kayong nakukwento ng mga ‘to eh.” Tapos niyakap ako ng mommy nila. “Ang cute-cute mo nga! Kamukha mo nga yung doll ni Gwynne.” At kinurot niya yung pisngi ko. Smiley


“Ma, OA na tama na yan.” Thanks Hadwin. Tapos yung dad naman nila binati din ako then kinausap niya rin si Ash. Lumapit naman sa’kin si Gwynne, “Cecily, enjoy the party ha!” I said, sure!


Ang bongga ng party! Grabe nga magprepare ang mommy ni Gwynne. Marami din silang bisita, lahat halos family friends, relatives at neighbors. Nagkainan na, nagsasayawan din yung ibang teenagers, at may hawak ng iba’t ibang drinks yung mga tao. Samantala, parang kami lang nina Asher ang inintindi ni Gwynne. “Gwynne, asikasuhin mo rin yung iba mong bisita.”


Ang dami ding pagkain, pero dahil ang sososyal ng mga tao dito, nakakahiya namang lumamon ako dito, kaya nagpigil ako. “Silly, diyan ka muna ha. Kausapin ko lang si Gwynne. Tsaka ibibigay ko na yung gift ko sa kanya.”


“Ha? Iwanan mo ako?” Smiley


“Wag ka lang aalis dito. At tsaka wag mong kakausapin yung mga lalaking hindi mo kilala.” Ang dami din kasing mga tao dito na kasing age din namin. At may pahabol pa siya, “At nakikita mo yun!” Tinuro niya yung parang mini-bar na binabalik-balikan ng mga tao dahil sa drinks niya. “Wag kang kukuha ng drinks nila dun ha! Bawal!” Smiley tapos umalis na siya. Bawal kasi alcohol yun. Balita ko masarap daw yun eh.


So anong gagawin ko dito. Ako lang mag-isa? Sinundan ko ng tingin si Asher at lumapit na nga siya kay Gwynne. Sumisimple lang ako ng tingin sa kanilang dalawa, nag-usap sila, nagtatawanan at hinawakan pa ni Ash yung kamay ni Gwynne. Then Asher kissed Gwynne’s cheeks. Smiley


Tumingin ako sa iba. Ayokong makita yung mga ganitong scene eh. Kaya ang ginawa ko, lumapit ako dun sa mini-bar. Sigurado ko dahil sa sobrang busy ni Ash, hindi niya mapapansin na susuwayin ko ang gusto niya.


Naupo ako sa harap nung bartender tapos tumingin siya sa’kin, nagtataka. Smiley Cute siya ha, infairness! “Will you give me your best shot?” Tinawanan ako ng kumag pero tinitigan niya ako. "Bilis!", pagkasabi ko nun, tinaasan niya ako ng kilay pero nagharap na siya ng shot glass sa’kin. Smiley “Isang lagok lang yan, kaya mo?” Aba, ako hinamon nito! Ininom ko nga. Smiley


Smiley “Pwehhhh!!!” Pero nainom ko na lahat. Ang sama ng lasa, na parang masarap. Ayoko na, pero parang gusto ko pa. “Yun na yun?” Nginitian niya ako at binigyan ako ulit ng ilan pang shots. Smiley Siguro nakaubos ako ng apat na sunud-sunod.  



Smiley Tapos naka-lima. Tapos nung pang-anim ko na sana, nakita ako ni Hadwin at hinawakan yung kamay.


“Ops! Bakit nandito ka!” Kinuha ni Hadwin yung shot glass at siya yung uminom. Tapos tumingin siya ng masama sa bartender, “Hoy Merrick! Alam mo bang bawal pa sa kanya itong pina-iinom mo!” Sinagot naman siya nung Merrick daw. “Siya yung nanghihingi eh.”


Tapos hinila ako ni Hadwin palayo dun sa mini-bar. “Ang ingay naman dito!” Ang ingay naman talaga kasi ang lakas ng music. “Ang gulu-gulo pa!” Smiley Ang dami kasing tao, walang tigil kung magsayawan. Akala mo mga first time lang sumayaw.

Smiley

Tapos hinawakan ni Hadwin yung mukha ko at tinignan ang mga mata ko. “Naka-ilan ka nun?”


Tinatanong ba niya yung about sa shot na nainom ko? “Isa…” Sabi ko, bakit ko sasabihin ang totoo diba. “Teka… nasi-CR na ako eh! Punta muna ako dun! Tapos pakuha naman ng juice oh.”


“Ha? Juice? Sige… nandun lang yung CR ha.” Alam ko na kung nasaan yung CR nila pero hindi naman talaga ako pupunta doon noh. Nung umalis si Hadwin para kumuha ng juice, bumalik ako dun sa mini-bar. Naupo ako ulit doon sa pwesto ko kanina, tapos nung tumingin ako sa direksyon ulit ni Asher, ayun kausap pa rin si Gwynne. Smiley


Ang tagal naman ng usapan ng dalawang yun… tapos nakita kong nilabas na ni Ash yung regalo niya for her. Tuwang-tuwa si Gwynne nung binuksan niya. At isinuot ni Asher yung kwintas sa leeg niya. Nakakabwisit! Smiley Naiiyak ako.


Smiley Gusto ko rin yung kwintas na yun eh. Pero mas gusto ko yung nagbigay nung kwintas. Napatakip ako sa mukha ko, alam ko kasing unti-unti nang tumutulo ang luha ko. Buti na lang si cute na bartender, binigyan ulit ako ng drinks. Smiley



End of Chapter 7 Part 1




4 comments:

  1. ang kyut ng update na 'to...

    kaxo nkkaawa si silly!!! mygawd!!!

    ReplyDelete
  2. Ang sakit sa puso!! Damang dama ko talaga tong chapter na to promise! Parang nahihirapan ako huminga tuloy ».« kahit hindi ko pa nararanasan ma inlove alam ko ung pakiramdam nya! Galing talaga! <3



    alam ko pong O.A. ako hehe <3 peeo ganyan ung naramdaman ko eh.

    ReplyDelete
  3. Eeeeeeeeh! Napaka-overprotective naman nito ni Ash =__= hindi ko malaman kung anong gusto nito pero kasi parang kapatid lang din ang turing niya dito... waaaaaah! ANG SAKIT sa puso!!! Kawawa nalang lagi ang puso ni Silly! Huhuhuhu~

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^