Birthday Present
(Asher Carillo POV)
It’s been three weeks since naggroup-study kami kina Gwynne. It was the first time na nayakap ko siya, kaya hindi ko malilimutang araw yun! Kaso hindi na naulit yung group-study namin kasi hindi na daw ulit papayag si Cecily. Boring daw! Tamad talaga yun.
Anyway, September na at one week na lang at birthday na ni Gwynne. Wala pa akong regalo!!! Pano yun? Ano kayang pwede kong ibigay sa kanya? Nag-iisa lang ako ngayon sa study area. Si kumag kasi nasa school gym, nakikipaglaro ng basketball sa iba pa naming barkada.
“Asher…” Napalingon ako. Kapag sinuswerte ka nga naman! Si Gwynne! “Si… si kuya Hadwin?” Kapag nakikita ko siya, hindi maalis sa isip ko na may feelings din pala siya sa’kin.
“Nasa school gym siya. Bakit?” Wag ka munang umalis, please.
“May tatanong lang sana ako.” Ngumiti siya! Ash! Mag-isip ka ng topic para hindi siya umalis.
“Um… si Silly? Bakit hindi mo kasama?”
“Hindi kasi kami naging magka-group for Science project. Yung teacher kasi yung namili. Siguro nasa meeting pa siya ngayon ng group nila.” Wow! Chance ko na ‘to.
“Wala kang kasama?”
“Wala.”
“Eh di, dito ka muna. Tambay ka muna dito.” Pagkasabi ko nun, tumabi nga siya sa’kin! Ang saya-saya ko!!! Ngumiti ako. Ako ang lalaki kaya ako ang dapat na mag-simula ng usapan. “So… kamusta preparations for your birthday?”
“Okay naman. Si mommy yung nag-aayos as usual.”
“Ahh… so anong gusto mong gift?” naisip ko na mas magandang sa kanya ko mismo malaman kung anong gusto niya.
“Gift? Basta lang nandoon kayo ni Cecily, okay na yun!” Kapag nag-uusap kaming dalawa ni Gwynne, parang hindi ko napapansin yung mga nangyayari sa buong paligid. Ang ganda ng mga mata niya, ang tangos ng ilong niya, ang pink ng lips niya at ang kintab ng mahabang niyang buhok.
Parang wala na nga ako sa sarili ko nang bigla kong abutin yung buhok niya. Nagulat siya, at nagulat na lang din ako. “Ang ganda ng buhok mo…” Potek! Anong pang sasabihin ko. “Anong shampoo mo…?” Baliw ka talaga Asher! Torpe mo! Ang tanga mo.
Napangiti lang siya, at parang nahihiya siya. Pero nararamdaman kong pareho kaming Masaya ngayong magkasama kami. “Nagka-boyfriend ka na ba? Gwynne?” At sa wakas na sabi ko rin.
“Never had one.” I knew it. She’s nothing like Hadwin.
“Bakit? Pihikan ka ba? I’m sure marami namang nanliligaw sa’yo.”
Tumingin lang siya sa malayo at nag-sigh. “Pihikan? Probably. Pero may isang tao na kasi akong hinihintay.” Tapos tumingin siya sa’kin. “Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa sigurado kung pareho kami ng feeling sa isa’t isa.”
“Kilala ko ba yung taong yun?” Ako yun diba?
Pero hindi siya umimik at umiwas na siya ng tingin sa’kin. What am I waiting for? Tapos nag-ring na yung school bell. Tumayo siya dahil time na para sa next class niya. Pero bago pa man siya umalis, hinawakan ko ang kamay niya.
Nagulat siya at napatingin siya sa’kin. I examined her face, at alam kong parehong malakas ang kabog ng puso namin.
“Bakit? Ash…?”
I smiled. Dahil pumasok sa isip ko ang pinaka-magandang salitang pwede kong gamitin sa mga oras na ‘to.
“That someone you’re talking about, he’s also waiting for you. And he feels the same way.”
Nanlaki yung mga mata niya. Hawak ko parin yung kamay niya. But this time, I held it tightly.
“I’m thinking if you would you like a confession as a birthday gift?” Napalunok ako waiting for her answer. What would it be?
Then she smile back. “Then I’ll have to wait till then.”
“But will you accept it?”
“It’s my birthday gift! What do you think?”
Ngumiti siya and I let her go. Kailangan na kasi niyang pumasok for her next class. Pero lumingon muna siya ulit bago siya tuluyang umalis. At naiwan na ulit akong mag-isa. Sana birthday na niya, because now I’m sure what will happen when that day comes.
* * *
“Kuya Ash! Ano ba yun?” Nangungulit nanaman ‘tong si Silly. Pero hanggang ngayon, ecstatic pa rin yung feeling ko kahit ilang araw na rin ang nakakalipas nung na-solo ko si Gwynne.
Pinalo ako ng unan ni Cecily npara matauhan ako. “Adik ka ba? Ano bang sasabihin mo?” Pasalamat ka nasa mood ako.
Tapos pinakita ko sa kanya yung necklace na nabili ko. Tinitigan niya ‘to at hahawakan niya pa sana kaso ibinalik ko agad sa lagayan yung kwintas. “Ang ganda noh! Regalo ko kay Gwynne bukas sa birthday niya.”
Nung sinabi ko yun, ito lang yung simpleng sagot niya, “Ah.” Tapos nag-computer na lang siya ulit.
“Maganda diba! Bakit yan lang reaction mo?”
“Pwede na. Kahit ano naman magugustuhan ni Gwynne, hindi naman materialistic yun.” Yun lang? Pwede na?
“Kunwari ka pa!” Alam kong maganda ‘to at magugustuhan din ito ni Silly. Paano, nung binili ko kasi itong kwintas na ‘to iniisip kung ano yung mga design na gusto ni Silly. Panigurado kasi, magkapareho lang sila ng taste ni Gwynne. “Kabisado kita Silly! Sabihin mo nang maganda! If I know, gusto mo rin ng ganitong kwintas.”
Hindi niya ako pinansin. Epal talaga ‘to. Kaya nilabas ko ulit yung kwintas para ilapit sa mukha niya. Kapag hindi niya kasi nagustuhan ito, baka hindi rin magustuhan ni Gwynne. “Uy Silly! Ano ba! Maganda naman diba.”
Iniwas niya yung mukha niya. “Wag ka ngang magulo! Magugustuhan niya yan, tapos!”
“Sungit nito.” Tapos para lambingin siya, tutusukin ko sana ulit yung ilong niya, dahil gustung-gusto niya yun kapag ginagawa ko. Pero iniwas niya yung mukha niya kaya hindi ko nagawa. Bakit?
“Umuwi ka na nga sa inyo Kuya Ash. Ang gulu-gulo mo eh.” Sungit talaga! Kinurot ko na lang pisngi niya.
MaNhid ka kaSi soBra asH,,, nahuHurt aq paRa kaY siLLy,,,
ReplyDeletekainis si Ash!! Hindi nya ba alam na yung pag ano nya sa ilong ni Silly ay para lang talaga sa kanya?? Arghh!
ReplyDeleteEdi kayo na sweet!!! Jusmio!!! Ash and Gwynne!!! Wala bang Had and Silly? Hahaha! XD nakakaawa na kasi si Silly, puro sakit nalang! Huhuhu~
ReplyDelete