Friday, October 14, 2011

Sister Complex : Chapter 4 Part 1

Chapter 4
First Fight
(Asher Carillo POV)


“How’s the movie?” Tinanong agad ni Gwynne sina Cecily. After two hours kasi, nagkita-kita na ulit kami.


“It wasn’t scary at all. Ikaw? Nabili mo ba yung librong hinahanap mo?” Smiley Aba! Matino na ulit kausap si Silly.



“On-sale siya kaya nabili ko.” Sagot ni Gwynne kay Silly.



Kanina, paiba-iba ang mood nitong si Silly. Ang hirap basahin. Bakit nagbago ulit ang mood niya after nilang manood ng sine ni Hadwin… hindi kaya… “Grabe kapatid mo! Ang tapang ha! Hindi man lang natakot o tumili.” Smiley Kaya nga ako pumayag na manood silang dalawa ng sine dahil hindi naman tumatalab kay Silly ang horror movies.



“Bakit ikaw? Natakot ka?” Sus, if I know. Gagawa ng paraan itong kumag na ‘to na mahulog ang loob sa kanya ni Silly. Buti na lang hindi basta-basta itong batang ito..



“Oo! Lahat naman sigawan eh! Pwera lang siya.”




Anyway, baka abutin pa kami ng dilim. Sa ayaw ko man o sa hindi, “Time to go na. Gagabihin na kami ni Silly.” Nag-uusap pa sila tungkol sa movie, pero nagba-bye na din si Silly. Tumingin naman ako kay Gwynne, “Gwynne, ingat kayo ha.” Smiley



“Sure! Bye-bye!” Ayoko pa talagang magba-bye eh, pero sige. Next time na lang ulit.



Smiley “Uy sige Silly! Next time na lang, text na lang kita ha!” Wait ano daw?



“Okay! Bye!” Sagot ni Silly. Close na sila…? Agad?



Umalis na sila Hadwin at Gwynne, at naglalakad na din kami ni Silly papunta sa car park ng mall.



Smiley “Ano yun? Silly na rin tawag sa’yo ni Hadwin? May next time pa? Text-text na lang?” Nabi-bwiset talaga ako. Smiley Imbes masaya dapat ako dahil nakasama ko ang dream girl ko, heto pinoproblema ko ang batang ito.



“Masama bang tawagin niya akong Silly? Lagi niyang naririnig sa’yo yun eh! At tsaka, same school lang tayo! Talagang may next time pa!” Aba!!! Ang galing nang sumagot ha!  Smiley “At cellphone ko ‘to! Simcard ko! Number ko! Masama bang ibigay ko sa kanya number ko?”



“Masama kasi sinabi kong mag-iingat ka sa lalaking yun! Unti-unti nang lumalakas ang boses namin pareho.



Nasa car park na kami, sa harap ng motor ko. Nakatingin lang siya sa’kin. Akala ko magso-sorry siya, pero sinuot niya agad yung helmet niya sabay sabing, “Tara na, gusto ko nang umuwi.” Smiley Umupo siya sa motor nang padabog.



“Ayos ha! Nagmamaldita ka!?!” Kanina, ang taray niya. After niyang manood ng sine, matino na siya ulit kausap. Ngayon nag-iinarte siya ulit! Gulo talaga ng utak ng babaeng ‘to! Sa asar ko, sinabi ko tuloy, “Baba!!!” Hindi siya nakinig. Smiley “Baba!!! Ayokong maghatid ng mga batang pasaway!”



At bumaba nga siya at sinuntok ako sa balikat ko. First time niya lang tinotoo ang pagsuntok sa’kin. “ARAY HA!!! Ano bang problema mo!?!”



“Ayoko nang magpahatid sa’yo!” Smiley Sigaw niya.



Smiley “Eh di wag!!!” Sumakay ako at pinaandar ang motor at iniwan si Silly sa carpark. Aba! Sinong tinakot niya!




*     *     *
(Cecily Gonzaga POV)



Iniwan nga niya ako? Anong gagawin ko dito sa carpark? Hindi na siya bumalik kaya pumasok na lang ako ulit sa mall. Tapos naupo akong mag-isa sa food court. First time ko lang nasuntok nang malakas si Asher. Ewan, nung kinausap niya kasi ako at tinanong tungkol kay Hadwin, naasar ako. Smiley Pwede naman kasing manahimik na lang hanggang umuwi kami, nagtanong-tanong pa! Sarcastic na tanong ha!



Yan tuloy, iniwan niya ako. Tinotoo nga niyang hindi ako ihahatid. Smiley At ang nakakahiya pa, suot-suot ko pa ‘tong helmet hanggang dito sa loob. Ngayon lang napansin, kaya katatanggal ko pa lang.



Tumulo bigla luha ko. Smiley “Wala pa naman akong panyo…” tapos bigla kong naalala na pinahiram pala sa’kin ni Gwynne yung panyo niya kanina.



Ano ba!? Bakit ba ang bitter ko? Hindi pa nga nagiging sila, ang sakit-sakit na!



I tried to be nice with Gwynne naman ha. Hindi ba niya napansing bumait akong kausap kanina. Inuntog ko ulo ko sa lamesa, medyo malakas na medyo mahina. Nasaktan ako na parang hindi. Paano ako uuwi niyan? Paano na kami ni Asher? Smiley




*     *     *
(Asher Carillo POV)



Smiley Nakakairita! Ang isip-bata talaga nun! Bahala nga siya… Teka…



Paano siya uuwi? Ang bilis ng takbo ko pero bigla akong nag-stop. “Ay sh*t naman!!!” Iniwan ko nga ba talaga si Silly sa mall? Paano uuwi yun? Paano na kami? Kaso bigla akong natawa. “Sh*t! Suot pa niya yung helmet!!!” Smiley



Mabilis akong bumalik sa carpark. “Nasaan na yun?” I tried calling her, hindi siya sumasagot. Ang arte ha! Buti na lang may GPS tracker ang phone ko! Nandito pa siya sa mall. Hindi pa siya umaalis. Wala naman kasing pera yun. Hindi pa marunong bumiyahe nang mag-isa yun.



Pumasok ako sa mall. Nasan ba yun!!! Baka nandun sa petshop! Smiley Mahilig sa pusa yun eh. Pagdating ko, wala siya. Ay! Baka nandun sa favorite souvenir shop niya! Madaming gamit dun na cat design eh. Smiley Pagdating ko, wala din siya. Saan bang lumalop nagpunta yun? Tapos bigla akong napatingin sa isang panyo na may cute na cat design. Mabili nga, sigurado umiiyak yun.



Tapos naglaka-lakad ako. Kinakabahan na ako, nasaan na ba si Silly? Napa-isip ako, pwede kayang ipa-page? “Sa mga taong naririto. Kung sino man ang nakakita sa isang babaeng may pink na helmet at mukhang bata, nakikiusap kaming dalhin siya sa information booth.” Ano ba yan! Kung anu-ano pang kalokohan naiisip ko.



Then napatigil ako. May isang batang nakaupo sa isang table dun sa food court. Yun yung pink helmet ni Silly. “Si Silly nga!!!” Lumapit ako. Umiiyak nga, patay! Tapos kinalabit ko siya.


“Uy…” Tumingin siya sa’kin, mugto agad mga mata niya. Smiley Nung ibibigay ko na yung panyong binili ko kanina, nakita kong may hawak na siyang panyo. “Kanino yan? Kay Hadwin?”



“Hin…hindi!” Humihikbi pa siya. “Kay *hikbi* Gwynne.” Ayan! Sa sobrang iyak niya, hindi na siya makasalita nang maayos. Pero kasalan ko rin naman eh…


“Sorry.” Smiley Wow! Sabay naming nasabi yun. Natawa siya. Natawa na din ako.


“Gusto mo ng tubig?” Tumango siya kaya bumili ako ng tubig at pinainom ko sa kanya. Naubos niya yung isang bote, tapos nakahinga na siya ng malalim. Smiley



“Sorry na… maiiwan ba kita. Joke lang yun.” Pagkasabi ko nun, naiyak siya ulit. Siya naman yung nag-sorry. “Oh! Wag ka nang umiyak! Sorry na nga eh.”



“Sorry din… masakit ba yung suntok ko?” Smiley Actually, oo. Sobra!



“Hindi! Parang dinapuan nga lang ako ng lamok eh.” Smiley Natawa siya ulit. Napatingin ako sa relo ko, 7 PM na. Patay kami nito. “Oh, uwi na tayo?”



Tumayo siya at basang-basa yung panyo niya, kay Gwynne pa naman yun. “Oh gamitin mo na ‘to.” Pinunasan ko mukha niya. “Tara nga dito.” Smiley At niyakap ko siya. “Sorry na ha. Tara uwi na tayo.” Kinuha ko yung helmet niya at hawak ko lang nang mahigpit yung kamay niya hanggang makarating kami ulit kami ng car park. This time tatahimik na talaga ako.



Tahimik din siya. At hindi na kami nag-imikan hanggang makauwi kami at pareho kaming pagalitan nina Tito Al at mama. Smiley After nun, pumasok siya sa kwarto niya at kami naman ni mama, umuwi na sa bahay.



Sa kwarto ko napaisip ako. “First real fight namin ‘to ha.” Napakamot ako ng ulo. SmileyAno ba naman kasi Ash!



 End of Chapter 4 Part 1


4 comments:

  1. superkaduper naman aqng naiyak d2 sis!!!

    post mo na rn kya 'to sa PF!!!

    ReplyDelete
  2. aNg swEeT kayA niLa sa isat isa,,, siGh,,,

    ReplyDelete
  3. I Smell Fishy kay Ash ah . :D

    ReplyDelete
  4. Wagas si Ash naman kasi makapag tanong kay Silly eh! XD dapat nga masaya ka na diba? Dapat hinayaan mo nalang sila :p wala eh! Baka naman selos ka na niyan? BWAHAHAHA! Joke lang! Anyways, ang sweet lang nilang dalawa! I mean, pwedeng-pwede na ngang maging Kuya! At natawa ako dun sa naisip niyang i-page ha. Ayos ang description -__- mwahehehe.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^