Regene’s POV
“MAGANDA pa ako sa umaga niyo!!” masiglang bati ko kay Sel at
Addy, nang makapasok ako sa locker room ng pinagtatrabahuhan ko. Isang linggo
palang ako dito pero agad ko silang nakasundo.
“Mas maganda ako, good mood ka ata?” pansin ni Sel.
Ngumiti ako ay nagsimulang mag-ayos bago sumagot sa kanya.
“Masaya lang ako, kasi alam niyo na break na kami ng boyfriend
ko.”
“Wow ha, sa lahat ng nakipagbreak ikaw lang ang nakita kong
masaya.” komento naman ni Addy.
“Wala naman akong dapat ikalungkot e, hindi naman ako ‘yung
nawalan e, siya naman. Sa ganda kong ‘to?”
“Edi ikaw na!” magkasabay nilang sabi.
Totoo naman ang sinasabi ko, bakit ako malulungkot? Siguro, ay
nalungkot ako mga isang oras,tapos na ayos na ulit ako. Sanay narin naman akong
iniiwan ng mga tao sa paligid ko. Wala nga kasing forever diba?
“Pero bakit ba kayo nag break, Reg?” tanong ni Sel.
“Nagseselos ako dun sa kasama niya sa trabaho, nag-aaway kami.
Sinaksak ko sya ng kutsilyo. Ayun comatose.” pagkukwento ko. Parehong nanlalaki
ang mga mata nila sa sinabi ko, kaya agad kong binawi ang mga ‘yun.
“Joke!!” ngising- ngisi kong sabi. Halatang nakahinga sila ng
maluwag.
“Wag ka ngang nagbibiro ganyan!” reklamo ni Addy. “Pero third
party ang dahilan, teh?” pag-usisa parin ni Sel.
Tumango ako. “Narealize niya daw kasi na hayop pala siya at mas
gusto niya kasama ang mga kagaya niyang hayop. Dyosa lang naman ako kaya hinayaan
ko na.” masiglang pagkukwento ko. Napailing nalang sila sa akin.
“Hay nako, tara na nga sa labas naka magbeast mode na naman ‘yung
amo natin.” aya sa amin Addy.
Hindi pa naman ganun kadami ang tao sa restaurant pero may isang
nakaagaw ng atensyon ko.
“Uy, Regene andyan na naman ‘yung admirer mo oh!” Napansin
din pala ni Addy ang lalaking iyon. Si Marcus.
Pangalawang araw ko ‘nun dito ng kumain sya dito. Sobrang
nakakailang ‘yon dahil simula nang makita niya ako hindi niya na inalis ang
tingin niya sa akin. Hindi pa natapos doon dahil hiningi niya pa ang number ko
pero dahil maganda ako hindi ko binigay.
“Patulan mo na yan Reg, tutal naman single kana. Gwapo naman saka
mukhang mayaman naman siya.” suhol sa akin ni Sel. Inirapan ko lang siya.
“Magtrabaho na nga tayo.” aya ko sa kanila.
Marcus
POV
“Matunaw yan, pre.” kantyaw sa akin ng kaibigan ko. Hindi ko siya
pinansin at pinagmasdan ko lang si Regene.
“Sigurado ka bang siya ang sinasabi mong nagligtas sa buhay mo?
Bakit hindi ka niya kilala?” Doon ako napaharap sa kanya.
“Sigurado ako.” mariin kong sabi.
“Hindi naman ganyan ang itsura ng pagkakadescribe mo sa kanya,
mula sa kulay, haba ng buhok niya pati sa pananamit.”
Marahas na tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng matatalim na
mga tingin.
“Woah, chill ka lang. Nagtatanong lang ako, hindi mo naman kasi
dinetalye.”
Sinamaan ko sya ng tingin. “Hindi ko na kailangan pang idetalye
ang nangyari nang gabi iyon.”
Tinaas naman niya ang kamay niya para bang sumusuko.
“Okay, okay wala namang problema dun unless may tinatago ka.”
“Wala.” simpleng sagot ko at ibinalik ang tingin ko kay Regene.
Kung mayroon man akong itinatago ‘yun ay ang mga emosyong nakita
ko kay Regene ng oras na yun. Mga emosyong handa kong protektahan.
Napatayo ako ng nakita kong paalis na pala siya. Mabilis na
lumapit ako sa kanya.
“Regene.” tawag ko. Medyo nagulat siya sa pagkakatawag ko.
“A-ah, Hi?” naiilang na sabi niya. Ngumiti ako sa kanya. “Pauwi ka
naba?”
“Hindi pa siya uuwi, papasok palang siya.” pilosopong singit ng
isa sa mga kasama niya. Addy ata ang pangalan. Nakita ko sa gilid ng mga mata
ko ang pagsaway ni Regene sa kaibigan niya.
“Ah oo, bakit?”
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy at tinanong ko na siya. “Pwede ba
kitang ayain magdinner?”
“Hindi siya tatanggi!!!” sabay
na sabi ng mga kaibigan niya. Tinulak pa siya ng mga ito.
DINALA ko si Regene sa isang sikat na restaurant, masarap ang
pagkain dito kaya dito ko siya dinala dahil siguradong hindi ako
mapapahiya.Napansin ko ang pagkailang sa nga mata niya kaya hinawakan ko siya
sa kamay. Mukhang nagulat siya pero hindi naman niya ‘yun inalis.
“Gusto mo bang lumipat tayo sa ibang lugar?” tanong ko nang
maramdaman ko panlalamig ng mga kamay niya.
“A-h hindi. Okay lang naman dito.Medyo kinakabahan lang ako.”
pilit na ngiti ang binigay niya sa akin.
Humarap ako sa kanya at binitawan ang kamay niya, dinala ko ang
mga kamay ko sa mukha niya.
“Wala kang dapat ipag-alala, sag kang kabahan nandito lang ako
para sayo. Hinding -hindi kita papabayaan.”
Regene’s POV
IT’s been two weeks simula ng mag dinner kami ni Marcus. Hindi ko
alam kung bakit sobrang komportable ako sa kanya.
May mga pagkakataon na naiisip ko na magkakilala na kami dati pa,
pero hindi ko naman maalala kung saan at kailan.
Pero hindi na naman mahalaga ‘yun. Tutal lahat naman ng nangyari
sa nakaraan kinakalimutan ko na. Hindi ko na ‘yun kailangan sa buhay ko.
Day -off ko ngayon at tamad na tamad akong bumangon. Medyo hindi
rin kasi maganda ang pakiramdam ko. Kanina nga napaiyak ako sa hindi malamang
kadahilanan.
Biglang sobrang lungkot ko na naiisip ko nadin yung mga what if’s
sa aming dalawa ni Marcus.
Matatanggap niya na ang isang katulad ko? Mamahalin niya na ako?
At dahil sinagap ko lahat ng negative vibes sa mundo ngayon araw
na ‘to, alam kong hindi niya matatanggap ang madilim na mundong meron ako.
“Regene?!”
Napabangon ako bigla ng may sigaw akong marinig sa Apartment na
tinutuluyan ko.
Marcus!
Kahit na tamad na akong kumilos pinilit ko paring lumabas ng
kwarto ko. Halos masira na ang pinto ng tinutuluyan ko dahil sa pagkatok
niya.
Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay bigla niya akong niyakap,
mabilis naman na tinulak ko siya.
“Regene, what’s wrong?” tanong niya para bang hirap na hirap siya.
“Umalis kana. Wala akong problema.” No!
Wag kang umalis! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Bakit ba ako
nagkakaganito?!
Akala ko ay aalis na siya pero niyakap niya parin ako at mas
mahigpit at hindi ko na magawang humiwalay sa kanya. Nagsimula namang
magsituluan ang mga luha sa mga mata ko.
“Sshh… tahan na. Hindi kita iiwan. Kung ano man ‘yang problema mo,
pag-uusapan natin yan.” Mahinahong sabi niya. Patuloy lamang ako sa pag-iyak.
Kahit gusto kong tumahan ay di ko magawa.
Mag-iisang oras na kaming nakaupo sa malapit sa pinto, patuloy
lang ako sa pag-iyak. Bigla nalang akong umangat sa pagkakaupo ng buhatin ako
niya ako at dalhin sa pinakamalapit na sofa. Doon ay niyakap niya padin ako ng
mahigpit. Hinahaplos haplos na niya ang buhok ko na para bang pinapakalma ako. Parang
kumalma naman ang sistema ko ng magsimula siyang kumanta.
You're my piece of mind in
this crazy world. You're everything I've tried to find. Your love is a pearl. You're
my Mona Lisa
Malamyos ang boses niya at
unti-unting nakalma ang sistema ko. Tumigil na ako sap ag-iyak ng minsan niya
pang ulitin ‘yung kinanta niya.
“Okay ka na ba?” tila nanantya
niyang tanong. Lumayo ako sa pagkakayakap niya at nagpunas ng mga luha ko, pero
bago pa man ako matapos sa pagpupunas ng luha ko ay hinawakan niya ang pisngi
ko at kusang nag-alis ng mga luha sa mata ko.
“Thank you.” Tanging nasabi ko.
Ngumiti naman siya sa akin. “Basta ikaw, nanginginig pa.” Hindi ko na napigilan
ang sarili ko at niyakap ko siya, mas mahigpit sa yakap na ibinigay niya sa
akin.
“Hindi mo naman ako iiwan diba?” tanong
ko sa kanya habang magkayakap kami.
Bahagyang humiwalay siya sa akin ay
hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
“Syempre, mahal na mahal kaya kita.” Nakangiting
sabi niya pa saka ako binigyan ng magaang sa ulo ko.
‘M-mahal mo ako?” gulat na tanong ko. Tumango
naman siya at niyakap ako ulit.
“Kahit moody ako?”
“Oo.”
“Kahit iyakin ako?”
“Yup.”
“Kahit na kakakilala palang natin?”
“Kahit na kakakilala palang natin.
Hindi naman kasi mahalaga kung gaano katagal magkakilala ang isang tao para
masabing mahal natin sila. Kusang nararamdaman ng puso ‘yon. At isa pa matagal
ka ng kilala ng puso ko.” Medyo nagtaka ako sa huling sinabi niya pero hindi ko
na gaanong pinagtuunan ng pansin. Mas sumiksik nalang ako sa kanya.
“Salamat, Marcus.” Madamdaming sabi ko.
“Hindi kita iiwan, Regene.’
Sana, sana talaga hindi niya ako iiwan.
“Wag ka munang pumasok bukas. Itetext ko si Sel na
hindi ka papasok bukas.” Napaangat ako
ng tingin sa sinabi niya.
“May number ka ni Sel?” May
himig ng pagseselos sa boses ko. Mukhang nahalata naman niya yun kaya simpleng
napangiti siya.
“Syempre, kinuha ko ‘yung
number niya para kapag hindi ka sumasagot sa text ko, may contact ako na
malapit sayo. Wala kang dapat ikase…”
“Hindi ako nagseselos!!” kontra
ko agad.
“Okay, okay. Pero wala ka
talagang dapat ikaselos kasi ikaw lang naman.”
“Akin ka lang. Gets mo?!” possessive
na sabi ko. Tumawa naman siya at hinalikan ako sa labi.
Marcus
POV
Nakangiti
ako habang binabasa ang mga messages ni Regene, napakaswee ng girlfriend ko.Kahit
minsan ay sinusumpong siya ng pagiging moody at pagiging selosa at iyakin niya naiintindihan ko naman. At
iintindihin ko parin kahit anong mangyari. Nangako ako na poprotektahan ko
siya.
Natigil ako sa pag-iisip ng
magring ang cellphone ko.
My
Regene calling…
Mabilis pa sa alas-kwartrong
sinagot ko iyon.
“Hon?” tawag ko sa kanya.
Kinabahan ako bigla ng marinig ko ang mahinang paghikbi niya. “Hon, what’s
wrong?” may pag-aalalang tanong ko.
“M-marcus…”tawag niya. Biglang lumakas ang pag-iyak niya. Mukhang
sinusumpong na naman siya.
“Nasaan ka?! Pupuntahan kita!”
may pag-aaalang sigaw ko. Sinabi naman niya kung nasaan siya. Nasa hospital
siya. Mas lalo akong kinabahan kaya daig ko pa si Flash sa sobrang bilis ng
kong makarating sa hospital.
Agad na hinanap ko si Regene,
pero sa halip na siya ang mahanap ko si Addy ang nakita ko.
“Nasaan si Regene?!” sigaw ko
sa kanya. Wala na akong pakialam kahit pa malamig ang tingin na binibigay niya
sa akin.
“Mag-usap tayo.” Seryosong sabi
niya. Umiling naman ako. “Kailangan ko munang hanapin si Regene.” Paikot-ikot
ang mata ko sa paligid nagbabakasakaling makita ko siya.
“Nasa isang kwarto na siya,
pinakalma siya kanina dahil nagwawala siya. Kailangan na nating mag-usap, Dr. Adam.” Napatango nalang ako at
sumunod kay Addy sa cafeteria ng hospital. Mangilan-ngilan lamang ang tao doon.
“Anong nangyari?” tanong ko.
“Sinubukan niyang lasunin si
Sel. Mabuti nalamang at matalas ang pang-amoy ni Sel kaya agad niyang nalaman
may lason ang pagkaing ibinigay ni Regene.” Mahabang pagkwekwento niya.
Hindi nga posibleng magawa ni
Regene ‘yon. Naalala kong pinagselosan nga pala niya si Sel kaya talagang
posibleng nagawa niya ‘yun lalo na sa estado ng mood na meron siya ng araw na ‘yun.
“This must stop, Dr. Hindi
habang buhay maproprotektahan mo si Regene. Hindi habang buhay, maiintindihan naming
ang ginagawa mo! Parang awa muna, wag mo ng hayaan na madagdagan pa ang mga
taong nasaktan dahil kay Regene. Kung mahal mo siya, ibalik mo na siya sa lugar
na ‘yun. Ibalik mo na siya sa llugar kung saan safe siya at safe ang mga tao sa
paligid niya.’ Pagsasamo ni Addy.
“Alam mong hindi ko pwedeng gawin ‘yon.” Nahihirapang sagot
ko.
“Bakit mahirap? Bakit ka
nahihirapan? Natatakot ka bang mawalan ng lisensya dahil sa nararamdaman mo
para sa kanya? Sana naisip mo ‘yan nung panahon pinagtatakpan mo ang mga
kasalanan niya. Nung mga panahong binabayaran mo ang mga lalaking muntikan na
niyang mapatay!”
Tahimik na tumayo ako at
tinungo ang kwarto kung nasaan si Regene. Hindi naman nagtagal ay iminulat niya
ang mga mata niya. Nanlalaki ang mga iyon at para bang takot na takot.
Mabilis na niyakap ko siya at
paulit ulit na sinabing mahal ko siya. Nakapagdesisyon akong gawin ang tama,
ibabalik ko si Regene sa Custodial Center, pero sisiguraduhin kong mararamdaman
niya ang pagmamahal ko sa kabila ng kalagayan niya.
Yes,
Regene is not like a normal people she is diagnosed with Bipolar Disorder, but
it doesn’t change the fact that I love her.
Note: 2000 words hindi kasama
ang title at ang note na itu. Hihi. Sorry na Inay Ruijin kung ginawa kitang
bipolar. XD Pero malalapit talaga sa puso ko ang mga bipolar people, kasi
kagaya nila ko. Chos. Nagkaroon kasi ako ng firsthand experience nung OJT namin,
and somehow nalulungkot ako para sa kanila. Alam naman atin lahat na
napakahirap kapag emosyon na natin ‘yung kalaban natin, gaano pa kaya kahirap
kapag hindi mo na mismo macontrol ung emosyon na ‘yun. One time masaya ka tapos
bigla kang malulungkot as in extreme na lungkot. Napakahirap,maymga tendency
din na makapanakit sila ng ibang tao, kaya madalas silang najjudge, pero sana
bigyan pa natin sila ng pagmamahal at pang-unawa kasi yun tlga ang kailangan
nila. :* Mwaaps.
Ella.
Ps. Hindi ko pa nadodouble
check, pasensya po sa errors.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^