“How To Save Your
Heart : Usapang M.U”
(MARIE’s POV)
Nagising
ako na may nakakakiliting bagay na gumagalaw sa ilong ko. Hinawi ko ‘yon. And
when I opened my eyes, I saw those two beautiful eyes that I so loved to stare
at.
“Hi, babe. Ba’t dito ka sa damuhan natutulog?”
“Nakatulog pala ko.” Bumangon ako paupo.
Nakita kong may hawak siyang damo sa kamay niya. Yun siguro yung bagay na
kumikiliti sa ilong ko na naging dahilan para magising ako na nilagay niya sa
bibig niya at pinaglaruan.
“Hulaan ko. Binasahan ka ni Erwan ng kwento noh?”
Ang seven years old kong pamangkin ang tinutukoy niya.
“Oo.” Kinusot ko ang mga mata ko. “Kwento ni Juan Tamad yung binasa niya. At dito sa
ilalim ng puno ng bayabas niya gustong basahin ‘yon.” May puno ng
bayabas kasi kami dito sa likod ng bahay namin.
“Ang lakas talaga ng trip ng pamangkin mo noh?”
“Ewan ko ba do’n. Simula nang matutong magbasa, naging trip
na niyang basahan ng kwento yung mga taong nasa paligid niya. Kaya lang sa
bagal niyang magbasa, siguradong aantukin yung makikinig.”
Hinaplos
niya ang buhok ko. “Kawawa naman ang
babe ko. Iniwan na lang na natutulog dito ni Erwan.”
“Okay lang. Inaantok na rin naman talaga ko kanina bago
niya ko basahan. Dito gusto ni Erwan kaya umoo na lang ako. Saka, malinis naman
dito sa damuhan, eh.”
Tinapon
niya ang damong kagat-kagat niya at humiga sa hita ko na hilig niyang gawin. “Ang tiyaga mo talaga kay Erwan noh?”
Sinuklay-suklay
ko ang may kahabaan niyang buhok gamit ang kamay ko. “Syempre,
pamangkin ko ‘yon, eh. Wala dito ang parents niya kaya dapat lang na alagaan ko
siya kahit pa sabihing may yaya na siya.” Nagtatrabaho kasi sa ibang
bansa ang parents ni Erwan. “Saka yun na
nga lang ang trip niyang gawin, hihindian ko pa ba siya? Eh kasi naman yung isa
dyan.” sabay pitik ko sa ilong niya.
“Bakit?” natatawang tanong
niya.
“Tama daw bang takbuhan si Erwan kapag sinabi niyang
babasahan ka niya ng kwento?”
“Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa niya the last time
na basahan niya ko ng kwento.”
And
it was my turn to laugh. Nakakatawa naman kasi yung itsura niya no’n. Nakatulog
kasi siya nang basahan siya ng kwento ni Erwan. And in return, drinowing ni
Erwan ang mukha niya gamit ang pentlepen. Nahirapan kaya siyang tanggalin ‘yon.
Yun na rin ang una’t huling binasahan siya ng kwento ni Erwan dahil lagi na
niya itong tinatakbuhan kapag kukwentuhan na siya ng pamangkin ko.
“Tawa pa.” Tinakpan niya ang
bibig ko. “Bias din ‘yang pamangkin mo, eh.” Inalis
ko ang kamay niya sa bibig ko. “Pag ikaw ang
nakakatulog, hindi niya ginagawang sketch pad ang mukha mo.”
Nakangiting
humalukipkip ako. “Gano’n talaga.
Ang pangit mo daw kasi, eh.”
“Pangit pala hah!”
“Ay!” Sinundot niya kasi ang
magkabilang kili-kili ko. “Ano ba! Isa
hah!” Pinandilatan ko siya. But knowing him, di siya titigil
hanggang sa siya mismo ang huminto. Malakas kasi ang kiliti ko kaya
gustong-gusto niya kong kilitin. Sinundot na naman niya ang kili-kili ko kaya
ang ginawa ko, tinulak ko ang ulo niya paalis sa hita ko. Tumayo ako. Gano’n
rin siya.
“Andyan na ko, babe.”
ngiting-ngiting sabi niya habang pinapagalaw-galaw niya ang mga daliri niya.
Para
tuloy kaming mga batang naghabulan hanggang sa loob ng bahay. Buti na lang at
wala ang parents ko kundi tiyak na mapapagalitan kami sa kaingayan namin.
Nakarating
kami sa sala kung nasa’n si Erwan at ang yaya niya. At kung sa’n rin niya ko
na-corner. Pero sa halip na kilitiin, nakayakap lang siya sakin mula sa likuran
ko.
Tinampal
ko ang braso niya. “Uy, may bata
dito.” bulong ko sa kaniya.
“Saglit lang. Namiss kita, eh.”
Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sakin.
Napangiti
ako. “Namiss? Baliw ka talaga noh?
Kahapon lang tayo huling nagkita noh.”
“Oo nga. Eh anong magagawa ko? Namiss kita, eh. Araw-araw
kaya kitang namimiss, babe. Para kang hangin na araw-araw kong kailangan.”
“Ang korni mo!” natatawang sabi ko
pero deep inside, shems! Kinikilig ako!
May
nag-ring na phone. Humiwalay siya sakin. Phone niya yung nagriring. He answered
it. “Hello po.” He paused. “O sige pupunta na po ko.” He ended the
call and looked at me. “Babe, punta na
ko sa work ko.”
May
part time job kasi siya bilang assistant photographer ngayong Christmas
vacation. Hindi naman niya kailangang magtrabaho dahil pinapadalhan naman siya
ng papa niyang nasa Canada. Wala rin namang magawa ang mama niya dahil masaya
daw siya sa ginagawa niya. At naiintindihan ko naman siya sa bagay na ‘yon.
Photography kasi ang course niya. At third year na siya.
“Sige. Reminder lang.” Malilimutin kasi
siya, eh. “Sa 26, birthday ni Shimi. Sa 29
naman, birthday ni Mia.” Pinsan ko si Shimi. Classmate and blockmate
ko naman si Mia sa course na Nursing. Second year na kami.
“Oo nga pala. Nakalimutan ko.”
See? “Sa 26, makakapunta ko.”
“Sure ba ‘yan hah?”
“Promise.”
“Himala. Nagpromise ka na ngayon. Mukhang sure na nga
‘yan.”
“Oo nga.” Ginulo niya pa ang
buhok ko. “Pero sa 29, I’m not sure. May
photoshoot kasi kaming naka-schedule no’n. Pero try ko pa ring humabol.”
“Sige. Sabi mo ‘yan, ah. Ingat ka.”
“Ikaw rin.” And before he left,
he kissed my forehead.
Who
is he? That’s Kirby. He’s my—
“Ang swet talaga ng
buyprend mo, Marie.”
Napalingon
ako sa yaya ni Erwan. Nginitian ko siya.
“Ang swirte mo
talaga sa kaniya. Piro syempre, swirte rin siya sa’yo.”
“Oo nga po.” nakangiting
pagsang-ayon ko. “Sige, Ate Neng, sa kwarto
lang po ako.” At sa pagtalikod ko, unti-unting nawala ang ngiti ko.
Ang
swerte ko talaga kay Kirby. Mabait. Masipag. Matalino. Sweet.
Ang
swerte ko talaga sa kaniya.
Kung
sana lang…
* * * * * * * *
“Babe!”
Kilala
ko kung kaninong boses ‘yon pero hindi ako lumingon sa likuran ko.
“Marie!”
Hindi
pa rin ako lumingon. Hanggang sa may pumigil na lang sa braso ko kaya napahinto
ako sa paglalakad.
“Sorry, Marie.”
Lumingon
ako sa likuran ko. “Sorry for
what?”
“Wag mo naman akong tingnan ng ganyan.”
“Edi wag.” Iniwas ko ang tingin
sa kaniya.
“Fine. Tingnan mo na ko.”
Tiningnan
ko siya. “Ano?” Humalukipkip pa
ko.
“Sorry kung hindi ako nakapunta kagabi sa birthday ni
Shimi.”
“Otapos?”
“May biglaan kasi kaming photoshoot. Late na natapos.
Hahabol sana ko kaya lang nakatulog naman agad ako pagdating ng bahay dahil sa
pagod. Ang layo kasi ng venue namin.”
Ilang
beses nang nangyaring pinaasa niya ko pero hindi ko siya sinumbatan dahil in
the first place, wala akong karapatang gawin ‘yon. Nasaktan ako pero hindi ko
pinaramdam sa kaniya ‘yon. Pero ngayon kasi, nangako siya na pupunta siya.
Nangako siya kaya hindi ko mapigilang hindi iparamdam ang tampo ko sa kaniya.
“Sana man lang nagtext ka. You promised me, Kirby. Sana
hindi ka na lang nagpromise kung hindi mo naman tutuparin.”
“Nalowbat ako. Sorry.”
“Sana man lang nak—”
“Sana man lang ano?”
“Wala.” Sana man lang nakitext siya. Yun
sana ang sasabihin ko pero buti na lang napigilan ko ang sarili ko. Sino nga ba
ko sa buhay niya para mag-demand ng ganito sa kaniya?
“Sana man lang ano, Marie?”
Mangungulit
lang siya kung ano ‘yon kaya… “Sana man lang nakitext
ka.” hindi tumitinging sabi ko.
“Lowbat ako diba? Hindi ko naman kabisado yung number mo.”
Tama
siya. Dahil maski sariling phone number niya, hindi niya kabisado. Malilimutin
nga siya diba?
“Pinapatawad mo na ba ko?”
“Next time, isulat mo yung number ko sa papel at ilagay mo
sa wallet mo.” Hindi ko na pinigilan ang sarili kong
sabihin ‘yon. Ni hindi nga ako makatingin ng deretso sa kaniya. Hinintay ko
yung reaksyon niya.
“Okay. Masusunod.”
When
I looked at him, he was smiling.
“Hindi ka na galit?”
“Galit ba ko?” Nagtampo, oo. Pero
magalit sa kaniya? Parang hindi ko ata magagawa ‘yon.
“Oo.” Bahagya pa kong nagulat nang
yakapin niya ko. “Sorry, ah. Hindi ko na
uulitin. Don’t worry, babawi ako. Sa birthday ni Mia, pupunta ako.”
“Yan ka na naman.”
“Hindi na ko magpa-promise. Pero by hook or by crook,
pupunta talaga ako.”
“Okay. Sabi mo ‘yan, ah.” Eto na naman
ako. Aasa na naman ba ko?
“Ayoko na kasing magalit ka sakin.”
Pero
pa’nong hindi ako aasa kung sa mga salita niyang ‘yan ang nagiging dahilan para
umasa ako. “Bakit?”
“Hindi kasi ako sanay. Ayoko ring bigyan ka ng dahilan para
magalit ka sakin. Baka mamaya, hindi mo na ko pansinin. Ayoko no’n.”
Ang
O.A niya diba? Pero dahil rin sa mga salita niyang ‘yan, kahit hindi niya
sabihin, nararamdaman kong importante ako sa kaniya. Assumera ko ba? Pero ikaw
ba ang sabihan niya ng ganyan, hindi ka ba mag-aasume na may nararamdaman din
siya sa’yo?
Kaya
nga ang puso ko, hindi ko rin mapigilang hindi mag-assume na…
“Kaya pupunta ako sa birthday ni Mia.”
...na
mahal rin niya ako.
We
stayed that way for a couple of seconds until someone interrupted us.
“Hoy! PDA ‘yan, ah!”
Humiwalay
agad ako kay Kirby. I saw his friends, Tristan and Emrey
grinning at us.
“Inggit lang kayo!” sabi ni Kirby sa
kanila.
“Bakit ako maiinggit? Ang dami ko kayang chicks.”
nakangising sabi ni Tristan.
“Isa ba do’n si Mia, ‘tol?”
“Ulol!” Parang asar pa si Tristan nang
sabihin niya ‘yon.
Tinawanan
lang siya ni Kirby.
“Tol, tara.
Magpapainom si Tristan.” Emrey said.
“Bakit? Anong meron?” tanong ni
Kirby.
“Despedida para kay
Tristan. Aalis na siya bukas diba?”
“Oo nga pala.”
“Ulyanin ka talaga
kahit kailan.”
“Para namang taon siyang mawawala. Lalasingin mo ba kami,
Tristan?”
“Yung gagapang kayo pauwi. Ang tanong, papayagan ka ba ni
Marie?” tanong ni Tristan. “Marie,
pwede bang uminom si Kirby?”
“Hah?” Nakatingin silang tatlo sakin.
Hinihintay nila yung sagot ko. Ilang beses na bang nangyari ‘to? At ilang beses
ko na bang tinanong sa sarili ko na may karapatan ba kong wag payagan si Kirby
gano’ng hindi naman…
“Sige na. Umuwi ka na.” Kirby said.
Lumapit na siya sa mga kaibigan niya. “Sira ulo ka
talaga, Tristan. Ba’t naman niya ko hindi papayagan? Hindi naman kami.”
Narinig ko pang sabi niya bago sila umalis.
Yung
pag-asa at tuwa sa puso ko dahil sa mga sinabi niya kanina, parang unti-unting
nawala. Napalitan ‘yon ng kirot. Tama siya. Ba’t ko naman siya hindi papayagan
eh wala naman akong karapatang gawin ‘yon dahil baligtarin man namin ang mundo,
hindi kaming dalawa. Wala kaming relasyon maliban sa kung anong mero’n saming
dalawa ngayon.
Bakit
ko ba hinayaang mapunta ako sa ganitong sitwasyon? Hindi ko rin alam. Namalayan
ko na lang na ganito na kami. Namalayan ko na lang na mahal ko na pala siya.
Tumalikod
na ko at naglakad hanggang sa maramdaman kong may pumapatak sa braso ko.
Umuulan. Sumilong ako sa isang tindahan.
At
habang nakatingin ako sa pagpatak ng ulan, may pangyayaring bumalik sa alaala
ko. It was July when it happened. It was raining, too, when…
-
F L A S H B A C K -
Kalalabas
ko lang galing ng bookstore nang bumuhos ang malakas na ulan. Wala pa naman
akong payong. Walking distance lang ang bookstore hanggang sa bahay pero
mukhang wala akong choice kundi ang sumakay ng tricycle dahil mukhang galit na
galit ang langit sa lakas ng buhos ng ulan.
Nag-abang
ako ng tricycle na dadaan pero mukhang minamalas-malas nga naman ako, wala pa
ring dumadaan. Hanggang sa may taong naglalakad na napahinto sa harapan ko
dahil bumaligtad yung payong niya sa lakas ng hangin. Pilit niya yung inaayos
pero ayaw pa rin. Natawa tuloy ako nang mahina.
Alam
ko namang hindi niya ‘yon narinig pero napalingon siya sakin na parang narinig
niyang natawa ako. Tinakpan ko ang bibig ko. At siya? Nakatingin lang siya
sakin. Nakatingin lang siya na parang hindi siya aware na nababasa na siya ng
ulan.
“Kuya, umuulan. Gusto mo bang magkasakit?”
Saka
lang siguro niya narealize na nababasa siya ng ulan kaya sumilong rin siya
malapit sa tabi ko. Inayos niya yung payong niya.
Kilala
ko siya. Nung summer sila lumipat sa baranggay namin. Malapit lang ang bahay
niya samin. Kilala ko siya pero hindi kami close. Ni hindi nga kami nagpapansinan
at nagbabatian na dalawa. Nalaman ko lang ang pangalan niya dahil kay Ate Neng
na yaya ng pamangkin ko.
Wala
nang nagsalita saming dalawa. Hanggang sa...
♪♫
Cause you know it’s you babe… ♪♫
May
humintong tricycle sa bookstore at pumarada na may kantang tumutugtog.
“Whenever I get weary and I’ve had enough... Feel like giving up... You know it’s you babe...”
Parehas kaming kumakanta ng katabi ko. Naririnig ko
ang boses niya sa kabila nang malakas na ulan. But it didn’t stop me from
singing.
“Giving me the courage and the strength I need... Please believe that it’s true...”
I
looked at him when I felt that he was looking at me. And I was right.
Nakatingin nga niya sakin.
“Babe,
I love you...”
We
both smiled. “Favorite mo?” sabay naming tanong.
Napangiti na naman kaming dalawa.
Then
he extended his hand, “Kirby.”
I
accepted his hand, “Marie.”
-
E N D O F F L A S H
B A C K -
And
that were all started. We became friends. We became close. Until we became more
than friends but less than lovers.
Ang
akala ng mga tao sa bahay namin, kaming dalawa. Akala ng mama niya kami na.
Hindi ko ‘yon dineny. Hindi niya ‘yon dineny. At hindi na namin ‘yon
pinag-usapan pa.
Tanging
ang mga kaibigan lang namin ang nakakaalam kung anong status naming dalawa.
And
that ‘babe’ na tinatawag niya sakin, napagkatuwaan niya lang ‘yon dati nung
minsang asarin niya ko. At hindi ko na siguro kailangang sabihin kung sa’n
nanggaling ‘yon.
* * * * * * * *
“Matunaw ‘yang phone mo sa kakatingin mo.”
Napalingon
ako kay Mia.
“Ano bang ginagawa mo dito sa loob?”
Sa labas kasi ng bahay nila namin sine-celebrate ang birthday niya. Ando’n din
ang iba pa naming mga classmate.
“Baka kasi tumawag si Kirby. Masyadong maingay sa labas,
eh.”
“Kirby na naman.” Umupo siya tabi ko. “Wag mo na kasing hintayin ‘yon. Hindi ka na
nasanay do’n.”
“Sinabi niyang pupunta siya.”
“At ilang beses ka na rin ba niyang pinaasa?”
Ilang
beses na nga ba?
“See? Hindi ka makasagot diba? Kasi bilang na bilang mo sa
daliri ng kanang kamay mo kung ilang beses siyang hindi sumipot sa usapan
ninyo. You should always remember na hindi ikaw ang priority niya dahil hindi
naman kayo. So stop expecting, girl. Sinasaktan mo lang yung sarili mo.”
“Para namang hindi mo alam kung bakit.”
“Kasi mahal mo yung taong nararamdaman mong parang mahal ka rin pero never naman niyang sinabi
‘yon at never mo ring sinabi sa kaniya na mahal mo siya. Ang problema, hindi
naman kayong dalawa at puro ka lang pakiramdam. Walang label ang relasyon ninyo
maliban sa tinatawag na M.U. In short, magulong usapan.”
“Parang sa inyo ni Tristan.”
“Right. Parehas lang tayo ng sitwasyon. Pero alam mo, girl,
sa totoo lang mas okay pa yung sitwasyon ninyo ni Kirby, eh. Alam mo kung bakit?
Kasi wala kang ibang babaeng kaagaw sa atensyon ni Kirby kahit pa sabihing M.U
lang ang status ninyo.”
“Hindi katulad ni Tristan.”
“Oo. Hindi ‘yon mabubuhay na iisa lang ang babae sa buhay
niya.” Tinapik niya ang balikat ko. “Bago
pa kayo napunta sa ganyang sitwasyon ni Kirby, nauna na yung samin ni Tristan.
At alam mo ba yung unang-una kong natutunan para hindi ako ga’nong masaktan?
That I should never expect, never demand and never assume.”
“Pero bakit nasasaktan ka pa rin?”
“Dahil hindi lang magulong usapan ang M.U, masakit na
ugnayan rin ‘yon kaya kahit anong gawin natin para hindi tayo masaktan,
masasaktan pa rin tayo.”
I
sighed. “Bakit ba kasi hindi ko magawang
i-open sa kaniya yung sitwasyon naming dalawa?”
“Yan din yung tanong ko dati. At alam kong alam mo sa
sarili mo kung bakit.”
Tama
siya. Alam ko kung bakit. At ‘yon ang pumipigil sakin. Dahil natatakot ako.
Natatakot akong pag-usapan namin yung sitwasyon namin, kung anong mero’n kaming
dalawa, kung ano ba talaga. Natatakot ako na may magbago sa pagitan naming
dalawa pagkatapos no’n. Natatakot akong mawala yung closeness na mero’n kami.
Natatakot akong mawala siya dahil mahal ko siya.
Pero
sa kabila ng takot ko, hindi ko naman mapigilang hindi mag-assume na parehas
lang kami nang nararamdaman na dalawa dahil sa mga pinapakita niya sakin. Tuloy
hindi ko mapigilang hindi mag-expect at hindi mag-demand ng kung ano mula sa
kaniya dahil sa nararamdaman ko kahit pa sabihing literal na wala akong
karapatan.
Tama
si Mia. Masakit nga sa puso na mag-expect ka sa isang tao tapos paaasahin ka
lang pala. Masakit sa puso na magdemand ka sa kaniya tapos hindi naman pala
niya maiibigay. At masakit sa puso na mag-assume sa isang bagay tapos hindi
naman pala totoo.
“Pero, alam mo, Marie.”
Nilingon
ko si Mia na deretsong nakatingin sa harapan niya.
“Kahit natatakot tayo, kahit nasasaktan tayo,”
She smiled and looked at me. “Masaya pa rin
dahil nakakasama natin yung taong mahal natin diba?”
Unti-unti
akong napangiti. “Oo. Masaya pa rin.”
“Malay mo, mas higit pa sa ini-expect mo yung mangyari. Mas
maganda nang ma-surprise kesa sa mag-expect para lang sa wala diba?”
Tumango
na lang ako.
“So tara na sa labas? Mag-enjoy na tayo?”
“Sure.”
Lumabas
na kaming dalawa. Kinalimutan ko muna saglit si Kirby at nag-enjoy. Hindi ko na
nga namalayan ang oras hanggang sa mag-uwian na kami.
Nasa
labas na kami ng gate at nagtatawanan ng isang classmate ko nang...
“Marie.”
Napalingon
ako sa taong ‘yon. And I saw him. “Kirby.”
Humakbang
siya palapit sakin. He extended his hand to me holding a flower, a gumamela to
be exact.
Then
he said those words na parang nagpatigil ng ilang saglit sa pagtibok ng puso ko…
* * *
( KIRBY’s POV )
Summer
no’n nang lumipat kami ng bahay ni mama. Summer din no’n nang una ko siyang
makita. May kasama siyang bata na nalaman kong pamangkin niya pala nang tawagin
siya nitong ‘Tita Marie’. At do’n ko nalaman ang pangalan niya.
Gusto
ko sana siyang makilala kaya lang hindi ko alam kung pa’no ko siya ia-approach.
We are studying at the same university pero walang chance na makagawa ako ng
way para makilala ko siya. Hindi rin naman siya pala-labas ng bahay kaya walang
chance na makausap ko siya.
Pero
siguro, yung tunay na dahilan kaya hindi ko siya makilala at makausap man lang
ay dahil sa katorpehan ko.
Hanggang
sa dumating ang isang araw na hindi ko inaasahan. Umuulan no’n. Galing akong
school. Sa lakas ng hangin, bumaligtad yung payong ko habang naglalakad ako
kaya huminto ako para ayusin ‘yon pero ayaw namang maayos kaya nababasa na ko.
Naramdaman
kong may nakatingin sakin kaya napalingon ako sa kaliwa ko. There was a girl
who was standing in front of a bookstore and staring at me. I was stunned for a
moment nang makilala ko kung sino siya.
Tadhana
na ang gumawa ng way para makilala ko siya. So I grabbed that chance. We became
good friends after that. We became close na napagkakamalang kami ng mga parents
namin na hindi naman niya dineny kaya hindi ko na rin dineny. Hindi naman niya
inopen ang tungkol do’n kaya hindi ko na rin inopen.
Mabait
si Marie. Kahit pa sabihing marami ng pagkakataon na hindi ako tumutupad sa
usapan namin, hindi siya nagagalit. Siguro dahil wala lang sa kaniya kung
tumupad man ako o hindi. Wala lang sa kaniya dahil hindi naman kami parehas
nang nararamdaman. Ako lang yung nagmamahal. Sadyang mabait lang talaga siya
kaya iniintindi niya na pagka-malilimutin lang talaga ko at mahalaga sakin ang
trabaho ko.
May
mga pagkakataon na gusto ko sanang sabihin sa kaniya na baka naman pwedeng
totohanin na lang namin kung anong mero’n kami. Pero dahil nga torpe ako, hindi
ko magawang sabihin ‘yon. Natatakot din akong baka may magbago kapag sinabi ko
‘yon. Baka magbago yung pakikitungo niya sakin. Baka mawala siya sakin.
At
dahil sa katorpehan ko at sa takot ko, hinayaan ko na lang kung anong mero’n
kaming dalawa. Masaya rin naman ako dahil nasakin lang ang atensyon niya. Na
ako lang ang lalaki sa buhay niya.
Not
until this night came.
Kahit
pagod at late na para pumunta sa birthday ni Mia, pumunta pa rin ako. Nag-alarm
pa ko as a reminder na kailangan kong pumunta dito. Ayoko na kasing magalit
siya katulad nang nangyari nung isang araw. That was the first time at hindi
ako sanay.
Balak
ko sana siyang i-surprise pero ako ‘tong na-surprise seeing her happily talking
to some other guy. She was laughing. She was laughing at hindi ako ang dahilan
no’n.
Seeing
that scene, umatras ako at lumabas ng gate without them knowing it. Umupo ako
sa gilid ng kalsada. Pinitas ko pa yung bulaklak na nasa likuran ko lang at
pinaikot-ikot sa kamay ko habang naglalakbay ang isip ko sa kung saan.
I
was thinking of Marie. I was thinking about us. I was thinking if... I sighed.
Hindi
ko alam kung ilang minuto na kong nakaupo sa pwesto ko when I heard noises.
Napalingon ako sa gate nila Mia and I saw them. I saw her AGAIN laughing AGAIN
with that guy AGAIN.
Selfish
na kung selfish pero ayoko nang nakikita ko. Nagseselos ako! Pero anong
karapatan kong magselos kung hindi naman kami? Anong karapatan kong sabihan
siya na wag siyang makipagtawanan sa ibang lalaking hindi ko naman kilala ng
gano’n?
So
I have decided. Dahil ang tadhana na naman ang gumawa ng way para matauhan
ako...
Tumayo
ako.
...isasantabi
ko muna ang katorpehan at ang takot ko para sa babaeng nasa harap ko.
“Marie.”
This
girl deserves more than the relationship we have right now.
She
looked at us. “Kirby.”
Sa
relasyong mero’n kami ngayon, baka pwede namang mag-expect ako na...
Humakbang
ako palapit sa kaniya. I extended my hand holding the gumamela flower I picked
a while ago.
...na
mahal niya rin ako.
“Whatever relationship we have between us, can we make it
official, Marie?”
She
was stunned for a moment. And that seconds passed na nakatingin lang siya sakin
at wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya kundi pagkagulat...
“Kirby.”
...I
realized na mahirap din talagang mag-expect dahil baka sa huli puso mo rin ang
masasaktan lalo na sa relasyong wala kang salitang pinanghahawakan kundi ang
tanging nararamdaman mo lamang.
“Gusto mong maging tayo?”
Tumango
ako.
Pero
minsan, sa relasyong ganito, kailangan mo talagang maging matapang para sumugal
sa taong minamahal mo. Malay mo, yung sagot na inaasahan mo...
“Oo naman.”
...ay
ang sagot na ibigay niya sa’yo.
* * *
How to save your heart?
Should never expect. Should never
demand. Should never assume.
Oh my ghaaaaad, dang I want more pleaaaaase. I love it so much. At gusto ko ng kadugtong. As in yung kadugtong na kissing scene hahahahaha.. I love it. Thank you author. Thank you esha ko.
ReplyDelete