“How To Save Your
Heart : Usapang M.U 2”
(MIA’s POV)
Pagpasok
ko ng bahay, sinalubong ako ng kadiliman. Almost eight na kasi, eh. Pero hindi
‘yon ang pinagtaka ko. Hindi pa umuuwi ang ate ko? Teacher siya sa isang public
high school. Hindi naman ginagabi ng uwi si Ate dahil hindi naman gano’n kalayo
ang school na pinagtuturuan niya sa bahay namin. At kung gabihin man siya,
tinetext niya ko. Hindi naman niya ko tinext ngayon.
Sa
kusina ako dumeretso pagkabukas ko ng ilaw sa sala. Uminom lang ako ng tubig
pagkatapos ay umakyat na ko ng kwarto. And when I opened my door...
“Happy birthday, Mia!”
...nagulat
ako nang salubungin ako ng boses na ‘yon at ng bouquet. Kahit hindi ko makita
ang mukha niya na natatakpan ng bouquet, alam ko kung sino siya. Inalis niya sa
harap ng mukha niya ang bouquet.
Nakita
ko na naman tuloy ang ngiti niyang isang linggo kong hindi nakita. Sa tuwa ko,
nayakap ko tuloy siya. “Kailan ka pa
dumating?”
“Kahapon lang.” Isang linggo kasi
siyang nasa Manila kasama ng family niya. Do’n sila nag-celebrate ng New Year.
Humiwalay
ako sa kaniya. “Hindi ka man lang nagtext.”
“Kailan ba ko nagtext sa’yo pag umuuwi ako galing sa kung
saan?”
“Ah, gano’n?” Inapakan ko ang paa
niya at tuluyan na kong pumasok sa loob ng kwarto ko.
“Ang sakit no’n, ah. Napakapikon mo talaga.”
“Napakapikon ko talaga.” I said as I
mimicked his voice. Umupo ako sa gilid ng kama ko at tinanggal ang sapatos ko.
Lumapit
naman siya sakin at tumingkayad ng upo sa harap ko. “Ako
na.” At dahil mabait ako, hinayaan kong siya ang magtanggal ng
sapatos ko. “Sa’n ka galing?”
“Date.”
“Mia, hah.” Binitawan niya ang
sapatos ko. “Ikaw na ngang magtanggal.”
And
it’s my turn para asarin siya. “Napakapikon mo
talaga.”
Tiningnan
niya ko nang masama. At syempre, nakukuha naman agad niya ko sa tingin.
“Galing kaming school ni Marie.”
May pasok na kasi sa isang araw. May inasikaso lang kami. Blockmate ko si
Marie. Nursing ang course namin at nasa second year na kami.
Ako
na ang nagtanggal ng sapatos ko dahil tumayo na siya. Hindi ko alam kung anong
ginawa niya dahil nakayuko ako. At nang matanggal ko na ang isang sapatos ko at
dumeretso ako nang pagkakaupo...
“Happy birthday, Mia.”
...may
bumulaga sa harapan ko na cake na may nakasinding candle at may nakalagay na ‘Happy
18th birthday, Mia. From your handsmome SS, Tristan’.
Yes.
It was my 18th birthday one week ago. Pero hindi katulad ng mga
debutant na may kung anu-anong eighteen, nagpa-party lang ako katulad ng normal
na Pilipino—kainan, inuman at syempre hindi mawawala ang videoke.
Ayoko
kasi ng mga eighteen-eighteen na ‘yan. Hindi sa wala kaming panggastos para
do’n dahil kaya namang gastusan ‘yon ng parents kong parehas na nasa Dubai at
nagta-trabaho. Ayoko lang talaga.
“Mag-wish ka na.”
I
looked at him who was smiling at me bago ko binalik ang tingin ko sa cake na
hawak niya. I closed my eyes. Kahit hindi ko sabihin, alam na ng puso ko ang
hiling ko. I opened my eyes and blew the candle.
“Anong wish mo?”
“Secret. At mas lalong walang clue.”
“Dami mong alam.” Nilapag niya sa tabi
ko yung cake at kinuha yung bouquet na nakapatong sa bed sidetable. Inabot niya
sakin ‘yon.
“Ano ‘yan?”
“Nakikita mo naman diba?” balik-tanong
niya.
“Bulaklak.” Sa halip na kunin
‘yon, yung cake na nasa tabi ko yung kinuha ko. “Sige,
ilagay mo na lang do’n sa table. Magugustuhan ‘yan ni Ate.”
“Mia, sa’yo ko ‘to binibigay. Hindi sa ate mo.”
“Oo nga.” I dipped my finger
at the side of the cake and tasted it. “Ang sarap.”
Ang sarap nang ubusin. Wahehe.
“Syempre, ako yung nag-bake niyan.”
“Talaga?” Parang tanga naman
yung puso ko dahil bigla na lang yung lumundag na parang lalabas sa loob ng
dibdib ko.
“Oo naman. Kawawa naman kasi yung Mia ko, eh. Ang tagal-tagal-tagal
niya na kasi kong kinukulit na ipag-bake ko siya ng paborito niyang chocolate
cake pero hindi ko naman ginagawa. Ang swerte nga niya. eh. Siya yung unang
pinag-bake ko.”
HRM
ang course niya kaya magaling at masarap siyang mag-bake. Third year na siya.
Una kong nakatikim ng gawa niya nung pinatikim niya sakin este nung tumikim ako
ng walang paalam sa cake na ginawa niya sa baking lessons nila.
At
kahit alam kong inaasar na naman niya ko sa mga sinabi niya pero hindi ako
nagpa-apekto. Mas natutuwa kasi ako sa nalaman kong siya mismo ang nag-bake
nitong cake na hawak ko at chocolate pa. Parang ayoko na tuloy ‘tong ubusin
ngayon katulad ng gusto kong gawin kanina. Baka kasi ito na ang una’t huli, eh.
Tapos
tinawag na naman niya kong ‘Mia ko’ kaya tuloy mas lalong natuwa ang puso ko.
Feeling ko tuloy, ngayong araw talaga ang birthday ko dahil sa sayang
nararamdaman ko.
Napahawak
ako sa noo ko nang halikan na lang niya ‘yon bigla. At parang alam na kung
bakit.
“Tulala ka na naman. May tinatanong ako dito pero parang
wala
kang naririnig.”
Tama
siya. Ganyan siya tuwing naglalakbay ang isip ko, hahalikan niya ang noo ko ng
walang paalam para bumalik agad ang naglalakbay kong isip.
“Ano uli yung tinatanong mo?”
I asked.
“Ang sabi ko, bakit wala kang hilig sa bulaklak katulad ng
ibang babae?”
Tiningnan
ko ang bouquet na nasa tabi ko na. “Basta.”
May dahilan ako. Tiningnan ko siya. “Bakit kasi
binibigyan mo pa ko ng bulaklak?”
He
grinned. “Basta rin.”
“Gaya-gaya.” Nang may maalala
ako. “Pa’no ka nga pala nakapasok dito sa
bahay, ha?”
“Nandito si Ate Moselle kanina. Siya ang nagpapasok sakin
dito.”
“Dito sa kwarto ko? Himala, ah.”
Ayaw kasi ni ate na pumapasok siya dito sa kwarto ko. Sadyang makulit lang
talaga siya kaya nakakalusot minsan.
“Sinabi ko kasing isu-surprise kita dahil wala ako nung
birthday mo. Pinayagan niya ko pero ang alam niya, sa sala lang kita
gugulatin.”
“What? Pasaway ka talaga. So nasa’n si Ate ngayon?”
“May bibilhin lang daw siya. Speaking of,”
Tiningnan niya ang relo niya. “Parating na
siguro ‘yon.” balewalang sabi niya na parang hindi natatakot sa
sermon ng ate ko. Nasanay na ata.
“Ano?! Naku! Patay na naman tayo nito.”
Bitbit ang cake sa isang kamay ko, hinila ko siya palabas ng kwarto.
“Wait lang.” Bumitaw siya sakin
at bumalik sa loob ng kwarto. Pag labas niya, hawak na niya ang bouquet. Kinuha
niya sakin ang cake at inabot sakin ‘yon. No choice ako kundi ang hawakan ‘yon
kesa magtagal pa kami dito sa labas ng kwarto ko at abutan ng ate ko.
“Yan naman ang hawakan mo. Pinaghirapan ko pa namang piliin
‘yan tapos hindi mo papansin.” Nauna na siyang
naglakad at bumaba ng hagdan.
At
ako? Napangiti na lang ako at sumunod na agad sa kaniya. Saktong pagtuntong ng
mga paa namin sa sala, dumating na ang ate ko.
“How was the
surprise?” nakangiting tanong niya.
“Mukhang masaya ang little sister ko,
ah.”
I
pouted. “I’m not little, Ate.” Na
sinabayan naman nang pagtawa ng katabi ko. “Tawa pa more.”
“Little ka naman talaga, eh. Isang inch na lang hindi ka pa
umabot sa five feet.” natatawang sabi pa niya.
Inapakan
ko ang paa niya bilang ganti sa pang-aasar niya. And he said those words na
kabisadong-kabisado ko na kaya…
“Ang sakit no’n, ah. Napakapikon mo talaga.”
...sinabayan
ko siyang sabihin ‘yon. Nanggigigil na pinisil niya ang ilong ko. Gumanti naman
ako. Pinisil ko rin ang ilong niya.
At
si Ate? Ayun, umexit na.
Halos
maging kamag-anak na namin si Rudolf sa pula ng ilong naming dalawa. Nagtawanan
tuloy kami. And how I missed this moment for a week na walang nang-aasar sakin
and at the same time, nagpapangiti sakin. Ni hindi man lang kasi ako tinetext
ng mokong na ‘to kung hindi ko pa kusang itetext nung nasa Manila siya.
Sabagay, hindi pa ko nasanay? Sanay na sanay na nga, eh.
“Mia.”
I
looked at him. Inakbayan niya ko. He smiled. At sa ngiti niyang ‘yan, narealize
ko talaga kung ga’no ko siya namiss. Namiss ko talaga si Tristan.
“Did you miss your special someone, Mia?”
He
was referring to himself. He’s my special someone. I’m his special someone. Yun
ang turing namin sa isa’t isa. No more. No less. Just special someone.
“Kasi ako, Mia...” He kissed my
forehead and whispered, “Namiss kita.”
* * * * * * * *
Pagpasok
namin ng gym ng mga classmate ko, agaw pansin agad ang mga varsity player ng
basketball na nagpa-practice sa kabilang side ng gym. Nasa bandang gitna kasi
si Myth—ang MVP ng team nila—at aktong magshu-shoot mula sa three point line
habang nakabantay sa kaniya ang dalawang player.
And
nang maipasok niya ang bola sa ring sa kabila nang mahigpit na pagbabantay sa
kaniya, alam ninyo kung anong ginawa ng mga classmate kong babae? Correction
pala, ng ibang classmate kong mga babae. Ayun, nagsigawan lang naman na ang
galing niya. May tumili pa nga sa tuwa.
Sino
bang hindi titili sa ginawa ni Myth? Correction uli, sino bang hindi titili
kung ang gwapong si Myth ang gagawa no’n? Sikat kaya ‘yan dito sa university
namin. MVP na nga, gwapo pa at matalino. Yun nga lang, lapitin ng babae. In
short, playboy, chickboy o kahit na anong tawag sa katulad niya.
At
syempre, magpapahuli ba ko sa pagtili? Tumili rin kaya ko. Haha! Nang mahina
lang. Crush ko kaya ‘yang si Myth. Siya ang unang crush ko nang tumapak ako
dito sa St.Claire University. Una ko siyang nakita nang magsama-sama ang mga
varsity player ng lahat ng sports ng SCU.
Lumingon
siya sa gawi namin. At kumaway. Kumaway ang mga classmate ko. At syempre,
magpapahuli ba ko sa pagkaway? Kinawayan ko rin siya.
Pero
agad ko ding ibinaba ang kamay ko nang may lumapit kay Myth na isang player.
Mas lalong lumakas ang bulungan sa paligid ko. Na ang gwapo rin ng lalaking
‘yon na lumapit kay Myth, na magaling rin siya, na crush nila siya. Hanggang
sa...
“Hinaan mo nga yung boses mo,
girl. Baka marinig ka ni Mia.”
...hanggang
sa marinig ko ‘yon.
“Hindi naman sila, girl, ano ka
ba? Ilang beses nang sinabi ‘yan ni Mia diba, na close lang talaga sila.”
Yeah
right. Tama naman sila. Hindi nga kami ni Tristan. Pero ako naman ang special
someone niya. And yes, si Tristan yung lalaking lumapit kay Myth. Varsity
player rin kasi ng basketball si Tristan. At hindi lang sila basta magka-team
ni Myth. Magkaibigan din sila since highschool pa.
Tapos
na silang mag-practice kaya turn na namin para gamitin ang gym. May practicum
kasi kami sa P.E. At ang sport na lalaruin namin ay volleyball, ang favorite
kong sport. Varsity player kasi ako ng volleyball nung highschool ako. O diba?
Sa height kong ‘to, naging player pa ko ng volleyball. Wala naman kasi sa
height ‘yan kung hilig mo talaga yung ginagawa mo.
Hanggang
sa mag-aral ako dito sa SCU, varsity player pa rin ako. Pero hindi na ngayon.
For almost seven months lang ako naging member ng varsity no’n dahil nagkaro’n
ng aksidente. And that incident brought me to Tristan.
Sabi
ng parents ko no’n, mag-quit na daw ako sa team at mag-focus na lang sa
pag-aaral ako. At hindi dahil ‘yon sa na-sprain ang paa ko. Time consuming kasi
yung course ko at hindi pwedeng pa-bandying-bandying lang or may ibang bagay
akong pinagkaka-abalahan.
Sinunod
ko sila. Besides, hindi naman nila ko pinagbawalang maglaro ng volleyball.
Nakakapaglaro pa rin naman ako paminsan-minsan during the practice of our
school’s volleyball varsity team kapag hindi toxic ang schedule ko.
“Wagas makatili, ah.”
Tiningnan
ko si Tristan na umupo sa bleacher na nasa harap ko habang nagwa-warm-up ako.
Nakapagpalit na siya ng damit. At nakita niya pala yung ginawa ko kanina? Talas
talaga ng mata nito.
“Ba’t nandito ka pa? Wala kayong klase?”
sa halip ay tanong ko. At tinanong ko pa talaga, eh kabisado ko naman yung
schedule niya.
“Wagas makakaway, ah.”
Payukong
inabot ko gamit ang dulo ng mga daliri ko ang kanang paa ko ng hindi nagbebend
ang tuhod ko bago sumagot. “Wala ‘yon. Selos
ka naman?” Yung kaliwang paa ko naman ang inabot ko.
“Ba’t naman ako magseselos?”
Dumeretso
ako nang pagkakatayo at nagpameywang. Seryoso ang mukha ng mokong. “Oo nga. Bakit ka nga ba magseselos?”
deretsong tanong ko sa mga mata niya.
“Pwede ba, wag mong ibalik sakin ang tanong ko.”
Seryoso
nga ba talaga? “Tanong
ko ‘yon sa’yo na binalik mo sakin kaya binalik ko lang uli sa’yo.”
Napailing
siya. Maya-maya ay ngumiti na siya nang malapad at parang natatawa.
Hindi
nga siya seryoso. Sabi na nga ba at inaasar lang niya ako. “Baliw.”
I said.
“Tinatawag ka na ni Ma’am Aridell.”
“Wag kang manood, baka malasin ako.” Tinalikuran ko na
siya.
“Minsan lang kita makitang maglaro kaya manonood ako!
Ipagtsi-cheer pa kita, Mia ko!”
Nilingon
ko siya at pinandilatan. Sigurado kasing...
“Yung totoo, Miss
Santos, kayo ba ni Mr. Dominguez?”
...may
ganyan tanong akong maririnig mula sa prof kong may pagka-tsismosa na halos
lahat ata ng tsismis sa loob ng university, alam niya.
Okay
lang naman saking tanungin ako ng ganyang tanong dahil sa isang taong
magkakilala namin ni Tristan, nasanay na ko at kabisado ko na ang isasagot ko.
Pero ayoko lang talagang tanungin ako ng ganyan pag nasa paligid lang si
Tristan at maririnig niya dahil kahit super close kaming dalawa, nakakaramdam
ako ng pagkailang.
“Hindi po.” Di ko nga alam kung
narinig ba ‘yon ng prof ko o hindi.
“Ma’am, mag-start na po kayo! Baka abutan na po ko ng time
ng next class ko at hindi ko na mapanood ang Mia ko!”
Nilingon
ko si Tristan. Pinandilatan ko uli siya. Oo, inaamin ko. Kinikilig ako sa
sinasabi niya. Tawagin daw ba kong ‘Mia ko’, eh. Pero wrong timing naman at sa
harap pa ng maraming tao. Hindi naman sa nahihiya ako pero ayoko lang maging
center of attraction. Katulad ngayon, lahat ng estudyante sa paligid namin,
nasa’min na ang atensyon.
“Ikaw ba, Mr.
Dominguez, eh nanliligaw dito kay Miss Santos o kayo na? Umamin ka.”
Si
Ma’am Aridell talaga, inuna pa ang tsismis kesa sa practicum namin. Talaga nga
naman. Hanapan ko kaya siya ng lovelife ng yun naman ang pag-tuunan niya ng
pansin?
“Wag ka nang sumagot.” I mouthed at
Tristan.
Ngumiti
lang ang mokong habang nakatingin sakin at... “She’s
my special someone, Ma’am Aridell. At alam ng lahat ‘yan. At alam mo ‘yan, Mia
ko. Right?” Then he winked.
Juicecolored!
Pwede bang himatayin ngayon sa kilig na nararamdaman ko?
Pero
hindi pwede dahil maglalaro pa ko kaya nanamnamin ko muna yung kilig na
nararamdaman ng puso ko.
The
game started. Hindi na kami kailangang hati-hatiin into groups dahil last year
pa ‘yon ginawa ni Ma’am bago mag christmas break. Nauna lang maglaro ang mga
lalaki last year. Hindi natuloy yung saming mga babae dahil nagkaro’n ng
emergency si Ma’am kaya sinabi niyang sa second day after mag-start ang class
ng January kami maglalaro.
Dalawang
grupo kaming mga babae. Hindi kami ang maglalaban-laban. Ibang block at course
ang kalaban namin na si Ma’am Aridell rin ang may handle ng P.E subject nila.
Mga tourism students ang kalaban namin.
At
dahil dalawang grupo kami, dalawang game din ang mangyayari against their two
groups. Bawat game may tatlong set at sa bawat set, unahang maka-ten points. At
kailangan makapaglaro ang lahat ng ka-group ko sa loob ng isang game para
ma-grade-an sila.
Pero
ang pinaka-aim namin sa larong ‘to is to win dahil mas mataas ang grade namin
pag nanalo kaming mga ka-grupo ko. Kaya nga yung mga magagaling at sanay
maglaro sa unang grupo kung sa’n ako kabilang ang mas magtatagal sa loob ng
court for us to be able to win the game.
At
syempre, dahil inspired ako dahil nanonood si Tristan at dahil pina-goodvibes
niya ko sa mga sinabi niya kanina, nasa mood na nga ko maglaro bago pumasok
dito sa gym, mas super nasa mood pa ko ngayon. Kaya nga hindi man lang
naka-porma ang kalaban namin dahil 5-0 agad ang score in favor of us.
But
not until the substitution came. Yung pinalit sa isa kong ka-group ay...
Napailing
na lang ako.
...isang
babaeng may malaking salamin sa mata na chubby at nagtatago ngayon sa likuran
ko sa takot na matamaan daw siya ng bola.
“Reina, wag kang magtago dyan sa likuran ko.”
“Baka tamaan ako ng
bola, Mia.”
“Diba nag-practice na tayo? Tinuruan na kita ng basics
diba? Gawin mo lang ‘yon. Sige na, do’n ka na sa pwesto mo. Sinasabihan ka na
ni Ma’am Aridell, o. Team tayo diba? Kaya aalalayan ka namin.”
Mukhang
wala na siyang choice kaya pumunta na siya sa pwesto niya sa unahan ko. At
mukhang napansin rin siya ng kabilang team kaya siya tuloy yung pinuntirya
dahil sa gawi niya pinapapunta nila yung bola. Nakaalalay naman kami mas lalo
na ako dahil ako ang malapit sa kaniya kaya lang...
5-1
...nakapuntos
ang kalaban.
Okay
lang. Hindi namin papayagang makapuntos pa sila kaya lang bigla akong
nakaramdam ng inis. Kanino? Hindi kay Reina. Alam ninyo kung kanino? Walang iba
kundi kay...
“Nice one, Chelsey!”
...kay
Tristan! Nakakainis ‘tong mokong na ‘to, ah! Parang kanina lang ako ang walang
sawa niyang tsini-cheer tapos ngayong nakapuntos ang kalaban dahil sa Chelsey
na ‘yon, biglang ‘yon ang itsi-cheer niya?!
“Mia, magse-serve
na sila. Saka mo na titigan si Tristan.”
Napalingon
ako kay Diwata nang kalabitin niya ko. “Sorry.”
Nakatitig na pala ko kay Tristan nang hindi ko napapansin.
Isinantabi
ko muna ang nararamdaman kong inis at nag-concentrate sa game pero...
5-2
...naka-score
uli sila.
“Mia, what
happened? Ba’t parang nawawala ka?” tanong ni Diwata
sakin. Ako kasi yung pumalo ng bola papunta sa kabilang court pero na-out ‘yon.
“Wala. Sorry. Napalakas lang ng palo.”
Pero alam ko sa sarili ko na hindi ‘yon ang dahilan. Sa bola ko nabunton ang
inis ko. Alam kong mali pero...
“Marunong ka palang maglaro ng volleyball, Chelsey! Ba’t di
ko alam ‘yon?”
...nakakainis
lang kasi! Pa’nong hindi ako maiinis kung...
“May iba ka kasing
pinagkakaabalahan nung tayo pa!”
...kung
ang Chelsey na ‘yon ay ex ni Tristan! Ex is ex I know. Pero kailan pa sila
naging okay? Galit si Tristan kay Chelsey. Ba’t ngayon ko lang nalaman na okay
na pala sila? Nililigawan na naman ba siya uli ni Tristan? At kaya niya sinabi
yung mga sinabi niya kanina dahil nandyan si Chelsey at gusto niyang
pagselosin? Napa-praning na naman ba uli ako kaya kung anu-anong pumapasok sa
isip ko?
6-2
Naka-score
kami dahil sakin. I spiked the ball to Chelsey’s side. Malakas ang pagkakapalo
ko kaya kinapos siya ng pagtantya kung sa’n babagsak ang bola. Tuloy, para
siyang palakang napasubsob sa sahig.
“Okay ka lang, Chelsey?”
Chelsey!
Chelsey! Chelsey! Ano bang problema ng Tristan na ‘yan? Talaga bang bini-bwisit
niya ko?! Alam naman niyang ayoko kay Chelsey tapos puro pa siya sa
Chelsey! Ayokong magpaapekto pero hindi
ko maiwasang...
“Kaya mo ‘yan, Chelsey! Fight! Fight! Fight!”
...magselos.
Nilingon
ko si Reina na nasa likuran ko na naman. Sa kaniya kasi dapat magla-land yung
bolang pinalo ko papunta kay Chelsey pero nagtago lang siya sa likuran ko kaya
ako ang pumalo.
“Reina, ano ba!” Sa lakas ng boses
ko, inalis niya ang pagkakahawak sa damit ko. “Gusto
mo bang bumagsak dito at mawala ang scholarship mo?!”
Umiling
siya.
“Then do what you needed to do kung ayaw mong mawala ang
scholarship mo!”
Mabilis
pa sa alas-kwatrong bumalik siya sa pwesto niya.
“Are you okay, Mia?”
sabi ni Diwata bago ako pumunta sa serving line.
I’m
not okay, I know.
I
spiked the ball at bumalik uli sa pwesto ko. Binalik ng kalaban ang bola samin,
sa gawi namin ni Reina. Dahil alam kong yuyukuan niya lang naman ‘yon, umabante
ako. Ang hindi ko inaasahan ay ang ginawa ni Reina. Umatras siya at halos
magkasabay pa kaming tumalon at akmang papaluin ang bola pero nagkabungguan
lang kaming dalawa kaya…
“Ouch!”
“Aray!”
...parehas
kaming bumagsak sa sahig nang pahiga. Halos nakapatong siya sakin kaya lahat ng
bigat niya ako ang sumalo. Nakaramdam ako ng pagkahilo dahilan ng pagkakatama
ng ulo ko sa sahig. And when I moved my body, I felt my left arm...
“Aaaah!”
...ang
sakit ng kaliwang braso ko na pag nagagalaw, mas tumitindi ang sakit na
nararamdaman ko.
“Mia!”
Sa
kabila nang nararamdaman kong sakit at pagkahilong nararamdaman ko, I opened my
eyes at hinanap ang pinagmulan ng boses na ‘yon na ilang hibla lang pala ang
layo ng mukha sakin. He looked so...
“M-mia, wa-wag kang... wag kang gagalaw, okay?”
...hindi
ko masyadong makita dahil nagbu-blur ang tingin ko sa kaniya.
“Tristan... Ang sakit...” Napaiyak na
ko. “Ang sakit...”
I
felt his hand on my cheek. Tama ba yung nararamdaman ko sa kabila ng sakit na
nararamdaman ko? Nangingining ang kamay niya. “Hang
on, okay? Tinawag na nila si Dr. Gonzaga. Just don’t move. I’m just here. Hindi
kita iiwan.”
“Tristan...”
* * * * * * * *
When
I opened my eyes, siya agad ang una kong nakita. He was lying on the couch
facing my side and peacefully sleeping.
Déjà
vu.
Yun
ang naramdaman ko habang nakatingin sa kaniya. Nangyari na kasi ‘to. Ang
pagkakaiba nga lang, wala kami sa ospital dahil nasa clinic kami no’n. At hindi
siya nakahiga sa couch no’n kundi sa kama katulad ko. And it happened a year
ago when I first met him...
-
F L A S H B A C K -
I
opened my eyes. Hindi kisame ang tumambad sakin o putting kurtina kundi ang
isang lalaking natutulog sa kabilang kama at nakahiga ng patagilid paharap
sakin. I don’t know why I smiled. Siguro dahil ang cute niyang tingnan habang
natutulog siya.
Inalis
ko ang tingin sa kaniya dahil baka bigla siyang magising at mahuli niya kong
nakatingin. Tinutok ko ang mga mata ko sa kisame. Nandito ako ngayon sa clinic.
Na-sprain kasi ang paa ko kanina habang nagpa-practice kami ng mga kateammates
ko ng volleyball.
Nilagyan
na ng bandage ang paa ko at pinagpahinga ng nurse hanggang sa nakatulog nga
ako. Tiningnan ko ang relo ko. Isang oras din pala kong nakatulog. Kailangan ko
nang umuwi. Bumangon na ko pero hindi naman ako makatayo dahil wala akong
saklay. Bilin kasi ni Dr. Avery Gonzaga kanina, ang gwapong doctor ng clinic ng
SCU na wag ko muna daw itatapak ang na-sprain kong paa at gumamit muna ng
saklay.
“Nurse Sumiko?”
Walang
sumagot. Umusad ako ng pagkakaupo sa bandang paanan ng kama ko at hinawi ko ang
kulay puting kurtinang nakaharang. Nakapaikot ‘yon sa paligid ng kinahihigaan
ko kanina pero paggising ko ngayon, nakahawi na yung sa bandang kanan ko nang
kalahati kaya nakita ko yung lalaking natutulog.
Sinilip
ko si Nurse Sumiko pero wala siya sa table niya. Nasa’n na kaya ‘yon? “Nurse Sumiko?”
“Umalis siya.”
“Ay, kabayong buntis!” Napahawak pa
ko sa dibdib ko sa gulat nang marinig ko ang boses na ‘yon. Napatingin ako sa
harapan ko nang tuluyang mahawi ang kurtinang nakaharang sa pagitan ng kama ko
at ng kama ng lalaking natutulog kanina na ngayon ay nakita ko nang nakaupo rin
sa gilid ng kama at nakangiti sakin.
“Hi.”
Napahigpit
ang pagkakahawak ko sa dibdib ko. “Hello din.”
“Kung hinahanap mo si Nurse Sumiko, umalis siya. Pero
babalik din ‘yon.”
“Ah, gano’n ba?”
“Yes.” Hindi pa rin mawala-wala ang
ngiti niya. Napatingin siya sa paa ko. “What happened
to your foot?”
“Na-sprain habang nagpa-practice ng volleyball kanina.”
“Varsity player ka pala.” Tumango-tango
siya. Nailang pa nga ko dahil titig na titig siya sakin, eh. “Ba’t ngayon lang ata kita nakita?”
“Mr. Tristan
Dominguez. Bumabangka ka na naman. Akala ko ba inaatake ka ng migraine mo?”
Napalingon
ako sa taong nagsalita. I saw Nurse Sumiko, ang cute na nurse ng SCU.
“Nawala na. Nakainom na ko ng gamot, eh.”
“Liar.”
May kinuha si Nurse Sumiko sa gilid ng table niya. Saklay ‘yon.
“Anong gagawin ko sa saklay?”
tanong ng lalaki na Tristan pala ang pangalan. “Hindi
naman ako napilayan, ah.”
“Hindi para sa’yo
‘to.” Lumapit si Nurse Sumiko sakin at inabot ‘yon. “Okay na bang
pakiramdam mo, Mia?”
“Opo.”
“Mia pala ang pangalan mo. Nice meeting you, Mia. I’m
Tristan by the way.” He extended his hand to me.
“Magpahinga ka dyan
at matulog.” Sabay hawi ni Nurse Sumiko ng kamay
niya. “Don’t
mind him, Mia. Pretend that he doesn’t exist kung ayaw mong mapabilang sa mga
babaeng pinaiyak niya.”
“Whoah! That’s foul, Nurse Sumiko!”
“What’s foul? Foul
odor lang ang alam ko. Nakakaamoy ako ng gano’n kapag nasa morge ako. Do you
want to smell that—
“Stop. That’s gross.”
“What? Ghost? Do
you want to see one? May kilala akong nagbubukas ng third eye.”
“Oh, I think my migraine is back again.”
Sabay higa ni Tristan at takip ng unan sa mukha niya.
Napangiti
na lang ako sa takbo ng usapan nila at sa reaksyon ni Tristan.
“I should know how
to handle the likes of him kundi ulo ko ang sasakit sa pagiging pasaway nila.”
bulong sakin ni Nurse Sumiko bago ako alalayan. Hinatid niya ko hanggang sa
pintuan pero bago niya ko iwan, binulungan niya muna ko.
“Hindi naman sa
sinisiraan ko si Tristan but I’m warning you, playboy ‘yan, Mia, kaya ingat ka.
You’re a good girl kaya ayokong mapabilang ka sa mga babae dito sa SCU na
pinaiyak niya. Kaya ngayon pa lang, iwasan mo na siya.”
Bumalik na siya sa table niya.
“Ingat ka, Mia!”
Napalingon
ako kay Tristan na nakangiting kumakaway sakin. Dapat nga ba kong mag-ingat sa
kaniya at ngayon pa lang, iwasan ko na siya?
-
E N D O F F L A S H
B A C K -
Sinunod
ko ba ang warning ni Nurse Sumiko? Malamang hindi noh? Dahil kung sinunod ko
‘yon, hindi sana ako maiinlove kay Tristan at mapupunta sa ganitong sitwasyon.
Pero
sundin ko man kasi yung warning niya o hindi, wala rin naman dahil hindi na
kami nagkita ni Tristan. Malaki ang SCU para magkita ang landas namin lalo pa
at iba ang course niya.
But
not until the second get together of the different varsity teams of SCU that
happened at the last Sunday of January, two weeks after I met Tristan at the
clinic.
I
saw him chatting with Myth nang dumating ako sa venue. He saw me and approached
me. Nalaman kong member pala siya ng varsity team ng basketball. Hindi lang daw
siya nakaattend nung first get together dahil may lakad siya no’n.
What
happened after the day? Nagkakatext kami. Nagkakausap sa phone. Nagkikita sa
labas but it was not a date. Nagkikita lang kami sa labas pag nagpapasama siya
sakin o pag kailangan niya ng kasama dahil nabobored siya.
Until
three months had passed. Until I fell for him. Until I confessed my feelings to
him. Until he...
-
F L A S H B A C K -
Ang
bait niya sakin kahit madalas niya kong asarin. Sweet siya sakin at sakin lang.
Malapit siya sakin at sakin lang. Walang ibang babaeng umaaligid sa kaniya
dahil hindi niya ‘yon pinapansin. Ito ba ang playboy na Tristan na tinutukoy ni
Nurse Sumiko sakin dati na dapat kong iwasan dahil kung hindi, mapapabilang ako
sa mga babaeng pinaiyak niya?
Nagbago
na siya at ‘yon ay dahil siguro sakin? Masama bang mag-assume kung yun naman
ang nakikita at nararamdaman ko? Masama bang mag-assume na parehas din kami ng
nararamdaman? Na mahal niya rin ako? Masama bang mag-expect?
“Okay ka lang, Mia ko?”
Napalingon
ako kay Tristan. Magkasama kami ngayon dito sa bookstore. Nagpasama kasi siya
at may pinapabili daw na libro ang pinsan niyang si Verna.
“Tristan. May gusto sana kong sabihin.”
“Ano ‘yon?” nakangiting tanong
niya.
“Ahm, ano kasi...” Ramdam ko ang
malakas na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba sa gagawin ko.
“Ano?” Nilapit niya pa ang mukha niya
sakin.
Mas
lalo tuloy lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya kaya ipinikit ko
na lang ang mga mata ko.
“Ba’t pumikit ka, Mia ko?”
Huminga
muna ko nang malalim bago... “I like you,
Tristan.”
It
feels like eternity habang hinihintay ko ang sasabihin niya. Ni hindi ko makita
ang reaksyon niya dahil nakapikit pa rin ako. Ilang segundo na ba ang lumipas?
O baka minuto na? Ilan na nga ba? Hindi ko alam basta nang marinig ko ang boses
niya...
“Mia.”
...parang
tumigil ang pagtibok ng puso ko. I opened my eyes. And I saw him smiling.
“Ginulat mo naman ako. You like me as in gusto mo ko as a
person?”
“I—” Hindi ko na siya naitama dahil
nagsalita agad siya.
“I like you, too, Mia. You are special to me. And I am
special to you, too, right?”
Napatango
na lang ako. Totoo naman. Special si Tristan sakin dahil mahal ko siya. At iba
ang pagkakaintindi niya sa sinabi kong I like him. Sabagay, kailan pa
nagkaparehas ng meaning ang I like him sa I love him? Spelling pa nga lang
magkaiba na. And he likes me, too. But love? Tuluyan nang nagiba ang pag-asa ko
sa sunod niyang sinabi.
“And I want us to stay this way, Mia. Ayokong may magbago
satin.”
-
E N D O F F L A S H
B A C K -
At
tama nga ang sinabi ni Nurse Sumiko no’n. Napabilang ako sa mga babaeng
napaiyak ni Tristan dahil hindi ko siya iniwasan. Pero ang pagkakaiba ko nga
lang sa mga babaeng pinaiyak niya ay nanatili pa rin ang closeness na mero’n
kami na mas lalo pang lumalim sa mga buwan na nagdaan.
Wala
ngang nagbago sa closeness namin pero may nagbago naman kay Tristan no’n.
Bumalik siya sa dating siya. Ang playboy na Tristan bago ko siya nakilala. Sa
tagal naming magkakilala, ang dami ring fling na dumaan sa kaniya na iniwasan
kong makita.
Ang
una kong natutunan sa relasyon na mero’n kami simula nang magtapat ako sa
kaniya ay wag akong mag-expect at mag-assume dahil nang huli kong gawin ‘yon,
nasaktan lang ako. Pero kahit pala iwasan kong gawin ‘yon, may iba pa rin
palang bagay na pwedeng makasakit sa puso ko.
At
yun ay ang makaramdam ng selos sa mga babaeng napapalapit kay Tristan. Alam
kong iba ako sa mga babaeng ‘yon dahil special ako kay Tristan pero may mga
oras pa rin na feeling ko parang katulad rin nila ko. Ayokong magpaapekto pero
hindi ko rin mapigilan ang sarili ko dahil nga sa nararamdaman ko sa kaniya.
Kaya
nga iniiwasan ko talagang makitang may kaharutan siyang iba. Iniiwasan kong
makitang kasama niya ang fling niya. Yun pa nga lang na nababalitaan kong may bago
siyang fling nagseselos na ko, makita pa kaya silang magkasama? Mas masakit
‘yon.
Mas
lalong masakit nung hindi na fling ang babaeng nakita kong kasama niya two
months ago. Pinakilala niya pa sakin ‘yon na girlfriend niya na walang iba
kundi ang ex niyang si Chelsey na alam kong sineryeso niya dahil tumagal ng one
month ang relasyon nila pero niloko lang siya. Kaya nga inis ako sa babaeng
‘yon dahil bahagya na nga kong umiwas kay Tristan kahit masakit para sakin
tapos gano’n pa yung ginawa niya.
Ang
sabi ng kaibigan kong si Marie dati, pagselosin ko daw si Tristan para daw
makita ko kung maaapektuhan din siya katulad ko. Another expectation na pwedeng
makasakit sakin kaya hindi ko ginawa. Kaya nga kahit si Myth na crush ko ay
tinitilian ko lang at kinakawayan kapag hindi nakikita ni Tristan.
Pa’no
ba naman kasi nung dating gawin ko ‘yon at nakita niya, akala ko naapektuhan
talaga siya nung sitahin niya ko pero sa huli umasa lang pala ko sa wala dahil
hindi naman pala siya seryoso at inaasar lang niya ko. Kaya simula no’n, hindi
ko na pinapakita sa kaniya kapag kinikilig ako kay Myth dahil ayoko nang umasa.
Ayoko nang madagdagan pa yung dahilan para masaktan ako.
May
mga oras na natetempt akong magtapat uli sa kaniya pero sa tuwing naiisip ko
yung sinabi niya sakin nung una akong magtapat sa kaniya na ayaw niyang may
magbago sa pagitan naming dalawa, naduduwag na ko. Naduduwag ako sa takot na
baka kung ipilit ko ang gusto ko, mawala siya sakin.
“Gising ka na pala.”
Kinurap
ko ang mga mata ko. Gising na rin pala si Tristan. Bumangon siya at nag-iinat
na lumapit sakin. Umupo siya sa upuang nasa tabi ng kama ko.
“Okay ka lang?” tanong niya sabay
hawak sa kanang kamay ko.
Alam
ko, simula kahapon halos hindi niya binitawan ang kamay ko. Ni hindi pa siya
nakakauwi dahil sinamahan niya si Ate Moselle na nagbantay sakin kagabi. Pati
ngayon. Umuwi lang si Ate kaninang umaga para dumaan sa school na pinagtuturuan
niya. Biglaan kasi ang pag-alis niya, eh.
At
si Tristan? Hindi siya pumasok ngayon kahit anong pilit kong okay lang ako.
Papasok daw siya pag na-discharge na ko. At magpapadala na lang daw siya ng
damit na pamalit sa pinsan niyang si Verna. At sobrang na-appreciate ko ang
ginagawa niya. Kung hindi ko pa siya pinilit na matulog sa sofa kaninang umaga
para makapagpahinga dahil buong magdamag siyang gising, baka dito pa siya
makatulog sa kinauupuan niya ngayon.
“Mia, okay ka lang ba talaga?”
“Oo naman. Bakit?”
“Para kasing ang lalim ng iniisip mo kanina. At ngayon.”
Napansin
niya pala. “Tulo laway ka kasi.”
Napahawak
siya sa bibig niya at kinapa ‘yon. “Hindi naman.”
Pinisil niya ang ilong ko. “Gutom ka na
ba?”
“Hindi pa. Ikaw baka gusto mo munang mag-lunch.”
“Wala kang kasama dito.”
“Okay lang.”
“Baka may mumu.”
I
pouted. “Ikaw naman kasi, pinilit mo pa si
Ate na dito sa private room ako mag-stay.”
“Para gumaling ka agad. Saka gusto rin kaya ng ate mo
dito.”
“Eh pa’no sinabi mo yung magic word na discount.” Half
of my hospital bills kasi ang babayaran lang namin. Tito kasi ni Tristan ang
isa sa may-ari ng hospital na ‘to.
“Okay lang ‘yon para naman magamit ko ang connections ko.”
“May connections ka pang nalalaman dyan. At dahil dyan sa
connections na sinasabi mo, bukas pa tuloy ako idi-discharge.”
“Just to make sure na okay lang talaga ang braso mo, ang
mata mo at ang ulo mo.” Naka-cast ang kaliwang braso ko
ngayon dahil may fracture. Yung sa ulo ko naman, nagpa-MRI pa ko dahil tumama
rin ang ulo ko sa sahig. At yung mata ko? Namula kasi ang kaliwang mata ko dahil
sa pagtama ng ulo ni Reina nang bumagsak kami sa sahig. May pasa nga ang gilid
ng mata ko ngayon, eh.
In
short, masama ang pagkakadagan at pagkakabagsak namin ni Reina. Nagpanic kasi
siya nang magkabungguan pa lang kami sa ere kaya ganito ang nangyari sakin. Sa
bigat ba naman ni Reina na dumagan sakin, talagang hindi ko na mai-aaply ang
mga nalalaman ko para makaiwas sa disgrasya.
“Okay na talaga ko, Tristan.”
Hindi
siya sumagot. Nakatitig lang siya sakin.
“Bakit?” Nakakailang kaya ang
titig niya!
“Sobrang nag-alala talaga ko kahapon.”
After he said that, sinubsob niya ang noo niya siya sa gilid ng kama ko. “Sorry.”
“Sorry na naman? Kahapon ka pa, ah. Wala ka namang
kasalanan sa nangyari sakin, Tristan.”
Kasalanan
ko dahil nagpa-apekto ako masyado sa nakita at narinig ko.
Hindi
siya sumagot. Nanatili lang siya sa pwesto niya. And I have this urge to touch
his head when he...
“Mia.”
“Bakit?”
He
lifted his head. He looked so... Serious? Yes. At ngayon ko lang siya nakitang
seryoso ng ganito.
“I...”
“Ano?”
“Pwede bang...”
Nakarinig
ako nang katok mula sa labas ng pintuan kasabay nang pagpasok ng isang nurse. “BP check lang po, Ma’am.”
“Wrong timing naman.”
I
heard Tristan said that. Wrong timing saan?
* * *
(TRISTAN’s POV)
I
know I’m a playboy at aminado akong may ilan na rin akong napaiyak na babae.
Okay. Marami na rin akong napaiyak na babae. Anong magagawa ko kung hindi ako
mapirmi sa iisang babae?
Until
I saw this girl sleeping in the clinic nang atakihin ako ng migraine ko in the
middle of our class. I was lying on the bed to rest when I heard someone’s
voice. Nang hawiin ko ang puting kurtina sa kaliwa ko, I saw this girl sleeping
and murmuring something I couldn’t hear.
And
when she positioned herself paharap sakin, napangiti na lang ako habang
nakatingin sa kaniya. I’m having a migraine but seeing her peaceful sleeping,
parang hindi ko naramdaman ang sakit ng ulo ko.
Ang
nang makita kong parang magigising siya, ipinikit ko agad ang mga mata ko. And
when I heard her looking for Nurse Sumiko, bumangon na ko and said hi to her.
Okay na sana ang pag-uusap namin nang dumating naman si Nurse Sumiko na
pinabalik lang uli ang sakit ng ulo ko.
When
this girl na nalaman ko mula kay Nurse Sumiko na Mia pala ang pangalan ay
umalis na ng clinic, I said to myself na magkikita uli kami. Gagawa ako ng
paraan dahil pag gusto ko, maraming paraan.
And
that was in the second get together of all the varsity teams of SCU. Dahil nga
sa nalaman kong varsity player siya ng volleyball, I joined the basketball
varsity team of our school. First year pa lang ako, ininvite na kong sumali
do’n ng kaibigan kong si Myth pero ayoko kaya siya lang ang sumali.
Ayaw
sabihin sakin ni Nurse Sumiko ang full name o ang course ni Mia so the easy way
to find her is to join the varsity team. Prente, nakita ko nga siya sa get
together. I even told my teammates not to tell anyone na kapapasok ko pa lang
sa team dahil sinabi ko kay Mia nang magkausap kami na nung start pa lang ng
school year ako sumali.
Why?
Dahil ayokong isipin niya na sumali ako dahil sa kaniya which is totoo naman.
Nakakapagtaka lang dahil hindi ako mapilit ni Myth na sumali sa basketball team
pero dahil kay Mia na wala namang ginawa kundi ang pangitiin ako habang
natutulog siya sa clinic ay walang effort na napasali ako para lang makilala
siya.
And
that day, sa get together na ‘yon, nakuha ko nga ang gusto ko, ang makilala kung
sino siya. And I realized that day, na hindi siya katulad ng ibang babaeng
dumaan sakin. There was something in her that made her different from the
others kaya nga mas kinilala ko pa siya sa mga araw na dumaan.
To
the point na para lang makasama siya at maayang lumabas, kailangan ko pang
magpanggap na magpapasama sa kaniya dahil may kailangan akong bilhin at
kailangan ko ng tulong niya. O di kaya nabobored akong lumabas mag-isa kaya
kailangan ko ng kasama at dahil masaya siyang kasama siya ang inaaya ko.
Bakit
‘yon ang ginawa ko kung pwede ko naman siyang deretsahin? Dahil siguro sa
warning ni Nurse Sumiko sa kaniya sa clinic no’n na mag-ingat sakin dahil
playboy daw ako. At malamang, nawarningan na rin siya ng mga taong nasa paligid
niya tungkol sakin. Kaya gusto kong burahin ang impression na ‘yon na tumatak
sa isip niya.
Yun
nga ba ang dahilan o ayaw ko lang matakot siya sakin at tanggihan niya kong
makasama? Hindi ko na rin alam. At hindi ko na rin napansing sa bawat araw na
dumadaan na nakikilala ko siya at nakakasama, nakalimutan ko na ang dating ako,
ang playboy na ako. Dahil nag-eenjoy ako sa company niya, hindi ko napansing
nakatutok na pala ang atensyon ko sa kaniya.
Until
that day that she confessed her feelings. Hindi naman ako manhid at mas lalong
hindi ako tanga para isiping simpleng pagkagusto bilang kaibigan ang ibig
sabihin ng sinabi niyang gusto niya ko. Ramdam ko ng araw na ‘yon na mas higit
pa do’n ang nararamdaman niya.
Pero
habang nakatingin ako sa kaniya habang nakapikit siya at hinihintay ang
reaksyon ko sa sinabi niya, narealize ko na ayokong mawala siya sakin dahil
importante siya sa buhay ko. At para hindi siya mawala sakin, dapat lang na
manatili kung ano mang mero’n kami. Dahil wala kaming sisimulang relasyon, wala
ring matatapos na relasyon. In short, mananatili pa rin siya sa buhay ko.
Ang
selfish ko ba dahil hindi ko na inisip ang nararamdaman niya? Ewan ko. Ayoko
lang na baka sa huli, ako din ang makasakit sa kaniya kung lalagpas pa sa kung
anong mero’n kami ang mangyayari saming dalawa.
I’m
a heartbreaker, remember? At ayokong iparanas sa kaniya ‘yon dahil hindi rin
naman ako sigurado sa nararamdaman kong kakaiba para sa kaniya. Baka kasi saglit
lang yung nararamdaman ko kaya natatakot rin akong masaktan ang isang tulad
niya at tuluyan siyang mawala sa buhay ko.
So
the heartbreaker came back again after that confession. Nambabae ako pero hindi
sa harap ni Mia. At yung closeness namin ni Mia? Nanatili pa rin.
Ang
selfish ko na naman ba? Gusto ko lang na i-divert ang atensyon kong nasanay na
kay Mia. Dinivert ko nga ang atensyon ko sa iba’t ibang babae pero ayoko namang
makita ni Mia na nakikipag-flirt ako sa kanila sa harap niya kahit may pagkakataong
kahit ayokong makita niya eh nakikita niya mula sa malayo ng hindi ko
sinasadya.
At
si Mia? Wala ibang lalaking pumorma sa kaniya dahil pinagbantaan ko sila. Kahit
hindi ko naman siguro ‘yon gawin, hindi rin sila papatulan ni Mia dahil ako ang
gusto niya. Ang selfish ko ba uli? Ayoko lang na may umagaw ng atensyon niya
mula sakin.
Hindi
ko nga mapigilang hindi magselos kapag nagpapacute siya sa kaibigan kong si
Myth at hindi niya alam na nakikita ko siya so in return, gigisahin ko siya
tungkol do’n pero sa huli ngingitian ko lang siya na parang wala lang sakin
yung nangyari.
Until
one day, nakita niya kong kasama si Chelsey nang harap-harapan dahil
nagkasalubong kami no’n. I didn’t have a choice but to introduce Chelsey to her
dahil si Chelsey na mismo ang nagpakilala sa sarili niya bilang girlfriend ko.
Do’n
na nagsimulang may magbago sa pagitan namin ni Mia. Napansin kong parang
umiiwas siya. And the more na ginagawa niya ‘yon, the more na kinukulit ko
siya. Nakaramdam kaya ako ng takot no’n na baka tuluyan siyang lumayo sakin.
Hindi na nga ko nakapang-chicks dahil do’n.
At
nangyari lang ‘yon dahil kay Chelsey kaya nagdesisyon akong tapusin ang
relasyon namin. Hindi ko nga namalayang umabot rin pala kami ng isang buwan.
But when I about to break up with her, I saw him kissing someone. Hindi ako
nagalit sa nakita ko dahil hindi ko naman talaga mahal si Chelsey. Nakipagbreak
ako sa kaniya sa harap ng lalaki para matapos na.
Anong
napala ko? Ayun, nakatikim ako ng suntok mula sa lalaking hindi ko naman kilala
na ginantihan ko rin ng suntok. Inawat kami ni Chelsey na nagalit pa sakin. Ang
saya diba? Ako na ‘tong niloko, ako pa ‘tong nasuntok at sakin pa talaga
nagalit. Hindi lang ‘yon, may sinabi pa siyang hindi ko nagustuhan patungkol
kay Mia. Sa halip na hindi ako magalit sa kaniya, ayun nagalit ako dahil sa
sinabi niya.
Do’n
biglang umeksena si Mia at tinanong kung anong nangyari. At sa kabang baka
ulitin uli ni Chelsey ang sinabi niya na nagpagalit sakin, hinila ko si Mia
palayo sa kanila at dahil mapilit siya kung ano talagang nangyari, dineretso ko
na siyang may ibang lalaki si Chelsey at break na kami para hindi na siya
mangulit.
Simula
no’n, malaki na ang inis niya kay Chelsey. Ginamit ko rin ang inis na ‘yon para
asarin siya sa practicum ng klase nila sa P.E. Wala naman talaga sa plano ko
ang asarin siya. Kaya nga ako nag-stay sa gym pagkatapos ng practice ng
basketball team ay para panoorin siya. Hindi na kasi siya kasali sa varsity
team ng volleyball kaya bihira ko lang siyang makitang maglaro.
Pero
nang makita ko si Chelsey na nasa kalaban niya palang team, naisipan kong
asarin siya. Hindi pa niya kasi alam na okay na kami ni Chelsey. Nagkita kasi
kami accidentally at kinausap niya ko sa nangyari one month ago nang maghiwalay
kami. Inexplain niya yung nangyari at naintindihan ko na kung bakit gano’n at
nagsorry rin siya sa sinabi niya dati patungkol kay Mia.
Hindi
pa alam ‘yon ni Mia kaya magtataka ‘yon pag kinausap ko si Chelsey sa mismong
harap niya. At nangyari nga ang inaasahan ko. Halatang nainis si Mia dahil si
Chelsey ang pinapatamaan niya ng bola. Ang cute niya kasing tingnan pag naaasar
siya.
Pero
ang hindi ko talaga inaasahan ay ang mangyari ang aksidente sa pagitan nila ng
isang classmate niya. Sobrang nataranta talaga ko nang makita ko kung pa’no
siya bumagsak sa sahig habang nakadagan sa kaniya ang classmate niyang may
kabigatan. Sa liit ni Mia, siguradong nasaktan niya.
Sobrang
nasaktan siya as I saw how she cried because of pain. Sobrang nataranta ako
no’n. Ni hindi ko alam kung pa’no siya hahawakan. Isa lang ang alam kong dapat
kong gawin, hindi ko siya pwedeng iwan. Hindi ko siya iiwan dahil kasalanan ko
ang nangyari sa kaniya.
Hanggang
sa dalin siya sa ambulansya, hawak ko ang kanang kamay niya. Hindi ko binitiwan
ang kamay niya maliban na lang sa mga test na ginawa sa kaniya na kailangan
niyang mag-isa. At alam ninyo kung anong narealize ko habang matagal kong hawak
ang kamay niya? Na napakaimportante talaga ni Mia sakin.
Kaya
nga hindi ko mapigilang hindi makonsensya tuwing napapatingin ako sa may cast
niyang braso na kagagawan ko. Hindi mangyayari ‘yon kung hindi ko siya inasar.
Kung hindi ko siya inasar, hindi mawawala ang focus niya sa game. At hindi siya
masasaktan. Sa pag-iwas ko na saktan siya, nasaktan ko pa rin siya.
“Okay na talaga ko, Tristan.”
Ilang
beses na niyang sinabi ‘yan pero hindi pa rin ako kumbinsido. Gusto ko siyang
tanungin. Gusto ko uli siyang tanungin kung okay lang ba talaga na nasaktan
siya physically dahil sakin. Pero ang gustong-gusto ko talagang tanungin?
Nasasaktan ba siya dahil sa relasyon
naming ganito? Nasasaktan ko ba siya dahil ito lang ang klase ng relasyon na
kaya kong ibigay sa kaniya kahit mahalaga siya sakin?
“Bakit?” She asked.
“Sobrang nag-alala talaga ko kahapon.”
After I said that, sinubsob ko ang noo ko sa gilid ng kama ko.
Sarili
ko lang ba talaga ang iniisip ko? Yung tuwa ko na makita ang ka-cutan niya
dahil sa pang-aasar ko sa kaniya na naging dahilan para maaksidente siya. Pa’no
kung hindi lang fracture ang nangyari sa kaniya at higit pa? Yung
pangchi-chicks ko kahit aware ang lahat ng tao na special siya sakin kahit
hindi ko naman pinapakita sa kaniya. Pa’no kung naaapektuhan rin siya dahil
do’n? Yung kagustuhan kong manatili siya sa buhay ko at walang ibang lalaking
umagaw ng atensyon niya kahit wala kaming relasyon. Pa’no kung nasasakal na
siya? Lahat ng ‘yon...
“Sorry, Mia.” Ang selfish ko nga
talaga. Ba’t ngayon ko lang inamin ‘yon? Because I’m a selfish jerk!
“Sorry na naman? Kahapon ka pa, ah. Wala ka namang
kasalanan sa nangyari sakin, Tristan.”
Kasalanan
ko, Mia. May magagawa naman ako sa sitwasyon natin pero dahil nga sarili ko
lang ang iniisip ko, hindi ko ‘yon ginawa. Hahayaan ko bang manatiling ganito
ang lahat?
“Mia.”
“Bakit?”
I
lifted my head and looked at her. This girl. She deserves someone and that
someone is the better me. The better me who could give her what she deserves to
have. So I...
“I...” Pa’no ko ba sisimulan ‘to?
“Ano?”
“Pwede bang...” Dederetsahin ko na
ba siya?
May
kumatok sa pintuan na ikinalingon ni Mia. Lumingon rin ako. May nurse na
pumasok. “BP check lang po, Ma’am.”
“Wrong timing naman.”
bulong
ko.
Hindi
ko na nga alam kung pa’no sisimulan ang sasabihin ko tapos bigla na lang may
papasok? At para pang nang-aasar yung nurse dahil kinamusta niya pa ang
kalagayan ni Mia. Hindi ko naman siya pwedeng paalisin na lang.
Pansin
ko lang, tuwing dumidiskarte ako, laging may sumisingit sa eksena na nurse.
Nakakaasar na sila hah. Kung hindi lang nurse ang kinukuhang course ni Mia,
tuluyan na talaga kong naasar sa kanila.
Lumabas
na rin ang nurse nang mapahawak si Mia sa gilid ng mata niya. Nataranta naman
tuloy ako bigla. “Pababalikin ko yung nurse.
Just—”
“I’m okay, Tristan. Sumakit lang yung pasa ko.”
Nakahinga
naman ako nang maluwag. “Alam mo bang
simula nang mangyari sa’yo yung kahapon, natataranta na talaga ko. Para kong
lumalaklak ng isang jug na kape, eh.”
Natawa
siya.
“Mia. Seryoso ko.”
Tinakpan
naman agad niya ang bibig niya pero halatang nakangiti pa rin siya. “Okay naman kasi talaga ko, eh.”
I
sighed. Tumayo ako at niyakap siya habang nakahiga.
“Tristan?”
“Okay lang ba talaga sa’yo na ganito lang tayo?”
“Uhm, baka kasi abutan tayo ni ate na magkayakap.”
“Hindi naman ‘yon ang tinutukoy ko.”
“Eh, ano?”
Humiwalay
ako sa kaniya. At nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto.
“Tristan. Nahihilo na ko sa ginagawa mo. Ano ba kasing
problema mo?”
“Wala naman akong problema, eh.”
Ang problema ko lang, pa’no ko sasabihin sa’yo yung gusto kong sabihin? Bakit
ba hindi ko pa siya—
“Hi, earthlings!”
Napalingon
ako sa bumukas na pintuan. I saw my cousin Verna smiling at us. “Isa ka pang istorbo. Hindi ka ba sanay kumatok?”
“Istorbo ba ang tawag sa maghahatid ng damit mo bago ka pa
mangamoy ewan dito? And I do know how to knock my dear cousin, tinamad lang
akong gawin ‘yon. Bagong manicure kasi ako although hindi naman daliri ko ang
ipangkakatok ko… anyway wala namang connection ‘yon sa sinasabi ko kaya—”
“Iwan mo na lang dyan at lumabas ka muna.”
putol ko sa iba pang sasabihin niya. Madaldal kasi siya at kung hindi ko pa
siya pipigilan, aabutin pa kami ng siyam-siyam dito.
She
grinned. At hindi maganda ang kasunod niya niyan. Siguradong...
“Outside this room or this hospital?”
Eto
na naman kami. “Outside this room, Verna.”
may diing sabi ko.
“Anong gagawin ko sa labas?”
“Kausapin mo ung pader. O kahit na sino o—”
“May pader naman dito. Ba’t pa ko lalabas?”
“Miss Verna Dominguez.”
“Kulang, Tristan. Wala yung middle name ko.”
Nahimas
ko ang noo ko ng wala sa oras. “That’s why I
don’t like nurses. You’re giving me headaches all the time.”
“I’m a nursing student. Not yet a nurse. At baka
nakakalimutan mo, future nurse din si Mia. Speaking of... Hi, Mia. How are you
feeling?”
“Okay lang, Verna.”
“Good. Akala ko kasi hinimatay ka na sa amoy ng pinsan ko.
Anyway, iiwan ko na kayo dito, ah. Kulang na lang kasi umusok ang ilong ng
pinsan ko dahil sakin. By the looks of him, mukha may gusto siyang sabihin
sa’yo kaya ganyan siya—”
“Verna!”
“Okay! I’m outta here!”
Pagkalabas
niya, nilock ko na ang pinto para wala ng istorbo sa sasabihin kong hindi
matuloy-tuloy. Pagtingin ko kay Mia, nakaupo na siya.
“Spill it out, Tristan. Tama si Verna. Ganyan ka pag may
gustong-gusto kang sabihin pero hindi mo naman magawang masabi.”
“Mia.” Lumapit ako sa kama niya. At may
kung anong kinuha sa ilalim ng kama niya. Inabot ko ‘yon sa kaniya.
“Alam mong ayoko nang bulaklak.”
“Bakit nga ba? Pag hindi mo sinabi, patuloy lang kitang
bibigyan ng bulaklak.”
“Yung totoo? Lahat naman kasi ng babae binibigyan mo niyan.
Hindi naman ako katulad nila Tristan.”
“Because you are special. Kaya nga lahat ng bulaklak na
binibigay ko sa’yo, ako mismo ang pumipili.”
She
smiled. “Talaga?”
“Oo.” I held her hand. Nakatingin lang
ako do’n. “Mia...” I squeezed her
hand. “Kung tatanungin kita ngayon, okay
ka na ba sa sitwasyon natin?” Hindi ko siya narinig na sumagot kaya
napatingin ako sa kaniya.
Nakangiti
siya pero ang mga mata niya... Malungkot ang mga ‘yon. Sa mga titig niya ngayon
sakin, naramdaman ko yung sakit na nagmumula sa mga mata niya hanggang sa
unti-unting nawala ang ngiti niya. Mas naramdaman ko yung sakit. She was about
to speak when I covered her mouth and her eyes too.
“Don’t talk. Ayoko na ring makita yung nakikita ko ngayon
sa mga mata mo. Alam ko na, kaya hindi mo na kailangan pang sabihin pa.”
I
felt her mouth trembling.
“I’m such a selfish jerk for causing you too much pain.
Kaya babawi ako sa’yo.”
I
felt her eyes...
“Simula ngayon, Mia ko, ikaw na uli ang babaeng pagtutuunan
ko ng pansin just like the first time we met.”
Naramdaman
ko na lang na basa na ang kamay kong nakatakip sa mga mata niya. Inalis ko ang
pagkakatakip sa bibig at mga mata niya.
And
I think to sum up all the things I wanted to say, ito lang ang mga salitang
dapat kong sabihin sa kaniya...
“Because I love you, Mia Santos, and I want you to be my
girlfriend.”
At
hindi katulad kanina habang nakangiti siya, nakangiti rin ang mga mata niya
habang may tumutulong luha sa mga ‘yon. “Boyfriend na
kita, hah. Wala ng bawian ‘yan kundi puputulan na talaga kita ng ano.”
I chuckled. She hugged me using her one arm. I hugged her, too. “Sira ka talaga. Ba’t pinatagal mo pa?”
Minsan
talaga may mga bagay na masaya na tayong nandyan lang sa tabi natin pero hindi
natin alam pwede siyang mawala satin ng anumang oras kung...
“Sorry, Mia ko. Ang tagal kong natauhan, eh.”
...kung
hindi tayo matatauhan...
“Ako diba yung nauntog ang ulo sa sahig kahapon pero ba’t
kaw yung natauhan?”
...at
hindi tayo kikilos para mapasatin sila ng tuluyan.
“Kumbaga sa lindol ako yung after effect.”
Simula
ngayon, pag-iisipan ko muna ang mga bagay na gagawin ko na pwedeng makasakit sa
kaniya.
“Ang dami mong alam.”
“Kaya nga nalaman kong mahal kita, eh.”
Kasiyahan
muna niya ang iisipin ko bago ang sarili ko.
“So no more chicks, Tristan?”
Kahit
pa ang iwasan ang mga bagay na nakasanay ko nang gawin.
I
kissed her forehead. “Oo, Mia ko.”
Para
sa babaeng mahal ko.
* * *
How to save your heart?
Don’t get affected. Don’t get
jealous. Don’t get paranoid.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^