Sunday, May 3, 2015

Summer Love Adventure: Finale


FINALE


It's been one year since the summer love adventure happened, Kamusta na kaya ang Aurora? Kamusta na kaya si Lance, after ng camp na yun we never meet again. Akala ko pa naman we can communicate to each other because of Rizzy, pero sabi ni Rizzy hindi na rin daw sila nakapag kita pa ni Lance dahil naging busy na rin talaga. 

Last month we graduated at sobrang saya ng parents ko sa mga achievement na nagawa ko, I'm not a brat anymore I have friends na rin bukod kay Rizzy pero syempre siya pa rin ang best friend ko. Nag-apply kami sa mga firm na pwede naming pasukan at habang naghihintay ng resulta I will go to Aurora para kamustahin ang mga nging estudyante ko dun.

"Wanna come best friend?" Tanong ko kay Rizzy.

"Aba syempre no! Ako kaya dahilan kung bakit ka napadpad dun." 

"Pack your things we will go there tomrrow!"

"Agad agad? Okay!" At wala na siyang nagawa pa.


Gamit ang bagong sasakyan na niregalo ni dad nung graduation pumunta nga kami ni Rizzy kinabukasan sa Aurora. This will be fun, kami lang ang pupunta sayang nga ata wala yung ibang taga Adventure for a Cause kasi nasa isang sla sila ngayon somewhere in Visayas region mas masaya siguro at kung nandito ngayon si Lance baka kasama sa mission yun ngayon. Nalungkot ako sa naisip ko, pero kailangan nang kalimutan ang lahat. Siguro nga hindi kami ang para sa isa't isa.

Nagtakbuhan palapit sa amin ang mga bata nung nakita kami. Sobrang saya nila at may mga dala pa kaming pasalubong para sa lahat ng nakasama namin doon. 

"Kamusta kayon lahat?" Sabi ko. "Daniel ang laki laki mo na." Balita namin ay tinulungan ng pamahalaan ng Aurora ang mga tao sa pinuntahan naming bayan kaya kahit papaano ay may mga maliliit na classroom na sila at napagpatuloy ang mga pag-aaral.

"Ayos naman po kami Ate Ganda, namimiss po namin kayo." At talaga ang-imporve ang pagsasalita nila. Naghanda kami ng mga pagkain at nakipagkwentuhan sa mga elder doon. Walang masyadong pinagbago pati na rin ang kapaligiran malinis pa rin.

Hanggang gabi tuloy lang ang saya, nag-ihaw kami at gumawa ng bonfire. Tumingala ako sa langit napakaraming stars ang kumikinang kinang, parang lahat sila nag-hi sa 'kin. Naalala ko na naman si Lance.

"Namimiss mo ko no?" Kahit di ako lumingon alam ko kung sino ang nagsalita, ang tagal tagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to. Tumingin ako sa dekesyon niya, mas gumwapo siya ngayon naging pormal ang dating niya at bumagay sa kaniya ang clean cut na buhok. Napatitig lang ako sa kaniya nalunok ko ata dila ko at hindi na ako nakapag salita.

""Wag mo akong titigan ng ganiyan baka isipin ko na patay na patay ka sa 'kin." Ngumiti pa siya ng matamis. Nakakainis parang gusto ko ata mahimatay.

"Ano ang ginagawa mo dito?" Yun na lang nasabi ko.

"Ouch, talaga bang ayaw mo na akong makita?" Napakunot noo ako. "Anyway, stalker mo ko di mo ba alam? Congratulations pala sa graduation mo, ang ganda mo nung suot mo ang toga mo." Nanlaki ang mata ko, hindi ako makapag react. Andun siya? "Yes! Andun ako, nasa likod ako." Na para bang binasa niya yung nasa utak ko.

"B-b-bakit?" Ano ba Shimara bakit ka nara-rattle?

"Kasi kahit anong gawin kong pag-iwas sa 'yo hindi ko pala talaga kaya, siguro naman sapat na ang isang taon na pag-iisip kung may pag-asa ba talaga ako sa 'yo? Sinadya kong huwag magpakit sa 'yo ng ganun katagal sinabi ko kay Rizzy na huwag sabihin sa 'yo na andyan lang ako sa tabi-tabi baka kasi hanapin mo ko." Ngumisi siya. "Pero alam ko naman na hindi mo ako ---" Niyakap ko siya ng mahipit.

"Hahanapin kita kahit saan lupalop ka pa pumunta, kasi Lance mahal din kita, mahal na mahal." Kumalas ako ng pagkakayakap at napayuko, hinawakan niya ang baba ko at itinaas niya ang mukha ko. "Sa wakas umamin ka din Ms. Pakipot." Tatawa tawang sabi ni Lance. Hinampas ko siya.

"So tayo na? Official na 'to ha."

"Pano kung hindi mo magustuhan yung ugali ko? Pano kung maging brat ulit ako?" Nakalabing tanong ko.

"Shi, kahit maging dragon ka pa sa gabi wala akong paki-alam, kaya ko hiniwalayan noon si Bianca dahil hindi ko naman talaga siya lubusang mahal dahil ikaw talaga yung totoong mahal ko. At kapag mahal mo ang isang tao tatanggapin mo kung anuman ang pakatao na meron siya. Pero please naman wag ka nang pasaway." Ngumiti siya.

"Oo na po Mr. Antipatiko!" Kinurot niya ang pisngi ko at hinalikan niya ako sa labi. Wala na ata akong mahihiling pa nasa andito na yung taong magmahal sa 'kin ng totoo.

"I love you Shimara." Biglang nagliwanag ang langit dahil sa mga fireworks.

"I love you more Lance." At alam ko na siya na ang magpapabago ng tuluyan sa buhay ko.


--END-- 

PS: Leave some comments kung ano sa tingin niyo yung story :) This is just a short story na ginawa ko para sa kaibigan ko na si Richelle Mariano ..


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^