Tuesday, May 5, 2015

Half Blood: Chapter 04




Half Blood
[Curse of the Dark Hex]

IV: Rose
JAY's POV


==============

HALATA sa mukha ni Louis ang saya ng malaman niyang anak ako ni mama. Bahagya pa niyang binalikan ang nakaraan kung saan una niyang nakilala si mama.

"Halos kasing edad mo lang siya noon ng una ko siyang makilala. Dito rin sa shop na ito. Tulad mo, napaka-ganda rin niya. Especially those brown eyes!" Kinindatan pa niya ako ng tukuyin niya ang brown eyes ko. Ilang akong napangiti at pakunwaring inayos ang lace ng dress ko.

Naka-upo kami ngayon sa gilid ng shop kung saan may maliit at pabilog na wooden table at dalawang wooden chair kung saan nakaupo sina Amadeus at Louis. Habang ako naman ay nakaupo sa isang maliit na couch.

Inilibot ko ang paningin sa paligid. Perfectly made of wood logs ang shop. May kaliitan lang ang shop at maraming nakapilang bookcase sa unahan. Pero imbes na libro ang naka-patong ay maliliit na square box. Grabnic Tool siguro ang laman noon. Mga torch lang sa paligid ng shop ang mag-bibigay liwanag sa loob kaya naman medyo dim ang paligid.

Ibinaling ko muli ang atensyon kanila Louis at Amadeus ng marinig kong tumawa ng malakas si Louis. Si mama pa rin ang topic nila. And Amadeus.... He's smiling as if he's not the one who kills my mother and this Louis. Does he even know that Amadeus murdered my mother? How could they talk casually about my mother as if she died in a peaceful manner? Galit akong nag-pakawala ng bugtong hininga at humalukipkip.

Parehong natigilan sina Louis at Amadeus. Amadeus fixed his self on the chair. Louis cleared his throat and immediately switch the topic to escape from the awkwardness I gave.

"Ms. Jaydee, why don't you choose your own Grabnic Tool? Rose can help you. Rose?" Tawag niya. Rose suddenly appears out of nowhere. A young lady na sa tantya ko ay nasa dose ang edad.

She reminded me of little red riding hood because of her white dress and red hood. She has a Goldilocks hair and a perm bangs. Circle shape face and snowy white skin. Large blue eyes with long eyelashes. Red heart shape lips. I gasped out of words! She's beautiful! Perfectly Devine!

"You're calling me, Louis?" Her voice is so soft as if I'm listening to a romantic music.

Natigilan siya nang makita niya si Amadeus. Sinusuri niyang mabuti kung sino nga ba ang nakaupo doon. At ng masigirado ay sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi niya.

"Amadeus!" She exclaimed excitedly and runs towards Amadeus. Niyakap niya ito bagay na ikina-ilang ko. I don't know why. I can't hardly look at Amadeus hugging other kids na para bang they are Amadeus' children. I can't barely look at how this girl hugged Amadeus as if he is her long lost father!

"Oh! Precious Rose!" Napangiwi ako ng marinig kong sabihin iyon ni Amadeus kay Rose. Precious? Lumalabas ang pagiging traidor! Sinasabihan niya ako na Precious, yun pala sinasabi niya rin yun sa iba! Tsi! Precious your face! Galit kong sigaw sa isip at napa-halukipkip.

Napansin kong nakatingin sa akin si Amadeus, naka-ngiti ito pero inismid ko siya at ibinaling ang atensyon sa mga small box na nasa tagiliran ko.

"Rose, paki-tulungan mo nga si Jay na mamili ng Grabnic Tool," putol ni Louis sa reunion ng mag-ama! Nilingon ako ni Rose. She smiles sweetly at lumakad siya palapit sa akin.


"Hello Jay! Nice to meet you! I'm Rose," masayang pakilala niya at inilahad pa niya ang mga kamay niya. Tinanggap ko naman agad iyon. Ang lambot ng palad niya. And she possessed an unmistakable soft, smooth skin.


"N-nice to meet you too, Rose," ewan ko ba kung bakit bigla na lang akong nautal sa isang twelve year old girl! Ang weird kasi bigla akong ni-nerbyos.

Iniakap niya ang kamay niya sa likuran ko at hinarap namin sina Louis at Amadeus. "Amadeus, pwede bang mag-ikot ikot muna kami ni Jay sa Rinkos McHawi? Tingin ko firts time niya pa lang dito. Would you mind, Jay?"

Sumang-ayon naman si Amadeus, tumayo siya at lumapit sa akin. "I'll be here, waiting. Just enjoy yourself. Ikaw na ang bahala sa kaniya," ngunit may pahabol pa ang sinabi ni Amadeus, "But Rose. Please," pagmamakaawa nito na ikinalito ko. Hindi ko alam kung para saan pa iyon.

"Nothing to worry my dear!" Sumaludo pa ito bago ako hinatak palabas ng shop. Bahagya akong nasilaw sa liwanag ang araw. May kadiliman nga kasi sa loob kanina kaya medyo nasilaw ako. Hawak ang kamay ko, masaya akong hatak-hatak ni Rose sa street ng Rinkos McHawi.

Una naming pinuntahan ang mga naka-mask na nag-sasayawan at may-ginagawang play sa daan. Nakaka-tawa ang ginawa nila kaya naman hindi ko naiwasang mapa-ngiti. Tapos ay hinatak ako ni Rose sa kabila kung saan may mga kumakantang banda. Maingay sa paligid. Halo-halong tunog. Tambol, gitara, tawana at mga musika na kakaiba. Lahat naka-ngiti at nag-sasaya na para bang iyon na ang huling yugto ng buhay nila.

Sunod akong dinala ni Rose sa tent ng isang candy store. Gusto daw niyang kumain ng cotton candy. Humanga ako dahil kusang gumagalaw ang stick habang pumupulupot dito ang cotton candy.

"This is the only store without the Hyja skrit! This shop is completely bewitched!" She whispered excitedly.

Then we move to another shop where she bought me tons of potions including love potion. We move to another shop. A wand shop. She wants to buy me one, but I refused, saying that I love my old wand. Another shop again, this time it was a girls' clothing store.


"I always loved to shop here! Although I always have on my customized clothes," wika ni Rose. She takes some clothes for me. She even bought me some new cloak. A glossy dark blue cloak.


Sa loob lang ng trenta minutos ay sang katutak na ang nabili namin. Mabuti na lang may nabili kaming Tanee bag. Isang maliit na bag na pwedeng pag-lagyan ng kahit na anong bagay. Malaki man o maliit. Para siyang goma na nagi-stretch sa loob para pag-kasyahin ang mga gamit na ilalagay mo.

Habang pinanonood ko si Rose na masayang nag-lalakad hindi ko maiwasang maisip kung paano niya nakilala si Amadeus. Kung alam ba niyang pinatay ni Amadeus ang mama ko? Kung alam ba niya ang tunay na ugali ni Amadeus? Hindi ko napigilan ang kanina pang nanga-ngating tanong sa isip ko.

"Rose?" Tawag ko.

"Hmm?" Sagot naman ni Rose habang abala siya sa pamimili ng mga gamit sa naka-hilera sa harapan namin. Nasa loob kami ngayon ng tent store na may pangalang 'Gadgets for all W&W'.


"Paano kayo nag-kakilala ni Amadeus?" I tried my voice to be friendly, pero bahagya pa rin akong ninerbyos lalo na ng makita kong natigilan si Rose.



"You sure you really want to know?" Seryoso niyang tanong ng lingunin niya ako. Tumango naman ako. "I was in the dark alley that night. Nang may mga bampirang sumalubong sa akin," wika ni Rose na ikinagulat ko. Kumabog ang dib-dib ko at parang ayaw ko maniwala.


"Ba-bampira?" Utal kong tanong. Nilingon ako ni Rose, sumilay ang pilyang ngiti sa labi niya.

"Yes. They're real! Vampires are real!" Bulong niya sa akin na para bang napaka-confidential ng sinasabi niya. Tapos ay muli siyang nag-patuloy sa pagi-scan ng mga paninda.

"A-anong nang-yari nang masalubong mo sila?" Halata parin ang takot sa boses ko.

Nilingon niya ulit ako at lumapit siya sa akin. Hinila niya paitaas ang mag-kabilaang sleeves ng white dress niya. To my surprise, I saw a lot of bite marks. There are loads of them. Two on the left and three on the right.


"They made me as their supper. Like I am the wine after they done steak," galit niyang wika tapos ay muli siyang nag-patuloy sa pag-sasalita. "I died right away after those bites," she said in her melancholy face.

It took me a second before I realized the word 'died'. I got goosebumps! Ayaw ko isipin na.... na isang bampira ang kausap ko ngayon. Muli niya akong nilingon, ngumiti siya.

"You don't mean those-" pinutol niya ang sinasabi ko.

"I mean it, Jay. Yes, I experienced death at the age of twelve. If you ask me how it feels?" she smiles a little,  huminto siya na tila ba inaalala niya ang nakaraan. Sumilay ang lungkot sa mukha niya. Hinayaan ko lang siyang mag-salita.

"It was bloody painful and scary! Gumagapang sa kalamnan ko ang sakit. Para akong hinihiwa ng unti unti. Dahan dahang pinuputol ang katawan ko. Painful death!" Habang kinukwento niya iyon ay nararamdaman ko rin ang sakit. Feeling ko nangyayari rin sa akin ang nang-yari sa kaniya.

"I was dead when Amadeus found me,"

Amadeus? Is he a vampire also? Tanong ko sa isip. Nagulat ako nang sagutin niya iyon nang isang tanong.

"What do you think?" Aniya. At kasunod noon ang pilyang ngiti.


"He's not! Isn't he?" Garalgal na ang boses ko at dinig na dinig ko na ang kabog sa dib-dib ko.


Lumakad ulit si Rose, bago niya ako sinagot. "Of course he is..." napalunok ako dahil sa pabitin niyang sagot. I secretly praying na hindi ang isagot niya sa tanong ko. But what if yes? What Am I going to do? Muli kong tanong sa isip na sinagot din niya.

"What if yes? Does it matter to you if he is a vampire?" she simply said. Pinag-papawisan na ako. Nababasa ba niya ang isip ko? "Yes, I can read it, hear it, see it,"

"I-ibig mong sabihin ba-bampira si Amadeus?" Halos hindi ko mabanggit ang salitang bampira. Rose stared at me blankly for a second, then laugh. That laugh was so elegant.

"Jay, dearest Jay. Amadeus would be glad if he knew how much you cared for him," tinitigan niya ang mga mata ko na para bang binabasa niya lahat ng nasa isip ko. Gusto kong kontrahin ang sinabi niya na worried ako kay Amadeus dahil alam ko namang hindi! Pero wala akong masabi.

"Don't worry too much Jay. Amadeus is completely in flesh and blood. " wika niya. "It was his fellow who made me into what I am right now," Para naman akong nabunutan ng tinik. Pabulong pa ang pag-kakasabi niya sa huling salitang binitawan niya. Muli nanaman akong kinabahan dahil naisip ko si Ludwig. He's been with Amadeus even before that day. When my mom died.

"Oh! Ludwig! My beloved Ludwig! Is he doing well?" Again she reads my mind. Hindi ako naka-sagot. Nakasunod lang ako kay Rose na ngayon ay palabas na ng shop. "How I missed his handsome straight face. No emotion as always," she said dreamily.

Panguso siyang umiling, "But it's not Ludwig. It's the King of Brat who made me into vampire!" Nakaka-aliw panoorin ang pabago-bagong expression ni Rose. Lalo na sa mukha niyang parang napaka-inosente.

"King of Brat?" Nalilito kong ulit.

"Yes, naalala ko pa ang mga kalokohang nagawa niya noon. How everyone is so crossed with him yet there he is smiling and laughing like he did nothing wrong!" Umasim ang mukha niya sa ala-alang iyon. Ngunit napalitan nanaman ito ng lungkot.

"But that King of Brat is suddenly gone and we couldn't find him anywhere. I'm afraid my creator had abandoned me," humikbi siya. Lumapit ako para i-comfort siya nang matigilan ako. Vampire? Under the sunlight? 

Kunot nuo konginiangat ang mukha ko sa tirik na tirik na araw. It can burn them and drag them to death! How can this possible? Himinto na sa pag-hikbi si Rose at lumakad na siya. Sinundan ko naman siya. Sandali kaming nanahimik sa isat-isa. Pag-kuway muling nag-salita si Rose.

"It's because of Magic, Jay. Kaya kami nakakapag-lakad sa ganito ka-tirik na araw, it's because of magic," hindi na ako nagulat nang sagutin niya ang tanong ko sa isip. "A sorceress created a dark spell for us to be able to walk under the sunlight. Fascinating, isn't it?" Now she smiles again. An angelic smile that no one possess.

"But this sorceress is getting weaker. She's immortal, but she's getting weaker for the reason we don't know."

Dahil sa pakikinig ko sa kwento niya hindi ko na namalayan na nasa isang garden na pala kami. Sandali akong namangha sa ganda ng hardin. May malawak na ilog sa harapan namin at naging colorful ang paligid dahil sa iba't ibang kulay ng flower beds. I can smell different scent. Grass, roses, chamomile and even lavender.

Trees with large trunks and vines hanging on their branches. Rose shrubs, sunflower shrubs and different forms of shrubs. We halted at a small grotto. There is a statue of Fairy standing on top of a mini falls. The fairy looks like a small ballerina with its tiny leg slightly tilted. I watch the water descends from the top of the stones down to the small pond with some water lily and lotus flowers. The whole garden reminds me of Amdeus' Garden of Heaven, in some way.

"Ito ang pinaka-paborito kong lugar sa Rinkos McHawi," finally, Rose broke the silence. Nilingon ko siya, naka-tayo siya ngayon sa tapat ng grotto. Napa-kunot ang nuo ko dahil naging seryoso ang mukha niya. Bumuntong hininga siya at tumingala sa araw. "Ayaw ko mang isipin pero mukhang mang-yayari na ang kinakatakutan naming mga bampira,"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

Nilingon niya ako at pilit na ngumiti. "We might not be able to walk under the magnificent sunlight again once the Queen of All died."

Queen of All? Is she talking about the one on the Mount Mediocris? Nakatingin ako kay Rose ng tumango siya para sagutin ang tanong ko sa isip.


"Once she died, the unbreakable vow will be broken and once it broke, a wide slaughter of mortal lives will going to happen. And this world, also the human world would be in great danger."


Kinilabutan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nag-sasabi ba siya ng totoo o gawa gawa lang ang lahat. Pero kung totoo man iyon, they need to do something!

"Yes, yes. You're right. We need to do something. You, me, Amadeus, Louis, Witches, Wizards, Vampires. We all need to do something!" She said in her urgent voice. Tapos ay bigla itong humina at naupo siya sa bench na malapit sa grotto na para bang bigla siyang nawalan ng pag-asa.

"But, how? We couldn't find the one we hope who can lead us," malungkot niyang wika.


"The King of Brat?" Patanong kong aniya kahit na ba alam kong iyon na ang tinutukoy niya.


Watching her seems like I wasn't talking to a twelve year old girl. Para siyang nasa edad thirty dahil sa matured niyang pag-sasalita. Hindi ko tuloy maiwasang magtanong kung ilang taon na siya.

Nilingon niya ako at tumawa siya na parang bata. "I'm always and forever a twelve year old, Jay," nag-paikot ikot pa siya sa daan tapos ay lumapit siya sa akin na parang isang balerina dahil sa naka-tingkayad niyang mga paa. Tapos ay hinawakan niya ako sa baba. "You are beautiful," inilapat niya ang paa niya sa lapag ngunit ang mga kamay niya ay naka-sampay sa batok ko. Dahil maliit siya ng kaunti sa akin kinailangan kong yumuko.

Our faces are inches away. Hindi ako maka-hinga ng maayos dahil sa nag-halong nerbyos at takot. Pinagpapawisan na ako. Nang-laki ang mata ko ng bigla niya akong halikan sa labi. Nanigas ang buo kong katawan. Hindi ako nakagalaw not until she bite my lips. I pushed her away and dropped myself on the floor.

I feel the sting on my lips. I sense the fluid coming out of the sting. I wiped it off with my finger. Blood! Hiyaw ko sa isip. Para akong aatakihin sa puso. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o hindi.

"Sorry Jay! I didn't mean to do that! I just... can't help it!" Lumungkot ang mukha niya ng tulungan niya akong tumayo. Nangi-nginig ang buo kong katawan.

"Why?" Tanong ko sa magkahalong galit at takot na tono ng boses.

"Of all the mortal here. Your blood Jay," napailing siya. "Your blood is the most tempting one. The smell is different. The scent that makes the being like me go crazy. Provocative!"

Nangi-nginig parin ang katawan ko. Ramdam ko parin ang kirot sa labi ko at nag-dudugo parin siya. Mukhang malalim ang pagkaka-kagat niya.

"You are going to die if you don't have protection, Jay," she said in a low intimate voice.

Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. At wala na rin akong balak malaman. All I want now is run back to Amadeus. To whom I know I am safe and secure.

==========
To be continued...

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^