Chapter One
“Logan!”
Kanina pa tinatawag ni Kendall ang
binata, pero kanina pa rin sya nito hindi pinapansin. Aware naman ang dalaga na
hindi bingi si Logan, at sadyang ilag lamang ito sa kanya. Tatlong Linggo na na
ganoon ang sitwasyon nila, tatlong linggo na syang iniiwasan na parang may
ketong ng binata.
“Logan!
Huy, pansinin mo naman ako pag-ibig ko!” tawag na naman nito sa binata
habang tinatakbo ang distansya sa pagitan nilang dalawa. “Teka lang huy!”
Nang maabutan ni Kendall si Logan ay
agad nitong iniharang ang sarili sa daraanan nito. Hindi naman agad nagsalita
ang dalaga ng nasa harap na sya ng kanyang sinisinta, sa halip ay parang
nananaginip na pinagmamasdan nito ang bawat parte at galaw ng mukha ni Logan.
“Teka
lang naman, wala pa akong nasasabi sa’yo eh.” Biglang sabi ni Kendall ng
matauhan na wala na pala sa harap nya ang pinapantasyang binata. “Bakit ba kasi ayaw mo akong maging
kaibigan?”
Hindi tumigil sa paglakad si Logan, at
hindi rin naman tumitigil sa pagsunod dito ang dalaga. “Simply because you’re too loud. You’re noisy. Ang sakit mo sa
tenga.” Seryosong sabi nito habang naglalakad at may kinakatikot sa kanyang
telepono.
“Ang
sakit mo namang magsalita, nililibang lang naman kita. Saka para hindi mapanis
‘yang laway mo kasi hindi ka nagsasalita. Saka napansin ko lang, parang wala
kang kaibigan. Kaya nga heto ako, willing na willing na maging kaibigan mo.
Kahit more than friends lalong mas willing ako.” dire-diretsong sabi nito
sa kausap.
Hindi pa rin sya pinansin ng binata,
tuloy lang ito sa paglalakad ng bila itong lumiko sa isang classroom. Doon na
tuluyang natauhan si Kendall. May klase pa pala sya, at ten minutes late na sya!
“Shhh…”
muntik ng mapamura ang dalaga because of that realization, pero napatigil din
naman agad ng mapalingon sa kanya ang sinusundan na si Logan. “Sinasaway ko lang yung dumaan, ang ingay
kasi nila baka magalit ka. Naku late na talaga ako. See you later, bye!” at
nag-flying kiss pa ito sa binata na napapa-iling na tuluyang pumasok sa
classroom.
Nagmamadaling tumakbo si Kendall
papunta sa kanilang classroom. Hindi naman talaga makakalimutin at slightly
irresponsible ang dalaga, the truth is masipag at matalino ito. Nasisira lang
naman ang diskarte nito kapag nakikita ang love of her life na si Logan. Unang
beses pa lang nya itong makita ng magsimula ang school year ay nagustuhan na
nya agad ito. Iba ang dating ng binata sa kanya. Malakas!
“Saan
ka ba galing? Buti na lang wala pa yung professor natin, kung hindi late ka
na!” That’s Gavin, her bestfriend.
“Saan ka ba galing?”
Umupo na ang dalaga sa katabi nitong
upuan, at inayos ang buhok na nagulo ng tumakbo kanina. “Sa kabilang building lang, may nakita kasi akong kakilala.” Honest
pero kulang na sagot nito sa tanong ng kaibigan.
“Kakilala
o pinapantasya?” seryosong tanong na naman nito.
“Shhh,
nandyan na si Sir.”
Umayos na ng upo ang dalaga, at lihim
na nagpasalamat sa kanilang guro na dumating. Alam nya na kapag nalaman ni
Gavin na si Logan ang dahilan ng muntikan na nyang pagka-late sa klase ay
papagalitan sya nito… ng bongga.
KALALABAS
PA LAMANG NG library si Kenzie dahil malapit na ang susunod nitong klase. Iyon
ang favorite place ng dalaga, doon lamang kasi sya nakakahanap ng katahimikan
sa buong paaralan. Wala syang masyadong kaibigan. Well, wala pala talaga syang
kaibigan. They all find her weird and scary.
Pagliko nya sa isang hallway ng
biglang may bumangga sa kanya na grupo ng mga babae, dahilan para tumilapon ang
hawak nitong nagkakapalan na mga libro.
“Boo-hoo!
Kawawa ka naman, nagkalat na ang gamit mo.” Maarteng sabi ng isa sa tatlong nakabangga dito. “Go pick those trashes away from our way.”
Dugtong pa nito.
Hindi naman nakuntento ang isang
dalaga at sinipa pa nito palayo ang isang libro ni Kenzie na nalaglag. At ang
isang babae naman at tinapakan ang isa pang libro.
“What
do you think you’re all doing?” malakas na tanong ng bagong dating na
binata. Cloud.
Agad namang nabago ang expression ng
pagmumuka ng tatlo. Ang kaninang nagmamayabang na itsura ng mga ito ay
napalitan ng takot. Kilala ng lahat kung ano ang kayang gawin sa kanila ng
nag-iisang hari ng eskwelahan na iyon.
“S-sh-she…
it’s her fault!” tila naiiyak na sabi ng babae.
Hinila naman ng dalawa pa nitong
kasama ang dalagang nakuha pang sumagot kay Cloud. Takot silang maranasan ang
pamamahiya na maaaring magawa sa kanila ng binata, ang nag-iisang apo ng
may-ari ng unibersidad na iyon.
Tahimik na pinupulot naman ni Kenzie
ang kanyang mga libro, not minding what’s happening around her. Wala syang oras
para intindihin pa ang mga ito, she still has a class to attend. Mas mahalaga
sa kanya ang klase nya, kesa sa kahit na anong bagay ngayon.
“Sa
susunod kasi wag kang tatanga-tanga.” Biglang sabi sa kanya ni Cloud. “Wo-ho! Wait there manang, ikaw ba yung isa
sa kakambal ni Kendrea?” hindi makapaniwalang tanong nit okay Kenzie. “Sh*t, you look… you look like…” at
tumawa na naman ang binata. “I can’t
believe it, Kendrea has a twin sister who looks like sh*t!” sabay tawa na
naman nito.
Hindi naman na pinansin ni Kenzie ang
mga sinasabi nito, naglakad na lamang sya palayo dito. Ayaw nya ng gulo. But
today she’s a trouble magnet. Kahit na umalis na ito at iniwan doon ang binata,
sinundan naman sya nito habang tuloy pa rin sa pagtawa.
“Look
at you! Compare to Kendrea, you’re nothing! Tingnan mo nga ‘yang suot mo, you
like… like hell!” patuloy pa rin ni Cloud sa pang-aalipusta sa dalaga. “Ang ganda ng kakambal mo, both Kendrea and
Kendall but you?” sabay tawa na naman nito. Kahit ang dalaga ay gustong
matawa dito. Tanga.
Hindi na lang pinansin ni Kenzie ang
mga sinasabi nito. Honestly, hindi naman sya nasasaktan sa mga sinasabi nito.
Yes reality hurts, pero alam naman nya at kilala nya kung sino at ano talaga
sya. She’s smart and mature enough not to mind him, at lahat ng sinasabi nito
tungkol sa kanya.
Natahimik lamang ang mundo ni Kenzie
at ang bunganga ng binata ng makapasok sya sa kwarto kung saan magaganap ang
klase nya ng oras na iyon. Kung natahimik si Cloud, sya namang iningay ng
expression sa mga mukha at mata ng classmates nya ng makapasok sya sa silid na
iyon. People. Nasabi na lang nito.
SA ISANG
COFFEE SHOP napili ni Kendrea na magpalipas ng oras kasama ang mga kaibigan
habang hinihintay ang susunod na klase. Ang dalawang kasama nito ang
nag-suggest na doon na lamang sila magpalipas ng oras.
“Like
seriously Hanna, you like that ugly gruesome guy? He looks like a giraffe.”
Maarteng sabi ni Kendrea sa kaibigan. “Did
you notice his neck, nakita mo pa ‘yung parang galis sa leeg nya?” tanong
nito sa sa kasama na may nandidiring ekspresyon sa kanyang mukha.
“Grabe
ka naman Rea, he don’t look so bad naman.” singit ng isa pa nitong kasama. “He looks like Bradley Cooper kaya.”
She look at them with ‘are-you-serious’
look on her face. “Bradley Cooper? Where
is the Bradley Cooper look on his face?” hindi makapaniwalang tanong nito
sa dalawa.
“Why
are you so mean to him ba? Can you just be happy for me?” tanong ni Hanna
kay Kendrea.
“We
are all friends here right, so can we just be happy for each other?”
Isang nakakalokong tingin at ngiti
naman ang ibinigay ni Kendrea sa dalawang kasama. “Wait there, bit*h, watch your word. You two are not my friends, I
don’t consider the both of you as my friends. The truth is, pinakikisamahan ko
lang kayo and the reason why the two of you are part of my group is because
rich din kayo just like me, but other than that? Wala na!” maarte at walang
kaawa-awa na sabi nito sa dalawang kasama.
“W-wh-what?”
halos sabay na tanong ng dalawa dito.
“I
just don’t need a rich member of my group, I want all my friends have the
money, looks, and brain which is yung una lang ang meron kayo.”
“Napakasama
mo talaga!” naiinis
at naiiyak na sabi ni Hanna kay Kendrea.
“Kung
ganyang kasama naman pala talaga ang ugali mo, I’d rather not be part of your
group than to be a heartless witch like you.”
Nakakaloko at nang-uuyam na ngiti na
naman ang ibinigay ni Kendrea sa mga ito. “You
can give me all the excuses in the world, but I won’t buy it because you two
are waaaay too far from my level.” Kinuha nito ang handbag at saka tumayo. “By the way, ang cheap ng napili ninyo na
coffee shop. Kasing level ninyo.” At iniwan nitong galit na galit ang
dalawang dalaga.
While she’s walking going back to the
university, hindi maiwasan na pagtinginan sya ng mga nakakasalubong at
kasabayang maglakad. She’s indeed beautiful and fashionable. Walang hindi
mapapalingon kapag sya ang dumaan. Sanay naman na sa ganoong atensyon ang
dalaga, ilang taon na rin naman nya iyong nararanasan kaya hindi na iyon bago
sa kanya.
Maraming lalake ang gustong
makipaglapit dito, pero kabubuka pa lamang ng bibig ng mga ito ay sinisopla na
agad sila ni Kendrea. Kahit mayaman, basta hindi nito type ay harap-harapan
nitong sinasabi sa mga ito ang kung bakit ayaw nya. May nasabihan na sya na
kaya ayaw nito ay dahil meron itong body odor, young isa naman mouth odor o bad
breath. Meron na rin syang nasabihan na kaya nya ayaw dito ay dahil patpatin ito
at parang isang pitik lang nya ay malalagas na ang mga buto nito.
Ang ibang mga babae naman ay ilag din
sa kanya dahil sa kamalditahan nitong taglay. Ilang babae na rin ang nabiktima
nito, na kagaya sa mga lalake ay masyadong prangka ito sa pagsasabi ng
kapintasan ng mga ito.
ISINAMA NI
KENDALL ANG kaibigan na si Gavin sa kanilang bahay upang magpatulong dito.
She’s seeking for her bestfriends help na mag-isip ng pang-mahirap na pangalan
para sa gagawin nyang resume. Kasalukuyan silang nasa harap ng hapag-kainan for
their dinner. Kasama nila sa hapag ang dalawa pang kapatid ni Kendall na sina
Kenzie at Kendrea.
“Bakit
ba kailangan mo pang palitan ang pangalan ni Mama at Papa dyan sa resume mo?”
tila nahihiyang tanong nito sa kapatid.
Kendall looked at her with disbelief
on her face. “Sister matalino ka, hindi
ka naman magsusuot ng ganyang kakapal na salamin kung hindi diba?” tango
lang ang sinagot nito sa kakambal. “Common
sense naman kapatid. Syempre, kapag nalaman nila na si Mama at Papa ang parents
ko hundred percent sure na hindi nila ako tatanggapin. Iisipin pa nila
power-tripper ako, kasi mayaman na pamilya ko magtatrabaho pa ako, papahirapan
ko pa ang sarili ko.” Mahabang sagot nito sa kapatid at muling sumubo ng
kinakain nito.
Sinulyapan naman ni Kendrea ang
katatapos lang magsalita na si Kendall, at saka nagsalita. “You’re crazy! Why do you have to work pa eh they can give us all that
we want naman.” tanong nito sa kapatid habang nilalaro-laro ang pagkain
nito sa plato.
“Tigilang
mo nga ‘yang paglalaro mo sa pagkain, bastos.”
Tila naiinis na saway nito sa kakambal. “Gusto
ko magtrabaho kasi para kapag naubos na ang yaman ni Mama at Papa dahil dyan sa
mga luho mo na wala sa lugar, may pera pa rin ako. ikaw ang pinaka-kawawa sa
ating tatlo kapag naghirap sila.” Mahabang sabi ni Kendall dito.
“And
why?” matapang at naghahamon na tanong nito sa kapatid.
“Kasi
hindi mo na mabibili lahat ng gusto mo, iyang cellphone mo mawawalan na ng
load, yung mga damit at designer bags hindi mo na mabibili, at higit sa lahat
mawawalan ka na ng kaibigan kasi hindi ka na mayaman.” Sagot nito habang si
Kenzie naman ay nakatingin lang sa dalawang kapatid na kumakain na akala mo
nanonood lang ng isang palabas sa tv.
Dahil sa talumpati ni Kendall,
naisipan tuloy ni Kendrea na umalis na lang sa dining hall na iyon. Naiwan
tuloy ang tatlo na natatawa, hindi pala natatawa si Gavin.
“I
want to help her.” Biglang nasabi ng binata habang nakatingin sa direksyon
na dinaanan ni Kendrea. Napatingin tuloy ang dalawa nitong kasama sa hapag.
“You
want to what?” sabay na tanong ng dalawa.
“I
said I want to help her.” Ulit ni Gavin.
“Help
her to?” tanong na naman ni Kendall.
“Gusto
ko syang tulungan na maging mabuting tao.”
Nagulat naman ang dalawang dalaga na
kasama nito. Like is he serious? Tutulungan nito ang kapatid nila na maging
mabait? End of the world na ba?
“Good
luck naman.” walang bilib na sabi ni Kendall sa matalik na kaibigan. “Sya ang ikasisira ng pangarap mo na maging
Head Of State ng Vatican at maging Santo Papa ng buong sambayanang Katoliko.
Gavin terminal disease na ang kamalditahan nyan. Wala ng pag-asa.”
Exaggerated na sabi nito sa kaibigan.
“Ang
sama mo rin eh, no? Bestfriend mo ako, so dapat words of encouragement ang
ibinibigay mo sa akin hindi yang ganyan. Napaka-supportive mo, grabe!”
Habang nag-uusap ang dalawang
magkaibigan, isang amaze na amaze na Kenzie naman ang nakatingin sa bestfriend
ng kanyang kakambal.
“Suicide
yung gusto mo, ano susuportahan pa rin kita?”
“Maka-suicide
ka naman. Bakit, suicide din naman yung ginagawa mo na paghabol-habol dun sa
Logan na ‘yon ah.” ganting sagot-tanong ni Gavin dito.
“Hoy
excuse me, malaki ang chance ko kay Logan. Magiging kaibigan ko rin ang isang
‘yon.” Full of confident na sagot ni Kendall. “At kapag nakilala nya ako ng tuluyan, ng bonggang-bongga mamahalin din
nya ako at hindi na iiwan pa.” dugtong nito na parang nananaginip lang. “Mas makatotohanan yung akin, kesa bumait
yung bruhildang kakambal yata ng step-mother ni Snow White na pinsan ni
Maleficent na pamangkin naman ni Ursula.”
Natawa naman si Kenzie dahil sa huling
sinabi ng kakambal, pero kay Gavin pa rin ito nakatingin. Naaaliw ang dalaga sa
mga facial expressions ng binata dahil sa binibitawang mga salita ng kapatid.
Naiinggit ito dahil wala syang matalik na kaibigan kagaya ni Kendall kay Gavin.
Hindi na makahanap ng salita si Gavin.
Talo na naman sya sa pakikipag-debate sa kaibigan. Laging ang binata na lang
ang nauubusan ng sasabihin kapag si Kendall ang kausap nya.
“Talo ka na naman
kaibigan!” masayang sabi ni Kendall sa binata, na ikinagulat naman ni
Kenzie. “Twenty seconds kang natahimik,
meaning wala ka ng pantapat sa mga hirit ko. Boom panis ka!” at tumawa ito
na akala mo wala ng bukas.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^