Thursday, August 28, 2014

Say 'I Love You': 05. Mia's Diary Entry 01

 
 
 
CHAPTER FIVE: Mia's Diary Entry 01
 
 

-----------------
NAPAKARAMI ng nang-yari sa buong mag-hapon na 'to. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Samo't sari kasing emosyon ang naramdaman ko. Well, una na doon ang inis... Inis dahil simula kasi ng kumalat sa buong campus na 'girlfriend' ako ni Miguel Rubio hindi na ko tinantanan ng tatlong classmates kong sina Grace, Rita at Emily. Nitong umaga kasi pinag-tulungan nanaman nila ako. Ini-lock ba naman nila ako sa banyo matapos ng swimming class namin. Hay~ buti na lang may isa pa kaming classmate na naiwan noon. Kung hindi, baka inugat na ko doon.


Dahil tuloy sa kanilang tatlo na-late ako sa pangalawang subject namin. Buti na lang si Miss Annie na teacher namin sa Math ang kasunod. Mabait kasi si Miss Annie at hindi naman sa pag-yayabang top student ako sa klase nya! Iyon lang naman ang maipagmamayabang ko sa sarili ko.


Umabot ng isa't kalahating oras ang klase ni Miss Annie. Nag-enjoy naman ako, although halos malusaw na ko sa sama ng tingin sakin nila Grace. Kung nakakapatay nga lang ang mga titig malamang patay na ko sa kinauupuan ko. Maya maya pa nag-ring na ang bell ng school. Lunch break na. Isa isa nang nag-labasan ang mga classmates ko habang ako naman ay tahimik lang na nag-aayos ng mga gamit ko.


Kaso bigla akong natigilan ng may biglang humablot ng Math book ko. Pag angat ng ulo ko si Grace pala 'yun kasama sina Emily at Rita. Kwestyonable akong napatingin kay Grace. Sinubukan ko muling abutin ang libro pero iniwas nya ito sakin. Humalukipkip sya at napangisi habang sina Emily at Rita naman kung maka-tingin judgemental ang dating.


Hindi ko alam kung ano nanaman ba ang nagawa kong kinainis nila kaya ako nanaman ang napag-tripan nila.


"Kung gusto mong mabawi 'to sumunod ka." sabi nya. Ako naman itong si tanga sumunod naman sa kanila.


Importante kasi 'yung libro na 'yun. Nandun lahat ng sit-work at homework namin. Pag nawala 'yun hindi na ako makakapag-provide agad ng bago dahil out of stock na sya since last month. Buti ba sana kung may mabuting loob na magsi-share sakin ng mga questions. I guess wala. So, sinundan ko sila. Dinala nila ako sa likod ng Senior building kung saan napakaraming stagnant water.
"Sinundan ko na kayo. Baka pwedeng ibalik nyo na yung libro ko."sabi ko sa kanila sa walang gana kong boses.


"No. Sagutin mo muna ang tanong ko."demand ni Grace.


Papikit akong bumuntong hininga, "Kung ang itatanong mo lang ay kami ba ni Miguel, pwes hindi kami. Kaya akin na ang libro ko."mukhang hindi sya naniwala sa sinabi ko dahil umasim ang mukha nya.


"Liar!"singit naman ni Rita. Pero inismid ko lang sya.


"Kung ganun, bakit mo sya binigyan ng regalo sa harap ng maraming tao?"pasigaw na tanong ni Grace at may kasunod pa. "Bakit? Dahil gusto mo sya?"


Hindi ko sinagot ang tanong nya. Nilingon ko ang libro ko at muli syang pinakiusapang ibigay sakin yun. "Ibalik mo na ang libro ko."


"Siguro ikaw din mismo ang nag-kalat ng tsimis na kayo no?"sarkastiko akong natawa sa sinabi ni Grace. Walang sense ang mga pinag-sasabi nya. Para syang batang inaagawan ng candy.


"Siguro nga sya ang nag-kalat. Kawawa naman si Miguel. Naiipit sya sa ginagawa ng malanding babaeng 'to."nasaktan ako sa sinabi ni Emily. Ni minsan sa buhay ko never pa ako nasabihang malandi, kahit ng mga magulang ko. Pero heto sya harap harapang isinampal sa mukha ko ang salitang 'malandi'.


"Oh My God! Nag-kukunwari ka pang nerd at tahimik. Nasa loob din naman pala ang kulo! Gosh! Malandi!"buong diing sigaw ni Grace sakin.


Feeling ko nun umapaw na ang pasensya ko kaya naman napilitan na akong mag-salita. "Binigyan ko sya ng regalong alam kong mag-papasaya sa kanya dahil yung araw na yun ang pinaka-malungkot na araw sa buhay ni Miguel! At hindi ako malandi para ipag-kalat sa madla ang isang bagay na wala namang katuturan!"katwiran ko sa sarili ko na ikinagulat nila.


Hindi kasi nila inaasahan na sasagot ako. Kung alam lang nila ang sitwasyon ni Miguel nang araw na yun siguradong maiintindihan nila kung bakit ko ginawa yun. Oo, inaamin ko...gusto ko si Miguel... Hindi, matagal ko nang gusto si Miguel. Simula pa ng mga bata kami. Mula noon at hanggang ngayon, kahit kailang hindi mag-babago ang nararamdaman kong yun. Dahil bukod sa pamilya ko, si Miguel lang ang nag-iisang nag-paramdam sakin na isa akong Prinsesa.


"Ngayon, ibalik nyo na ang libro ko."this time may halong galit na sa boses ko.


Ngumisi silang tatlo at nagkatinginan. "Okay madali naman akong kausap eh."lumapit sya sakin at inilahad nya ang libro ko. Nang aabutin ko na sya ay bigla nyang binitawan dahilan para bumagsak ito at mahulog sa stagnant water sa harapan ko. Nang-laki mata ko sa gulat, at nag-pintig ang tenga ko ng mag-tawanan sila.


"Sorry, nabitawan ko."insincere nyang sabi. Galit ko syang nilingon habang nang-gigilid ang mga luha ko. Nginiwian nya ko at tinaasan ng kilay. "What? Are you mad?"


Hindi ako sumasagot, galit lang akong nakatitig kay Grace. Naramdaman kong tumulo na rin ang mga luha ko. Mabilis ko yung pinunasan bago buong pait ko syang sininghalan. "Ang sama sama nyo!"


Napansin kong hindi nagustuhan ni Grace ang sinabi ko dahil sumilay ang inis sa mukha nya. "Anong sabi mo? You!"


Umakma syang sasampalin ako, napapikit ako at hinintay na dumampi sa pisngi ko ang mga palad nya. Pero limang segundo na ang lumipas wala parin akong nararamdamang sakit o bigat. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, bumulaga sa harapan ko ang isang lalaking hawak hawak ang kamay ni Grace na dapat sana ay sasampal sakin.


Pamilyar sya sakin... Jung Jin Woo? Bulong ko sa isip ko habang kwestyonableng nakatingin sa kanya.


"Ji--Jin Woo?"nauutal sa wika ni Grace. Padabog na binitawan ni Jin Woo ang kamay ni Grace saka nya ibinulsa ang mag-kabilaang palad nya.


"Alam mo ba kung anong pinaka-ayaw ni Miguel sa mundo?"kalmanteng tanong ni Jin Woo. Napaatras sila Grace, Rita at Emily ng lumakad paharap si Jin Woo. Sinusundan ko lang sya ng tingin. Dinampot nya ang libro kong naka-lublub sa stagnant water at walang kagatol gatol nya iyong ipinag-pag sa harapn nila Grace kaya naman nag-talsikan ang tubig ng basang libro sa kanila. Hindi sila mag-kamayaw sa pag-ilag.


"Ano ba! Nababasa kami!"galit na sita ni Grace. Huminto si Jin Woo sa ginagawa nya. Naka-sapak parin ang kanang kamay nya sya bulsa ng pants nya habang ang kaliwa naman ay hawak ang libro ko. "Pwede bang ituloy mo na lang ang sinasabi mong pinaka-ayaw ni Miguel!"


Kunyaring napaisip si Jin Woo, "Hmm... Pinaka-ayaw ni Miguel?"ilang segundo syang nanahimik pag-kuway muli syang nag-salita. "Ikaw."at may kasunod pa iyong tawa. Hindi naka-imik si Grace, hindi sya naka-react sa unexpected answer ni Jin Woo. Kahit ako, hindi ako maka-react... Good Job Jung Jin Woo!


"Black Beauty, lets go!"tawag ni Jin, napakunot pa ako dahil akala ko kung sino ang tinatawag nya, yun pala ako. Black Beauty? Anong ibig sabihin noon?






SUPER awkward ng feeling ko nung nag-lalakad ako sa campus kasama si Jin Woo. Lahat napapatingin sa amin. May naririnig pa kong bulunga pero hindi ko maintindihan kung ano. May mga babaeng mahahalata mong inis sakin. Hindi ko rin naman sila masisi, ang isang nerd na gaya ko kasamang nag-lalakad sa campus ang infamous vocalist ng banda ng school namin at kahit na ba tinaguriang F4 eh sila parin ang heartthrob sa Ashita High.


Habang nag-lalakad kami, sumagi sa isip ko nun na hindi pa pala ako nakaka-pag-pasalamat kay Jin Woo dahil kung hindi sya dumating, malamang nalamog na mukha ko sa sampal ni Grace.


"Ah... Jin Woo."maingat kong tawag sa kanya. Agad naman syang lumingon sakin.
"Ano 'yun?"


"Salamat nga pala kanina. Kung hindi ka dumating kanina , malamang nasampal na ko ni Grace."nakangiti kong saad.


Napangisi sya sa sinabi ko, pero talagang tinamaan ako sa sinabi nya at na-realised ko na tama nga sya. "Kung parati mong ipapakitang mahina ka, lahat ng taong gustong manakit sayo iisiping malakas sila kahit na hindi."iyan ang sinabi nya na hanggang ngayon paulit ulit na nage-echo sa isip ko.
Bumuntong hininga sya bago sya ulit nag-salita. "Isa pa.. Dahil girlfriend ka ng kaibigan ko, kailangan kitang protektahan. Ayaw ko naman maging walang kwentang kaibigan para kay Miguel. Para saan pa ang labing walong taong pag-kakaibigan naming dalawa diba?"


Pilit na ngiti ang naalala kong isinagot ko kay Jin Woo. Gusto kong itama ang sinabi nyang girlfriend ako ni Miguel dahil hindi naman talaga kami. Kumalat lang ang tsimis dahil siguro sa ginawa kong pag-bibigay ng regalo kay Miguel at pasigaw na nag-tanong ang mga kaibigan nya kung girlfriend ba nya ako.


Ang naka-pagtataka eh, ni hindi man lang nagre-react si Miguel sa tsimis. At sa pagkaka-obserba ko ngayon kay Jin Woo, parang hindi sila apektado sa tsimis.


Kakausapin ko pa sana si Jin Woo pero dumating na ang mga kaibigan nya. Bigla akong kinabahan nun, hindi ko alam kung anong gagawin ko ng makita kong nag-lalakad si Miguel kasama ng dalawa pa nyang barkadang sina Reg Tayao at Ian Chavez.


"Hoy! Jin! Ano ginagawa mo dyan? Kanina pa kami hintay ng hintay sayo sa hallway eh!"halata ang inis sa mukha ni Reg.


Ilang akong napatingin sa kanila, habang sila naman ay kwestyonableng napa-tingin sakin. "Bakit kasama mo girlfriend ni Miguel?"tanong ni Ian. Parang gusto ko lumubog sa kinatatayuan ko kanina dahil sa hiya. Hindi ko ma-sikmurang tawagin nila akong girlfriend ni Miguel sa harapan mismo ni Miguel!


Pasimple kong nilingon si Miguel, pero agad ko ring binawi ng makita kong naka-tingin din sya sakin. Hindi mahahalata sa mukha nya ang inis dahil naka-ngiti sya sakin. At mas nakakahiya ang sumunod na mga nang-yari. Nawindang akong bigla at nawala sa ulirat dahil sa sinabi ni Jin Woo.
"Nag-date kasi kami."


Nag-crayola na utak ko, parang biglang nag-malfunction at hindi ko na alam kung ano pa ang mga pinag-sasabi ko nun. "Hu?! Mi--Miguel hindi! Hi--"nang ma-realized ko ang tanong na 'bakit ka defensive?' bigla akong natigilan.


Oo nga, bakit ko kailangang i-defend ang biro ni Jin Woo? Hindi nga naman kami ni Miguel, so wala akong dapat i-explain o i-defend kay Miguel.


Ramdam kong namumula na ako nun dahil sa hiya, "Ahhh!"hysterical kong saad, napasapo ako sa mukha ko at... Yeah, nag-walk out ako.


"Hoy! Black beauty! San ka pupunta?"tawag pa ni Jin Woo sakin pero hindi na ko lumingon. Sobrang nakakahiya!


Hay~hindi ko na tuloy alam kung pano ko pa haharapin si Miguel pag naka-salubong ko sya sa campus o sa hallway. It's so embarrassing! Jung Jin Woo, really!
What a super day! Sana naman bukas hindi ko makasalubong si Miguel... Well, up till here na lang. See you later. Good night diary.






- MiMi
----------
End of Chapter 5: Mia's Diary: Entry 01
To be continued....
----------

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^