Saturday, August 2, 2014

Say 'I Love You' : 01. Ga...ddess


Jin's POV

==========


NAPA-BALIKWAS ako sa sofa na hinihigaan ko at wala sa sariling iginala ang paningin sa paligid. Wala akong ibang makita maliban sa maliit naming bahay kundi ang mga naka-kalat na bote ng Tanduay Ice at plastic ng mga boy bawang at muncher na pinagka-kainan kagabi ng mga hinayupak kong tropa.



Taranta akong napalingon sa relo ko. Kinse minutos na lang maga-alas otso na. "Putik! Mali-late na ko! Badtrip!"dali dali kong hinablot ang uniform kong nakasabit sa may bintana sa bandang likuran ko. Kahit na may kalayuan sya ay pilit ko paring inaabot hanggang sa mahawakan ko ang dulo.



Buong pwersa ko syang hinablot at sa malas, sumabit sya sa pakongpinag-sasabitan nya. "Ay! Pusang gala! Ang bobo mo! Nag-iisa ka na nga lang nag-papunit ka pa sa pako!"dumadagundong kong sigaw. Napa-sapo pa ko sa nuo ko at nag-pakawala ng malalim na buntong hininga. "Asan ba si mama?"malamang nasa labas nanaman 'yun at nakikipag-laro ng bingo!



"Badtrip talaga!!"binitawan ko ang kaisa isang white uniform kong na-murder ng pako at sunod na inabot ang navy blue kong pants.



Gaya ng white kong uniform may kalayuan din sa posisyon ko ang pants ko kaya naman hirap din akong abutin. Pero dahil nag-mamadali na ko, wala na kong oras pang lumakad papunta sa bintana. Pilit kong hinablot ang pants, sa kapipilit kong maabot, hindi ko sinasadyang bumalentong sa sofa.



Sa wakas nakuha ko rin sya, pero masakit ang pag-kakabagsak ko sa likuran ng sofa. Mabilis akong tumayo, at nag-mamadaling isinuot ang pants. Buti na lang boxer ang suot ko ng maka-tulog ako, at least hindi ko na kailangang mag-palit.



Iika-ika akong lumapit sa aparador dahil hindi pa naka-pasok ang isang paa ko sa pantalon ko. Biglaan kong binuksan ang pinto ng aparador at hindi ko napansin na masyado pala akong malapit sa pinto. Kaya sa pag-bukas ko tumama sa nuo ko ang dulo ng pinto.



"Aaaa!!"inis kong sinipa ang pinto, pero dahil sa magaan lang ang aparador, at nakalimutan kong bali na pala ang isa sa mga paa nya kaya naman bigla syang natumba, sakto sa nuon kong tinamaan ng pinto. "Bwisit! Kasalanan 'to ng mga sira-ulong 'yun eh! Humada sila sakin!"



Marahan kong inayos ang aparador. Matapos kong maka-kuha ng polo-shirt ay agaran ko iyong sinuot at tumakbo papuntang pinto para mag-suot ng sapatos ko. Kinuha ko ang pares ng paborito kong vans skate shoes, buti na lang naan doon pa ang medyas na ginamit ko kahapon. Ayos na 'yun, wala na kong oras pa para mag-hanap ng kapalit. Kahit naka-tayo pa ay nag-suot na ko ng medyas at sapatos sa kanang paa ko.



Dahil nakataas ang isang paa ko ay pa-atras akong na-out of balance at malas na natapakan ang isang bote dahilan para matumba ako paupo. Napa-pikit ako sa sakit, dahil mukhang napuruhan ang pwet ko. Hindi ko na lang ininda, limang minuto na lang ang nalalabi sa oras ko. Tiniis ko ang sakit at nag-patuloy parin sa pag-susuot ng sapatos.



Dinampot ko ang bag kong nakapatong sa lamesa, at patakbong pumunta ng pinto. Dinampot ko ang skateboard, sinuot ko ang bag ko at binuksan ang pinto ng bahay. Nasalubong ko ang nanay kong papasok ng bahay dala ang isang supot ng paborito kong pansit palabok.



"Nak! Binilihan kita ng paborito mong pansit palabok! Alam kong masama ang loob mo sa pag-kakatalo sa pustahan nyo ng mga kaibigan mo. Kaya heto, pang-palubag loob."masayang bungad sakin ng nanay ko na imbes na ikatuwa ko ay ikinainis ko pa.



"'Wag mo na nga ipa-alala sakin 'yun ma!"wag mo nang ipa-alala sakin ang pag-katalo ko sa pustahan namin sa DOTA.



"Ikaw naman anak, concern lang ang mama mo. Teka! Bakit hindi ka naka-puti? Hindi ka ba papasok ngayon?"agarang tanong ng mama ko ng mapansin nyang hindi ako naka-suot ng uniform.



"Nasa loob ng bahay ang sagot. Mauna na ko! Baka ma-late pa ko."kinuha ko ang isang supot ng pansit palabok kay mama at lumakad na palabas.



"Anong baka ma-late? Late ka na anak. Mag-ingat ka hu? Baka ma-ospital ka nanaman sa kalokohan mo. I Love You!"sigaw pa nya sa harapan ng napakarami naming kapit bahay.



Minsan ako na lang ang nahihiya kapag ginagawa ni mama 'yun. Pero ganun pa man. Kahit na parang napaka-eskandalosa ng nanay ko. Proud parin ako dahil sya ang naging nanay ko. Bukod kasi sa isa syang maalaga at maalalahaaning nanay. Napaka-cool din nya at masayahin.



Proud ako, dahil nakaya nya akong itaguyod na sya lang mag-isa. Wala akong tatay, single mom ang nanay ko. Naanakan lang sya ng isang Koreano kaya naging JinWoo ang pangalan ko. Dala dala ko rin ang apelyido ng tatay kong Koreano na Jung.



Sanggol pa lang daw ako nang iwan ni mama ang tatay ko dahil nalaman nyang may pamilya pala ito at isa lang syang kabit. Hindi naman nag-kulang sa sustento ang Koreano kong tatay. Sa totoo nga, minsan na nya akong inalok na dalhin sa Korea para doon tumira kasama ang original nyang pamilya at pag-aralin ako, pero tinanggihan ko.



Alam naman ng totoong pamilya ng tatay ko ang tungkol sa amin. At hindi naman sila nagalit o nanumbat, dahil siguro alam nila na ang tatay ko naman talaga ang puno't dulo ng lahat. Mabait naman sila, may isa ding anak na lalaki. Matanda sa akin ng dalawang taon. Twenty na sya at kasalukuyang nag-aaral ng pagdo-doktor sa Harvard University.



Ilang beses na kaming nag-kita, at ayos naman ang relasyon namin bilang mag-kapatid. JinYoung ang pangalan nya. At hyung ang tawag ko sa kanya. Madalas syang nanga-ngamusta sakin gaya ng madalas ding panga-ngamusta sa akin ng nanay nya.



Maraming nag-sasabi mag-kamukha kami. At nakuha daw namin ang ka-gwapuhan ng tatay ko. Baka nga daw ang pagiging matinik ng tatay ko sa babae ay nakuha rin namin. Sang-ayon akong kamukha ko nga ang tatay ko. Pero may isang bagay na pinag-kaiba namin. Dahil ako sa oras na mag-mahal, siguradong sya na ang pakakasalan ko.



"Oh! Jin! Naku! Late ka nanaman! Nauna na mga barkada mo! Hindi ka ba nila ginising?"bati sakin ni Aling Marimar na laging nagre-remind sakin ng pagiging late ko. Hindi ko sya pinansin, tuloy lang ako sa pag-lalakad sa maliit naming eskenita. Mainit ang ulo ko ngayon. Nag-kanda malas malas ang araw ko ng dahil sa kagagawan ng apat na sira-ulo na iyon!



Pag-dating ko sa may kanto, naabutan kong tumatagay nanaman sina Mang Kaloy ng emperador. "Hoy! Jin! Tumagay ka muna!"alok nya sakin, pero hindi ko rin sya pinansin, tuloy tuloy lang ako. Nang makarating ako sa kalsada doon ko lang sinakyan ang skateboard ko, dahil doon lang may patag na lupa.



"Humada talaga kayong tatlo sakin!"nag-aapoy kong banta sa kanilang tatlo kahit na hindi man nila narinig.











PAG-DATING ko sa Pedestrian Lane malapit sa school namin ay naabutan kong nag-lalakad ang tatlong barkada ko. Abot hanggang tenga ang tawanan ng mga gago. Hintayin lang nila pag-nakalapit ako. Knock out talaga sila sakin.



"Hoy! Mga gago!"galit kong tawag sa kanila sa kabilang dulo ng lane. Bigla silang nataranta ng makita nilang ako, kaya naman kanya kanya sila ng tulakan.



"Pare si Jin! Takbo! Bilis!"narinig kong sabi pa ni Miguel. Nang marinig kong tatakbuhan nila ako agad kong binuhat ang skateboard ko at nag-mamadaling sumingit sa mga taong papatawid.



"Gago! Bilis!"natatawa, pero halang tarantang sigaw naman ni Reg.



"Kita na lang tayo sa school pre!"kumaway pa sakin si Ian bago sila nag-sitakbuhan.



"Hoy! Mga baliw! Hintayin nyo ko! Mga sira ulo kayo!"galit kong tawag sa kanila pero parang wala silang narinig. Ang nakaka-urat pa sa lahat, nag-tatanawan sila habang nag-tatakbuhan.



Hindi ako maka-singit dahil biglang dumami 'yung mga tumatawid. Karamihan pa sa kanila nag-tatakbuhan din. Sa sobrang dami nila, ay di sinasadyang tumilapon ako sa lapag ng may maka-patid sa akin. Nabitawan ko ang skateboard ko. Agad akong tumayo at iika ikang inabot ang skateboard kong gumulong sa tabi ng daan.



Napa-kunot ang nuo ko ng marinig kong may nag-sisigawan. Nilingon ko sila, hindi ko maintindihan mga sinasabi nila pero mukhang sa akin sila nakatingin. Napakunot ang nuo ko, pero huli na ng ma-realized kong pinapa-alis pala nila ako dahil may rumaragasang sasakyan.



Nahagip ako ng sasakyan, nag-pagulong gulong ako sa kalsada na para bang minamasa akong harina.



"JinWoo!"rinig kong tawag ng mga sira-ulo kong tropa. Pakiramdam ko nalamog ang buo kong katawan. Pero ang kinainit ng ulo ko ay hindi man lang huminto ang kung sino mang demonyong naka-sakay sa isang blue na sports car.



"Pre, ayos ka lang?"tanong ni Reg. Hindi ko alam kung pano nakarating sa tabi ko ang tatlong gago ng ganun kabilis. Kanina lang halos hindi ko sila maabutan.



Nilingon ko ang papalayong sports car. Pakiramdam ko kumukulo na ang dugo sa ulo dahil sa pinag-sama samang galit at inis. Padabog kong dinampot ang skateboard ko, "Sira ulong ga---."natigilan ako ng mapalingon ulit ako sa papalayong sports car.



Ang kaninang nag-aapoy kong galit ay biglang nawala. Parang biglang tumigil ang oras. Biglang nawala sa paningin ko ang mga nag-kakagulong mga tao at napalitan iyon ng napaka-raming bulaklak sa paligid, nag-liliparang mga paru paru. Isang hardin na may napaka-gandang bahaghari. Mga bulang nag-liliparan kasabay ng napaka-preskong hangin. Bigla akong napangiti.



"...ddess."sabi ko sa sarili ko nang makita ko ang isang babaeng lumalakad sa harapan ko ngayon. Para syang anghel na bumaba mula sa langit. Parang Diyosa na nagpa-pakalat kalat sa daan.



Mas lalo akong napa-ngiti ng mapatingin sya sakin. Napaka-amo ng mukha nya, bumagay ang morenang kulay nya sa itim, mahaba at straight nyang buhok. Para syang Prinsesa sa suot nyang puting dress at highheels. Amoy na amoy ko ang pabango nya kahit na ba ilang agwat ang layo namin sa isa't isa.



Ang ganda nya... 'yun na lang ang nasabi ko sa isip ko habang pinapanood ko syang papalayo.



"Hoy! Pre! Ayos ka lang ba?"inalog alog pa ko ni Miguel, pero hirap parin bumalik ang diwa ko sa realidad.



"Pare..."wala sa sarili kong sabi sa kanila habang nakangiti pa ko at nakatitig sa babae kahit na ba hindi ko na sya makita. "...tinamaan yata ako."



"Gago! Tinamaan ka talaga! Dumudugo na ulo mo!"parang na-blangko isip ko ng marinig ko ang salitang dugo. Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay nakakakita ng dugo. Dahil sa oras na makakita o makahawak ako noon ay bigla na lang akong...



"Wala na, hinimatay na sya dahil sa dugo."'yun na lang ang huling kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.









NAPAPA-ILING na lang ang nurse sa si Jane habang tinititigan nya ang sugat na nasa ulo ko matapos akong ma-hit and run ng isang sira-ulong driver ng blue sports car.



"Jung JinWoo. Ikaw nanaman? Ilang beses ka ba nasusugod sa ospital sa loob ng isang buwan?"sabi nya sakin habang inililista nya ang temperature ko.



"Nurse Jane!! Kelan mo ba pag-bibigyan ang alok kong date sayo?"singit naman ni Reg.



"Nurse Jane, sagutin mo na ko!"pati si Ian sumingit na rin.


"Hindi ko naman talaga kailangang isugod sa ospital eh! Ginamit lang akong dahilan ng dalawang 'to para makita si Nurse Jane! Mga sira-ulo!"pinag-sisipa ko sila kahit na napaka-layo nila sakin. Natatawa namang napailing na lang si Miguel.



Tumayo ako mula sa hospital bed na kinauupuan ko at lumakad na palabas ng ER. Mahirap na, baka may bigla na lang dumating na duguang pasyente.



"Hoy! Jin! San ka pupunta? Gagamutin ka pa ni Nurse Jane!"tawag sakin ni Reg pero hindi ko na sya nilingon.



Pag-dating ko sa labas ng ospital ay napa-hugot ako ng malalim na buntong hininga. Pumasok nanaman sa isip ko ang babaeng nakita ko kanina sa daan. Hindi mawala sa isip ko ang mukha nya at kung paano nya ako tiningnan. At hanggang ngayon, malakas parin ang tibok ng puso ko pag naiisip ko sya.



Sino kaya sya?







----------

End of Chapter One: Ga...dess

A/N:  tagal ko na ring hindi nakakasulat ng literal na lovestory ... naka-focus kasi ako sa fantasy .. hehe .. anyways .. sana naman magustuhan nyo 'tong new story ko ..  thanks ..


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^