His Crazy Bodyguard
Hello! I'm Akira Ella Manansala, ano bang hanap mo? Make-up? Damit? Panty? Bra? Brief or boxer? Sabihin mo lang at bebentahan kita sa napakamurang halaga!
"Oh Ishee, eto ang baon mo ngayon. Pagkatapos ng klase umuwi na agad ha." Bilin ko sa kapatid ko na ngayon ay second year high school na. "Umuwi agad ha." Ulit ko nung nakalabas na sya ng pinto.
Takte late na rin ako sa mga appointments ko. Baka mamaya mag back out pa yung mga ka-meeting ko kapag na late ako, sayang naman ang kita.
Meet me, Akira Ella and dakilang rakitera. Lahat ng pwedeng pagkakitaan pinapatos ko, kapos eh kaya kailangan magsumikap sa tama at patas na paraan.
Papunta ako ngayon kila Mae, bebentahan ko kasi sya ng mga push-up bra. Gusto yata nyang ma-enchance ang hinaharap nya ng hindi nagihing produkto ng salamat po dok. Bebentahan ko din sya ng mga panty, may mga bago kasi akong designs na nakuha sa suki ko.
After kila Mae kay Regene naman ako pupunta, mahilig din kasi sya sa push-up bra kagaya ni Mae. May iaalok din ako sa kanyang mga tee shirts, may design kasi ng One Piece na anime. Alam ko naman na favorite nya yon, kaya paniguradong sulit ang pagod ko pagpunta sa kanila.
After nun si Jhona naman ang pupuntahan ko, may nakuha kasi akong mga violet na damit para sa baby nya. Baby pa lang anak nya alam mo ng kikay. Syempre pa, dahil cute yung mga dala ko for her baby paniguradong mapapabili sya.
Aba syempre may bitbit din ako para kay Richelle, mga rashguards para sa darating na summer. Takot umutim eh,ang tagal daw nyang nagkulong sa aircon na kwarto para ma-achieve yung kulay nya ngayon. Bebentahan ko na rin sya ng shades, at sunblock na may mataas na spf para hindi talaga sya umitim.
Kung kakayanin pa ng schedule ko, isusunod ko si Alli. Aba'y may order na mga libro sa akin ang babae na iyon, pinahirapan ako ng sobra. Pati nga mga materials para sa scrapbook nag-order.
"Ilabas mo na bilis."
Hindi pa nga ako nakakapasok sa gate nila eh. Excited masyado tong si Mae eh, ayaw man lang akong alukin ng tubig nakita ng sangmalmal ang dala ko.
"Atat? Atat? Saglit lang, easy." Sabi ko na lang sa kanya.
Inilabas ko na yung mga hinahanap nya. Ang mahiwagang pish-up bras at panties. Naglabas na rin ako ng dress, mahilig din kasi sya doon, pati bags naglabas ako.
"Shemay, mukang malaki ang hinaharap ko dahil dito sa mga paninda mo Akira."
Maligaya talaga sya. Sinukat nya yung bra na nilabas ko, at na-push ang kapiranggot na laman nya sa harap nya. Kinuha din nya yung katernong panty nung bra, pero hindi naman nya sinukat. Hinalungkat nya pa yung mga inilabas ko para sa kanya, at nakita nya yung dress na makulay ang buhay. May kinuha din syang bag, yung maliit na terno sa dress na napili nya.
Hindi sayang ang effort ko sa pagpunta dito kila Mae, malaki ang kikitain ko sa kanya. “Akira etong bra lang kukuhanin ko.” Biglang sabi nya habang inaayos yung kinalat nyang mga paninda ko.
Kulang na lang sigaan ko ng buhay si Mae, pinagot lang ako ng bruha. “Joke lang naman. Nguso mo umabot na sa pisngi ko sa haba. Kunin ko lahat ng to. Teka lang ha, kunin ko lang pera ko.” Paker na Mae to, akala ko malas sya eh. Bwena-mano pa naman.
Kulang isang libo din ang napamili ni Mae, kaya masaya akong papunta sa susunod kong destinasyon. Malaki rin ang kikitain ko sa susunod, malakas ang pakiramdam ko. Alam kong hindi mahihindian ni Regene ang mga dala ko para sa kanya.
“Regene…yoohoo!!!” tawag ko sa kanya sa labas ng gate nila.
Ang yaman talaga ng mga customers ko, puro di-gate ang bahay nila.
“Oh Akira, ikaw pala. Pasok ka, nagbibihis lang si Ate.” Si Jazz yung nagbukas nung gate, bunsong kapatid ni Regene. Kagandang babae ng bata na ‘to, inggit ako. “Hintayin mo na lang sya ha, mga thirty minutes pa bago lumabas yun.”
Pwedeng lumabas na lang muna ako, at babalikan ko na lang sya kapag tapos na sya sa seremonyas nya? Time is money for me. Mahalaga ang bawat oras ko no.
“Paninirang puri yan Jazz, sapatusin kita dyan eh.”
Okay, hindi ko na kailangang lumabas o maghintay ng matagal sa kanya, dahil heto na sya. Inilabas ko na yung mga iaalok ko sa kanya ng walang sabi-sabi. Higit sa sales talk, aksyon ang kailangan.
“Shutang inabeks. Saang lupalop ng mundo mo nakita ang mga ito, Akira? They are all so nice.”
Una nya talagang nakita yung mga tee shirts na may design ng One Piece characters. Kumpleto yung dala ko, meron Zorro, Saji, Luffy, Nami, Robin, Chopper, at yung iba hindi ko kilala kasi walang nakasulat dun sa damit.
“Nasaan na yung mga push-up bra na sinasabi mo?”
Inilabas ko na yung mga bra, pati panty nilabas ko na rin kasi baka may magustuhan sya. Naglabas din ako ng mga shoulder and hand bags. Alam ko mahilig sa sandals at sapatos ang isa na ‘to, kaya naglabas din ako.
Tiningnan nya lahat ng nilabas ko para sa kanya. At maligayang-maligaya akong aalis sa bahay na ito. Imagine, pito yung binili nyang tee shirt na puro One Piece, tatlong push-up bra, at bumili din sya ng sapatos sa akin. Ang yaman talaga nila. Kulang dalawang libo naman ang napamili nya.
Ito ang pinakahihintay ko, ang pagpunta kila Jhona. Hindi dahil sa marami syang bibilhin, pero kasama na rin yon. Gustong-gusto ko kasing nasisilayan yung baby nya, ang cute-cute kaya ni Johara.
Nang makarating ako sa kanila, nag-alcohol agad ako ng kamay para mabuhat ko na si Johara. Bahala na mommy ng baby na ito na maghanap sa mga dala ko, mas ok kasama ‘tong si baby.
“At talagang puro gamit ng anak ko ang ipinagbebenta mo sa akin?”
“Oo naman. Hindi mo naman kailangan ng push-up bra, malaki na yang iyo dahil sa panganganak mo. Wala naman akong big size ng panty para sayo, hindi ka naman mahilig sa sapatos. Bags meron akong dala, bahala ka ng pumili dyan.” Sagot ko sa kanya habang buhat ko pa rin ang baby nya.
Kulang one thousand din ang napamili ni Jhona, pero halos lahat ng binili nya para kay baby kagaya ng inaasahan ko. Para ngang ayoko ng umalis sa bahay nila kasi ang cute talaga ni baby Johara, para syang angel pero may pagka-maldita.
Sa trabaho ni Richelle ako pupunta, kasi may pasok pa sya kahit Sabado. Sya nga lang ang kilala ko na single at galit sa salitang ‘day-off’, pero laging walang pera. Ewan ko sa babae na yon kung saan dinadala ang pera nya. At saka parang hindi sya natatakot na baka biglang dumating yung big boss nila at maabutan sya na namimili.
“Dala mo Akira? Patingin ako bilis.” Hay, parang si Mae lang.
Atat na atat sa summer ang isang to eh. Isipin mo nga, January pa lang nagpapahanap na sa akin ng rashguard at board shorts. Inilabas ko na yung rashguards na nakita ko para sa kanya, anim na piraso din yun. Yung board shorts na pambabae isang dosena yung nakuha ko. Pati yung panlalake nilabas ko na rin, baka kasi maisipan ng mga kasama nya sa trabaho na bumili kapag nakita nila ang tinda ko.
“Kuya bili na kayo ng shorts oh, malapit naman na tayong mag-outing. Magagamit nyo to.” Tawag nya sa mga kasamahan nyang mga lalake.
Binili ni Richelle yung anim na rashguards, balak yatang tumira sa tabing dagat pero takot umitim. Bumili din sya ng anim na shorts. Hindi ko sya napilit na bumili ng sunblock dahil nakabili na daw sya, pati shades nakabili na ang bruha. Two thousand four hundred ang kinita ko sa kanya pa lang. Yung anim na kasama nyang mga lalake sa trabaho, bumili din sila ng shorts lahat.
Hindi ko na mapupuntahan si Alli, six na ng gabi eh. Kawawa naman ang kapatid ko walang kasama sa bahay, wala pa naman kaming kuryente. Eh sa naputulan kasi kami, inuna ko munang bayaran yung tubig. Mahirap para sa trabaho ko ang hindi naliligo at mumog.
⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞
Pauwi na ako galling sa bahay nila Alli, at pagod na ako kahit na maaga pa naman. Nag-tren na ako para mabilis at tipid, pero pinagsisisihan ko kung bakit hindi ako pumuwesto na part ng tren na puro babae lang. Rush hour na kasi, kaya talagang punuan na.
“Hoy mamang may putok!” tawag ko sa pansin nya. “May sarili ka namang pwet kaya yang pwit mo ang hawakan at pisilin mo. Paker, ang sarap mong ipakaladkad sa tren na to!”
Naging masama naman ang tingin ng ibang nasa loob ng tren sa lalake na humawak sa pwet ko. Alam kong napahiya din naman ako, pero kung walang magkakaroon ng lakas ng loob na magsalita, hindi na matatakot ang mga katulad nya.
“Feeling mo naman miss kamanyak-manyak ka.” Sabi nung lalake.
Tangna, salamat at maluwag na kahit paano tong tren kung saan ako nandoon. Sipain ko nga ang where it hurts the most nya. Gagung yon, saksakan na nuknukan ang pagka-ungentle man nya.
“Nagpapalusot ka pa eh. Gagu ka, lahat ng lalake na kagaya mo, na may taglay na pagmumuka kagaya ng muka na meron ka, hindi na kayo magpapaka-choosy dahil wala naman ng papatol sa inyo. Nakakasulsok na nga hininga mo, saksakan pa ng itim ng budhi mo. Ang pangit mo manong. Gumising ka na sa ilusyon na gwapo ka!” mahabang sabi ko. Sakto naman na nasa station na kung saan ako bababa.
“Manong guard, nakita mo yang lalake na yan na iika-ika? Sinipa ko yung balls nya, manyak kasi. Paki-picturean na lang po at pakipaskil ang pagmumuka nya. Paki-lagyan na rin po ng caption na manyak yang tao na ‘yan.”
Lumayas na agad ako doon, di ko na tuloy narinig yung pagsang-ayon nung mga nakasabay ko.
⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞
“Oh ikaw Sir, anong hanap mo? Kailangan mo ba ng boxer shorts?” pinakita ko sa kanya yung boxers. “Para ba sa girlfriends mo? Meron akong mga lingerie para sa kanya?” girlfriends talaga kasi pogi si Sir eh, imposible naman na walang mahumaling sa kanya. “Kahit na anong hanap mo, maibibigay ko!”
“Be my bodyguard.”
Biglang sabi sa akin ng isang lalake na kanina pa ako sinusundan pero hindi ko naman pinapansin. Trip talaga ng mga tao ngayon, kakaiba na.
“Sabog ka ba? Nakakita ka na ba ng salamin?”
Kumunot naman yung noo nya sa tanong ko. Eh bakit, seryoso naman ako sa tanong ko sa kanya eh. “Of course I already saw a mirror. What a stupid question.” Ingglisero.
“Kung nakakita ka na ng salamin, sana naman naisipan mong tingnan ang itsura mo. Ang laki mong tao, matangkad ka at may muscles, tapos akong maliit at babae tatanongin mo, mali pala, sasabihin mo na gusto mo akong maging bodyguard?”
“Just be my bodyguard for a week, damn it.”
“Hoy sira-ulo kang lalake ka, wag mo kong minumura dahil hindi mo naman ako pinapalamon.”
Pesteng lalake na ‘to. Salot sya sa lipunan. Di na ako nagtataka na may gustong manakit o pumatay sa kanya, kasama ng ugali eh. Tapos ako gusto nyang maging human shield nya.
“Wag kang susunod, talagang tatamaan ka na sa akin abno ka.” Sabi ko sa kanya habang naglalakad na ako palayo sa kanya.
“You said you can give me ANYTHING that I need. Now that I need you to be my bodyguard hindi mo naman maibigay. You’re a liar!”
“Muka mo!” yun lang ang sinabi ko sa kanya at tuluyan ko na syang nilayasan.
“I’ll pay you double of what you are earning every day.” Pahabol pa nya.
Yung totoo medyo napahinto at napa-isip ako dun sa offer nya. Tempting. Pero hindi, hindi ako dapat ma-tempt sa offer nya na doble ang ibabayad nya sa akin, buhay ko ang nakataya. Syempre pa na rin sa pride chicken ko, mahalaga din naman yun para sa akin.
⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞
“So?”
“Fine! Tinatanggap ko na ang pagiging bodyguard mo!”
Napilitan lang naman ako, kasi mahina ang benta ko ngayon. Ano na lang ang ipapakain ko sa kapatid ko? Saan ko kukuhanin yung ipangbabayad ko sa eskwelahan nya? Pati yung para sa kaartehan at pampaganda nya saan ko kukunin kung wala akong income?
“Hear my rules. Rule number one, do not fall for me.” As if naman… sa kayabangang taglay mo, imposibleng magka-gusto ako sa’yo. “Second, you will come with me wherever I go. Of course except sa CR.” Feeling mo naman gusto ko sumama.
“Akala ko ba hindi 24/7? Eh bakit may rule number two ka na ganyang ka-non-sense?” di ko napigilang itanong.
Tinitigan naman nya ako na parang sinabi ko sa kanya na ang yabang nya. “Pwede patapusin mo muna kasi ako?” sarcastic na sabi nya. Mayabang talaga.
“Okay! Sorry!”
“That is from seven in the morning, until ten in the evening.” What? Gano katagal yung? Nagbilang ako sa daliri ko. Nasa seven pa lang ako, nagsalita na ulit sya. “Fifteen hours Ella.” Ganun talaga katagal? Pano pa kami magbo-bonding ng kapatid ko kung paggising nya wala na ako, at pagdating ko naman tulog na sya? “Don’t worry, you will be well compensated.” Pero… sigi na nga, kailangan ko talaga ng pera eh.
“My third and final rule, you have to pretend that you’re my girlfriend in times of need. Like for example, may lumapit na babae sa akin. You need to act like you’re a jealous girlfriend that is so ready to bite anyone who will try to get my attention away from you.”
Ano ‘to, lokohan? Gaguhan lang, ganun ba yon? Kailan pa naging trabaho ng isang bodyguard na magpanggap na possessive at selosang girlfriend? Alam kong nangangailangan ako ng pera, pero hindi naman yata to makatarungan. Ako na nga sasalo ng bala para sa kanya if ever, tapos ako pa kailangang sumalo lahat ng sampal, kalmot, at sabunot mula sa mga babae na may malabong mga mata?
Sa negosyo ko, kailangan ko ng maraming kilala at kaibigan, hindi kaaway. “Ay nako, kalokohan na lang lahat ng ‘to. Hoy lalake na tinalo pa ang electric fan na nasa highest limit ang pagiging mahangin, hindi ko balak na magkaron ng kaaway ng dahil lang sa’yo. You’re not worth it!”
⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞
“You need to come with me inside.”
Kanina pa kami nagpipilitan na dalawa. Ayoko ngang sumama sa kanya sa loob. Bakit naman hindi ko ipipilit ang gusto ko, papasok lang naman kami sa isang five-star restaurant. Muka kaya akong basahan ngayon, kahit talampakan ng mga nagpupunta dito mas maganda pa compare sa itsura ko.
“Ayoko nga sabi eh!” at tuluyan ng humaba ang nguso ko dahil sa inis ko sa lalake na saksakan ng kulit na ito. “Mapapahiya lang tayo pareho.”
Hinilot nya lang ang sentido nya, indication na sumasakit na naman ang ulo nya ng dahil sa akin. Isang linggo na syang ganyan, kasi isang linggo na rin mula nung pumayag ako na maging bodyguard nya.
“Ikaw na lang ang sumama sa akin, may alam akong masarap na kainan. Mura na, masarap pa, maganda din ang pwesto.”
Hinila ko na sya pabalik sa kotse na dala nya. Itinulak ko na sya papasok sa driver’s seat, at nagmamadali naman akong sumakay sa backseat.
“Ginugutom mo na ako, hindi ka na nga marunong mag-drive, ngayon naman ginawa mo akong driver. Dito ka sa front seat.”
“Ang high-blood mo naman. Hoy JL, let me remind you na bodyguard mo lang ako at hindi driver. Di ko naman kasalanan na hindi ka marunong pumili ng bodyguard na pang all-around.” Sabi ko habang lumilipat sa front seat ng hindi na bumababa ng kotse.
“God Ella!” aray naman, kailangan talaga sumigaw.
“Ano? Sabi mo lumipat ako. Ngayon naman na lumilipat ako sa front seat sumisigaw ka.” Sa wakas, naka-lipat na rin ako. “Liko ka dyan.”
Ilang ‘liko ka dyan’ at ‘diretso lang’ ay nakarating na kami sa destinasyon namin. Ang food bazaar sa tabing kalsada. Bah, kahit na nasa tabing kalsada lang ang kainan na ito ay talaga namang masasarap ang tinda dito.
“We’re here!” excited na, masaya ko pang sabi sa kanya. “Bilis, park ka na para maka-kain na tayo.”
Tahimik lang sya nag-park, malamang gutom na talaga sya, pero alam ko na ilang saglit lang magsi-sink-in na rin sa kanya kung nasaan kami.
“Saan tayo kakain dito?” mahiwagang tanong nya pagbaba nya ng kotse.
“Dyan!” turo ko sa kanya sa umpukan.
Tiningnan lang nya ako, making sure if I’m just joking around. Duh, ngayon pa ba ako magjo-joke eh pareho na kaming gutom?
“Seriously Ella, dito mo ako papakainin? Baka wala pang isang oras sakay na ako ng ambulance dahil na-food poison na ako.”
Ang mayayaman talaga saksakan ng arte. Kung nakakamatay ang ganyang klaseng kainan, bakit ang daming dumadayo diba, bakit maraming bumibili, at walang namamatay ni isa sa kanila? Walang common sense, kawawa naman.
Hindi na ako nagsalita, lalo lang ako gugutumin sa kanya. Hinila ko na lang sya papunta sa mismong kainan. Ng nasa loob na kami, binitiwan ko na sya. Nagugutom na ako kaya maghahanap na ako ng masarap na makakain.
“Ano ‘to ‘te? Mukang masarap ah.” Meron syang mga parang rings, tapos may pahaba, meron ding shrimps. “Pwedeng patikim muna?” at nginitian ko sya.
Inabutan ako ni ate ng isang plastic spoon. “Mix seafood salficao yan ganda. Masarap yan as pulutan.” Paliwanag ni ate. “Yang mga rings na ‘yan squid yan, and yung mahahaba na ‘yan yung mga tentacles nya.”
Masarap sya, yung nga lang ang anghang. “Ate bakit sobrang anghang naman nito? Sayang ang sarap pa naman kaya lang di talaga ako fan ng spicy foods.” Nakita ko naman yung basket of tempura na tinda nya. “Ay ate eto na lang prawn and vegetables tempura mo ang bibilhin ko. Ano-ano yung vegetables na kasama?”
Inisa-isa ni ate na sabihin sa akin yung mga vegetables na nasa tempura basket na tinda nya. Mabuti na lang at kinakain ko lahat ng gulay na kasama doon, ayos yun kasi walang masasayang.
Bumili ako ng isang basket ng tempura. Actually kahit iyon lang ang bilhin ko, mabubusog na ako. “Oh ikaw, may nabili ka na ba?” tanong ko kanya. Nagulat kasi ako nung humarap ako nasa likod ko lang pala sya.
Hindi naman sya nagsalita, basta na lang nyang kinuha yung isang prawn tempura sa basket ko. Hindi ko na lang pinansin kasi maiinis lang ako sa kanya, saka baka mamaya isipin nila ang damot ko naman.
⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞⁞
Two months na mula nung maging bodyguard ni JL. Dapat talaga one week lang, pero hingi sya ng hingi ng extension. Hindi naman ako maka-hindi kasi mas malaki ang kinikita ko sa pagbabantay sa kanya na napaka-effortless compare sa paglalako ko ng kung ano-ano kung saan-saan at kung kani-kanino.
“Ikaw lang yata ang nakilala kong lalake na mahilig mag-shopping.” Sabi ko kay JL.
Nandito na naman kasi sa isang mall sa Taguig, take note kakagaling lang namin dito nung isang araw dahil may mga binili din sya. Tapos ngayon nga nandito na naman kami, at ang dami na naman nyang binibili. Ginawa na nga akong alalay eh bodyguard lang naman ako, meaning taga-bantay.
“Wag ka ng magreklamo, hindi naman ikaw ang pinagbabayad ko or ipambabayad ko.” Sungit.
After two hours ng pag-iikot, salamat naman at naisipan nyang mamahinga.
“Take all of these.” Sabay abot nya sa akin ng mga paper bags na bitbit nya.
“Grabe! Wala na talagang tatalo sa pagiging napaka-gentleman mo!”
“Para sa’yo lahat ng binili ko, I mean sa inyong dalawa ng kapatid mo.”
“Bakit naman? Hindi ko naman hiningi na bigyan mo kami nito, JL?” tanong ko sa kanya.
“Wala lang, trip ko lang.” tiningnan ko sya. Hindi ako kumbinsido sa sinabi nya. “Fine. Bayad ko dahil hindi na kayo nakakapag-bonding ng kapatid mo kakabantay sa akin.”
Sweet naman pala ang loko na ‘to, galante pa.
Umalis sya saglit, may bibilhin lang daw sya. Wag na daw akong sumama dahil ang dami ko daw bitbit. Dahil sa curiousity, di ko napigilang silipin yung laman nung mga binili nya. Hindi ako makapaniwala na para sa akin lahat ng ‘to. Magkano kaya nagastos nya?
“Drink it.”
“Ano ‘to?” di ko napigilang tanong. Muka kasing maputlang dugo yung pinapainom nya sa akin.
“Tomato juice.”
“Ayoko.”
“Inumin mo nga sabi.”
“Ayoko nga. Di naman ‘to masarap eh.”
“Pano mo nalaman eh hindi mo pa nga sinusubukan?”
Bwisit naman oh. Eto ba yung kapalit lahat ng ibinigay nya sa akin? Baka mamaya nilagyan nya to ng pampurga or ecstacy eh.
“Wala akong nilagay na kahit ano dyan.”
Ilalapit ko pa lang sa bibig ko yung juice ng biglang may nakabunggo sa akin mula sa likod. Peste, natapon yung kalahati sa damit ko. Muka akong bampira na patay-gutom sa pag-inom ng dugo.
“I’m sorry miss.”
Napaharap naman agad ako sa likod ko, pero yung tingin ko nandun pa rin sa natapunan kong damit.
“Sa susunod kasi tumingin ka sa dinaraanan mo.” Sabi ko na lang na hindi pa rin tinitingnan yung nasa harap ko.
“Ella?”
sino kaya yung nkabanga kay ella ??
ReplyDelete