Tuesday, November 12, 2013

A School For Mythical Creature: 04

  

 A School For Mythical Creature

Chapter 4

TOWER II



[Someone’s Pov]


Kanina pa sila umaakyat sa hagdan at napapagod na din sila. Pero malapit din naman sila sa kinararaunan pero habang tumatagal ay naramdaman ni Pheria na may isang bagay na nakatitig sa likod niya... nakasunod lang kasi siya sa lima pang princesa at tila sinusundan sila... nang tumingin siya sa likod ay wala naman madilim lang doon...


Pero ramdam talaga niya na may nakasunod talaga sa kanila...


Nagkibit balikat na lang siya baka isa lang yung imihinasiyon. Pero parang talaga meron sumunod sakanila...


Nagising naramdaman na may tao sa tore at malapit na sila sa tuktok... umiinat inat siya at last meron na siyang hapunan ngayon gabi once in a year lang siya makakatikim ng FRESH MEAT at mainit init pa maganda sana kung lalaki ang mga yun pero hindi naman ata dahil sa amoy pambabae na nalalanghap niya. Anim sila... Umalis na siya sa lungga niya at mabilis na gumapang papunta taas kahit malayo na sila ay kayangkaya niyang makasunod sa kanila isang minute lang at tama siya anim sila...


Light green ang paligid at yung nag-trespass ay kulay yellow, red yun ang nakikita niya... hindi kasi siya gaya ng mga tao na may kulay ang paningin ganun lang talaga siya... She silently follow them...


Mga tangang babae!


Nasabi niya yun dahil kinagat nila ang bitag niya.... oo gawa niya yung mga rumors na matutupad ang wish mo kapag makarating ka sa tuktok para naman may makain siya sa gabi. Alam niya na bawal yun pero tawag ng kalikasan na yun eh sanay siya kumain ng laman specially yung HEART nila... at gusto ko baliin ang mga buto nila. Tumigil siya ng yung isa na babae na nakasakay sa ulap ay lumingon sa likod... tas nagpatuloy siya umakyat.


Kailangan na niya kumilos ngayon na at baka maramdaman na ng babaeng yun na nakasunod na siya. Biglang ginalaw ko yung galamay at marahan na pumalapit sa paanan ng isang babae na may apoy sa kamay...


“Alam niyo pa—“ Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil bigla niyang pinalupot ang galamay niya tas hinila ito. “kya!!!”


Hindi na talaga siya mapakali dahil nga parang may sumusunod. Tsk. Nag-uusap sila tungkol sa kung anong anong bagay at kung ano ang e-wish pero kumuntra lang si Runia dahil daw hindi totoo ang wishes na nagkakatotoo.


“ALAM NIYO PA—KYAH!” Biglang napatay ang apoy at nawala ng parang bula si Venera. What the—Anong nangyayari??? Tas parang may gumalaw doon at biglang may dumaan na parang hangin papunta sa taas.


Nagkatanginan silang lima tapos ay tumakbo papunta sa tuktok ng tore...


“BITIWAN MO AKO PANGIT!!”


“Hindi pwede ikaw ang aking hapunan ngayon gabi!!”


“Eh?!??!”


Nakalingkis ang tatlong galamay ng Halimaw sa katawan nito para hindi siya makagamit ng apoy. Isa itong Octophiliac type. Octopos ang kalating katawan tapos parang tao ang ulo hanggang beywang pero wala siyang mukha ni mata nga wala tapos itim ang balat... at mukhang slimey.. tumatawa ito na para bang low quality na speaker ginamit ganun ang boses niya.


“Let go of her, ugly whatever you are!!!” Si Tiara yun... na handa ng lumaban kami din naman.


“Sino ka ba at tsaka bitiwan mo nga siya!” Si Shuuna habang pinaypayan ang sarili... biglang umihip ng kay lakas at parang tatangayin kami dahil 'don at kay lamig.


“I wouldn’t do that—oh wait I know all of you! Kayo 'yung bagong studyante dito na mga half-blood kaya pala!”


(-_________-) Alam din niya yun???


“How did—“


Pinutol niya ang sasabhin sana ni Runia.


“It’s because I am one of the student... at kalat na kalat dito sa campus na nadagdagan ang mga half dito kita mo nga naman ano? Ngayon gabi ay mababawasan na ang mga half blood dito...”


Bumaba si Pheria sa Ulap akmang maglalabas ng kuryente ako pero pinigilan ako ni Zuther at nagsenyas na huwag ko  ituloy.


“Ano ba kasi ang kailangan mo?” Tanong ni Venera habang pinipilit pa din na makawala.


“I told you kakainin ko kayo!”


Biglang napatawa si Venera at siyempre kasali silang lima. Kakainin??? Mukha pa nga lang niya ay WEAK na! tsk...


“Venera, pwede mong gamitin ang powers mo... you can kill her if you want I already put some BARRIER here para hindi na Makita ng mga studyante dito ang nangyayare sa roof top...”


Biglang lumitaw ng parang green net sa paligid.


“A-anong—“


“You are missing with the wrong person Á Bao A Qu WE maybe a half but we are extraordinary.” Nakangising sabi ni Runia. “Na-search lang kita sa internet hahahahha mahina ka palang monster.”


“HINDI AKO MAHINA! CLASS B AKO AT MALAKAS!”


“tsk. Shut up! Pinagbigyan na kita kanina na pakawalan ako pero iniinis mo ako dahil sa amoy at kadiri mong mukha—este wala ka palang mukha! Heto dapat sa'yo!”


Her black as a raven hair change into a RED at yung mata nya ang naging crimson! May apoy sa paanan niya at kumalat yun sa buong katawan niya... nadamay yung halimaw kaya pala parang familiar din siya dahil nga nabasa na niya yung libro doon sa library. Bigla niya tuloy naalala yung lalaki na tumulong sakanya na kunin ang libro.


Naramdaman niya ang pang-iinit sa pisngi. Ngayun lang kasi siya nakakita ng lilang nay un.


[A/N: Para malaman ninyo type ni Pheria ang mga lalaking red eyes.. oi oi! Hindi adik ha?]


Pinilig na lang niya para mawaglit sa isipan niya ang lalaki. Tapos binaling kay Venera...

Na nakapamaywang tapos tumatawa.


“Don’t mess up with us! Ugly!”


Parang patay na ata yung halimaw. Hindi na kasi gumagalaw at parang luto na.


“Oi okay lang ban a napatay mo 'yan??” Si Tiara yun.


“BAWAL pumatay dito na kauri lang... kailangan VALID ang rason mo kung napatay mo ang isang halimaw dito. Base sa information na hack ko ay na kick out na siya dito sa school at dito na siya nakatira sa BLACK TOWER. At marami na din siya nabiktima kaya nararapat lang 'yan sakanya. Umalis na nga tayo dito sabi ko naman sa inyo na gulo lang ang kahinanatnan natin dito eh.”


Tumalikod na siya at naglakad papunta sa hagdan.


“Aren’t we going to use our power??” Yamot na tanong ni Shuuna.


“Nope. Dilikado specially pag nalaman nila na hindi naman talaga tayo Yokai at para sa mga EARTHLING naman ay tinatawag tayo na Alien.”


Umalis na ito at  sila naman ay nakatunganga sa sinabi niya tama naman ito tsk weird talaga ng mga Earthling eh... oh well hindi naman nila sinisisi kung bakit ganun eh wala na nga communication sa mga ancestor nila sa mga Earthling.


“Oi Pheria uuwi ka ba o hindi??” Tanong nila sa kanya. Napapitlag siya.


“Uh—OO wait up!” Sumunod siya.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^