~ Chapter 1 ~
Kasabay ng sigaw ay
ang malakas na pagbagsak ng lalaki sa harapan ko. Isang malaking katahimikan
ang namuo sa dojo. Huminga ako ng malalim at binigay ang kamay ko para tulungan
yung lalaki na tumayo.
"Okay ka lang,
Captain?"
Kinuha nya ang kamay
ko at tumayo habang hawak-hawak ang tiyan nya. "If after being kicked by
you means I'm still okay, then yup, I guess okay pa naman."
Napakamot nalang ako
ng ulo sa sinabi nya.
"Wow."
"Ang galing
nya."
"Sya pa lang
ang nakakapagpatumba kay Captain!"
Nagsimula na ang
bulung-bulungan sa buong dojo.
"Allie,
hinahanap ka ni Smith!" Tawag sakin ni Genevieve, ang pangalawang miyembro
ng Karate club maliban sakin.
I excuse myself at
kumuha ng towel bago lumabas ng practice room. Nagpupunas ako ng mukha nang
makita ko ang gwapong lalaki na nakasandal sa may pader.
"Hey,
Ree-Ree." Mapang-asar na bati ko sa kanya. Alam ko kasing ayaw na ayaw nya
ang tinatawag ko syang ganun. I don't know why, ang cute kaya diba? Haha.
Agad syang
napatingin sa akin nang nakakunot ang noo nya. "Told you not to call me
that, A. "
"Bakit nga
kasi?"
"Sounds
gay."
Nanlaki ang mga mata
ko na nangloloko. "Hindi ba?"
Agad nya ako
binatukan sa sinagot ko sa kanya. Makabatok naman 'to -_- He's Reeve Smith nga
pala, my guy best friend na half American pero sobrang fluent in Tagalog. Iniba ko na ang usapan at tinanong ko kung
anong ginagawa nya dito, baka kasi mabatukan na naman nya ako kapag inasar ko
sya.
Pinakita nya agad
sakin ang dala nyang paper bag. "Food. Lunch time na kaya hindi pa ba
tapos practice nyo."
"Tapos na. Wait
lang, magpapalit lang ako. Where's Iriz?"
"May meeting
daw."
"Ohh. Sige
hintayin mo ko." Paalis na sana ako pero bigla syang napahawak sa kamay ko
kaya humarap hulit ako sa kanya.
"Where's your
necklace?"
I smile at him and
takes out a necklace on my pocket. "Nandito~"
"Of course.
Hindi ko pa nakitang nalayo sayo yan eh."
"Alam mo naman
kung bakit." Ngumiti ako at tumakbo na papuntang changing room.
///
Nandito kami ngayon
ni Reeve sa may rooftop. Dito tambayan naming tatlo kasama si Iriz. Eto kasing
dalawang 'to eh mga popular na studyante sa buong paaralan. Ako lang ang naiiba
dahil aloof ako sa ibang tao. Hindi naman ako mahiyain na tao pero hindi ko
alam kung bakit ayoko na makipag-close pa sa iba maliban kay Reeve at Iriz.
Kinuha ko agad ang
garapon na may laman na lasagna. Parang nangniningning ang mga mata kong
tinigyan yun. Natawa pa nga sakin sa Reeve at sinabihan akong patay gutom pero
walang pakialam ang peg ko. Sumubo agad ako at nilasap ang sarap nya *^*
"Masarap?"
Tanong ni Reeve.
I nod sabay
thumbs-up. Kumuha ako ng spoonful at nilapit sa bibig nya ang spoon. He opens
his mouth without hesitation at sinubo yun.
"Sarap
diba?"
He grins and nods.
See? Sweet namin ng
best friend ko. Wala kaming pakialam kung magsubuan kami sa iisang kutsara. Di
kasi kami maaarte XD
"What's this?
Pinagtataksilan na ba ako ng boyfriend at kapatid ko?"
Sabay kaming
napalingon ni Reeve sa nagsalita. Nakita namin ang nakapamewang na si Iriz sa
may tabi ng rooftop door. I grin at her at kumapit sa braso ni Reeve.
"Sabi na kasi
sayo Iriz, pakawalan mo na si best friend. Kami mas bagay~" Mapang-asar na
sinabi ko sa kanya.
Agad ako pinitik sa
noo ni Reeve. "Kadiri ka, bes."
Natawa kaming dalawa
ni Iriz sa naging reaction nya. She makes her way towards us and sits on the
left side of her boyfriend kaya ngayon napapagitnaan namin sya. Ganito kami lagi. Kahit na may iba't ibang
groupies and cliques and dalawang 'to, ay hindi pa din nila ako iniiwan.
Actually, nagkakilala si Iriz at Reeve ng dahil sakin. Best friend ko na si
Reeve since grade school, at nung second year high school, pinakilala ko silang
dalawa sa isa't isa. Ang totoo nyan, may crush ako sa kanya dati pero nung mga
time na yun, dun na sila nagkakamabutihan ni Iriz. Oh dear, memories -.- Don't
misunderstand me, hindi ako bitter sa kanilang dalawa dahil talagang masaya ako
ngayon para sa kanila.
"Allie, humanap
ka na kasi ng sayo." Sabi ni Iriz. Kung hindi ko pa pala nasasabi, Iriz is
the school council president and my one and only sister. Yup, magkadugo kami
nyan at sobrang close. Kung ang boyfriend nya ang guy best friend ko, sya naman
ang tumatayo bilang girl best friend ko.
"Babe, baka
natatakot yung mga lalaki sa kanya dahil sadista at baka mabugbog."
Binatukan ko agad si
Reeve dahil sa sinabi nya at tinignan ko ng masama si Iriz kaya pinigilan nya
agad ang pagtawa nya.
"Sige
ginaganyan nyo ko ah. Kapag ako nagka-boyfriend, WHO YOU kayo sakin!" I
roll my eyes.
Boyfriend? Pfft,
Allie who are you kidding?
Agad umalis si Reeve
dahil magsisimula na daw ang next class nya, kaya naiwan kami ni Iriz dito na
pinapapak ang natitirang pagkain na dala nya.
"Grabe ka
talagang kumain. Halos ikaw na ang kumain lahat ah." Sabi ni Iriz nang
makalabas kami sa rooftop at ngayon at naglalakad sa hallway.
"Kapal mo uy,
kumain ka din naman ah!"
"Yeah right.
Limang subo."
I grin. Ano ngayon
kung malakas akong kumain? Hindi naman ako tumataba. A benefit from being a
sporty person XD Dumeretso agad ng locker ko habang nakasunod naman sya sakin.
While taking out my stuff, she leans on the next locker.
"Wala ka bang
pasok?" I ask.
"Nope. May an
hour free time pa ako. Anyway, sasabay ka ba samin ni Babe mamaya pauwi?"
I slightly shake my
head as I close my locker. "May late club practice kami mamaya eh."
"Ohh, okay
then. Wag kang pagabi ah? I'll be going na. See ya." She pecks my left
cheek and starts walking down the hall.
///
Madilim na nang
mapagpasyahan kong umuwi galing sa club practice. Mas maganda na 'to kesa naman
tumambay lang ako sa bahay ng wala namang ginagawa. Pagkalabas ko ng school
gate, hindi ko nakita ang driver at sasakyan namin. Of course, late na eh.
Siguradong pinauwi na sya ni Mommy.
Ang tahimik sa
paligid at tanging mga ilaw nalang sa poste ang nagbibigay ng ilaw sa daanan
ko. Malayo na ako sa school at two blocks away pa bahay namin. Dahil sa
katahimikan, bigla akong napatalon sa gulat nung biglang mag-ring ang phone ko.
I check the caller at napabuntong-hininga.
I press the answer
button. "Iriz."
"Alikha! Nasaan ka na? Gabi na ah! Kanina pa nagaalala si Daddy." Biglang sigaw ng kapatid ko sa kabilang linya.
"Woah,
makasigaw ah. On the way home na ako. Salamat kay Mommy at naglalakad ako
ngayon."
"Ikaw kasi.
Alam mo naman na strict si Mommy sa pagiging late ang pag-uwi. Bare with her
nalang Sis. You know naman na ayaw nya ang dahilan kung bakit nandyan ka pa sa
school ngayon ng ganitong oras."
"She never
approves to whatever I do." Mapaklang saad ko. Totoo naman eh. Kahit na
anong gawin ko lagi syang kontra. Gaya ng pagiging active member ko sa Karate
club; lagi nyang sinasabi na hindi iyon gawain ng mga babae at hindi ko dapat
yun ginagawa. Minsan nga aakalain nya na tomboy ako kesyo bakit wala daw akong
boyfriend ngayon 19 years old na ako hindi tulad ni Iriz, bakit ko daw ginagawa
ang mga gawain ng mga lalaki at hindi talaga magpakababae -- hindi tulad ni
Iriz. What can I do? Martial arts and sports talaga ang hobby ko, pero kaya ko
pa din naman magpakababae though hindi kasing girly talaga ng sister ko.
I hear her sigh.
"Wag ka na nga magdrama dyan. Take care sa pag-uwi ah? May news kasi akong
narinig sa school kanina na may pagala-galang gang daw dito sa subdivision
natin. It's scary nga eh. Anyways, see ya later na lang."
"O'right.
Laters~"
Ngumiti nalang ako
mag-isa para pampalakas ng loob. Hindi dapat ako maging negative. Kailangan
kong makuha ang loob ni Mommy para parehas na din ang pagmamahal nya samin ni
Iriz. Tama, bibili ako ng favourite cake
nya. Siguradong matutuwa yun! *^*
Nagmadali akong
pumunta sa may malapit na bakery at bumili ng cake. Masaya akong naglakad
pabalik pauwi ng bahay pero napatigil ako ng may nakabangga saakin sanhi nang
pagkahulog ng box ng cake. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kalahating
cake na natapon at wasak na sa semento. Gusto kong maiyak dahil sira na sya,
kalahati nalang ang natitira sa kahon. Tinignan ko nang masama yung nakabangga
sa akin pero medyo kinilabutan ako nung makita ko ang apat na naglalakihang mga
lalaki sa harapan ko. Three of them are holding baseball bats at nakangiti nang
nakakatakot.
"Kung
sinu-swerte ka nga naman." Madiin na sabi nung lalaking nakabangga sakin
habang pinahid ang stain ng cake sa braso nya.
Napalunok ako sa
takot dahil sobrang lalaki talaga nila. Sila ba yung gang na sinasabi nilang
pakalat-kalat dito? Malamang sila nga, Allie!
Pero hindi ko dapat
ipakita sa kanila na takot ako kaya tumayo ako ng maayos; chin up and chest
out. "T-Tignan mo kung anong ginawa nyo!" I ignore the small
stammering of my voice while glaring at them.
Nanlaki ang mga mata
nila in amusement at sabay-sabay silang tumawa. "Pare, ikaw pa sinisigawan
oh."
"Oo nga eh.
Gusto ata mabalian ng katawan ng babaeng 'to." Nangilabot ako bigla sa
sinabi nya.
"Uy wag! Tadu
tignan mo oh, jackpot yan."
"Tama, pwede na
pampalipas oras."
Naikuyom ko ang
kamao ko sa galit dahil sa pambabastos nila. Nawala lahat ng takot ko at
napalitan ng galit. Gusto ko silang bangasan isa isa. Lumapit yung isang lalaki saakin. When he's
about to touch me, I immediately spin myself away as I grab his arm and twist
it at his backside. Napamura sya sa sakit at sinubukang kumawala pero tinuhod
ko na agad ang pinakaaalagaan nya kaya napaluhod sya.
Halatang gulat na
gulat yung tatlong kasamahan nya, but then isa isa nila akong sinugod gamit ang
mga baseball bats na dala nila. Iniwasan ko bawat hampas ng mga kamay nila at
binigyan ng upper cut yung lalaking mas
malapit sa akin and with full force, tinulak ko sya doon sa isa pa kaya natumba
sila pareho. Naramdaman ko nalang na may papalo sa akin sa likod kaya umiwas
ako. Pero hindi pa ako nakakabwelo,
sumugod na naman sya. He grabs my shoulders too tight kaya napangiwi ako sa
sakit.
"Walangya kang
babae ka! Nagmamatigas ka pa ah." Napansin kong napatingin sya sa may
bandang leeg ko kung saan nakasuot ang pinakaiingatan kong kwintas. He smirks
and is about to touch the necklace when to my surprise, he is suddenly blown
away by some kind of force. Napasandal sya sa brick wall at sa sobrang lakas ng
impact, nawalan sya ng malay.
I'm shocked. So
shocked. What just happened? Ano yun? Bakit bigla na lang syang nilipad doon at
nawalan ng malay? Napahawak ako sa kwintas ko na may crown-shaped pendant with
a red stone inside. I frown when I thought may nag-glimpse na liwanag mula dito.
Biglang nahila muli
ang atensyon ko nung napansin ko na nagigising na yung iba kaya bago pa sila
lahat makatayo, kinuha ko na agad yung box ng cake sa may semento at tumakbo ng
mabilis. Nagtago ako sa may poste at tumawag ng police at sinabi ang nangyari.
Buti nalang malapit lang ang police station samin kaya agad silang nakarating
bago pa man makatakas ang mga gangsters na yun.
Inaresto sila
isa-isa at hinatid ako ng police sa bahay namin. Pagkababa ko ng kotse,
nagpasalamat ako agad at agad naman itong umalis. Hinawakan kong muli ang
kwintas ako. Namalik-mata lang ata ako kanina. Pero ano nga ba talagang
nangyari sa lalaking yun at lumipad sya palayo sa akin?
I shake my head para
tanggalin na lahat ng mga iniisip ko. Nagmadali akong pumasok ng gate namin.
Pagkapasok ko ng bahay, sinalubong agad ako ni yaya at sakto naman na kalalabas
lang ni Mommy from the dining area.
"Do you know
what time it is now?" Pambungad nya with her ever cold eyes towards me.
Napalunok ako dahil
kahit sa kalmadong expression nya, alam kong galit sya sakin. I gather all my
courage and plasters a big smile on my face. Hinawakan ko ng mabuti ang box ng
cake at lumapit kay Mommy.
"Sorry po,
na-late po kasi natapos ang practice namin. But look Mom, I bought your
favourite cake!" Ipinakita ko sa kanya ang box ng cake na hawak ko habang
nakangiti ng malapad, but she doesn't leave her eyes on mine. Parang hindi pa
sya makapaniwala sa ginagawa ko. Hindi ba sya masaya?
"Your dad was
worried sick of you tapos yan pa lang ang pinagkakaabalahan mo?" She's not
shouting. Her voice is calm pero madiin ang pananalita nya.
Napayuko nalang ako
dahil obvious naman na ayaw nya sa ginawa ko.
"Mindy, tama na
yan." Narinig ko ang boses ni Daddy mula sa itaas. Tinignan ko sya habang
papalapit sya sa amin.
He smiles when his
eyes met mine. "You're here." He says gently. "Hindi ka ba
namroblema sa paglalakad?"
Umiling ako.
"Hindi po. Sorry Dad." Mas minabuti ko ng wag sabihin ang nangyari
sakin sa daan kanina para hindi sya mag-alala.
Napatingin sya sa
kahon na hawak ko then humarap sya kay Mommy. "Hindi mo lang baba kukunin
ang binili ng anak mo?" Ang tanong nya dito.
Tinignan nya ng
masama si Dad tapos ako. "I'm tired." Yun nalang ang sinabi nya at
umakyat na pataas.
"Intindihin mo
nalang ang Mommy. She's really tired today." Sabi ni Daddy. Napangiti ako
ng pilit at pinipigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.
Pagkasara ko ng
pintuan ng room kwarto, napabuntong hininga nalang ako at napaupo sa kama. Agad
naman tumahol si Brix at isiniksik ang
maliit na katawan nya para makaupo sa
mga binti ko. Napangiti ako sa ka-cutan nya at pinat ang ulo nya.
"Bakit ganun
Brix?" Hindi ko na napigilan ang mga luha ko kaya sunud-sunod silang
bumagsak sa pisngi ko. Nakatingin lang sakin ang alaga kong aso at parang
nakikita ko sa mga mata nya na nalulungkot sya para sakin.
Haay. Ano pa bang
kailangan kong gawin para mahalin nya din ako? Bakit ganito nalang ako tratuhin
ng sarili kong ina? Ah, wag mo kalimutan na ampon ka lang, Allie. Simula
pagkabata cold na sakin si Mommy dahil hindi nya matanggap na nag-ampon ng
ibang bata si Daddy na hindi naman alam kung saan ako nanggaling. Walang
nakakaalam kung sino ang tunay kong pamilya, kung saan ako galing o kung bakit
ako iniwan nalang sa may kalsada. Ang sabi sakin ni Daddy, nakita nya daw akong
walang malay sa kalsada at walang kasama kundi ang isang maliit na aso sa tabi
ko nung mga panahon na yun -- when I was eight. Dinala nya ako sa hospital at
sinama na din nya yung aso. Pinaghahanap nila ang totoo kong mga magulang o
kung sino man ang mga nakakakilala sakin pero wala silang mahanap. I couldn't
help them either dahil wala akong maalala tungkol sa nakaraan ko. Meron akong
amnesia at hindi alam ng doctor kung kailan babalik ang ala-ala ko. Basta ang
natatandaan ko lang nun ay ang pangalan ko, kung ilang taon na ako at ang
pangalan din ng aso na kasama ko; si Brix. Dahil hindi magawa ni Daddy na iwan
ako, nagpasya syang iuwi ako sa kanila at ampunin. I became an official Robles
family member despite my Mom's complaints.
Napahawak ako sa
kwintas na nasa leeg ko. Nasa akin na din ito simula nung makita ako ng mga
Sanchez at importante ito sakin. Hindi ko nilalayo sa tabi ko dahil at some
point I know na mahalaga sya. Parang ito ang makapagbibigay ng clue sakin kung
sino ba talaga ako.
Pinunasan ko na ang
mga luha nang may maalala ako bigla. Speaking of which, yung insidente kanina..
Hindi ko pa din sya maalis sa isip ko.
Pumunta ako sa
kwarto ni Iriz at ikinwento ko sa kanya ang nangyari at gaya nga ng inaasahan
ko, pinagtawanan nya lang ako.
"Do you know
how weird you sound right now?" She says while flipping the magazine she's
reading.
"I know! Pero
totoo nga kasi yun Iriz. I swear nakita ko talaga ang pagtalsin nung lalaki
dahil muntik na nyang mahawakan ang kwintas!" Pagpupumilit ko.
Huminga sya ng
malalim at tumingin sa akin. "Pagod ka lang sis. Pero good thing na hindi
ka napahamak dun sa mga thugs na yun!"
I roll my eyes. She
just won't believe me! I cross my arms over my chest with my farrowed eyebrows.
"Tampo ka na
nyan?" Pang-aasar nya. Nung hindi ako sumagot, pinalapit nya ako sa kanya.
Agad -agad nyang hinawakan ang pendant ng kwintas ko. Naka-stay lang sya sa
paghawak nun na para bang may hinihintay syang mangyari. Mga three minutes na
siguro ang lumilipas nung tanggalin nya ang kamay nya dito at ngumiti sakin.
"See, nothing happened! Stop over-thinking."
///
Isang pulang buwan ang makikita sa madilim na
kalangitan. Nagulat ako nang may isang malakas na alulong ng lobo ang
umalingawngaw sa tahimik na kapaligiran. Tumingin ako sa paligid pero walang
katao-tao. Nasaan sila?
Dad? Iriz? Mom? Reeve?
Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Parang may
pumipigil sa pagbuka ng mga bibig ko. Biglang nagbago ang kapaligiran. Nung una
nakatayo lang ako sa kalsada pero ngayon nasa school ground na ako. Pero ganun
pa din, madilim dahil sa dim na pulang buwan.
May kaluskos akong narinig kaya napalingon ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sandamakmak na lobo sa paligid. Hindi
lang sila mga ordinaryong lobo dahil malalaki sila at kulay pula ang mga mata.
Humakbang ako paatras dahil sa makapanindig balahibo nilang ungol. Gusto kong
tumakbo sa takot pero hindi ko magawa. Mas lalo akong natakot nang biglang
umatake ang isa sa kanila, at wala akong magawa kundi ang ipikit ang mga mata
ko.
Someone, save me..
"..lie!
Allie!"
Napamulat ako ng
mata habang hinahabol ang hininga ko.
"Are you
alright, Allie?" Nagaalalang tanong ni Iriz. At dun ko lang napansin na
lahat ng mga studyante sa class room ay nakatingin sa akin, buti nalang at wala
pa yung prof.
Kapos pa din ako sa
hininga pero tumango nalang ako. Ang sikip ng dibdib ko..
"Are you sure?
Do you wanna go to the clinic?"
Umiling ako.
"Okay na ako. Just had a nightmare."
Sakto naman dumating
na ang prof kaya tumahimik na kami. Pagkatapos ng period one kung saan kami
magkaklase ni Iriz, agad kaming dumeretso sa canteen dahil bigla akong
nagutom.
"You just had
your breakfast a couple of hours ago pero gutom ka pa din?"
"Hindi ah..
Busog ako kanina pero 2 hours na lumilipas kaya nagutom ulit ako. Ganun talaga,
mabilis ang metabolism ko haha!" Sabi ko habang hinihintay ang inorder ko.
"Yung kanina sa
classroom, nakatulog ka eh. Puyat ka ba kagabi?" She asks.
"Hmm. No, sakto
lang." A lie, of course. 2 hours lang kaya tulog ko dahil hindi ako
makatulog ng maayos sa kakaisip ng nangyari sa kwintas ko. Simula kasi nung
nangyari yun two days ago, may nararamdaman na akong kakaiba. Parang may
nararamdaman akong nagmamasid sakin at bigla akong kikilabutan, kapag titingin
naman ako sa paligid wala naman katao-tao. And then that dream… It's really
creeping me out pero hindi ko nalang sinasabi kay Iriz at Reeve.
Dumating na yung
nagtitinda at binigay sakin ang sausage roll at apple juice. Pagkabayad ko,
aalis na sana kami ni Iriz nang bigla akong napatigil sa paglalakad nang
maramdaman ko na naman na may nakatingin sa akin. Tinawag ako ni Iriz at
tinanong kung anong problem. I mentally shook my head, hayaan nalang. Umupo
kami sa may bakanteng table. Hindi namin ngayon kasama si Reeve dahil may klase
sya and in ten minutes magsisimula na din yung Eco class ko.
"Ano pala yung
napanaginipan mo kanina at parang takot na takot ka?" Tanong ni Iriz
habang nakapalumbaba sa table.
Natigil ako sa
pagsubo ng sausage roll at napantingin sa kanya. "Darkness." I
mumble.
She slightly tilts
her head to the side. "Darkness? What do you mean?"
"Actually hindi
ko din maintindihan. Blurry na eh, basta ang natatandaan ko lang ay yung
malaking pulang buwan."
I can't remember
everything..
I notice na hindi na
nakatingin sa akin si Iriz, but she's staring at something over my shoulder.
Finally she talks.
"Allie, pansin ko kanina pa nakatingin sayo si Slade."
Tinaasan ko sya ng
kilay. "Slade? Sinong--"
"Sino pa bang
may pangalan na ganun sa school na 'to?"
Slade? That Slade?!
She nods her head
rather quickly habang nanlalaki in excitement ang mga mata nya nung makita na
na-realize ko na kung sino ang sinasabi nya. Gusto kong lumingon at tignan kung
totoo ba ang sinasabi nya pero kinakabahan ako, baka kasi ma-misinterpret nya.
"He just
went." Ang sabi ni Iriz, and as if on cue, lumingon ako at nakita ang
likod nung lalaki na naglalakad papuntang exit habang pinagtitinginan sya ng
mga babae sa paligid.
Why would Slade even
be staring at me? I mean, si Slade Rythen
ang pinag-uusapan dito! That dark, mysterious and the hottest student of Meiji
College!
>>> CHAPTER 2 HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^