Saturday, September 21, 2013

Moya [FTV]: First part


Mahal na mahal ko siya

He's the love of my life

I don't care what others say about him

I don't even care if they say that we don't look good together

The important thing is we're happy with each other











But shet lang!!!

Niloloko niya lang pala ako!

Feeler feeler niya! feeling gwapo much para manloko? eh mas gwapo nga sa'yo kalabaw eh!

Aish!!!


This all started yesterday. Pumunta kaming dalawa sa isang party ng kaibigan ko. Excited talaga ako kasi nandoon ang CNBlue at FT Island, pero joke lang. Mga feeling CN Blue at FT Island ang nandoon, sobrang disappointed talaga ako kaya nabored ako agad sa party, at umuwi nalang.


Ayaw ni BF kasi nag-eenjoy siya with his friends. Kaya, ako lang ang umuwi. Ilang minutes pagdating ko sa bahay eh may nagsent saakin ng isang video message. It was my freaking boyfriend, dancing or should I say flirting with another girl!!!



Tas, sinabi niya pa sa babae na single siya! na chaperone niya raw ako. Eh pucha lang eh!? Kakainis! ako? girlfriend niya na mas maganda pa keysa kay Shamcey? isang chaperone!!! Langya oh! pwede naman 'yang sabihin na kaibigan niya lang ako eh! pero gaaah! nakakahiya!


Habang nagluluksa ako sa bahay ko ay nakita ko ang kadiring picture ng unggoy na 'yun. At doon ko lang narealize na.....ampanget niya! pucha! paano ako nainlove sa isang lalakeng mukhang paa na may athlete's foot?! super kadiri! ginayuma nya ata ako eh.



Sa sobrang galit ko ay agad kong tinawag ang mga bestfriend ko, tungkol sa panloloko saakin ng unggoy na 'yun. Maghanda ka, Mr.Monkey! AOA Black is gonna get back at you!
***
Habang nag-aayos si Mina, at si Yuna naman ay nagbabasa ay bigla nalang nagring ang telephone nila kaya agad agad nila itong sinagutan at bumungad naman ang umiiyak na boses ni Choa.




"Waaaah!!!!" Agad namang inilayo ni Mina ang telephone sa tenga niya dahil sa lakas ng boses ni Choa. "O.A. mo naman Choa, ano palang nangyare?"

"Si...si....huhuhu! niloloko niya pala ako! huhuhuhu!" nagulat naman si Yuna sa ibinalita sakanila ni Choa kaya napasigaw rin siya. "What?!"

"O.A. mo rin Yuna."

"Hehe, sorry!"

"I was expecting that nung naging kayo. Ampanget niya kasi eh, panget ka nga, pero mas pangit siya sa'yo. You're like uhm, the ugly couple."

"Thank you for comforting me, Mina. You're a very nice friend." sagot ni Choa sakanya in a sarcastic way. "You're welcome." sagot naman ni Mina.

"Psh!" umirap nalang si Choa at sinabi sa mga kaibigan niya na tawagin sina Jimin at Youkyung. Ginawa naman ng dalawa. Agad agad namang tumawag ang dalawa dahil sa nabalitaan nila.

"What?!!!" sabay na tanong nina Jimin at Youkyung. "Break na kayo?! yey! magcelebrate tayo!" dagdag ni Jimin. "Ano ba?! bakit ang saya saya ninyo?! eh naririnig niyo na nga sa boses ko na nagluluksa ako!" pahikbi hikbi na sagot ni Choa sakanila.

"Sorry! simula palang kasi na nalaman namin na kayo na eh, alam na naming maghihiwalay kayo." sabi ni Youkyung. "What?! I thought that you trust him."

"Anong trust ka dyan? eh ampanget niya eh! hindi mo ba nakita sa expression namin na ayaw na ayaw namin sakanya?" sagot ni Jimin. "Malamang na hindi, eh patay na patay siya sa unggoy na yun." sagot ni Youkyung.


"Kwento mo nga saamin, kung paano mong nalaman ang panloloko niya sa'yo." sabi ni Yuna. Agad namang ikinwento ni Choa ang buong pangyayare sakanila.



"Sama naman niya," komento ni Yuna. "Panget na nga siya, panget na rin ang ugali niya."


"Tama ka," pagsasang-ayon ni Choa. "Huhuhu! I hate him! sinabi pa niya sa babae na chaperone lang niya ako."



"Tama naman siya ah! mukha ka ngang chaperone." insulto ni Jimin sakanya. "Heh!"

"Hindi natin dapat pakawalan yan!" sabi ni Mina. "Dapat pagbayaran niya ang ginawa niya!" dagdag naman ni Youkyung. "Oo nga! an AOA Black member should not be played like that." pagsasang-ayon naman ni Jimin. "Maghiganti tayo!" sabi naman ni Yuna.


"Kelan natin gagawin ang revenge natin?" tanong ni Choa. "May party si Stacey sa bahay niya. Sigurado akong nandoon ang unggoy na yun, alam niyo namang mahilig yun magparty este makipaglandian sa mga babae doon." sagot ni Yuna.

"Good! bukas ay magmeet tayo sa tambayan natin para makapagprepare sa plano natin." sabi ni Mina.

"Okay! bye bye! see you tomorrow." at lahat nilang ibinaba ang telephone.


MAGHANDA KA! MR. MONKEY! AOA IS GONNA GET BACK AT YOU!






Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!

  
Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.



1 comment:

  1. teka lang, teaser pa lang nakikita ko nito so habang binabasa ko 'to eh naeexcite ako. iniisip ko kung gaano kapanget yung manloloko niyang boyfriend. imposible naman yung unang picture ng guy dun sa taas? ampogi kaya nun. hahahaha, so baka yung sumunod na picture ng lalaki na parang naggi-'get get aww'~ sa itchura niya. hahahaha XD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^