Friday, September 27, 2013

Moya [FTV]: Last part


After mga ilang minutes ay nakarating na sila sa usual tambayan nila. Pink na pink talaga ang tambayan nila kasi girlalu silang lahat except kay Jimin. Denial kasi siya eh! XD Ayaw niya kasing mapahiya. Dahil sa ayaw niya talaga sa pink ay nilagyan naman nila ng mga medyo dark colors ang tambayan nila.


Nakasulat sa taas ng door nila ang pangalan ng group nila na 'AOA' meaning Ace Of Angels. Mga anghel daw kasi sila na napadpad sa Earth pero joke lang yun, feeling angel lang sila.

"Gaaaah! I miss this place," sabi ni Jimin pagpasok niya sa tambayan. Si Choa naman ay nakasimangot nang pumasok siya. Brokenhearted kasi siya hanggang ngayon. Dahil sa expression niya ay, nairita si Jimin at hinatak siya papunta sakanya. "Ano ba?! wag ka nga sumimangot."

Inirapan nalang siya ni Choa at sinagot siya. "Eh pake mo?! brokenhearted ako eh!"

"Brokenhearted ka, hindi may PMS." sagot naman sakanya ni Jimin.

Namili si Yuna ng susuotin nila para sa gagawin nila. Secret nalang kung ano'ng gagawin nila, pero dapat ay magmukha silang anghel kasi AOA nga sila diba. Si Mina naman ay pinagiinsulto niya ang picture ng ex-bf ni Choa. Samantalang si Jimin naman ay pinipilit niya si Choa na ngumiti kasi maghihigante na raw sila.

"Ano ba?! Niloko ka lang ng boyfriend mo! hindi ka niya nirape or ninakawan. Okay?! kaya maghunus dili ka dyan, at maghanda para sa revenge natin sa ex mong unggoy." pang-eencourage ni Jimin kay Choa.


"Ninakawan niya ako Jimin! Ninakawan niya ako!" hagulgol ni Choa pero wala namang luha na tumutulo. Trying hard kasi! "Ninakaw niya ang puso ko."

"Eww lang 'te! kaya nga ayokong magkaroon ng boyfriend eh! nakakakorne ng tao." Pinandilatan ni Jimin si Mina kaya napatahimik siya at ibinalik nalang niya ang pang-iinsulto niya sa picture. Binigyan ni Jimin si Choa ng isang seryosong look at sinabing "Wag mong iyakan ang unggoy mong ex. Hindi niya deserve ang mga luha mo. Kaya nga tayo maghihigante diba? kasi ipapamukha natin sakanya ang sino ang pinakawalan niya. So, stop frowning at mamili ka ng susuotin mo para magmukha kang anghel kasi mga anghel tayo!"

Natamaan si Choa sa mahabang paliwanag ni Jimin. Hindi niya ineexpect na magiging ganun kadeep si Jimin. Kilala kasi siya sa pagiging makulit at happy-go-lucky. Dahil doon ay nginitian niya si Jimin at niyakap niya ito.

"Thanks Jimin!"

"You're welcome basta may ice cream." sagot ni Jimin na may kasamang ngiti. Binelatan nalang siya ni Choa. "As if."

Kumawala siya sa pagkakayakap niya kay Jimin at nagsimulang mamili ng susuotin niya. Nagustuhan niya ang kulay itim na damit pero girlalu parin ang dating.

Nang kinuha niya ito ay agad niyang naisip ang ex-bf niya. Gaaaah! I hate you, you freaking bastard! sisiguraduhin kong masisira ang araw mo, isip niya Hindi! hindi! hindi! sisiguraduhin kong magsisisi ka sa buong buhay mo.


After mga ilang minutes ay natapos na silang mag-ayos.

"Ang ganda ko diba?" tanong ni Choa sa mga kasama niya. Walang sumagot sakanya kasi busy pa silang maglagay ng last minute touch ups. "Nice talking." umirap nalang siya.






Bago sila umalis ay ininsulto nilang lahat ang picture ng ex ni Choa para mas lumakas ang confidence nila sa gagawin nila.

"Ang panget panget mong leche ka!"

"Mukha kang unggoy."

"Hindi, mukha kang orangutan!"

"Mukha kang gorilla."

"Icombine nalang natin! mukha kang ipinaglihi sa unggoy, orangutan, at gorilla! ha! take that!"

"Enough insulting na. Let's get the party started!" at umalis na ang lima sa tambayan nila.

***

Lahat ay nag-eenjoy sa party ni Stacey. As usual, nandoon ang sikat na feeling FT Island. And as usual, nakikipaglandian ang unggoy na ex ni Choa sa mga babae. Feeling gwapo kasi! Mukha naman siyang basahan. Nakikiride lang ang mga linalandian niya kasi natutuwa sila sa pagpapahiya niya sa sarili niya.




"Hey, sinong kasama mo na babae sa mall noong mga Thursday?" tanong ng babae sakanya. "Ahh! chaperone ko, tagabitbit ng mga pinamili ko para sa inyo." sagot niya. Nagsisinungaling lang siya kasi wala siyang pera. Si Choa nga ang bumibili ng mga gusto niya eh.

"Wow, chaperone? pero, magkaholding hands. Don't tell me, nagsisinungaling ka."

"Hindi no! Patay na patay kasi siya saakin, dahil sa mabait ako eh pinagbigyan ko siya na hawakin ang kamay ko."

***

Pagdating ng AOA sa party ay agad silang pumunta sa stage at pinaalis ang feeling FT Island. Nakipagbangyan pa sila sakanila pero sa huli ay napaalis ang feeling FT Island.

"Oy! anung ginagawa niyo sa stage?" tanong ni feeling Hongki. "Pinapaalis kayo." matipid na sagot ni Choa sakanya. "Di pa kami tapos magperform no!" sagot naman niya. "Ayaw na ng audience sa inyo, kaya umalis na kayo!" at tinulak ni Choa si feeling Hongki paalis sa stage. "Anung ayaw nila? eh gustong gusto nga nila eh!"



"Whatever umalis na kayo! alis! alis! alis!"


"Beeeh! :P whatever!" at bumaba na ng stage si feeling Hongki. "Mga feeling! tss!"

Nang makaalis ang feeling FT Island sa stage ay napatahimik ang audience at tinaasan ng kilay ang AOA. Pero nakangiti pa rin ang limang magkakaibigan. "Hello! kami ang AOA, meaning Ace of Angels. Mga anghel kami na napadpad dito."


"Weh? ang feeling naman nila. Hindi pa naman sila sikat." bulong ng isang babae sa kasama niya. "Oo nga." sagot ng kasama niya.

Naririnig ng lima ang bulungan ng mga tao pero hindi pa rin 'yun hadlang sakanila para magperform. Kelangan nilang magperform para sa revenge nila.

Nagsimula nang magpatugtog at kumanta ang AOA.

♬♬♬ Cheoeumbuteo jukja saja jotadeoni ige moya
Baby oayu baby oayu
 Geurae kasanobaga o geuge neoya
Baby oayu baby oayu
 ♬♬♬


At first, ay hindi nila feel ang kanta pero as the song goes on. They started to like it kaya nakisabay ang claps nila sa beat. Hanggang sa naghiyawan sila at sumayaw. Dahil sa music nila ay napansin sila ng mga ibang tao na abalang abala sa pagchichismisan nila at pagsasayaw nila.

***

Pagkatapos ng kanta ay agad itinuro ni Choa ang ex niyang unggoy. Feel na feel niyang makipaglandian pero parang may nararamdaman siya na may nakatitig sakanya kaya napatingin siya sa likod niya at nagulat sa nakita niya.


Nakatitig ang lima sakanya and Mina formed a fist to him. It means na 'patay ka saamin' Dahil sa takot ay nagform siya ng heart pero epic fail.



Umalis ang AOA sa stage at nakipagapiran sa magpeperform na band. Ang feeling CN Blue.



"Thanks guys! kung hindi dahil sa inyo eh baka hanggang ngayon eh nagluluksa pa rin ako." pagpapasalamat ni Choa sa mga kaibigan niya.  

"You're welcome, what are friends for?" sagot ni Mina sakanya at nag-group hug ang lima.

Fin






Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!

Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.

1 comment:

  1. hahahaha, sabi ko na nga ba yung unggoy na ex niya eh yung pangit na lalaki. kasi nga pangit siya. hahahaha. pero ang gwapo talaga nung isang guy. sana nilagyan mo ng sariling twist na nagpakilala sa kanya yung cute guy? hihihi, pakelamera lang. pero gusto ko pagkakagawa ng kwento. ang cute. XD

    ps. ang cute ng song. mahilig ako sa kpop so masasama 'to sa playlist ko. ^___^

    ps ulit. excited nang mapanood ang MV. ^___^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^