Thursday, August 29, 2013

A CHRISTMAS PROMISE - ONE SHOT

Saranghae....Elle Peter Lee

Shetz!

Korean pa iyon pero ang walanyang si Elle hindi man lang yata naapreciate ang ang sinabi ko.

Sayang ang confesion ko that Christmas... 
and that was months ago....

This time Christmas is coming again

and this time I'm going to give my heart to someone special... 

Hindi na ako magkakamali...

and that's a CHRISTMAS PROMISE...

-----------------------------------------------------














“My lady, nandito na po tayo sa Pilipinas.”
Mabilis pa sa alas kwatrong  bumaba na ako sa pagmamay-ari kong private plane. Hindi uso ang jet lag sa akin kahit galing pa akong New York City. Inspired ang puso ko at may misyon pa akong dapat gawin.
“Elle my love! I’m back!” I said with a grin. Halos isang taon din ang lumipas bago ako nakabalik ulit ng Pilipinas.
“Lady Kimchi, your father is calling you…”
Mabilis ko iyong sinagot. “Hello Popsie?”
“Kimchi, ano na naman ang nakain mo at bumalik ka na naman sa Pilipinas?! Kahapon pa nga lang natapos ang parusa ng Lolo mo sa iyo bumalik ka na naman diyan.”
“Popsie don’t worry wala pa naman akong gagawin.”
“Wala pa? What kind of answer is that? God gracious! Pati ang Momsie mo nag-aalala na dahil bigla ka nalang nawala kahapon. Kung hindi pa sinabi ni Sebastian na nagpunta kayo ng Pilipinas wala pa kaming kaalam-alam kung saang lupalop ka nagpunta. Go home now!”
Pinatay ko nalang ang tawag agad. Ayoko pang umuwi. (-__-) Ayaw. May gagawin pa akong importante para sa ikaliligaya ng love life ko. Bad vibes talaga itong si Popsie minsan.
“Sebastian, tinawagan mo na ba ang asset ko kay Elle?”
“Opo my lady. Ayun po sa kanilang impormasyon nasa bar po na pagmamay-ari ng pinsan mong si Ash si Elle.”
Napatango nalang ako. “Good. Tara na! Kailangan na nating madukot si Elle my love!”
“Opo my lady!”
Hyper na sumakay ako sa limousine. Almost one year na rin simula nong parusahan ako ng lolo ko at kinulong sa New York. Isang taon ko naring hindi nakikita si Elle my love. December 24 din iyon. Actually, taon-taon naman akong bawal sa Pilipinas eh. Bawat taon kasi may ginagawa akong kadakilaan para sa pagsinta ko kay Elle. Last Christmas eve, halos makalbo na ang babaeng ka-date niya dahil sa akin. Ang saklap nga lang dahil nasaksihan iyon ng pinsan kong si Ash. It turned out  that the wench was the youngest daughter of Mr. Ong, one of our biggest investor. Kaya ayun pinagalitan ako ni lolo. Hay naku… nakakabad-trip naman kasi ang mga babaeng umaali-aligid kay Elle my love. Kung nagtataka kayo kung san ko siya unang nakita, well nakakakilig ang pangyayaring iyon. That was when I was in sophomore high school in Castillo-Weinstein International School.....

“Okay Kimchi! Ito na ang right time para makapag-confess ka sa nararamdaman mo kay Justine! Kaya mo iyan! Fighting!”
Sakto naman at napadaan na sina Justine. Yes! Pagkakataon ko na talaga ito. Mabilis ko siyang hinarangan.
“I love you!” (>/////<)
*chuckled*
(>////<)

(>///-)

(>///O)


(O/////O)


Oh nooooh!! Hindi si Justine ang kaharap ko. Ang grupo nina Kuya Ash at Kuya Dave. By the way pareho ko palang pinsan ang dalawang iyan. Mother side ko si Kuya Dave at father side ko naman si Kuya Ash.
“What’s the meaning of this Kimchi?” nakasimangot na tanong ni Kuya Dave sa akin.
Aish! Ang suplado talaga ng isang ito. Monster.
“Kuya..hehe..peace tayo. Aalis na pala ako babye.”
“Sandali!”
“Kuya Ash naman eh, bakit ba?” natigilan ako nong may mamataan ako.
(-////-)>>



Ang gwapoooo~

Sino iyang kasama nila? Ngayon ko lang yata siya nakita.
“You, what’s your name?” agad kong tanong. Nagmana ako kay Kuya Dave sa kaarogantehan. Hehehehe.
“You can call me Yours”
Sheeet! Kinilig ako. Kinindatan pa niya ako. Gaaaahd! (^.,^)
“Hey Elle, pinsan namin iyan. Bata pa masyado iyang si Kimchi.”
“Relax lang Dave. Pwede ko naman siyang hintayin.”
(OoO) ganito ang hitsura ko dahil sa sinabi niya.
“Really? You can wait for me? Does it mean…you are my boyfriend already?”
“Psh. Ash, pauwiin mo na nga ang batang iyan sa kanila.”
“Sure Dave. Common, baby girl. It’s time to drink your milk.”
At binitbit na ako ni Kuya Ash. Asin literal na binitbit! Mga walanghiya talaga ang mga taong ito! Pinapahiya ako sa harapan ni Elle!
“Bye bye cutie…” at nagwave pa si Elle sa akin.
Lalo akong kinilig.

Oh diba? Ang ganda ng first meeting naming dalawa. At nasundan pa iyon. Actually, simula nong araw na iyon buntot na ako ng buntot kay Elle. Lahat ng date niya sinabotahe ko. Until sinumbong na ako ni kuya Ash. Ayun, waleey. Taon-taon na akong napapalayas sa Pilipinas. (TT__TT) Last year nga nagconfess na ako kay Elle ang kaso biglang umepal iyong anak ni Mr. Ong. In korean words pa sana iyon tapos pinagtawanan lang ako ni Elle.  This time sisiguraduhin ko ng perfect na ang lahat. Ngayon na ang last. I swear, dahil siguradong kami na talaga ni Elle ang magkakatuluyan. That’s a christmas promise! Ang kailangan ko lang ay ang dukutin siya at dalhin sa legendary love tree bago magpasko. Nabasa ko lang iyon kahapon sa New York. Legendary Love Tree daw umano na ginawang malaking Christmas Tree. Malapit lang siya sa Davao kaya lalo akong natuwa. It’s destiny.

 ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
6:00 PM
It’s show time! Kailangang makausap ko na si Elle at madala na siya sa Legendary Love Tree.
Here’s my plan. Ihihiwalay ko si Elle sa mga tao. I know he is a good fighter pero hindi niya kakayanin ang mga bodyguards ko. Mwahaha. Itatali namin si Elle at dadalhin na sa Love Tree.  May orasyon pa akong babasahin bago mag-alasdose at syempre hahalikan ko na siya after. Hohoho.
Pagpasok ko pa lang ng Bar kumaway na ako kay Elle. Kumunot naman ang noo niya pero ngumiti din siya after. Pinalapit ko siya sa gawi ko. And guess what? Lumapit din siya. Ohyeah!
“Hi, hindi pa kasi open ang Bar pero you can enter if you want. Open na open ito sa mga magagandang kagaya mo.”
(-__-)
Akala ko pa naman ako. Walangya. Itong babae pala sa tabi ko ang nakita niya. Nakaka-inis! Matawag na nga lang.
“Psst!”
“I’m Elle, what’s your name by the way? Can I call you mine?” (~~,)
“Elle!”
“Do you want to drink? It’s too early though.”
“Elleeeeeeee!”
(*___*)++++++ -àako
(^__^(?? -à Elle
“Kimchi?”
Oh yes! It’s me my love!
“Nakabalik ka na pala?”
“Yep!”
Mabilis akong lumapit at yumakap sa braso niya. Tiningnan ko ng matalim ang babaeng niya pagkatapos.
“Elle my love! Are you busy? Magpapasama lang sana ako sayo saglit.”
“Hindi naman. Practice lang namin sa banda. Alam na ba nila Ash at Dave na nandito ka?”
(^__^)””
“Mamaya ko na ipapaalam sa kanila. Tara Elle. Samahan mo na ako!”
Nahila ko na siya palabas ng bar. Hahahahaha! Ang galing mo talaga Kimchi!
“Elle!”
(-__-)+
“Oy, Alex ikaw pala.”
Nilingon ko ang babaeng tinatawag na Alex. Hindi siya maganda! Okay, maganda siya pero mas maganda ako sa kanya. Nasa lahi na namin iyon. (-__-)++ Hindi niya maagaw si Elle sa akin.
“Wala pa kasi si Pokemon eh, pwede bang samahan mo nalang muna ako sa loob? Nakakahiya eh.”
982094809238sfSDFSDF!!
Hindi pwede!
“Sige sure,” binalingan ako ni Elle. “Wait lang Kimchi ah.”
Napatango nalang ako. Sige na nga lang.  Sino ba kasi ang babaeng iyon? Asar naman eh. Sino nga ba ulit ang wala pa? Pokemon? Sino iyon? Ang pangit naman ng pangalan. Tssss.

Pero huwag akong abusuhin ng Alex na iyon ah. Sampung minuto lang siya pwedeng samahan ni Elle.

6:30 pm

(-__-)



7:00 pm

(-__-)+

7:30 pm


(-__-)++


8:00 pm

(>__<)++


9:00 pm

(#__#)+++++


AYOKO NA!! Letse! Kanina pa ako nag-aantay ah. Nagsisidatingan na ang mga costumers ng bar wala pa ang anino ni Elle. Hindi na din ako makakapasok pa sa loob dahil nasa loob na si Kuya Ash. Grrr. Humanda sa akin ang babaeng iyon.

Dinial ko ang number ni Elle.
“Hello?”
“Elle…”
“Sino to? Hello? Hello? Hindi kita marinig. Nasa loob ako.”
(-_-)+++

“Labas ka muna!”
“Huh?? Sino ka ba?”
“Labas ka muna kasi para malaman mo.”
“Huh? Ang weird mo. Bye.”
Kerwioe742394879238742@$@#%$%^!!
Nakakainis!! Sirang-sira na ang plano ko. Kailangan kong mag-isip ng paraan.
10:00 pm

Papano ba yan? Malapit ng mag-alasdose! Wala pa akong naiisip na paraan!
Think Kimchi. Think.
(-__-)+++

“Hello Fafah Elle? Yes, nandito na aketch. Wait niyo lang ang beauty ko okay?”
Napatingin ako sa malanding baklang dumaan sa tabi ko. Napangisi nalang ako. Ang henyo ko talaga. Mwahahaha!


“Hoy bruhalu! Lagot ka sa mga Fafah ko kapag nalaman nilang ginawa mo sa akin. Pakawalan mo ako. Impaktita! Ako si Kathy! In the name of love dakshdiyewrrerwer”
Psh. Ang ingay naman ng baklang ito. Tiningnan ko ang cellphone niya at tinext si Elle.
“Fafah Elle, I’m think nawawala me. Labas ka muna.”
Sending….
Message sending failed!

Lechon! Walang load!

“Napakapulubi mo naman! Wala kang load?” naasar na wika ko sa baklang hawak-hawak ng mga guards ko. Ipabugbog ko ito eh.
“Chaka doll ka kasi, magpapaload pa sana ako.”
“Ah ewan ko sa iyo!”

“Ikaw, palabasin mo si Elle!”
“Ano ako maid?”
Ang taray ah. Sapakin ko ito eh.
“Gagawin mo ba o ipapasalvage kita!”
“Sabi ko nga eh. Obsess lang kay Fafah Elle? Wake up gel! Playboy iyon.”
“Hinihingi ko ba opinion mo? Pumunta ka na nga don.”
“Siguro kikidnapin mo si Fafah Elle noh? Tapos papainumin mo ng gayuma.”
“Whatever! Wala ka ng paki. Bilisan mo na nga.”

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 
 10:30

“My lady papalabas na po ang target.”
Dug. Dug.
Kinakabahan ako pero alam kong kaya ko to. Para sa happy ending naming ni Elle.
“Dukutin niyo na siya!” utos ko.
“Shit! Who are you?” narinig kong wika ni Elle mula sa di kalayuan.

After 454678789787 years.

“Hello? Sebastian, bakit ang tagal niyo?”
“Hello Kimchi.”
Gulp.
Si Elle ang nasa kabilang linya.
“I know your plan already. I’m not coming.”
Aw.
Hindi ako maka-imik. Feeling ko kasi anumang oras iiyak na ako.
“Maghanap ka nalang ng ibang lalaki Kimchi. I’m not the right guy for you.”
Call ended. Pakiramdam ko namanhid ako.





 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 11:45 PM
  I hate you! Hindi ka naman totoo eh!
Napaiyak nalang ako habang parang tangang inaaway ang Love Tree sa harapan ko. Ang ganda-ganda pa naman sana niyang pagmasdan dahil sa Christmas lights. Ang daming magnobyo na dumating.
“Hey kiddo, what are you doing here?”
Napasinghot ako. “Huwag mo kong kausapin Kuya Dave nagdadrama ako.”
“Psh.”
“Pokemon mukhang malaki ang problema niya. Kilala mo ba iyan?”
Pokemon?
(-__-)
Sabi ko na nga ba. Kaya pala pamilyar ang boses. Iyong babaeng may dahilan ng lahat pala ang kasama ni kuya Dave!
“I hate you, aray! Kuya naman eh, bakit mo ko binatukan?”
“Bakit mo inaaway ang Pikachu ko?”
“Pikachu mo your face. Umalis na nga lang kayo sa harapan ko.”
“Isusumbong kita kay tita."
Hindi ko na sila pinansin. Wala akong pakialam sa kung sino ang Pikachu at Pokemon sa kanila. Broken hearted ako. Lechon naman eh. Christmas eve pa naman. 
"What's with the face?"
(-___-)

"Para lang sa sinabi ko kanina ganyan na agad ang aura mo?"

Asar ha! Sino ba ang hinayupak na to at feeling close yata masyado? Ipapabugbog ko to eh. Ops, nasa hospital pa pala sina Sebastian ngayon. Psh. Haay, I'm so alone. (TT___TT)

"Hey, Kimchi?"
"Bakit ba?!!!"
(>___<)++++

(O___O)


Si Elle!


Anong ginagawa niya dito? Bakit ganyan siya makangiti sa akin?

"Long time no see Kimchi? Kumusta naman ang New York? Mas lalo kang nagiging cute."
"Huwag mo akong kausapin. Ayaw mo sa akin diba?" (>3<)
(-__-) 
"Oo nga."

"Nakita mo na! Ayaw mo nga sa akin! Nakakainis ka naman Elle eh. Christmas eve basted ako sa iyo. Maghanap ng ibang lalaki kamo? Pakialam mo ba kung ikaw lang ang gusto ko?" nakasimangot na pakli ko.

Tumawa naman siya ng malakas. Grabeh. Nakakasama talaga siya ng loob ah.

"Sige lang tumawa ka lang. Sa tingin mo susuko na ako dahil lang doon sa sinabi mo? Naiintindihan naman kita eh. Hindi lang babae ang marunong magpakipot. Sige lang take your time, basta maiinlove ka din sa akin. Tayo parin sa huli."

Lalo siyang natawa.

"Kahit anong gawin mo tayong dalawa parin ang magkakatuluyan Elle Peter Lee. Tandaan mo iyan!"

"Okay," nakangiting sabi niya.

Then bigla siyang yumuko at....hinalikan ako sa lips!


"Bong..Bong..Bong...Bong." (Mwhahaha! iyan ang dinig ko sa Big Ben na sound effect twing 12 eh nyahahha)


"MERRY CHRISTMAS KIMCHI Castillo Tan...Iyan lang ang gift ko sa iyo. Kung hindi mo gusto pwede mong isauli sa akin. Okay?" (^__-)
 ------------------------------------
END

1 comment:

  1. chOxx kiniLig aq nG bonGga atEy,,, LaLo n dUN s huLi, mAgexChaNge gifT kAu tApos daPat preHo tLga at tGaLaN niO pA,,, ayiEee, hwAhiHi,,, nkkKiLig,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^