Friday, July 26, 2013

Writers of LOVE, Writers in LOVE - Queen's Story Preview


Queen’s Story Preview

Sa kauna-unahang pagkakataon nakita kong seryoso ang mukha ni Espren Regine, oo nakikita ko siyang seryoso lalo na pag mga problema dito sa DDH ang kailangang solusyunan pero iba kasi ngayon eh. Ibang aura meron siya eh. Daig pa yung mga hollowick sa story niya.  

“So tell me Queen, what’s wrong?” palihim kong kinagat ang labi ko. Seryoso nga siya walang espren eh. Pero ano nga bang problema ko? Pwede bang pakisabi sa akin?

“Tatlong beses na sa buwan na ito na narereject ang gawa mo,  hindi naman sa prinepressure kita espren pero prinepressure talaga kita,nag-aalala kasi ako you know.” Napangiti naman ako kahit paano dahil mukhang kumalma na si epsren nagjojoke nan g korny eh.
                                                      
“Hindi ko rin alam eh.” Yun nalang ang nasabi ko. Pero hindi ko nga ba alam? HINDI! Hindi ko talaga alam! Hanggang sa makalabas ako ng Office ni Espren iniisip ko yon at bigla namang pumasok sa isip ko ang damuhong lalaking yun!

Flashback
“Corny stories.” Napataas ang kilay ko sa narinig ko. At dahil maganda ako at maganda ako sinilip ko kung saan galing ang boses na iyon.
OMG! Side view palang Ulam na! Hoy! Queen umayos ka nga!

“What the! Napublished talaga tong ganito ka cliché na stories? Boring. ” Aba’t! Ang kapal! Tapos tapos yung sinulat ko pa yung hawak –hawak niya.

“Excuse me, Mister.” Hindi ko mapigilang hindi magsalita eh. Tumingin naman siya sa akin. Good. Ayokong magsalita ng walang nakikinig.

Nabasa mo na bang buo yung story para sabihan na corny at boring siya?” paunang sabi ko.
“Excuse me, Miss, close ba tayo para magcomment ka sa sinasabi ko? At isa pa ano bang paki mo kung yun ang opinion ko. Freedom of Speech, Miss.” Napataas ang kilay ko ng pagtaasan niya din ako ng kilay tapos nagsalita siya ulit. “ Saka bakit ka ba masyadong affected? Unless-----------“ tiningnan niya ako mula ulo  hanggang paa tapos tumingin sa libro “ –ikaw ang writer nito?”

“Ah- eh---

“I think you should resign, you don’t have the talent and passion for this job.” He said then he rolled his eyes and walk out on me.

TEKA! NAPAPAENGLISH AKO! ANG KAPAL NG MUKHA NG LALAKING YUN ! AKO WALANG TALENT?! Pero may napansin pa ako isa siyang   BIG B!
Pero sa hindi malamang dahilan malaki ang nagging epekto ng sinabi niya sa akin sa estado ng pagsusulat ko.

~End of Flashback~

Tapos hindi pa natapos doon ang perwisyong idinulot niya sa akin! Siya pala ang bagong sponsor ng DDH!Sabi-sabi siyang corny tapos! Sasapatusin ko yun eh!

Pero inferview nung winelcome siya sa Day Dreamers Headquarter halos humalgalpak ako sa tawa eh. Kasi naman akala ko talaga may crush siya kay Espren Empress dahil pa-cute siya ng pacute kaso hindi pala siya kay Espren nakatingin kundi kay Dylan! Yung poging editor naming na lalaki.

AND CONFIRMED!

BIG B  SIYA!!





5 comments:

  1. ahahaha... preview pa lang natuwa na ako, at sapol na agad...


    super excited na ako para dito....



    *giggles*


    *giggles*


    *giggles*


    *giggles*

    *giggles*

    ReplyDelete
  2. puro preview, nananakit na tyan ko sa excitement. hahahaha, so bale, boss ako ng DDH. yebahbells~ XD

    ReplyDelete
  3. bwahahaha!!! natawa naman ako dito..
    Queen na queen ang dating ah...at nasingit pa ang name ko dito hehe.

    ReplyDelete
  4. ayiiEe puRo preViews p LNg,,, kaExciTe,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^