Thursday, July 25, 2013

[SDC] Special Delinquents Class: Chapter 1

[SDC] SPECIAL DELINQUENTS CLASS
CHAPTER 1

Ang Avangill High ay kilala bilang isang elite school. It is a school made by two famous companies, The Avalanche Corp. and Gillermo Fashion Comp; maraming mga students ang nag-aaral sa Avangill High dahil sa image nito at ang influence ng dalawang companies. It was the best school until a batch of delinquents came.


Dahil sa mga delinquents, nagsimulang matakot ang mga students. Hindi na sila pumapasok dahil sa constant bullies. Unti unti nang nasisira ang imahe ng paaralan kaya napagpasyahan ng mga teachers na magmeeting kung paano nila makontrol ang mga delinquents at para narin maibalik ang magandang imahe ng Avangill High.


"We need to do something to those delinquents!" dahil sa galit ng principal ay napalo niya ang table na siya namang ikinagulat ng faculty at staff. "Kung wala tayong magagawa ay sigurado akong mangyayari sa paaralan na 'to ang nangyari sa North Avangill High."


Hindi lang 'yun ang kanyang kinaiinisan, naiinis siya dahil na rin sa pagtukso sakanya ng mga delinquents, lalo na sa kanyang mala-Adolf Hitler na bigote.


"We need to expel them right away! I don't want them to pollute my school." at itinaas naman ng treasurer ang kanyang kamay. "These delinquents' family donated so much for the improvement of our school facilities," sabi niya. "So, if we expel them. Pwede nilang bawiin satin ang pera na idinonate nila." The Faculty and staff were frustrated. Hindi nila alam kung paano nila makontrol ang mga delinquents.


They can actually be expelled kasi maliit ang idinonate ng mga magulang nila. Ayaw lang talaga ng treasurer na maexpel sila dahil parati siyang pinupuri nito para makakuha ng pera.


"Kung pwede lang na magkaroon ng isang class para sa mga delinquents baka sakaling tumino sila." sambit ng isang teacher habang nakafacepalm siya. Bigla nalang naliwanagan ang mga staffs at ang faculty. Nagkatinginan silang lahat at tumango sa isa't isa na para bang iisa lang ang kanilang iniisip.


"Looks like we have to establish it." sabi ng principal na may kasamang ngiti.


+++++++++++++++++++++++++++++


"Of course, yes he's my boyfriend." sabi ng babae sa mga kausap niya. She's trying to convince those 3 girls na boyfriend niya talaga si Kye Avila. Pero, hindi pa rin sakanya naniniwala ang mga babae dahil sa pagkakaalam nila ay kilala siya sa pagiging isang good liar at prankster.


"Weeeeh? as in? baka nagsisinungaling ka lang." nairita ang babae sakanila kaya napairap siya. I give up! isip niya. "Whatever, sinasayang ko lang oras ko kakakumbinsi sa inyo na boyfriend ko siya." sabi niya then she flipped her hair at iniwan ang mga babae papunta sa kanyang room.


Siya si Paige Montilbano, or Page (pronounced as pa-ge). Kung may anak lang ang kasinungalingan ay siya 'yun dahil magaling siyang magsinungaling. Kilala rin siya bilang isang prankster. She played pranks to most of the people in her school. Pati ang faculty at staff ay binibiro niya. Walang nakakatakas sakanya na estudyante. She's been playing pranks on people for 17 years. Parang inborn na sakanya ang pagbibiro.


Habang naglalakad siya papunta sa room niya ay nadatnan niya si Ma'am Everest, ang pinakastrict na teacher sa buong Avangill. Si Paige lang ang hindi natatakot sakanya kaya medyo marami ang humahanga sakanya lalo na ang mga kalalakihan.


Anger was written all over Ma'am Everest's face. Dahil kanina pa niya hinahanap si Paige pero tinatakasan siya nito. And speaking of pagtatakas, ay agad tumalikod si Paige at naglakad na parang hindi niya nakita si Ma'am Everest, na siya namang ikinagalit nito kaya agad siyang naglakad ng mabilis kaya nahabol niya si Paige at kinalbit niya ito.


"Ms.Montilbano!!!" sigaw nito sakanya. Nanginginig na lumingon si Paige kay Ma'am Everest. Natatakot siya kasi parang si Medusa ang kumalbit sakanya. Sinubukan niyang ngitian si Ma'am Everest pero hindi siya makangiti ng mabuti pero after a few seconds ay nakangiti siya ng mabuti, ang usual na ngiti niya 'pag nagsisinungaling siya.


Putek! ngayon lang talaga nagalit si Ma'am Everest!!! isip niya. Well, more like Medusa. "Oh, hello ma'am! didn't see you there." pagsisinungaling niya. Siningkitan naman siya ni Ma'am Everest dahil alam niya na nakita siya kanina ni Paige. She saw her with her two eyes. "Gusto kitang makausap kasi may gusto akong ipaalam sa'yo."


Jenjang! (it's a bad word) sasabihin niya ata saakin na maeexpel ako. Patay! anong sasabihin ko kay eomoni?! (mother)  isip niya habang nakangiti siya kay Ma'am Everest. Pinagpapawisan na siya sa nerbyos at takot. Hindi niya kasi kayang magsinungaling sa nanay niya. Parang automatic na nagiging honest siya. Kaya naisip niya baka noong maliit pa siya ay may pinainom sakanya ang nanay niya na Honesty Potion.


"A...ano po 'yun?" Naging magalang tuloy ako. Di kasi uso saakin ang po at opo eh! "I just want to inform you na nalipat ka na sa bagong section." Di nakaimik si Paige sa narinig niya. Akala niya naexpel na siya, nalipat pala siya sa kabilang section. Inayos niya ang kanyang sarili at tinapik niya ng tatlong beses ang kaliwang balikat ni Ma'am Everest na may kasamang ngiti, ngiti ng kaluwagan.


"You should've inform me earlier y'know." siningkitan na naman siya ni Ma'am Everest. "That's why I've been trying to talk to you pero tinatakasan mo ako. Let's go to your new section para makilala mo ang mga bago mong kaklase." Anong bagong kaklase? isip niya Lahat nga ng mga tao dito ay kilala ko, pati mga janitor eh kilala ko. Kulang na nga lang ay iadd ko pa sila sa FB, kung meron ako.


Nagtaka si Paige kung bakit naglalakad sila papunta sa pinakadulo ng last floor ng Highschool building. Sa pagkakaalam niya ay walang rooms sa last floor kasi doon lahat nakatago ang lahat ng mag cleaning equipments at mga extra chairs. Hindi lang iyon, may mga chismis na may multo daw sa last floor kaya walang may gustong pumunta sa last floor.


"We're finally here!"


Nasa pinakadulo na sila sa 3rd floor.Nagtaka ulit siya kung paano nagkaroon ng classroom sa last floor. Binasa niya ang nakasulat sa pintuan. SDC, Anong SDC? isip niya. "Ma'am, anong SDC?" tanong niya kay Ma'am Everest. "Special Delinquents Class," sagot niya at binuksan niya ang pintuan. "A special class only for delinquents." at pumasok na sila sa room.


Tumambad sakanila ang pitong students na abalang abala sakanilang ginagawa. May nag-uusap, may naghaharutan, may nagbabasa, may naglalaro ng games sa PSP, may nakikinig sa music, at may loner na nakatingin sa labas ng bintana na para bang nasa isang music video.


"Class!!!" sigaw ni Ma'am Everest kaya napatahimik sila at humarap sakanya. "You have a new addition on your group, Paige Montilbano." Napairap si Paige. Bakit pa kasi raw siya dapat ipakilala sa class? kilala naman siya eh. Sikat raw kasi siya. "Kilala niyo naman ako diba?"


"Hindi!!!" sigaw ng isang lalake na mukhang basagulero. "Very funny, Dean...Juan." at nginisian siya ni Paige na siya naming kinainis ni Dean. He hates being called with his second name, which is Juan, secret nalang kung bakit Juan ang second name niya.


Meet Dean Juan Strauss, siya ang basagulero sa Avangill High, hindi nakokompleto ang araw niya kapag wala siyang nakakasuntukan. Ilang times na siya nasususpend dahil sa kanyang behavior. Nakikipagsuntukan daw siya while wearing his uniform, kaya nasisira ang image ng school. Marami rami na rin ang nabiktima niya sa school. Pati staff, nadadamay. Hindi siya gangster or something, isa lang siyang tambay sa Mini grocery store nina Paige na marunong makipagbugbugan.


Norm lang 'yan sa pamilyang Strauss kasi nasa lahi nila ang makipagbugbugan. Dahil doon, karamihan sa pamilya nila ay nagiging sundalo, boxer, wrestler, pulis, at kahit anong profession na may kinalaman sa pakikipaglaban. Well, except ang mga babae. Pero, karamihan sakanila ay mga amazona.


"Ikaw ah! gusto mong masira mukha mo?!!!" at dinilaan lang siya ni Paige. Norm rin kay Paige na bantaan siya ni Dean kasi ilang times na niya siya binabantaan pero di naman niya nagagawa. "Whatever."


"Your homeroom teacher will arrive after a few minutes, kaya be behave while waiting for her!!!"  Nagsigawan sina Dean at ang kasama niya kasi babae ang homeroom teacher nila. "Yes!!! babae! akala namin ikaw." at pinandilatan sila ni Ma'am Everest. "Hey! what do you think of me?! a man?!"


"Yeah." sagot ni Dean in a normal way, na para bang nakikipag-usap lang siya sa kaklase niya. "Tsk! buti, hindi ako ang adviser niyo." bulong ni Ma'am Everest sakanyang sarili at umalis na siya sa room. Naghanap si Paige ng mauupuan at nakita niya na may bakanteng upuan sa tabi ni Kye Avila kaya napangisi siya. Naglakad siya papunta sa upuan niya at umupo.


Kye Avila, katropa siya ni Dean pero hindi siya parating nakikipagbugbugan. Bihira lang siya makipagbugbugan dahil sakanyang girlfriend na si Aisle Arrellanes. Gusto kasi ni Aisle na magbago si Kye para sakanya. Dati rati kasi parati siyang nakikipagsuntukan kasama si Dean. Pero porket hindi siya nakikipagbugbugan doesn't mean na tumitino na siya.


Wala pa rin siyang respeto sa mga faculty at staff. Sinasagot niya kahit sino, pati ang CEO ng Avangill High ay sinagutan niya. Parati rin siyang late. At, natutulog siya kapag pumapasok siya o di kaya'y nakikinig siya sa music. Kumbaga, para sakanya, isang tambayan lang ang Avangill High.


Not that girl again. isip ni Kye habang nakikinig siya sa music. Akalain mo, may swerte palang madadala ang SDC. isip ni Paige at nginitian niya si Kye ng mapangasar. Napa-tsk si Kye sa inis, ayaw na ayaw niya kasi si Paige, bukod sa nakakayamot siya ay isa siyang dakilang feeler, isipin pa naman daw na girlfriend daw niya si Paige, when in fact, girlfriend niya si Aisle.


"Hi, babes! miss me?"   


"At bakit naman kita mamimiss?" at inalis ni Kye ang earphones niya sa tenga niya. Nginitian naman siya ni Paige. "Kasi, girlfriend mo ako. Di pa ba obvious?" at inilapit ni Kye ang mukha niya sa mukha ni Paige. "Hindi kita girlfriend, at hinding hindi kita magiging girlfriend," inemphasis talaga ni Kye ang word na HINDI, para maipamukha niya kay Paige na hinding hindi magiging 'sila' "Sa panaginip mo lang 'yun mangyayari." at nakinig na siya sa music.


"Good! may chance ako, pwede kasi tayo maging on sa panaginip ko eh." sabat ni Paige
at nginitian niya si Kye ng mapangasar na siya naming kinainis ni Kye kaya nagtransfer siya ng seat pero sinundan pa rin siya ni Paige.


"Oh c'mon, just admit it! you miss me, you like me, you love me. Gusto mo akong makasama. Wag ka nang mahiya, okay lang saakin no."


"Manahimik ka nga!!!" 


"Awww, I miss you too. Date tayo mamaya sa canteen ah! libre mo."


"At bakit naman ako ang manlilibre ah?!"


"Kasi lalake ka," at biglang may natandaan si Paige. "Oh my gosh, gusto mong makipagdate saakin. Nagrereklamo ka kasi kung bakit ikaw ang manlilibre." at kunwari pinahid ni Paige ang luha niya sa mga mata naman. Pero hindi naman siya naiiyak. "I'm so touched." at napatawa lahat ng mga kaklase niya maliban kay Kye. Inis na inis kasi siya. Kulang na nga lang ay may lumabas na usok sa ilong niya, o sa tenga niya.


"Crush  na crush kita talaga Page!" sigaw ni Damon. Nginitian naman siya na Paige sabay hawi sakanyang short na buhok. "I know right." sambit ni Paige at ginaya niya ang pagtawa ni Kris Aquino.


Damon Cruz, partner in crime ni Dean. Isa rin siyang dakilang basagulero at tambay. Passion niya raw kasi ang mambully. Lahat na ata ng mga students ay nabully niya except kay Paige, kasi crush niya siya. Bukod raw sa maganda si Paige ay matapang daw siya. Siya lang daw ang babae na hindi natatakot kay Kye.


He's noted for stealing lunch moneys or lunch boxes ng mga students, pati teachers at staffs ay dinamay niya. Siya ang only student na may kayang magwedgie sakanyang binubully. Malakas kasi siya. Nasa dugo na ng pamilyang Cruz ang pagiging malakas. Kilala rin siya sa pagmumura, everyday nagmumura siya. Kahit sa harap ng mga teachers, at staffs ay nagmumura siya. Minura pa nga niya ang CEO kaya nasuspend siya for 1 month.


"Balita ko raw ay ang bagong teacher ang magiging adviser natin." sabi ni Eleazer habang naglalaro siya sa PSP niya.


Eleazer Leonard Spencer, Eli ang tawag sakanya ng mga taong kaclose niya. Kilala siya sa pagiging isang gamer, or game addict. Para sakanya, games ang kanyang drugs. Kung drugs ang games ay matagal na ata siyang napunta sa rehab dahil sa addiction niya sa games. Everyday siya naglalaro sa PSP niya, kahit class hours ay naglalaro pa rin siya. Wala siyang pakialam sa nangyayari, masyado raw kasi siyang busy sa paglalaro. Hate nga niya raw ang real world.


Napunta siya sa SDC dahil nawawalan siya ng respect sa mga faculty at staff. Minura nga raw niya si Ma'am Everest nang hinablot sakanya ang PSP niya. He also answered back to his teacher nang pinagalitan siya nito.


"Wow, bago? answerte niya ah!" natuwa si Paige sa news kasi bago ang kanilang teacher. "Dapat iwelcome natin siya." bulong niya sa sarili niya at tumayo siya at naglakad ng marahan sa room. Nag-iisip siya kung paano nila iwelcome ang bagong teacher. Bigla nalang may pumasok sa isipan niya na para bang may lightbulb na lumabas sa taas ng ulo niya.


"Aha! Eureka!" (I have found it!) agad siyang pumunta sa table at pinalo ng ilang times ang table gamit ang ruler kaya nakuha niya ang attention lahat ng mga kaklase niya. "Hey, iwelcome natin ang new teacher natin," then she wore her usual evil smile. "And I know how."


MEANWHILE


Habang naglalakad ang new teacher papunta sa Avangill ay bigla nalang may dumaan na itim na pusa sa harapan niya.


I feel something bad will happen isip niya.






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^