4:00 pm
Pinapunta ko ulit sila sa tambayan namin para ipakita ung napulot ko lang kahapon na papel para sa plano naming puntahan sa bakasyon.
“Dude bakit ba pinapunta mo na naman kami dito?” tanong ni Martin
“Ano ba ung ipapakit mo sa amin?” tanong ni Janel
“O ito tingnan nyo ito para masagot nyan ung nga tanong nyo sa akin.” Ibinigay ko sa kanila ung papel na napulot ko kahapon para makita nila kung ano nakalagay dun.
Kinuha naman ni Janel ung inabot ko sa kanilang papel, tiningnan nilang lahat ung papel tapos may isa sa kanila ang nagsalita.
“Saan galing ito?” tanong nya sa akin habang nakatingin pa rin dun sa papel.
“ganoto kasi yun….may dumaan kasing sasakyan kahapon tapos nung pagkalagpas sa akin nun may napansin akong nilipad na papel sa daan galing dun sa sasakyan kaso hindi nya ata napansin yun ibabalik ka sana kaso ang layo na nya kaya kinuha ko na lang.”
“Teka alam mo ba kung saan ito?” tanong ni Tricia
“Hmmm…hindi pero…”bago ko ituloy ung sasabihin ko kinuha ko muna ung papel sa kanila.”Pero may nakalagay naman na mapa dito sa likod eh kaso maiit lang.” iniharap ko sa kanila ung papel kung saan itinuro ko ung mapa.
“Siguro sapat na ung mapa na yan para mapuntahan natin yan.” Sabi ni Janel
“Oo mukha namang malapit lang namnan yan eh” Dennis
“So……paano iyan na lang ang pupuntahan natin?” tanong ko sa kanila.-Nathan
“Oo sige ito na lang” sabay sabay nilang sinabi
“Eh saan tayo magkikita-kita?”Tricia
“Dito na lang sa tambayan”Martin
“Kaninong sasakyan gagamitin natin?”Janel
“Syempre ung kay Martin na lang”Nathan
“Ha?”nanlaki ung mata ko sa sinabi ni Nathan nung napansin kong nakatingin na sa akin ang lahat…”haiisst sige na nga minsan lang naman eh.” Pag kasabi ko nun naghiyawan sa tuwa angmga yun.-Martin
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^