(Nathan POV)
Tapos na ang last subject ko kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko at humakbang na papalabas ng room namain. Ang bilis talaga ng araw 1 week na lang at bakasyon na anu kaya ang magandang gawin sa bakasyon? Ah alam ko na….tiningnan ko ang relo ko kung anung oras na….ayos medyo maaga pa naman pala. Kinuha ko ung cellphone ko sa kanang bulsa ko at tinext ko ang barkada. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa tambayan namin sa taas ng puno kung saan gumawa kami ng tree house dahil dun kami magkikita. Naupo ako sa sahig at kinuha ko ulit ang cellphone ko para i-text si Martin.
“Dude na saan na kayo? Bakit ang tagal nyo naman.”
*message sent*
1 new message
“Nandito na kami, papakyat na rin kami jan.”
Tumayo ako para silipin sa bintana kung totoo nga ung na receive kong text ni Martin sa akin. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko nga na umaakyat na sila sa hagdan habang si Martin naman ay nag pahuli at hinayaan munang makaakyat ang iba at saka pa lang sya sumunod sa pag akyat.
Nakapaikot ang upo naming lahat sa sahig at magkakaharap kaming lahat sa bawat isa. Syempre ako ang nagpatawag sa kanila na pumunta dito sa tambayan namin dito sataas ng puno natural ako ang iniintay nilang unang magsasalita.
“Alam nyo ba kung bakit ko kayo pinapunta dito?” umiling silang lahat sa akin at sinabing…
”Hindi eh….”
Napakamot tuloy ako sa ulo ko.
“Ok ganito kasi yun” tumingin ako sa kanila at sa tingin ko naman sa mga mukha nila na medyo interesado naman sila sa sasabihin ko.”Diba 1 week na lang eh…bakasyon na.”
“So…? Ano naman” sagot ni Martin
“Teka..wala ba kayong balak mag relax man lang?”
“Meron?! Pero pano..ano ba balak.” Sabi ni Dennis
“Ganito bibigyan ko kayo ng tig iisang papel isusulat nyo jan ung suggestion nyo kung saan nyo trip pumunta o kaya ung gusto nyong gawin sa bakasyon.” Binigyan ko sila ng papel at kinuha ko ung box sa likod ko para ilagay iyon sa gitna namin.”Ano pa hinihintay nyo? Isulat nyo na.”
“Ok game !!!!” sabay sabay nilang sinabi at nagsimula na silang magsulat sa binigay kong papel.
“Ready na kayo?” tumango naman silang lahat sa akin.
Kinuha ko na sa gitna ung box saka sinimulan ang pagbunot.
“beach?!!!” sabo ko habang nanlalaki ang mga mata ko.
“o bakit ganyan ka mag react?” sabi ni Tricia
“teka sayo ba ito? Bakit beach? Hindi ka pa ba nagsasawa sa beach?”
“oo sa akin yan, eh bakit ba? Iyan ang gusto kong puntahan eh.”
“makakain ka pa ng mga gutom na pating jan eh.” Sabat naman ni Martin
“hmmp…nakakaasar naman kayo.” Tricia
“itigil nyo nga yan bubunot na lang ako ulit.” Bumunot ako ulit sa box
“Movie Marathon?!!!”
“mas ayos yan diba? Kasi madaming magagandang movie ngayon?” sabi ni Dennis
“Oo kaso….diba parang ang boring naman nun?”
“Eh bahala nga kayo sige iba na lang”Dennis1 hour later
“Mukhang walang patutunguhan itong bunutan na ito ah. Lahat ng suggestion hhindi nyo nagustuhan. Pero may mga natitira pa namang araw para makaisip tayo ng magandang mapupuntahan.” Napatingin ako sa relo ko.”At saka hapon na kailangan na nati umuwi.”
Tumayo na kaming lahat at bumaba na, nauna na silang umuwi sa akin kaya kami na lang ni Marin ung naiwan.
“Dude wala ka pa bang balak umuwi?” tanong ni Martin
Bago ako sumagot sa tanong nya kumuha muna ako sa bag ng isang sigarilyo at sinindihan ito.
“Mamaya na ako uuwi uubusi ko lang itong sigarilyo ko kaya mauna ka na.”
“Sige mauuna na ako sayo.” Nag wave sya habang nakatalikod na sa akin.
Hindi nagtagal naubos ko na ung sinindihan kong sigarilyo umalis na ako sa tambayan nagsimula na akong maglakad pauwi sa amin. Habang naglalakad ako may biglang dumaan na kotse sa kalsada ng makalagpas sya sa akin bigla na lang may nilipad na papel sa gitna ng kalsada pinulot ko yun para ibalik dun sa lalaki pero nung tiningnan ko ulit dun sa kotse medyo malayo layo na ung takbo ng kotse kasi mukhang nagmamadali. Tiningnan ko ung napulot kong papel naging interesado ko sa nakalagay dun sa papel na yun kaya kinuha ko na rin.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^