Author's Note:
Hey, I'm back! I missed you so much guys! Nakakaonline ako using my mobile para mabasa ang mga stories dito pero hindi ako makapagpost. So, this one shot story is my...uhm...how should I say it? Uhm, comeback? haha! pangKpop lang ang peg. I will start to update my stories this coming Wednesday.
My Childhood Friend Is A Gangster
"Oy Stinkerbell." tawag niya saakin then I looked at him. "Nakikita mo ba yung building na yun?" at itinuro niya ang building ng Javier Prestigious Highschool Academy."Yep." sagot ko sakanya. Tiningnan niya ako at nginitian niya ako.
"Kapag highschool na tayo, doon tayo mag-aral ah! para magkita tayo ulit."
"Okay." at nginitian niya ako. "Promise?"
"Promise." then he held out his pinky. "Pinky promise?" I smiled at him then I intertwined my pinky on his.
That was our last conversation before he left. After that, I never saw him again. Ni isang sulat ay wala akong natanggap mula sakanya. Ni isang text man lang wala akong natanggap. I missed him so much. Kaya nag-aral ako ng mabuti para makapasok sa JPHA, nangangarap na sana magkita kaming dalawa.
"Eunice Constance Campos." I was back to my senses when I heard someone called my name. "Huh?" agad akong napatingin sa paligid then I saw her walking towards me.
"You're daydreaming again." At umupo siya sa harap ko. "Yung kababata mo na naman no?" tanong niya. Tumango nalang ako.
Valerie Mantovan, my bestfriend. 17 years old, the same age as me pero mas matanda siya ng isang month. Siya lang ang nakakaalam tungkol sa kababata ko na si Monkeybot.
"Sumuko ka nalang sa kakahanap sakanya. Sinasayang mo lang oras mo no! malapit nang matapos ang higschool life natin kaya ienjoy natin."
"Pero...nangako kami sa isa't isa na magkikita kami ulit dito." She just rolled her eyes and looked at me. "Promises? Promises are meant to be broken. Walang tao sa mundo na kaya niyang tuparin ang kanyang pangako." Tama ba siya? I don't know. Hindi ko alam kung saan ako maniniwala. Sa sinabi ni Valerie o yung pangako ni Monkeybot?
Paano kung tama si Valerie? Paano kung hindi nag-aral si Monkeybot dito? Paano kung...kinalimutan niya ako at nakahanap siya ng bago na papalit saakin? Ayoko! Ansakit. Pero, hindi ganun si Monkeybot. He always keep his promises.
"Whatever, malapit na magring ang bell kaya babalik na ako sa classroom." at umalis na siya sa classroom, eksakto ring nagring ang bell at lahat ng mga estudyante ay nagsiupuan. Dumating na rin ang teacher at nagsimula na siyang magturo.
Habang nagtuturo ang teacher at kami naman ay nagtatake notes ay napatingin ako sa upuan na nasa tabi ko. Since our first day in school, ay hindi pumapasok ang nakaupo dyan. They said na busy raw ang nakaupo dyan kaya hindi siya makapasok.
Nagtaka tuloy ako kung sino siya. Kasi hindi ko siya nakilala. Baka isa siyang sikat na artista. Sana Kpop artist! as if naman na mag-aaral dito ang isang Kpop artist. Baka may malala siyang sakit. Kawawa naman siya! baka may trabaho. Ohhh! I wonder kung isa siyang president ng isang company tulad sa mga Manga na nababasa ko.
Bigla nalang nabuksan ang pintuan ng malakas na aming ikinagulat. Then a person entered the room. Mukha siyang hindi natulog ng mga ilang araw dahil sa pagkagulo ng kanyang buhok. May mga Band-Aid sa mukha niya at sabog pa ang labi niya. At hindi maayos ang kanyang uniform.
*gulp*
Isa ba siyang...gangster?
"Jiro Ramirez!" sigaw sakanya ng teacher. "You've been absent for months! at after lunch ka pa pumasok. Dapat nag-absent ka nalang kung ganitong oras ka papasok." sermon sakanya ng teacher. He just rolled his eyes and scratched his head with an irritating look. "Kapapasok ko palang dito, sermon agad. Dapat magpasalamat ka kasi pumasok ako sa wala kwenta mong subject. T*ng*na!!!" at sinipa niya ng malakas ang table.
Lahat ay tahimik at nakatingin sa baba (including me) habang naglalakad siya papunta sa kanyang seat which is.....agad akong napatingin sa upuan na nasi tabi ko. Mine?! siya ang seatmate ko?!!!
Pinagpawisan ako habang naglalakad siya papunta sa seat niya. Please god! sana hindi niya ako bugbugin. Promise! I will be a good again. Just don't let him beat me up. Please! I have plans.
Oh my gosh, umupo na siya.I peeked a little kasi medyo ako nacucurious sa itsura niya sa malapitan pero nahuli niya ako. Wrong timing!!!
"Anong tinititingin-tingin mo dyan?! Gusto mo bang masuntok?!" at ibinalik ko ang tingin ko sa notes ko. Huhuhu! Yan ba ang parusa saakin sa hindi ko pagsuko sa paghanap kay Monkeybot?!
Nagturo na ulit ang teacher at kami naman ay nagtake notes maliban sakanya. I can see what he's doing in his peripheral vision that he's just listening to music at nagchechewing gum pa siya. Hindi lang yun ah, his feet are rested on his table.
Gangster talaga siya. Anong mangyayari saakin ngayong kaseatmate ko ay isang gangster?
The other day
Habang nagtatakenotes ako ay bigla nalang may nagtapon saakin ng papel. Ugh! Edwin, the prankster, is trying to annoy me again. Wag mo nalang siya pansinin Eunice. Just continue taking notes.
I continued taking notes pero may nagtapon na naman saakin ng papel. I ignored it pero may natapon na namang saakin ng papel hanggang sa naging continuous ang pagtapon saakin ng papel.
Kahit naiirita na talaga ako ay hindi ko pa rin pinansin ang nagtatapon saakin ng papel. Bigla nalang nagsalita si Jiro. "Psh! you're no fun." kaya agad ako napatingin sakanya. Kung ganun, siya ang nagtatapon saakin?!!!
Good choice Eunice, hindi mo siya pinansin. Kung pinansin ko siya eh baka may gawin pa siya saakin. Nang mahuli niya akong nakatingin sakanya ay agad niyang tinapon sa mukha ko yung papel.
"Hahahaha!" Grrrrrr!!!!!!! kakainiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiis!!!!!!!!! what an annoying gangster! that bastard! Magpasalamat ka nakatabi mo ay isang taong kayang kontrolin ang kanyang temper.
The other day
Quiz namin ngayon sa English.
Uwaaa! ang hirap ng quiz kahit nag-aral ako. Tss! bakit yung mga hindi kasali sa lesson ang nasa test?! Uso na ba yan sa mga teachers?! Gaaaah! I'm so frustrated.
"Class, I'll be back after 5 minutes. Don't cheat okay?!" at umalis ang teacher sa classroom. Lahat ng mga kaklase ko ay nagtanong sa isa't isa kung anung sagot sa mga questions na hindi nila masagot.
No.9, no.9, no.9, anong sagot sa number 9? Aha! I know. I was about to write my answer ng bigla nalang kinuha ni Jiro ang test paper ko at nagsimulang mangopya.
"Te...test paper ko." I said in a low tone habang nakatingin ako sa baba. "Pake mo!"
Asdfghjkl!!!!!! youuuuuuuuuu!!!!!!!! grrrrr!! agggghhhh! I can't take it anymore! Agad akong tumingin sakanya at inagaw ko ang test paper ko mula sakanya.
"Akin na nga 'yan!" he said in an angry tone at sinubukan niyang agawin saakin ang test paper ko pero nilagay ko sa likod ko yung test paper.
"Akin na nga 'yan sabi eh!"
"At bakit ko naman ibibigay sa'yo ha?!"
"Hindi pa ba obvious?! mangongopya ako."
"No! ayoko magpakopya sa'yo. Dapat nag-aral ka nalang hindi ang makipagrambulan dyan sa labas." Tumayo nalang siya at pumunta saakin at kinuha niya ang test paper sa likod ko but I did not let go kaya pinag-agawan namin ang test paper ko.
"Akin na nga sabi ehhhh!!!"
"Ayokoooooo!!!!!" hanggang sa napunit ang test paper ko. What the fudge?!!!! my test paper!! Agad ko siya tiningnan ng masama. "Now look what you've done! pinunit mo ang test paper ko!" sigaw ko sakanya kaya lahat ng mga kaklase ko ay napatingin saamin.
"Kung ibinigay mo saakin ang test paper mo ay hindi sana mangyayari 'to." Grrrrr!!! I hate you! I hate youuuu!!!!!!
"Jerk!"
The other day
"Bye Sarah, see you tomorrow." pagpapaalam ko kay Sarah at umalis na ako sa classroom.
Haaaay, what happened to my life? My highschool life was just normal at bigla nalang naging roller coaster dahil kay Jiro. Everyday he makes fun of me pero hindi naman nakakatuwa. Nakakatuwa ba yung punitin ang test paper mo? Nakakatuwa ba yung itapon ang libro mo sa labas ng bintana? Nakakatuwa ba yung nakawin ang lunch mo? Saan ang nakakatuwa doon?!
Haaay, I don't think it's called "make fun of". "Bully" ang tawag doon. He's bullying me. Ugh! I hate him. Dapat hindi ka nalang pumasok for the whole school year.
Habang naglalakad ako papunta sa bahay ay bigla nalang may tumapik sa balikat ko kaya napatigil akong maglakad.
"Miss, are you alone?" at napatayo ang balahibo ko sa sinabi niya. Do...don't tell me, ra...rapist siya. Please wag! please! sana hindi rapist.
Gusto kong tumakbo pero hindi makagalaw ang katawan ko dahil sa takot. Parang nadikit ang paa ko sa lupa. Wrong timing, nervous system!
Please god! please, save me. "Gusto mo bang samahan kita." sabi niya in a pedophile way. (Me ganun?) Nanginig ako sa sinabi niya.
"Ma..."
"Hoy! anung ginagawa mo sakanya?!" sigaw ni....Jiro? Si...si Jiro ba yun? Napatingin ako sa lalake na naglalakad papunta saamin. Si Jiro nga.
"Alam mo na pare kaya wag ka ng magtanong." sagot naman ng lalake then Jiro smirked at him. "Aaaah, sorry nalang pare pero saakin siya." sabi ni Jiro habang nakapamulsa siya.
"Pero mas nauna ako sakanya." at inalis ng lalake ang pagkakahawak niya sa balikat ko at humarap siya kay Jiro. "Pake ko. Saakin siya."
"Ikaw pare ah, umalis ka nalang kung ayaw mo na masira yang mukha mo." at kinwelyuhan siya ng lalake. Walang nakabakas na takot sa mukha ni Jiro. Parang normal lang sakanya.
"Ako ang dapat magsabi niyan. Pero, huli na ang lahat." at sinuntok ni Jiro ang lalake. Sinuntok rin siya ng lalake kaya nagsuntukan silang dalawa.
Uwaaa! anong gagawin ko?! may nagsusuntukan sa harapan ko. Paano ko sila pigilan? I was just standing there with my eyes wide open. Nakakagulat kasi ang ginagawa nila sa harapan ko.
Hindi makalaban ang lalake kasi patuloy siyang sinusuntok at sinisipa ni Jiro. Pagkatapos niyang bugbugin ang lalake ay kinwelyuhan niya siya.
"Oh ano?! ibibigay mo ba siya saakin o hindi?!"
"Sa...sa'yo na siya pare." at kumaripas ng takbo ang lalake. Jiro just smirked and spit blood on the ground. Eww! kadiri. Pero, nakakaguilty. Kasi nasuntok siya dahil saakin. I should apologize and thank him.
"So...sorry, at sa..salamat." I said habang nakatingin ako sa baba. Hinawakan niya ang baba ko at tinaas kaya napatingin ako sakanya.
Pale white skin, long nose, Long eyelashes, brown eyes, and a kissable lips. Ngayon ko lang narealize na gwapo pala siya. Kung inaayos niya lang sarili niya eh baka naging crush ko na siya.
"Tss! ewan ko kung anung nagustuhan ng mokong na yun sa'yo. Ampanget mo naman." kalimutan na nalang natin na sinabi ko na gwapo siya, I hate him. Psh! Pero, akala ko wala siyang puso pero meron pala.
Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa baba ko. Iaalis ko sana ang pagkahawak ko sa kamay niya pero nung nakita ko ang kamay niya ay hindi ko mabitawan. That hand, that burnt hand. It looks the same with Monkeybot's.
Don't tell me...at agad ako napatingin sakanya. There's a mole on his chin. Siya ba? Siya ba si Monkeybot?
"Mo...Monkeybot?"
"Huh?"
"I..Ikaw ba yan Monkeybot?" at hinawakan ko ang pisngi niya. The warmth, it's exactly the same with Monkeybot.
"Monkeybot!" at tinapik niya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya na siyang ikinagulat ko. "Ano bang pinagsasabi mo ha?!"
Hi...hindi niya ako matandaan? "A..ako 'to, si Stinkerbell, ang kababata mo." at pinakita ko sakanya ang necklace ko na ibinigay niya saakin noong mga bata pa kami. "See? ito ang necklace na ibinigay mo saakin noong mga bata pa tayo."
"Hah?!"
"Hi...hindi mo ko matandaan?" tanong ko sakanya. "Hindi kita maintindihan! nababaliw ka na ata. Makakaalis na nga!" at umalis na siya sa harapan ko then tears started to flow on my cheeks.
Hindi niya ako matandaan. Bakit?
After that day, hindi na niya ako pinansin. Kahit magkaseatmate kami eh parang hindi ko siya katabi. Hindi na niya ako binubully. I should be happy because he stopped bullying me. But, why am I so sad? Why do I miss him bullying me? Is it because he's monkeybot? But, I feel like it's not because he's Monkeybot.
Sinubukan kong makipag-usap sakanya pero iniiwasan niya ako. Iniiwasan niya ako. Hindi niya ako pinansin hanggang sa hindi na siya ulit pumapasok. Bumalik na rin sa normal ang buhay ko pero bakit parang hindi normal 'yun saakin?
I called Valerie to meet me at the park. Nung nagkita kami ay ikinwento ko sakanya ang lahat.
"See? tama ako. Promises are meant to be broken." sabi niya then she took a sip of her drink. "At tsaka past is past, you know." dagdag pa niya. "Ngayong nakalimutan ka na niya, anong gagawin mo?" tanong niya.
"Hindi ako susuko." sagot ko sakanya at tiningnan ko siya. "Ayoko na mapunta ang lahat sa wala." then she smiled at me. "Opinion ko lang 'to bestpren ah, sa tingin ko special talaga siya sa'yo. Hindi yung special sa friendship...yung special sa...love."
"Huh?" anong pinagsasabi niya? I don't get her. "As you can see, sa mga normal na friendship, kapag nakalimutan ka ng kaibigan mo eh wala ka ng gagawin. You will act like strangers to each other. Pero, kapag special talaga siya sa'yo ay hindi ka susuko."
Pinag-isipan ko ng mabuti ang sinabi niya. I searched for him for 3 years and I did not give up. Is it because he's special? is it because I love him?
I closed my eyes and think of Jiro. I held my chest then I felt it. My heart is beating fast. My chest feels so....tight.
I...I love him?
I opened my eyes then I looked at Valerie smiling at me. "See? he's special."
"Ta...tama ka. Sa..salamat Valerie." at nginitian niya ako. "Hehe, kelangan mo lang kasi maliwanagan eh."
After our conversation ay umuwi na kami. Habang naglalakad ako papunta sa bahay ay nadatnan ko si Jiro na naglalakad papunta sa direction ko kaya napatigil akong maglakad at nakapako lang ang tingin ko sakanya.
Nakita niya ako pero hindi niya pinansin. Parang wala siyang nakikita kaya tinawag ko siya. "Jiro!" tawag ko sakanya. But, he's just ignoring me. Parang wala siyang naririnig. Patuloy pa rin siya sa paglalakad hanggang sa dinaanan niya ako.
"Jiro!" tawag ko sakanya ulit. But, he's still ignoring me. Jiro, pansinin mo ako. "Jiro!" Jiro naman oh. "Jiro!" at tumakbo ako papunta sakanya at hinawakan ko siya sa braso niya kaya napatigil siya maglakad.
"Jiro, bakit mo ako hindi pinapansin?" tanong ko sakanya. "Nag-aral ako ng mabuti para makapasok sa JPHA, para makita kita ulit." then tears started to flow on my cheeks. "At...ngayong nahanap na kita....hindi mo ako pinapansin."
"Hindi mo ba natatandaan ang promise natin sa isa't isa? Hindi mo ba ako natatandaan?" Then I looked him in the eye. "Hindi ba importante si Stinkerbell sa'yo? Hindi ba...ako importante sa'yo?"
Hindi siya nagsalita. Hindi niya sinagot ang tanong ko sakanya. Hindi niya ako natatandaan. Hindi ako special. It hurts. It hurts a lot because it's unfair. Siya ang nagsimula ng promise na 'yun pero siya ang sisira?
Tinalikuran ko siya at naglakad. Maybe it's the right time that I should give up. Kung kelan ko pa narealize na mahal ko siya ay kung kelan ako dapat sumuko.
"Kasi..." at napatigil akong maglakad. "Kasi, natatakot ako." at napatingin ako sakanya then I saw him looking at me. "Natatakot ako na baka hindi mo ako tanggapin dahil sa pagbabago ko."
"Natatandaan pa rin kita. Natatandaan ko pa rin yung pangako natin."
"Nag-aral rin ako ng mabuti para makapasok sa JPHA, nagbabasakaling makita kita ulit. Hinanap rin kita pero hindi kita mahanap kaya sumuko ako, kaya nagbago ako." then he smiled at me. "Noong sinabi mo saakin na ikaw si Stinkerbell, I was really happy. Gusto kong sabihin sa'yo na natatandaan kita pero naunahan ako ng takot."
Naglakad siya papunta saakin at niyakap niya ako. "Sorry ha? sorry kasi sumuko ako agad. Sorry kasi naunahan ako ng takot. Sorry kasi nasaktan talaga kita. You're special to me, I hope that you'll forgive me and accept me." then I hugged him back.
"Jiro, wala akong pakialam kung nagbago ka. Ikaw pa rin si Monkeybot na kababata ko. Ikaw pa rin si Monkeybot na ginagawang robot ang mga monkey na stuff doll mo." then he laughed a little. "Kung ganun, ikaw pa rin si Stinkerbell na may mabahong stuff doll na si Tinkerbell."
Inalis ko ang pagkakayakap ko sakanya at tiningnan ko siya sa mga mata niya.
"Jiro...you're special to me too."
(Hey guys, read my best friend's story "Torn Between a Royal Prince and a Badass Gangster" here's the link. http://www.wattpad.com/17355999-torn-between-the-royal-prince-%26-the-badass Promise matatawa talaga kayo! read also my story "Ice Prince Next Door" here's the link http://www.wattpad.com/story/6017768-ice-prince-next-door)
STinKerbeLL,,, hWahEhE,,, fAvoritE q p nMan c tiNkerbELL,,, gAnda ng stOty,,, kAinLuv c jiRo,,, kyAaaHhh,,,
ReplyDeletewiiieh~ ang cute lang ng story! naiimagine ko si monkeybot eh! XD
ReplyDelete