Wednesday, June 12, 2013

A Messy Lovelife: Chapter 11

Author's note:
 
Starting from this chapter, the story will be in a 3rd person's POV. Italicized lines are the person's thoughts. Just saying, baka malito kayo. Sorry kung short yung update. Nagmamadali kasi ako eh. PEACE! XOXO!
 
 
After what happened, hindi na pumasok si Samantha. Agad kasi siyang nagdrop-out sa JPHA at pumunta sa France. Nang umalis na siya ay parang walang nangyari, it was just an ordinary day for the students except for Nicole.
 
Nagtataka siya kung bakit hindi na pumapasok si Samantha. It's been 3 days na hindi na siya pumapasok. "Bakit hindi na pumapasok si Sam? There must be something that I didn't know about." isip niya habang pinaglalaruan niya ang spaghetti niya. Napakunot ng noo si Tyrone habang pinapanood niya si Nicole na paglaruan ang kanyang pagkain.
 
Napansin niya na simula nang hindi pumapasok si Sam ay parating malalim ang kanyang iniisip. Sa tingin niya ay may kinalaman iyon sa hindi pagpasok ni Sam. Nainip na siya sa paglalaro ni Nicole sa pagkain niya kaya inagaw niya sakanya ang pagkain na siya namang ikinagulat ni Nicole.
 
"Hoy, ba't mo inagaw saakin ang spaghetti ko?! kung gutom ka, pumunta ka sa cafeteria lady at humingi ng pagkain!" sigaw nito sakanya. "Aish! kakainis na alien na 'yan, kung kelan pa ako wala sa mood eh doon niya ako aasarin." isip ni Nicole habang nakabusangot siya. "You've been playing your food for how many minutes. Alam mo bang masama 'yun." sagot sakanya ni Tyrone. Inirapan nalang siya ni Nicole at ininom nalang niya ang juice niya.
 
"Tyrone." tawag ni Nicole sakanya. "Ano?" tanong ni Tyrone habang kinakain niya ang spaghetti. "Bakit hindi na pumapasok si Sam?" tanong niya. "Sabi ko na nga ba eh, si Sam ang dahilan." isip ni Tyrone. He stopped eating his spaghetti and looked at Nicole. "Hmm..." at ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang kaliwang kamay. "Baka dahil sa sobrang pagkabroken hearted niya ay hindi nalang siya pumasok." sagot nito sakanya. "Really?" said Nicole in a sarcastic way.
 
"Ewan ko, tanungin mo nalang kaya si ano...si...siiii....Kenneth."
 
"O...Oo nga no, thanks. Ngayon ka lang sumagot ng matino." at nginitian siya ni Nicole.
 
Pagkatapos nilang kumain ay hinanap ni Nicole si Kenneth. Pero, hindi niya siya mahanap. Hinanap niya siya sa mga usual places na pinupuntahan ni Kenneth pero hindi niya siya mahanap. After how many minutes of searching for him, she gave up. "Pagdissmisal time, pupuntahan ko siya sa SC room. May meeting daw sila pagkatapos ng dismissal eh." isip ni Nicole habang naglalakad siya papunta sa room niya.
 
Habang naglalakad siya ay nadatnan niya si Kenneth na naglalakad pababa sa hagdan. "Kenneth!" tawag nito sakanya kaya napatingin si Kenneth kay Nicole. Nginitian naman siya ni Nicole at tumakbo papunta sakanya.
 
"Alam mo bang hindi pwede tumakbo sa hallway."
 
"I know, kelangan lang kasi kita makausap eh. Pwede?"
 
"Sure." then they head out to the garden. Nang makarating sila sa garden ay umupo silang dalawa sa mga swing ng isang malaking puno. "Kenneth, bakit hindi pumapasok si Sam? Does she hate me that much?" tanong ni Nicole sakanya.
 
Nagdadalawang isip si Kenneth kung sasabihin ba niya kay Nicole ang dahilan o magsinungaling nalang. Bestfriend ni Nicole si Sam, she deserves to know the reason pero ang ikinatatakot niya ay baka masaktan si Nicole at iba ang maisip niya.
 
Napansin ni Nicole na mukhang nacoconfuse si Kenneth. Dahil doon, Kinutuban siya na may alam si Kenneth kung bakit hindi pumapasok si Sam. "Spill it." at napatingin si Kenneth kay Nicole at nagtaka kung anong sinasabi ni niya. "Huh?"
 
"Alam ko na alam mo ang dahilan. Spill it."
 
"O...okay." at lumakas ang ihip ng hangin. "Nagdrop-out siya at pumunta sa France." Nagulat si Nicole sa sinabi ni Kenneth kaya napatayo siya. "Ano?!"
 
"I...I..." at hindi pinatapos ni Nicole magsalita si Kenneth. "I thought she was absent, yun pala nagdrop-out siya! tas, of all places pa, sa France?!!!"
 
"I can't believe it! dapat sinabi mo man lang saakin na aalis siya dito para....masabi ko sakanya ang katotohanan." Hindi siya makapaniwala na umalis na si Sam sa JPHA at pumunta nalang sa France. Nagsisisi tuloy siya kung bakit inexecute nila ni Tyrone ang plano niya. Kung alam lang niya na mangyayari 'yun ay hindi siya pumayag sa plano ni Tyrone.
 
"Kung sinabi mo sakanya ang katotohanan ay hindi siya pupunta sa France then, she'll continue chasing after Tyrone." Hindi makapagsalita si Nicole dahil hindi masink-in sa utak niya na umalis na si Sam. "Dapat hindi ko nalang sakanya sinabi." isip ni Kenneth. Kenneth sighed. Tumayo nalang siya at pumunta kay Nicole. "I'm sorry."
 
"Don't say sorry. It's not your fault. It's my fault." Tinapik nalang ni Kenneth ang balikat ni Nicole. "Hindi mo kasalanan. Ginawa mo lang 'yun kasi kaibigan mo siya." at umalis na si Kenneth.
 
Hindi makaisip ng mabuti si Nicole all day. Hindi makaalis sa isipan niya na umalis na si Sam, na umalis na si Sam dahil sakanya. Hindi niya mapigilan ang sarili niya na maguilty. If only she could turn back time.
 
Dissmisal na at lahat ng mga students ay nagsialisan na except for Nicole. Siya kasi ang nakassign sa paglinis sa classroom. Actually, may mga kasama siyang cleaners pero hindi sila naglilinis kaya wala siyang choice kundi ang maglinis mag-isa.
 
"Psh! Nakakainis sila! ang aarte. Sa tingin ko nga eh sila ang mauunang mamamatay kapag nasa isang deserted island kami." isip ni Nicole habang padabog siyang naglilinis ng classroom. Habang naglilinis siya ay may biglang may kumatok sa pintuan. "Oy." at napatingin siya kay Tyrone.
 
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Tyrone at pumasok siya sa room. "Hindi pa ba obvious? tanga." tumawa nalang si Tyrone at umupo siya sa teacher's table. "Nakausap mo na ba siya?" tanong niya ulit kay Nicole.
 
"Yeah." sagot niya.
 
"So, what did he say?" at napatigil magwalis si Nicole. Natandaan niya ulit ang sinabi sakanya ni Kenneth. Hindi niya mapigilang malungkot. Napansin ni Tyrone na nagging malungkot ang expression ni Nicole kaya pumunta siya sakanya. "Bakit ka malungkot?"
 
"Wa...wala!!!" at ipinagpatuloy ni Nicole ang pagwalis niya. "Weeeh?"
 
"Wa..wala nga sabi eh."
 
"Hmm? so what's that sad expression a while ago?"
 
"Anong sad expression ka dyan? Hindi ako nalungkot kanina no!" Umupo nalang ulit si Tyrone sa teacher's table at hindi nalang nagsalita. Alam niya na sasabihin sakanya ni Nicole ang dahilan mamaya. Alam niya na hindi mapipigilan ni Nicole ang sarili niya na sabihin sakanya ang dahilan at hindi nga siya nagkamali.
 
"Umalis na si Sam dito. Nasa France na siya." sabi ni Nicole habang nagwawalis siya. Hindi niya alam kung bakit kusa nalang siya nagsalita. Tuwing kausap niya si Tyrone ay hindi niya mapigilan ang sarili niya na sabihin sakanya ang lahat. "Umalis siya dahil saakin. Does she hate me that much to the point na ayaw na niya akong makita?" pagpapatuloy ni Nicole. She gave a big breath to stop herself from crying.
 
"Geez! why am I showing him my weak side?" isip ni Nicole. Napagtanto ni Tyrone na importante talaga si Sam kay Nicole. It's because she willed to join him in his plan kahit masaktan siya. Kahit magalit sakanya ang kaibigan niya. She doesn't care if she's hurt as long as she's doing what's the best for her friend. He smiled. "Buti, siya ang pinili ko." isip niya.
 
"Don't jump to conclusions Nicole."
 
"Huh?"
 
"Paminsan minsan kasi hindi ka makakamove on kapag parati mong nakikita ang taong mahal mo. Maybe that's the reason she went to France. She doesn't want to see us in order to move on. And, I'm sure that she will come back here." pagpapaliwanag ni Tyrone.
 
"Bakit?"
 
"It's because your friends." at nginitian niya si Nicole. Naliwanagan si Nicole sa sinabi ni Tyrone. Now, she understands kung bakit umalis si Sam. Kung bakit hindi sakanya sinabi ni Kenneth na umalis na si Sam.
 
"Kung...kung ganun, mission accomplished?" at napangiti si Nicole. "So...so, mission accomplished! magmomove-on na si Sam! dahil mission accomplished ang plano natin meaning tapos na ang pagpapanggap natin!"  Nasiyahan si Nicole kasi at last, hindi na niya kailangan magpanggap as a girlfriend ni Tyrone. Napagod na kasi siya sa constant bullying sakanya ng mga students simula nung nagpanggap sila.
 
"Ehhh? Ayoko." Medyo nalungkot si Tyrone kasi hindi na niya maaasar ulit si Nicole. Hindi na niya makikita ang mukha ni Nicole na yamot na yamot dahil sa pang-aasar.
 
"Whatever, ang pagpapanggap natin ay tapos na! at naaasar ako kapag magkasama tayo."
 
"Eh bakit ka hindi naasar kanina?"
 
"So?"
 
"Oh, c'mon. Kahit 30 days lang."
 
"Huh? bakit 30 days?"
 
"Kasi yung ang first number na naisip ko."
 
"Whatever."
 
 
 
 
(Hi! I posted a new story in wattpad entitled "ICE PRINCE NEXT DOOR" If you want to read it, here's the link http://www.wattpad.com/story/6017768-ice-prince-next-door. Here's its trailer. Thanks for reading XOXO)
 

1 comment:

  1. OWiiiEee,,, naMiss q itEy,,, bYe-byE foR sAm, cguRado mLuNgkot c keNneth,,,.buT 4 s meAntiMe, tiMe n prA mAgkaMabutihAn n akO at tyrOne,,, aq tLgA eHh,,, hwAheHe,,, niCoLe eEh,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^