Thursday, May 2, 2013

When I Get Hurt : Chapter Thirteen

When I Get Hurt : Chapter Thirteen
Chapter Thirteen : Nagkakamabutihan... <3 <3


(Ace Avelino's POV)


~After One more week~


Yon! Yon! Yon!


Nagkakamabutihan na ulit kami ni Eunice ko! Walang Brent na sagabal! Woohoo!


"Babe, promise mo hindi mo ko ipagpapalit kahit kanino ha." Masaya kong sabi.


"Hindi kita ipagpapalit kanino man, ace!" Nakangiti niyang sabi.


Yes!


"Yown! Tara sa mall!" Yaya ko.



"Owwait! Iihi pala muna ko. =) Ahehe." Awkward na sabi niya.



"Suus! Sige na dali! Eto talaga! Nahiya pa sakin eh." Saka ko siya tinulak.



Pagkaalis niya dinial ko agad ang number ni Bernard.



[Hello boss.]



"Bernard. Pakawalan niyo si Brent dito sa school after 30 mins. Make sure mahina na siya."


[Opo, boss. Masusunod.]



"Geh!"


~End Call~



"Tara na ace!" Sabi ni Eunice pagbalik niya.



Pumunta na kami sa carpark saka sumakay sa kotse ko.



~Habang nagmamaneho: OTW sa Mall~


Babe, anong gusto mong regalo?" Tanong ko.


"Regalo? Para san?"Tanong niya pabalik.



"Basta! Dali! Anong gusto mo?" Pilit ko.



"Hmm... Wala kang itatagong sikreto sakin." Sagot niya.


Promise, eunice. Hindi na ulit ako magsisikreto sayo.



"Teka... san ba yun nabibili?" Biro ko sa kanya.



"Sa tindahan." Pabiro niya ring sagot.



"Sige ha! Kapag ako walang nabiling ganun... nako." Sagot ko.



"Nako! Edi wala kang nabili!" Natatawa niyang sagot.



Pagdating namin sa mall dumiretso kami sa Timezone at naglaro ng arcade.



"Huwaaaa~"



"Ui, baby. Bakit ka umiiyak?" Concern na tanong ni Eunice.



" *SNIFF* ka... kashi poo... *SNIFF. SNIFF* Hi...Hindi ko po kashii mahuka yu... yung be-bear duuun!" Iyak nung bata saka tinuro yung kuhaan ng mga stuff toy.


Lumingon sakin si Eunicce saka tumango. Parang sinasabi niyang kunin ko yung bear para sa bata.



"Ha-eh... Sige na nga." Saka ko binuhat yung batang babae at pumunta kami sa kuhaan ng mga stuff toy.



"Alin ba gusto mo dyan, baby?" Tanong ko habang kandong ko na yung bata.



"Ayun poo!" Saka niya tuniro yung medyo malaking bear na cute.



"Sige ha. After natin kunin kakain tayo ng Ice Cream saka natin hahanapin parents mo." Deal ko sa kanya.



Tumango siya kaya sinimulan ko nang laruin yung machine. Nakatatlong beses kong sinubukan pero sa huli nakuha ko rin.



"Heto na baby. Tara hanapin na... oops. Kain pala muna tayo ng Ice Cream." Saka ko siya nginitian saka binuhat.




Kasabay ko ring naglalakad si eunice na tahimik lang.




"Ui! May problema ba?" Tanong ko.




Umiling lang siya.




Pagdating namin sa may Ice Cream Parlor umorder ako ng Dalawang Chocolate Ice Cream at isang Pandan Flavor na Ice Cream. Ang kulit tignan nila Eunice. Napapangiti tuloy ako, siguro ganyan din sila kakulit ng magiging anak namin.



Pagbalik ko may dala na akong Ice Cream.



"Heto na ang Ice Cream! Chocolate Ice Cream para sayo, baby. Pandan flavor naman sayo, babe ko." Nakangiti kong salubong.



"Yeeeeey!" Sigaw nung bata.




Umupo na ako at ni-serve sa kanila yung Ice Cream nila.



"Uhm... Baby, ano palang pangalan mo?" Tanong ko sa bata.



"Tammy poo~" Sagot niya.



Medyo ginulo ko yung buhok niya.



"Cute mo talaga!" Puri ko.




"Mash gwapo naman si kuya Neithan Hihi!" Kinikilig niyang sabi.



"Eh ako, hindi?" Tanong ko.




"Na-ah! Shi kuya Neithan ko lang ang wapo! Bleh!" Sagot niya.




"Hahahaha!!" Hagalpak ni eunice.



"Anyare sayo?" Tanong ko kay eunice.




"Taob ka pala sa kuya neithan niyan eh!" Pang-aasar niya sakin.




"Mahal mo naman! Bleh!" Belat ko sa kanya.



Natahimik siya bigla.



*RIIINGG!! RIIINGG!!*



May kinuha si Tammy sa bulsa niya.



Teka? Wow ha! Blackberry curve!



"Hello po, mama? ... Hihi! Churry po mama! ^_^ Akow na po pupunta dyan! Hihi! Babye poo!" Pa-cute na sabi ni Tammy habang may kausap sa Phone.



Ibinaba na ni Tammy ang tawag saka tumayo. Inabot kay eunice yung bear na kinuha ko.


"Sa inyo na lang po ito, ate... Ikukuha daw po kashii ako ni Kuya bryle nang mas cute pa dito. Hihi! Shige po! Mauna na ako! Babye!" Paalam niya saka tumakbo paalis.



"Ang sweet naman nung batang yun..." Bulong ni eunice.



"Mas sweet ako. Ako kumuha niyan eh." Biro ko.



"Osha! Ikaw na sweet!" Sagot niya sakin.


1 comment:

  1. WaLa 'to!!! wAg o maGtiwaLa jAn kEi aCe,,, hwAhehE,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^