Friday, May 3, 2013

That Girl Change Me : Chapter 8

Aielle’s P.O.V


Jernette …

Jernette …

Jernette …

Jernette …


Hay ano ba Aielle !!matulog ka na nga ! 10:30 na ..maaga pa ang klase mo, wag mo na pag iisipin yun..

Pero kasi bakit ba kasi yun ang tawag nya sa akin. Dapat Aielle, no one calls me Jernette except… except my ian ..di nya dapat ako tinawag na Jernette, may naalala tuloy akong hindi na dapat . hay ..

<flashback>


“Jernette” wait ..did I hear it right someone says Jernette?

“Jernette??” sabay na tanong ni Mae at Ixsha.

“who’s Jernette?” tanong ni Ixsha.

Sasagutin ko sana kaso nakalapit na si Adrian sa akin at inabot nya sa akin yung phone ko.

“Jernette, oh cellphone mo, naiwan mo kagabi sa bahay, nakita ko sa kwarto ko.” Sabi nito.

At ang itsura nung dalawa …..

o.O ????!!   <<mae at Ixsha

mamaya ko na nga eexplain sa kanila. “hmmm.. salamat” tapos tumalikod na ito at paalis na, “teka lang,” pigil ko dito.

Humarap naman ito,” bakitJernette?May sasabihin ka pa ba?”

“pwede bang… Pwedeng Aielle na lang ang itawag mo sa akin? Wag nang Jernette?”

Biglang kumunot ang noo nito,”bakit?Bawal ba?” tanung nito.

“hindi naman sa ganun, wala kasing tumatawag sa akin na Jernette maliban kay… ayt, nevermind basta wag nang Jernette, Aielle na lang..” tapos tumalikod na pero bago to magsimulang maglakad nagsalita pa ito. “di naman pala bawal ee, gusto Jernette, kaya Jernette ang tatawag ko sayo” at umalis na ito ..

“pero… hoy.. teka nga !” tawag ko dito pero hindi na ito lumingon at nagpatuloy maglakad..kainis sabing ayaw ko nga na tinatawag akong Jernette ee. Anu bang mahirap sa Aielle? Cute nga ee, gusto pa Jernette.  Muka bang big deal to sa akin?? Oo big deal to!!

Pagtingin ko sa dalawa ang sama nan g tingin sa akin..tapos ayun niratratan na ako ng tanong.

“kagabi?” - Mae
“sa bahay?” - Ixsha
“sa Kwarto?” - Mae
“Jernette?” - Ixsha
“anu yun?” sabay nilang tanong?

“saka don’t tell us na magkasama kayo ni Adrian kagabi, sa bahay nila, sa kwarto? Jernette pa ang tawag sayo?????!!” tanong ni Ixsha.

Bago pa kumalat ang kaberdehan sa mga utak nila, pinaliwanag ko na sa kanila, lahat lahat..at mukha namang nagets din nila.

“ee bakit Jernette tawag nya sayo?” tanong ni Mae

“ewan ko, ayoko nga ee” sagot ko.

“bakit?? Cute nga ee” tanong naman ni Ixsha.

“isa lang ang natawag sa akin ng Jernette, at siya ang lang ang pwede, si … si Ian.” Sagot ko sa kanila.

“ang who’s Ian?” tanong ni Ixsha

“Boyfriend mo?” dagdag pa ni Mae.

“hindi, kababata ko. Sabay kaming lumaki noon, at nangako kami na siya lang ang tatawag sa akin ng Jernette at ako lang ang tatawag sa kanya ng Ian.” Paliwanag ko.

“ee asan na siya?” usisa ni Ixsha.

“di ko alam, 7 ako nung nagdecide sina mama at papa na tumira kami sa Korea, at yun nga nagkahiwalay kami, bumalik ako dito sa Pilipinas nung 12 ako pero dun kami sa Manila nagstay, at nito lang ulit ako nakabalik dito sa Cavite.. bata pa din ako noon kaya hindi ko na matandaan kung saang lugar kami sa Cavite nakatira noon.” Paliwanag ko.

<end of Flasback>

Ian ..asan ka na ba? Kamusta ka na? naalala mo pa ba ako? Siguro hindi na, hay..nasa akin parin yung bigay mong panyo noon, iniingatan ko pa rin. Ikaw nasayo pa rin ba yung singsing ko noon? O tinapon mo na? hay.. galit ka pa kaya sa akin? I miss you Ian ..

* Sino naman kaya si Ian? Sino siya sa buhay ni Aielle? Magkikita pa ba sila?Natatandaan pa kay niya si aielle? At anu naman ang magiging papel nito sa buhay ngayon ni Aielle? at wala pa ngang Aielle at Adrian ee, may Ian na agad ? Panu na si Adrian?
Haha..ewan ko.. Abangan na lang:)






3 comments:

  1. Alam ko yung mga ganyan! Ehem! XD May clue na akooo Hahahaha!

    ReplyDelete
  2. haha.. gusto ko yung mga reaction nila.. wagas na wagas eh.. haha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^