Friday, May 3, 2013

That Girl Change Me : Chapter 7



Ixsha’s P.O.V




Hi im Ixsha, o diba nagka P.O.V din ako. Syempre ako pa, kelangan may P.O.V din ako at kelangan kasali din ako sa story na to..wala lang nakikiepal lang .. oooppppps. Wag na kokontra. Story ko to.



Im Ixsha Jade Fauni. 3rd year din malamang, kalog, baliw, loka loka, weird, may topak, madaldal, hyper, abnormal, isip bata,at maingay, ang top 10 best description sa akin. Okay so back to reality na tayo para masaya.

“Magkwento ka naman tungkol sayo Ixsha” yaya ni Aielle. Katatapos lang din kumain ng noodles. Sarap, minsan try nyo.

“Ano naman ikekwento ko?” tanong ko.

“Ay bingi? Bingi lang Ixsha?? Tungkol nga sayo ee..shunga lang? kwento mo yung pusa nyo, yung aso nyo… hahaha” Leshe talaga tong si Mae, makabara inam, buti na lang friends kami kundi tinapon ko na to sa outer space.

“ano nga bang magandang ikwento?” bulong ko sa sarili ko, kaso medyo napalakas ata yung bulong ko kaya narinig nila.

“edi yung tungkol kay Justin at sayo. Diba yun naman favourite topic mo ?” suggest ni Mae.

Samin ni Justin??? Teka meron bang SA AMIN?? Bahala na nga.

okay so ganto yun, first year, si Adrian talaga yung crush na crush ko. As in sobrang crush, pero ewan ko bigla na lang din nawala yun” panimula ko.

“kasi naging close na kayo ni Justin, Kayo na lang madalas nagkaksama, nagkekwentuhan, nagkukulitan, harutan, asaran.. kaya nadevelop ka na sa kanya.” Sabat ni Mae. Teka, kwento ko to diba? Dapat ako yung nagkekwento ????

“oh edi ikaw na magkwento, kwento mo ee, buhay mo? Alam mo ee. Ikaw na..” badtrip ee.

Tapos tong si Aielle naman, halatang nagpipigil lang ng tawa sa amin.

“sori na, tinutulungan ka na ee. Ikaw na ..” tapos zinip nya na yung bibig nya. Good.

“yun nga, naging close kami for some reasons,” di ba umeenglish lang haha .. “nagkakatext kami, nagkakakwentuhan at asaran hanggang sa di ko namalayan nahulog na pala ako sa kanya. Yun lang yun.”

“ayaw mo ikwento yung mga kamartiran mo ?” tanong ni Mae.

“wag na. ikaw na lang kung gusto mo.” Sabi ko, kasi alam naman nya lahat ee. Were bestfriends di lang halata.

“sureeee” sabi nya sabay lumapad ang ngiti ^_____^ teka anu yung ngiting yun?? Para san?

“alam mo ba Aielle, yang si Justin nung close na sila ni Ixsha, aba, laging may favor para kay Ixsha, favor na magpatulong gumawa ng assignment, favor na magpasama sa kung saan saan, pati favor na magpatulong manligaw, to namang si Ixsha, go lang ng go, Oh diba shunga lang?” teka sinabi ko bang kaibigan ko to? Leshe, makashunga wagas. Pero honestly totoo yun :’(

“Ixsha? Ginawa mo yun?” tanong ni Aielle..tumango lang ako.

“oo, diba ganun naman talaga pag friends kayo, tulungan?” sagot ko.

“kahit masakit??” tanong nya ulit.

Tumango lang ako.

“bakit?” tanong pa ni Aielle.

“mahal ko ee, parang ganito lang yan, ang pagmamahal ko sa kanya, parang pagkain ko lang ng noodles kahit alam kong pwede akong magkasakit o mamatay sa kakakain ng noodles okay lang kasi dito ako masaya.” sagot ko.

“talagang kelangang sinasama ang noodles sa usapan? ” sabat naman ulit ni Mae.

“Yaan mo Ixsha, ihahanap kita ng lalaking magmamahal sayo don’t worry” sabi ni Aielle.

“Wag na no need” sagot ko. Dahil kahit ilang lalaki pa ang nasa harapan ko si Justin lang ang mahal ko. At mamahalin ko.

“ui si Adrian oh !! mukhang good mood..” sigaw nung mga babaeng katabi namin. Panigurado fans ni Adrian yang mga yan.

“oi Aielle, si Adrian oh..” turo ko sa kanya, mukha kasi interesado si Aielle kay Adrian ee..

“shocks oo nga parang papunta pa yata siya sa table natin” - Mae.

Tapos si Aielle naman tameme lang. tapos lumapit nga sa amin si Adrian.

“Jernette” sabi nya.Teka sino yun?

“Jernette??” sabay naming sabi ni Mae.


2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^