Saturday, May 25, 2013

That Girl Change Me: Chapter 14







Hikari’s P.O.V

Wala naman akong ginawang mali diba? Wala din akong nasabing mali? Ee anung nangyari dun sa abnotic na yun? Bakit nagwalk out na lang bigla? Nagalit kaya siya sa akin? Ee bat naman siya magagalit??


Ee kung sundan ko kaya? Ayt bakit ko naman siya susundan? Mamaya magfeeling na naman yun. Assuming din yung minsan.. ay bakit ba parang nakokonsensya ako? Okay fine sinungitan ko siya pero .. pero siya naman ang nagumpisa diba? Bahala na nga susundan ko na siya, titingan ko lang kung saan siya pumunta tapos babalik na din ako.. hay kainis naman..


Lumabas ako ng room, sumilip ako sa cafeteria, kaso waley .. sa cr kaya? Ay hikari naman, gusto mong sumilip sa cr ng boys para tingnan lang siya? Baliw ka ba ? ee sa garden kaya? Sige na sige na pupunta na ko sa garden titingnan ko.


So ayun pumunta ako sa garden kaso.. kaso mukhang okay naman siya. Kausap pa nga nya si Bea, at .. at mukhang enjoy na enjoy pa siya. Tss nagtatawanan pa nga sila ee. Nakakainis ! teka bat ba ako naiinis? Tama, naiinis ako kasi hinanap hanap ko pa siya, dahil akala ko, nagalit siya sa akin, nagtampo o kung anu man, hindi pala..


“nagseselos ka nu?”

“ay kabayong madaldal.” Nagulat na lang ako, bigla bigla ba naman kasing nagsasalita..

“mukha na ba kong kabayo?” sagot naman niya.

“oh kenji bat nadito ka?”

“wa-wala. Ikaw? Sinusundan mo yung kapatid ko no? tapos nung nakita mo sila nagselos ka no?” pangaasar nya.

“kapal aa, bakit naman ako magseselos?” saka wala akong pakialam jan kay Renji, wala akong pakialam kung makipagusap pa siya sa lahat ng babaeng nandito sa school. Care ko naman diba?

“ee bakit nakakuyom yang mga kamay mo?” napatingin ako sa kamay ko. Nakaikom nga.. nakakuyom. Tinago ko agad yung kamay ko sa likod ko.  

“naiinis lang ako kay Renji kasi… kasi akala ko may nasabi akong masama kaya siya biglang nagwalk out, wala naman pala..” talaga naman.. yun naman talaga ang dahilan ko.

“asus, sabihin mo nagseselos ka lang siguro, Hikari, its too good to be true… pakatotoo ka na, sabihin mo, natatakot kang magalit siya sayo kaya sinundan mo siya, tapos nakita mo siyang may kasama kaya nagseselos ka.” Tatawa tawang sabi nito..

“ee ikaw? Bakit nandito ka? Sinundan mo si Bea no? don’t tell me may gusto ka kay Bea at sinundan mo siya."

“hindi aa.. tara na nga bumalik na tayo malapit nang magstart ang next class..” pagyayaya nya. Asus. Umiiwas lang siya sa tanung ko..

“asus.. may gusto ka lang kamo kay Bea, aminin mo na..” pangaasar ko.

“tigilan mo nga ako.. wala akong dapat aminin sayo.” Sagot nito, sa sagot pa lang niya alam nang masyado siyang defensive. Hahah. Akalain mo yun, nagkakagusto din pala tong tatahitahimik na lalaking to.






[N/A]: pasensya masyadong maikli ang chapter na to.. heheh .. oh no?. exchange partners na ba itech? Hahah .. Hikari - Renji, at Bea - Kenji pa ba? O Hikari - Kenji at Bea -  Renji na??.. hmmmmm.. hahahah
Hanggang dito muna, baka sa Monday o Tuesday na ulit mag UD 




4 comments:

  1. >__________< Sorry na, Hikari. Hahaha. Naman kasi. Wag mong susungitan si Renji para hindi lumalapit sakin. XD At sana lang din hindi ako umiwas kay Kenji para hindi siya lumapit sayo-este-magkita kayo dahil sinundan niya ko. XD HAHAHA

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. wag kasing mangaaway agad. bad yunnnn.. hahahahah

      Delete
    2. Hahaha. :) Sorry nga eh. :) Ang bad ko. >_____<

      Delete
  2. hwAaAaa,,, bitiN muCh atEy,,, pEo keri LNg, twO chApters nMaN ang nbSa q,,, hwaHehE,,, abAng-abaNg n LNg s nExt,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^