Saturday, May 25, 2013

That Girl Change Me: Chapter 13




Bea’s P.O.V 

Lumabas muna ako ng classroom, papahangin, nagpunta ako sa garden ng school. Tsk, matagal ko nang gusto si Kenji, kaso di naman nya ako napapansin, first year palang gusto ko na siya. Nagbago pa nga ako dahil sa kanya, nag-aral ako mabuti para mapansin nya, nag-ayos ako ng sarili ko. Kaso mukhang hindi nya ata talaga ako makikita bilang isang babae. Hayyy buhay parang life >.<


Nakaupo ako sa bench dito sa garden ng school ng may umupo sa tabi ko, si Renji. Kakambal siya ni Kenji, pero super opposite nila, makulit at maingay tong si Renji, medyo maloko samantalang si Kenji, medyo tahimik, at matino.



“problema mo Bea?” tanung nya.


“wala, ikaw anung problema mo?”


“asus, if I know, si Kenji ang problema mo no?” napatingin agad ako sa kanya. A-alam nya?!!!


“gulat ka nu? Kasi alam ko?” tapos bigla siyang tumawa, buti pa siya alam nya, samantalang si Kenji di man lang nya alam na gusto ko siya. Sabagay anu namang magbabago kung malaman nya?


“b-bat mo alam?” tanung ko.


“pansin ko naman ee, ewan ko ba dun sa utol ko, bulag na, manhid pa.. halatang halata naman ee, siya lang naman ang madalas mong kinakausap na lalaki, tapos sa tuwing nagkakausap kayo, lagi kang nakangiti, tapos minsan nahuhuli kitang sinusulyapan siya, minsan nga hindi sulyap ee, titig pa.” observant pala siya, napansin nya yun??


“kaw din naman ee,”


“a-ano ako din? Tinititigan ko yung utol ko?? Yuck!”


“baliw, hindi kay Kenji, kay Hikari, sa lahat ng babae sa room, siya lang naman yun lagi mong inaasar, siya lang ang lagi mong kinukulit, dindaan mo sa biro yung nararamdaman mo, tama ako diba?” kahit naman madalas akong nakatingin kay Kenji, syempre aware pa rin naman ako sa mga nangyayari sa paligid, at yung tungkol kay Hikari at Renji, halata naman ee


“oo, tama ka, kaso .. kaso wala ee, naiinis lang siya sa akin, mukhang ayaw nya talaga sa akin.” Sabi nya, habang nakatungo.


“malay mo naman, bat ba kasi di mo sabihin sa kanya, yung seryoso ka,” honestly, gwapo talaga tong kambal na to si Renji, medyo mala Lyndon ng To The Beautiful You ang kagwapuhan at kakulitan, samantalang si Kenji ko naman, parang mala Paul John na serious type, pero ang lakas ng dating.


“hindi ko kaya…” sagot nya habang nakatingin sa malayo.


“hindi mo kaya?!!”


“oh, makareact wagas aa, di ba kapanipaniwala?” di naman talaga kapanipaniwala sa gwapo nyang yun at sa kapilyuhang yun. Mantrip nga ang lakas lakas ng loob nya, ee sabihin lang kay hikari yung totoong nararamdaman nya di nya pa kaya?


“hindi.. torpe ka pala anu ba yan..hahahaha” pang aasar ko sa kanya..


“bakit ikaw? Di mo nga ding masabi kay Kenji na gusto mu sya ee.”


“hoy magkaiba tayo dahil una sa lahat babae ako, pangalawa ayoko ngang magmukhang despareda na kelangan ako pa yung mismong magtapat sa kanya. Saka paano kung mareject ako? Sakit nun aa..” 

kung pwede nga lang na babae ang maligaw sa lalaki niligawan ko na yun. Although alam kong pwede na din yun sa ngayo pero ang halay naman tingnan nun, saka gusto ko mafeel na nililigawan ako ng taong mahal ko.


“oo na po, tara pasok na tayo sa room. Malapit na magsimula next class ee.” Tapos tumayo na kami pero pag tingin ko sa likod nakita ko siya. 


Si Kenji, kasama nya si Hikari papunta sa room, parang nagkekwentuhan sila. Hindi kaya.. hindi kaya si Hikari yung gusto nya???????





2 comments:

  1. ARAY HA! ARAY TALAGA! HIKARI!!!!!! >___________< AKIN LANG SI KENJI! WHY ARE YOU DOING THIS TO ME?!!!

    ReplyDelete
  2. aYiiie,,, mAgkaAminAn n LNg kXe,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^