Thursday, May 2, 2013

Brokenhearted Playgirl: Chapter Three

Brokenhearted Playgirl
By: InnocentPen


Chapter Three



Gelo’s POV





Relax ka lang… Baka naman nalate lang ng kaunti? Pero wala pa akong natatandaang nalate siya. Baka naglibot libot lang sa campus? Eh di naman palibot yun e.


Pano kaya kung nagalit siya dahil sa pag-take advantage ko sakanya kagabi?



Argggh!



Anong gagawin ko? Susunduin ko ba siya sa bahay nila? O maghihintay na lang ako dito?







--“OHY! Pre! Sino yan?”




“Huh? Anong sino? Sinong ano?” Ang gulo ko, ano ba? Psh.




“HAHAHA! Ang mga inlove nga naman. Oh ano? Kayo na? Nililigawan mo na?”




“Manahimik ka nga Gab! Matulog ka na lang!” Lalo lang ako naiinis eh. At….Kinakabahan?






Hindi pa rin ako umaalis sa may harap ng room namin, baka biglang dumating si Hazel. :”> Gusto ko siya ulit makita.






Five mins…


Ten mins…


Fifteen mins…



Twenty mins….



One hour…. De joke lang. :”>





30 mins na akong naghihintay pero wala pa rin. Kaya no choice. Papasok na ko.







“Mr. Fernandez, you are late.” Ms. Terror na naman? Tsk! >_<





“Really, Ma’am? Sorry, di ko napansin ang time.”




“You have your wrist watch.” Turo pa nito sa relo ko. Paki mo ba? Tsss. Hinantay ko ang girl ko e. :P





“Yeah, do you want it?”




“Iniinis mo ba ako?”




“No, ma’am. I’m just asking if you want it.” Umupo nako.




“No, I don’t need yours.”




Tss. K!





Tumahimik na lang ako.



Ganyan talaga ako kapag PLASTIK ang isang tao. Pero, trust me….Mabait ako. :”)







Hindi ako nakikinig, wala naman mangyayari kung makikinig ako e. Likas na matalino talaga ako kahit walang review review.








“Ma’am! Hazel is not around!” May isang sumigaw.





Napataas lang ng kilay yung teacher namin.





“So? She’s not that important to give her a special class. As I was saying the formula for Morality is—“






“Sinong may sabing hindi importante si Hazel?! Ha?! Watch your words, Ma’am. She’s precious kaya wag mong sasabihan yan.” I gave my teacher my death glare. Nasindak naman ito at napahiya.





“Kilala mo ba siya? Hindi diba? Ang alam mo lang eh yung isa siyang tahimik at average na student, right? So pano mo nasasabing hindi siya importante kung hindi mo naman pala siya kakilala?!”




Alam kong nahihiya na ang Teacher namin but she still managed to raised an eyebrow to me.





“Learn to respect me, Mister. If you want to graduate—“




“So what, kung ibagsak mo ko? I don’t care. Alam mo kung bakit? Kasi…You’re just a Teacher inshort,  secretary ka lang namin. Taga-record ng grades diba? At wala akong natatandaang nabagsak ako. Kaya hindi ako babagsak. Malay mo bukas matatanggal ka na pala sa work mo.” I smirked.






Iniwas ni Ma’am Micah ang tingin niya.




“Ow class, I forgot s-something. Class dismissed. See you all tomorrow.”



Mas lumaki ang smirk ko.





Napailing na lang ako habang tinitingnan ko yung mga ibang classmates ko na nakatunganga saken. Anong problema ng mga toh? Hindi pa ba sila nasanay? Psh. Lagi naman akong nang-iinis ng mga laging overtime na teacher. Tsk!






O_O -- > Ganyan pa rin mukha nila.


?___? --- > Ako






May biglang nagtap ng shoulders ko. Si Shie, kabarkada ko.






“Totoo ba yun? Pinagtanggol mo na ang long time crush mo? Lumelevel up ka na, bro!”  Bulong niya saken.




“Shut up, Shie. Baka may makarinig, lagot ka sakin.”



“Waha. CLASS! LISTEN!”





Nakuha naman niya ang atensyon ng klase. Tiningnan niya ako, at tinignan ko rin siya ng ‘subukan-mong-sabihin-lagot-ka-sakin’ –look.




Napa-iling na lang toh.



“Break na! Tara kain na tayoo!” Psh. Akala ko sasabihin niya e.





--




Hindi pumasok si Hazel kaya nagdecide akong puntahan siya sa bahay nila.





Pinark ko lang ang car ko sa labas nila. Nagdoorbell ako.





“Sino po kailangan niyo, Sir?” Bungad nung isang katulong na siyang nagbukas ng gate.





“Nandyan po ba si Hazel?”




“Ah….Opo. Pasok po, come in.” Natatarantang sabi pa nung maid.




“Thank you po.”




“Wait lang S-sir. Tatawagin ko lang po si Ate Hazel.”





Hindi ako pumasok sa loob nila nasa may garden lang nila ako. Ang ganda, may isang artificial falls don with dwarfs.




Tapos may isang bato na may nakagrave ng name ni Hazel and LO? Sino yun? Kapatid niya?






Napatingin ako sa may taas, glasshouse. Ang cool. May artificial falls pa mula second floor pababa ng garden parang yung resthouse lang namin sa Tagaytay. Makapunta nga ulit dun.XD




Habang nililibot ko yung paningin ako sa may taas, nakita ko ang Pink curtain. Napa-smile ako nung nakita kong nasa taas si Hazel. Nagwave ako sakanya. Pero bigla siyang umalis sa may view. Nagalit ba talaga?






“Ahm. S-sir. Makakaalis na po kayo.”




“Eh si Hazel? Di ba siya bababa?”




“Ayaw ka daw po niyang makita o kausapin man lang Sir.”





“G-galit po ba siya?” Nagiguilty ako. Bakit ko ba kasi siya hinalikan?!







“Hindi… Hindi ko po alam pero alam ko pong makakausap niyo rin si Ate Hazel. Sige, Sir. Balik na po ako sa loob, nandyan naman po yung guard.”





Magtatanong pa sana ako pero nakaalis na siya.











Napatingin ako ulit sa taas kung san ko nakita si Hazel, wala na. Wala na siya dun. Wala ng magandang view…
--


InnocentPen's Note: 



Hindi ko po alam kung may magbabasa nito. Pero sana lang po may magbasa. Mabagal po akong mag-update, kaya wag na lang po tayong mag-expect na mabilis matatapos ito. Sana suportahan niyo ito gaya ng Crazy Love Story! Thank you! <3


2 comments:

  1. Ikaw lang yata ang KathNiel dito .. Ipagpatuloy mo lang .. Please !! =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha. Spread the KathNiel Vibes, ika nga! :))

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^