Thursday, April 11, 2013

Why Can't You Be Mine? : Chapter One

Author's Note:
Gusto niyong kiligin ngayon? Tara, samahan mong kiligin si Key dahil sa kagagawan ni Tj! :))
Chapter One
“Key! Bilisan mo naman! May hinahabol pa tayong oras! Baka ma-late na naman tayo nito eh. Ang bagal-bagal mo kasi talaga gumalaw eh.” Pagmamadali sakin ni Rieley.

Pronounced as Riley, okay? Not Rilei. :))


Oh by the way, She’s Rieley Rivera, my step-sister. Ako ang taga-dala niya parati ng mga books niya. Yung bag niya? Ayaw niyang pinapahawak yun sa akin. Baka daw medaling makuha sakin. Tsaka baka daw kumupit ako ng pera sa kanya. As if naman ‘no. Sila lang yung mayaman pero seriously? Never ako nagkaron ng interes sa pera nila ng matapobre niyang ama ‘no!

I just rolled my eyes when she turned her back on me.

Sanay na ko sa kanya. She even splashed a cold water on me. So cruel, Right? Well, I don’t care.

“Key! Come on! Are you going to stand there forever? Ugh. Akina nga yang mga libro ko! You’re so freakin’ useless.” Sabi ni Rieley sabay agaw ng mga libro niya sakin at inirapan ako.

Batukan ko kaya ‘to? Psh. Wag na lang. Hindi ako pumapatol sa mga papansin. -_-

Nagdali-dali siya ng lakad papunta sa may Arts Department habang naka-high heels na red.

*smirks*

Matapilok ka sana dyan.

Sinundan ko na lang siya. Naglakad-takbo na rin ako dahil male-late na ako. Tinignan ko yung orasan ko.

Sh…t! 7: 30 na! Five minutes to go late na akoo!

*Boog*

“Holy fudge!” He cursed.

Nalaglag yung mga hawak kong libro. Pinulot ko agad yung dalawang libro na malapit sa akin. Nakita ko namang pinulot niya yung isa pang libro at inabot iyon sa akin.

“Heto oh. I’m sorry, nagmamadali kasi ako tapos naka-tingin pa ko sa orasan ko kaya di kita napansin. Sorry talaga. Sige, see you around na lang.” Paumanhin niya saka ngumiti.

Ngumiti rin ako at sumagot. “Ayos lang. Sorry din, ha? Sige, bye!” Paalam ko.

Nagsimula siyang muli na tumakbo. Napansin ko lang, nakangiti siya kanina.

Sh…t! Male-late na talaga ako!

Kumaripas na ako ng takbo papunta sa Room namin.

Great. Just Great. Kasabay ko lang na pumasok yung professor namin.

Whooo. Muntik na ko dun.

Pumunta na agad ako sa may tabi ni Rieley at umupo.

“Where have you been, Key?! Nasaan yung clearbook ko?!” Singhal na tanong niya sa akin nung makaupo ako.

Kainis lang ha? -________-“

KInuha ko yung CLEARBOOK niya sa bag ko at ini-abot ko iyon sa kanya.

Isaksak ko sa ngala-ngala niya yung punyeta niyang Clearbook eh. =________=

“Good Morning, Class. Did you all bring your materials?” –Professor Carl.

“Yes, Sir.” Sagot naming lahat.

“Good. So Class, bring your materials. Sa field tayo gagawa kasama yung 2nd year Fine Arts sa kabilang building.” Sabi ni Professor Carl.

Habang nag-aayos kami, tumitili yung mga kaklase naming babae.

“Ohmy! Andaming pogi dun! Lalo na si…”

“Si Tj! Yung pinaka-heartthrob sa 2nd year! Sabi pa nila kasali daw yun sa Dean’s List!”

“Are you guys, Prepared?” Tanong ni Prof.

“Yes, Sir.” Sagot namin.

Pumunta na kami sa Field at nilatag namin yung kanya-kanya naming stand para sa painting board namin.

“Kyaaaaaaaaaaaaa~ Nandyan na siya! Ang Gwapo-gwapo niya talaga!!” Tili nung isa kong kaklase.

Hinayaan lang siya ni Prof Carl. Sus. Sanay na yan eh.

“So guys, kung ano yung unang pumasok sa isip niyo once na humarap na kayo sa painting board niyo, yun ang ipipinta niyo. Parang free hand lang ‘to, Okay? So, Goodluck guys! I bet, guys around here ang kadalasang makikita ko sa mga paintings niyo.” Nakangising sabi ni Prof Carl.

Gagu talaga ‘to si Prof Carl. Palibhasa 24 lang age niya eh.

“Sir talaga iiih!” Reklamo nung mga kaklase kong babae.

“So, Start na guys!” Saka pumalakpak si Prof.

Pumwesto na ko sa harap ng painting board ko. Tsk. Wala akong maisip.

“Uhm… Miss, excuse me.” Approach nung isang Guy sakin.

Napatingin ako sa kanya.

“Yes?” Tanong ko.

“Sorry again. Yung nangyari kanina. Hindi ko talaga sinasadya, Miss.” Paumanhin niya tapos kumamot siya sa batok niya habang nasa likod naman niya yung isa pa niyang kamay.

Napansin kong naglabasan ang mga gadgets dito at itinutok sa amin yung mga camera ng gadgets nila. Anong meron?

Bumaling akong muli sa kanya.

“Ha? Ayos lang yun. Tsaka kasalanan ko rin. Di rin kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko dahil nakatingin ako sa orasan ko. Sorry din.” Sagot ko saka ako nahihiyang ngumiti sa kanya at medyo yumuko.

May inilabas siyang rosas na kulay pula.

“Kyaaa~ Ang sweeeeeeet!” Tili nung mga kaklase kong babae.

“For you. Sorry talaga.” Nakangiti niyang sabi sakin.

Dahan-dahan kong kinuha yung rosas.

Kahit-nagiisa lang siya, kaya niyang iangat yung kagandahan niya.

“Salamat.” Nakangiti ko ring sabi.

“Uhm… So, may I know your name?” Tanong niya.

“Ow. I’m Trishna Key Lopez.” Nakangiti ko pa ring sabi.

Inilahad niya yung kamay niya.

“And I’m Tristan Jay de Castro.” Nakangiti niya ring sabi.

Hinawakan ko yung kamay niya.

Wow! Ang lambot ng kamay niya! Ang sarap hawakan!

Nagulat ako nung maglean down siya at hinalikan yung kamay ko.

“Your name fits you perfectly, Princess.” Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

“T-thanks.” Sagot ko.

Wait…

Princess? How Sweet. :D

“So… Sige, See you around. Balik na ko dun sa classmates ko ha? Goodluck sa painting mo.” Nakangiti niyang sabi then he gave me a peck on my cheeks.

Goodluck kiss? Charot! Ang sweet niya.

Sinimulan ko nang magpinta. Idinikit ko sa gilid ng painting board ko yung red rose.

Nagpinta na ako. Haay. Ang ganda talaga ng rose na ‘to. Kahit nag-iisa lang ‘to ang ganda pa rin.

“Nice, Girl. Kayo na ni Tj?” Bati nung kaklase ko sabay tanong.

“Tj?” Tanong ko.

“Tristan Jay. So… Kayo na ba?” Pangungulit nung kaklase kong hindi ko naman alam ang pangalan.

“Nope. Kanina ko lang siya nameet. Nabunggo niya lang ako kaya ko siya nakilala. Nothing more. Nothing less.” Sagot ko saka na ulit ako bumaling sa painting ko na malapit nang matapos.

“Owkie. Sige girl, bye!” Paalam niya saka na siya umalis.

May iba pang lumapit sakin at binabati ako. Yung iba nga lalaki pa eh.

Like:

“Huy, ikaw ha! Di mo sinasabi kayo na pala ni de Castro.”

“Nice one, fre. Pasalamat yun si de Castro naunahan niya ko.”

“Di ka bagay dun! Akin ka na lang!”

Di ko na lang sila pinansin. Ganyan lang naman talaga sila. Mga loko-loko.

Pagkatapos kong ipinta yung rosas…

Tinitigan ko ‘to ulit.


Wow. Ganito ba kapag inspired? Ang ganda pala ng gawa ko? :)

*smiles*

Kinuha ko yung red rose at inikot-ikot ko iyon.

Biglang lumapit si Rieley at tinignan yung gawa ko.

Nagandahan kaya siya?

Kinuha niya mula sa stand yung gawa ko. Nilapitan niya yung mga kabarkada niya.

“Girls, look at this shit. Ang sarap sirain nito ‘no?” Sabi ni Rieley na nilakasan ang boses.

Sirain ko kaya mukha niya ‘no? Isampal ko yan sa mukha niya eh!

“Teka, girl. Ang panget naman niyan. Pagandahin natin yan.” Tapos sinabuyan nung kaibigan ni Rieley yung painting ko ng white poster paint.

“Tignan niyo girls, diba mas gumanda?” Nakasmirk na sabi nung Bestfriend ni Rieley. Siya yung nagsaboy ng white poster paint sa gawa ko.

“Perfect!” Sagot nung isa.

Nagsaboy naman ng black poster paint yung isa pa nilang kaibigan tapos ginulo yung gawa ko.

What the hell?! Ano ba naman ‘to?!

“Hahaha! Rie, ibalik mo na yan sa may ari. Kawawa naman eh. Mukhang iiyak na.” Nakasmirk na sabi nung Bestfriend ni Rieley.

“Owkie, Bes!” Sagot niya saka na lumapit sakin.

Ibinato niya sa dibdib ko yung painting board ko saka tumawa at tumalikod na saka naglakad papunta sa mga kaibigan niya.

Hinawakan ko yung painting board ko saka ko ito tinitigan.

Naiiyak ako. Bakit kasi hindi ko magawang lumaban kapag inaapi nila ako? Nakakainis naman eh!

Inasikaso ko na yung mga gamit ko saka ako nagpunta sa isang bench. Naupo lang ako habang nakatitig sa gawa ko na binaboy nila. Paano ako makakakuha ng mataas na grade kung parati na lang nila binababoy yung gawa ko? Kapag naman lumaban ako sa kanila, mas kakampihan nila si Rieley. Tss. Paanong hindi kakampihan eh magaling umarte yun. Kunwari aping-api pero ang totoo siya yung nanga-api.

Nagulat ako nung may dumapong kamay sa kaliwa kong pisngi.

“Princess, okay lang yan.”

Napalingon ako sa kanya.

Pinahid ko yung mga luha ko saka ngumiti ng bahagya sa kanya.

“Ayos lang ako. Salamat.” Sagot ko sa kanya.

“Nakita ko yung ginawa nila sayo kanina. Tara, sabihin natin yan kay Prof Carl.” Yaya niya sakin saka hinawakan yung kamay ko at tinulungan akong tumayo.

“Pero teka, paano yung mga gamit ko?” Tanong ko.

“Don’t Worry, hindi yan mawawala dyan.” Sagot niya saka na kami nagpunta kay Prof Carl habang dala-dala ko yung gawa ko.

“Prof Carl!” Nakangiti niyang tawag.

“Oy, ikaw pala, Tj. Oh bakit?” Tanong ni Prof.

Kinuha ni Tj mula sakin yung painting ko saka pinakita kay Prof Carl.

“Prof, nakita ko yung mga kaklase ni Trishna kanina. Binababoy nila yung gawa ni Trishna tapos ibinato pa ‘to sa kanya kanina nung kaklase niya. Wala naman siyang magawa kaya umiyak na lang siya. Mabuti na lang nakita ko yung ginawa sa kanya kaya ako na ang nagsumbong sa inyo. Prof, kayo na bahala sa mga kaklase ni Trishna, ha?” Pagkukwento niya.

Kinuha ni Prof Carl yung gawa ko. Napangiti siya ng bahagya.

“Ako nang bahala sa grades nila, Key. Sabihin mo na lang sakin mamaya kung sino-sino yung bumaboy sa gawa mo. And Don’t Worry, maganda pa rin naman ‘tong gawa mo. I guess mas gumanda pa nga eh. Nagmukha siyang Abstract.” Sabi sakin ni Prof Carl.

Nginitian ko siya.

“Sige po, Prof. Salamat po.” Sagot ko.

“Ipapatawag na lang kita mamaya.” Sabi ni Prof Carl.

Umalis na kami. Kinuha niya sa may bench yung gamit ko saka ako dinala sa Canteen.

“Dito ka lang ha? Bibili lang ako ng pagkain.” Nakangiti niyang sabi.

“Sige.” Sagot ko.

Nakakahiya naman. Ang bait-bait niya sakin.

Kinuha ko sa may plastic bag yung rosas. Ang ganda pa rin nito.

Tinitigan ko ito habang hinihipo ko yung mga petals niya.

Ang ganda-ganda talaga. Sana ganito na lang rin ako kaganda.

“Nagustuhan mo ba?”

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siya sa harap ko.

“Uhm… Oo. Salamat dito ha?” Sagot ko.

“Walang anuman. Nga pala, heto oh. Ibinili kita ng Ice Cream. Sabi kasi ng Mom ko, kapag umiyak daw ang isang babae, bigyan ko daw ng Ice Cream para bumalik yung sigla niya.” Kwento niya sakin.

“Salamat.” Nakangiti kong sabi saka ko kinuha yung Ice Cream.

Cookies and Cream Ice Cream.

Napatingin ako sa Ice Cream niya.

Cookies and Cream din.

Key talaga, kumain ka na nga lang.

Habang kumakain ako… Napaisip ako. Teka? Ano nga palang itatawag ko sa kanya.

“Uhm… Ano nga palang itatawag ko sayo?” Tanong ko.

“Ah. Yun ba? Tristan na lang.” Sagot niya.

Inilapit niya yung tissue sakin saka pinahid yung nasa gilid ng bibig ko.

“Uh… Salamat.” Sabi ko.

“Walang anuman.” Sagot niya.

Yumuko na ulit ako saka inubos yung Ice Cream ko.

Pagkatapos naming kumain, kinuha niya yung rosas na nilapag ko sa may lamesa kanina.

Nagulat ako nung inipit niya sa tenga ko yung mga buhok na tumatabing sa pisngi ko saka niya inilagay sa likod ng tenga ko yung rosas.

“Yan. Mas maganda tignan.” Nakangiti niyang sabi.

“Tara na. Ihahatid kita sa next subject mo.” Yaya niya sakin.

Kinuha niya yung gamit ko saka na kami umalis sa Canteen.





1 comment:

  1. dito sa chapter na to, una pa lang kilig na. HAHAH .. :)) gusto ko malaman kung bakit galit na galit si Rieley ka Key. HAHAHA bitter much kasi ee. nyeheh :)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^