Sunday, April 7, 2013

When Mr. North Pole meets Ms. South Pole : Chapter Thirteen


Chapter Thirteen


If that’s what you, then fine!


(Gina POV)



            “What the heck is the matter with you, Gio?” bigla na lang nya kasi akong hinila palayo kay Hale. “Let go off me, nasasaktan na ako!”



            Nandito kami ngayon sa Business Building dahil ang final exam namin sa isa naming business subject is mock interview. It just so happened ng dumating ako dito, si Hale pa lang. Parang ang bastos ko naman kung hindi ko sya papansinin diba, after all may pinagsamahan din naman kami.


            “Bakit kasama mo ang lalakeng yan? Napag-usapan na natin to diba?” gigil na tanong sa akin ni Gio.


            Kinalma ko muna yung sarili ko, kasi ayoko talagang sabayan ang init ng ulo nya dahil hindi kami magkakaintindihan. Since we decide to a couple, wala na syang ibang ginawa kundi bakuran ako sa ibang lalake. Damn, nasasakal na ako sa kanya, pero dahil mahal ko sya iniintindi ko na lang sya. Pero ibang usapan na yung ngayon, nasasaktan na nya ako…physically!


            “I said let go of me, nasasaktan ako!” at hinila ko yung braso ko. “You know what Gio, nagsasawa na ako sa kaka-selos mo. Noong una natutuwa ako, but now, I don’t find it cute and sweet, it’s annoying Gio, so annoying.”


            “And now you’re arguing with me because of that bullshit?”


            Gaahhh, I really don’t know what to do with this guy. “What’s eating you Gio? All along I thought you knew that I love you, but I was wrong. Wala kang tiwala sa akin, kahit kailan hindi mo ako pinagkatiwalaan!” that’s true, never nya akong binigyan ng tiwala nya.


            “Akala mo lagi akong nakikipag-usap sa ibang lalake, akala mo nakikipag-landian na ako, akala mo ipagpapalit na kita! My gosh Gio, ganon ba kababaw ang tingin mo saken, sa nararamdaman ko para sayo? Punung-puno na ako Gio, sawang-sawa na rin ako sa kaka-selos mo na wala namang basehan!”


            “Are you breaking up with me? Huh, Regina?” tumalikod sya sandali at humarap ulit sa akin. “If that’s what you, then fine! Magsama kayo nyang Hale mo na yan!”


Shit na mas mainit pa sa pansit! Sya pa ngayon ang may ganang magalit, samantalang sya tong gago! That’s what I really want, to break up with him because I’m really fed up with his childish acts.


Bumalik na ako kung nasaan si Hale, I should say sorry to him dahil sa mga sinabi ni Gio. “I’m sorry, pati ikaw nadamay pa sa away naming dalawa ni Gio.” Nahihiya kong sabi sa kanya.


“Ako ba ang dahilan kung bakit kayo..uhm… you—“


Tigas naman ng muka nya, di ko nga sya type eh. but yeah, he’s one of the many reason why my relationship with Gio end like these. Gagu sya eh, wala syang tiwala.


“Yes… I mean no… but somehow yes.” Ang gulo mo Gina! “Wag na nga nating pag-usapan yon, we should concentrate sa final test natin, which is the mock interview.”



++++++++++++++++++++++++++++


            I think maganda naman yung kinalabasan nung interview sa akin, mukang mataas naman ang makukuha kong grade from Ms. De Oro. I’m on my way na papunta sa sakayan ng bus, pauwi na rin ako since tapos na ang klase ko.


            “Hop in Regina, dito man lang mabawasan yung guilty feeling ko na isa ako sa dahilan ng break-up nyo ni Gio. And we’re friends right?”


            Hindi na rin siguro, lalo lang lalala ang sitwasyon eh. “Hindi na Hale, maaga pa naman eh. Salamat na lang.” at nagsimula na akong lumakad para maka-sakay na ako ng bus.


            Kahit naman ganon si Gio, mahal ko pa rin yon, kahit ba break na kami. Ayoko naman na isipin nya na tama lang yung pagseselos nya, ayokong mangyari yon dahil wala naman yung katotohanan.


            After almost an hour, nakarating na rin ako ng bahay nila Gio ng sya lang ang nasa isip ko. Ilang buwan pa lang kami pero break na agad kami. Naisip ko nga din eh, baka hindi talaga kami yung para sa isa’t-isa. Para syang north pole, at ako naman south pole, nasa magkabilang dulo kami ng mundo, napakalayo naman sa isa’t-isa. Tuwing magtatabi kami, lagi na lang kaming nag-aaway.


            Nakakatawa lang talaga kung paano kami nagkakilala, kung paano nagsimula ang lahat.


*FLASHBACK*


            Leche, bakit ba kasi kailangan ko pang bumalik sa England – sa palasyo, eh hindi naman ako masaya dun. Takasan ko nga lahat ng bantay ko, naiinis ako sa parents ko, wala silang pakelam sakin eh!


            Wala pang twenty minutes mula nung nakatakas ako sa hotel heto na agad yung mga alipores ng magulang ko, badtrip! Kailangan kong humingi ng tulong, ayokong bumalik sa amin!


            Takbo lang ako ng takbo, dun ako tumakbo sa maraming tao para hindi nila ako makilala, saka para mahirapan sila.


            “Teka, ang pogi naman nung lalake na yon. Sa kanya na lang ako hihingi ng tulong, siguro naman tutulungan nya ako.”


            Tinakbo ko yung pagitan naming dalawa, nagulat naman sya nung bigla ko syang hinawakan.


            “Ui cutie pie, tulungan mo naman ako oh” shit naman oh, parang nagkamali yata ako eh. “Sige na naman oh! Please!”


            Para naman syang nagdadalawang-isip. Anak ng tipaklong naman oh, ayoko sa England!


            Sino ka ba, saka ano bang problema mo?” wow, ganda ng boses.


            Say yes first then I’ll tell you my problem and what’s happening.” Aba mahirap na, baka mamaya hindi sya pumayag, kaligayahan ko ang nakataya dito.


            Sumagot naman sya ng ‘ok, yes daw!’ and so “oh, boyfriend na kita ha, wala ng bawian!” makapal na muka kong sabi.



            Langya ka naman Regina Reynolds oh, nakuha mo pang kumuha ng boyfriend eh ang laki na nga ng problema mo.


            “What? Is this some kind of a joke? Nasa WOW MALI ba ako?” tanong nya sa akin. Sinabi ko sa kanya na totoo to, na hindi ako nagbibiro. “Whatever, so now what? What’s happening and what’s your problem?” tanong na naman nya.


            And speaking of big problems, nandito na yung mga humahabol sa akin. “I’ll tell you later. But we have to get out the hell here, they’re coming.” And we ran again like all demons are all after our beautiful souls.



            Sino ba yung mga humahabol sayo? Siguro inutangan mo sila tapos ngayon hindi mo binayaran!”


            Yung totoo… “Muka ba akong walang pera?” bwisit na to. Sabihan ba naman akong muka nga akong walang pera, sa ganda kong to. Teka nga, hindi ko pa alam ang pangalan ng instant boyfriend ko.


            “Ano nga palang pangalan mo?” si Gio daw sya, at wag ka, interesado din sya sa pangalan ko. “Ui, interesado din sya sa akin! Regina, but just call me Gina para mas bagay tayong dalawa, parehong sa letter G nag i-start yung name natin.” Parang meant to be talaga diba?”


            “Dito!” tapos bigla nya akong hinila papasok sa isang maliit na eskenita na may kadiliman. Yung mga badgadol na security nila Mama na humahabol sa akin hindi na kami Makita, hahaha. “Humanda ka sa akin mamaya!” ako pa tinakot nya.


            Shit! Nakita kong napalingon yung dalawang humahabol sa akin sa direksyon kung nasaan kami. No choice na ako, kailangan kong gawin to para hindi nila ako Makita. KAILANGAN kong halikan tong si Giong pogi. Nung Makita ko na umalis na sila, tinigilan ko ng papakin yung sweet lips ni Gio.


            “Bakit mo ko hinalikan?!” bading ba to, yung totoo? Sayang naman kung palda din pala ang gusto nyang isuot. “I think I have to go!”


*END OD FLASHBACK*


            Napangiti naman ako ng hindi ko namamalayan dahil sa alaala na yon. “Hoy Ate Gina, kanina ka pa mukang tanga na ngumingiti ng mag-isa! Baliw ka na ba?” biglang banat na tanong ni Monina. Pambasag trip talaga tong batang to eh! “So anong nasa isip mo Ate at naka-ngiti ka jan na parang shunga?”


            “Naalala ko lang kung pano kami nagka-kilala ni Kuya Gio mo! I need to reminisce kasi wala na kami, he broke up with me.” Sagot ko sa kanya. “Dun man lang makuha ko pa rin na ngumiti kahit na nasasaktan ako.” Tamang emote Gina? As if namang naiintindihan ka ni Monina.


            “Alam mo kasi Ate Gina, masyado kang lovable para kay kuya na masyadong seloso at possessive kaya hindi nag-work yung relasyon nyo.” Ibang klase talaga sila ni Ran, ang daming alam. “Wag kang mag-alala, makikita at malalaman din ni Kuya Gio yung mali nya, kung bakit ka nya pinakawalan.” Seryoso Monina, may pinagdadaanan ka? “Tara, kain tayong chocolate. Sabi ni Mrs. Rublico the best na pantanggal lumbay ang chocolates!” at hinila na nya ako papunta ng kitchen para kumuha ng marami at iba’t-ibang klase ng chocolates.


++++++++++++++++++++++++++


            After two weeks, hindi pa rin ako pinapansin at kinakausap ni Gio. Ngayon na rin namin malalaman kung makaka-graduate ba kami, kung pumasa ba kami sa lahat ng subjects namin.


            “Yeeessss!!!”


            Napapa-harlem shake ako sa sobrang saya ko kasi nakapasa ako, makaka-graduate ako. Si Jules at Lalaine ganun din, pati si Gio. Masaya ako para sa aming lahat, pati na rin si Hale at Snow. Si Snow, naging magkaibigan na rin kami, though may pagka-masama pa rin ang ugali nya, but in a good way sometimes… just sometimes.


            “We need to celebrate Gina!” biglang sabi ni Snow. “Tara, kain tayo sa labas.”


            Sumama na ako sa kambal, since ang kasama ni Lalaine at Jules na magce-celebrate is si Gio. Kailangan ko na rin na sulitin ang lahat ng to, dahil hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako dito.


            “At dahil gentleman ka Hale, ililibre mo kaming dalawa ni Snow!” natatawa kong sabi kay Hale habang naglalakad kami papunta sa kotse nya. “Tama ako diba, Snow?!”


            “You’re so good talaga Regina, you got it right! Hale, sa Bon Chon mo kami pakainin ha!”


++++++++++++++++++++++++++

(Gio POV)


            Ilang araw na ba kaming hindi nag-uusap ni Gina after kong makipag-break sa kanya? Eight days, nine days? Shit, naiinis ako kasi hinahanap-hanap ko yung paglalambing nya sa akin.


            “Kuya Gio! Alam mo ba na sabi ni Mrs. Rublico, chocolates daw ang pinaka-mabisang pantanggal ng stress? Tara kain tayo!” at hinila ako ni Monsi papasok sa kitchen at saka kumuha ng chocolate cake, at ice cream sa ref.


            “Hindi ako magugulat Monsi kung isang araw wala ng natira sa ngipin mo! Ang takaw mo sa chocolates, sa matatamis samantalang tamad na tamad ka namang mag-toothbrush!”


            Si Monina na mismo ang kumuha ng cup, platito, kutsarita at tinidor para sa aming dalawa. “Pero alam mo ba Kuya kung ano ang pinaka-effective na kainin na pantanggal lumbay?” bakit ang daldal nitong si Monina ngayon, pinakain ba sya ng pwet ng manok? “Yung pride chicken at ego sandwich, yun ang pinaka-masarap lunukin para maging Masaya ka.” San ba nya napupulot yung mga sinasabi nya? “You’ll regret everything if paiiralin mo yang pride chiken wings mo. Ikaw din Kuya G, baka mamaya iiyak-iyak ka saken kapag nawala na sya ng tuluyan sayo!” at nilayasan na nya ako!


            Sa totoo lang, hindi ko sya ma-gets! Pero parang tama naman talaga sya eh, I might regret everything if pride and ego ko yung mas bibigyan ko ng importansya.


            Teka, anong oras na ba at hanggang ngayon wala pa rin si Gina? Saan ba nag-suot ang isang yon, baka mamaya kung ano na naman mangyari sa kanya eh tatanga-tanga pa naman yun minsan.


            May narinig akong tumigil na sasakyan sa tapan ng bahay namin. Sa kakamadali ko na sumilip kung sino yung dumating, nabangga pa yung tuhod ko dun sa table na nasa sala.


            Si Hale at si Snow, hinatid nila si Gina. Saan sila galling, at kailan pa naging close si Snow at Regina? Umayos agad ako ng upo sa sofa, kumuha ng magazine at kunwaring nagbabasa. Naramdaman kong pumasok si Gina, pero hindi man lang nya ako pinansin.


            “Ate Ginaa!!!” bati ni Ran at Monina sa kanya.


            Binaba ko ng kaunti yung magazine na hawak ko para Makita kung anong ginagawa nilang tatlo. Nagpabuhat si Ran kay Gina, while Monsi is on her side holding two ipads.


            “Ate Gina, let’s play Candy Crush Saga!” sabi ni Ran sa kanya, sabay hingi nung isang ipad kay Monsi. “Look Ate, Ate Billy installed this app to my ipad, and also Ate Monsi’s ipad.”


            “That’s right Ate Gina, wait! Have you downloaded and installed one?” maarteng tanong ni Monsi kay Gina, while Gina just nod and give her a smile. “Let’s play na!” And the three of them headed to Gina’s room.


+++++++++++++++++++++++++++

(Regina POV)


            Monina, Ran and I are all busy playing Candy Crush Saga nung biglang pumasok si Ate Billy, and who also busy playing the game on her own tablet.


“Anong level na kayo?” tanong nya sa amin.


            “29!” sagot ko!


            “18” sagot naman ni Monina.


            Si Ran, ayan masyadong tutok sa nilalaro nya ng biglang. “Ayoko na nito, I can’t complete level 12!” at binalibag nya yung ipad nya sa kama ko, at umiyak kay Ate Billy. “I don’t want to play Candy Crush anymore, I hate that game already!” umiiyak na sabi ni Ran habang naka-yakap kay Ate Billy.


            “Don’t cry baby, tatapusin ko yang level 12 for you.”


            Nung tiningnan naming dalawa ni Monina kung anong level na si Ate Billy, nagulat kami pareho. Hindi sya naglalaro ng Candy Crush!


            Alam nyo ba kung anong app yung naka-open sa ipad nya? iStoryBooks, ano yung pinapakinggan nyang story, CINDERELLA! Seryoso ba sya, feeling nya yata five years old lang sya eh.


            “Nainggit na naman kayo, wag nyong pakelaman yang ipad ko!” biglang sabi nya nung mapansin nyang tinitingnan namin ni Monsi yung tablet nya. “Baket, sa bata lang ba pwede yan?”


            Nag-aasaran pa kaming tatlo ng biglang nag-ring yung phone ko. Kinabahan ako ng sobra ng Makita ko kung sino yung tumatawag… Mama calling!


            “Hello Ma?” sagot ko.


            “You need to be home next month, your time is up.” Shit, next month na ba talaga? Hindi na ba pwedeng mag-extend? “If you don’t want any trouble, you need to be here next month!”


            And she hangs up! Hindi man lang nya ako pina-singit eh ako kaya ang bida sa story na to! But NO!!! Ayoko pang bumalik sa Saudi, ayoko ng bumalik don kahit kailan!





A/N: PARANG AWA NYO NA... PAGBASAHIN NYO NAMAN AKO NG MAHABANG COMMENT... DAHIL TALAGANG TINATAMAD NA AKONG MAGSULAT BECAUSE IT SEEMS LIKE WALANG KWENTA LAHAT NG SINUSULAT KO... PAGBIGYAN NYO NA ANG MAARTE, NANGANGAILANGAN LANG AKO NG KALINGA!!!





11 comments:

  1. yay!! an UD finally!! how i missed them!! sayang waley si nathan dito.. okay na lang,baka ma inggit din ako sa kanila ni ate billy.. haha!.. baka dumami langgam dito..

    0_0 seriously? naging nice si snow?? isang himala! once in a blue moon lang ata nangyayari to.. hahaha.. and how could you not like hail gina?? he's a hottie!! akin na lang si hail,hindi naman sya taken eh! hahah..

    i love the flashback!! na naalala ko tuloy ung "nanny mylove so sweet"(read it on PF and WATTPAD).. so that's the reason why naging instant BF si gio.. hahaha! maabilidad ka gina ha!..

    monina?? is that really you? mei pinagdadaanan teh?.. haha.. hanep sa comment ah!.. pwede ka nang pumalit sa pwesto ni kris aquino when you grow up..

    Candy Crush! adik ngayon ate ko jan eh.. really ate billy?cinderella?? hahahhah!! ur still a hopeless romantic!! feeling bata pa rin ang peg??

    naku gio,kilos na! lunukin na ang pride chicken at ego sandwich!! hahahah.. tawa tlaga ako dun!..

    prinsesa ata to si gina eh.. naks! sosyal!! pa burger ka nman jan gurl! hahaha.. yaman mo eh..

    ReplyDelete
    Replies
    1. BEBE DEMI!!! maraming salamat sa pagbigay ng kalinga, hahahaha... hayaan na natin si Nathan, dahil malapit ko ng matapos yung next chapter ng Nanny, My Love, So Sweet sa watty...at malapit na talaga ang the end ng story nila ni Billy...


      Oo naman, naging nice na si Snow since may nahanap na syang ipapalit kay Gio... as of Hale, wala pa syang balak mag-girlfriend so wala kayong pag-asa sa kanya...ahahaha... hinihintay daw nya si AKO!!!


      alam nyo kasi, yang si Monina mahilig yang mangapitbahay... lagi yang nasa bahay nila Mrs. Rublico...yung alagang pusa, tapos nakatuluyan nung pusa nya eh yung byudo na kapitbahay nila... at nakatuluyan naman ni Mrs. rublico si mr. byudo..ahahaha... jan napupulot ni Monina lahat ng mga banat nya...


      linchak na candy crash na yan, hindi ko maraos yung level 33, at malapit ko na rin gayahin si ran na nagwawala... ahahaha... pero bebe demi, meron talaga akong cinderella sa fone ko... gusto mo 3 little pigs at little red riding hood pa eh..ahahaha...



      abangan ang next chapter nito ng malaman natin kung saan at anong klaseng pamilya belong si Regina Reynolds...

      Delete
  2. is hail taken already? i'm pretty available here.. :) certainly monina has a future in psychology! lol.. ran is still so cute and adorable!

    i wonder what would gio will do to stop gina from leaving.. i think he would do some drastic styles like kidnap her for awhile and itanan na lang.. or daanin na lang sa santong paspasan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sis... gawa ka na ng account para hindi ka naka-anon, masaya dito pramis... i bet you already know that... as of monina, dahil tambay nga sya sa bahay ni Mrs. Rublico, ka-chika din nya lagi yung psychologist na anak nung matanda..kaya ganyan yang bata na yan...ahahaha...

      wag kayong mag-alala, ganayan lang talaga ang magkapatid na Monina at Ran...


      abangan ang next chapter if anong gagawin ni Gio para hindi makalayas ng bansa si Regina...

      Delete
  3. HALA!!! So totoo nga espren yung sinabi mo saakin nung April Fool's Day... ayheytchu!!! Pero dahil nag-update ka, aylabyu para dito...


    nakaka-sad... sa hinaba-haba ng panliligaw ko kay gio... at sa hinaba-haba ng hinintay kong wagasang sweet moments, hindi ko pa man din nalalasap yung "wagasan" na yun eh pinag-break mo na kami! dahil jan, ayheytchu ulit!


    pero, dahil kasi seloso si gio (which is a kilig factor for me) eh tumbling naman ako sa tuwa nun. oh ayan, eh di aylabyu na ulit espren! hindi ko pa kasi nararanasan sa totoong buhay yung parang nakakasakal na selos ng mga lalaki kaya para saakin, parang nakakakilig siya. but ow well, for sure iba naman ang sasabihin ng iba jan lalo na kapag nakaranas na sila ng ganun. eto lang masasabi ko,kanya-kanya 'to ng trip! kumbaga, POV ko 'to kaya walang pakelamanan!


    moving on, patungkol sa kwento... bakit ang henyo ni monsi? yung totoo, gaano kataas ang IQ level ng batang yan? hindi man lang biniyayaan ang kuya niyang si gio, eh di sana naging matalino siya para makaiwas sa break-up namin noh?


    at oy~ namiss ko ng sobra ang kaartehan ni baby ran! hindi lang maka-move on sa level 12, nagwawala na agad? ahahahaha!!! kung sa bagay, ganun din ako sa mga nilalaro ko!!!

    ay ito pa pala, muntikan ko nang malagpasan! si hale ba, ayaw nang manligaw saakin? ahaha, ang landi ko lang talaga, ayaw ko siyang pakawalan! pero ang isang ipinagbubunyi ko jan, yung sudden chance of event na naging magkaibigan kami ni snow! biruin niyo yun!!! pero kidding aside, nakarelate na naman ako sa parteng ito ng kwento!


    madalas kasi kung sino pa yung mga kinaiimbyernahan at kontrabida sa buhay ko, sila pa yung mga nagiging close friends! seryoso, kaya mahilig talaga ako sa mga kontrabida eh!!!


    at ito na ang climax ng comment ko... natatakot na ako kay mommy!!! pinauuwi na niya ako, ownoes~ pero sana gumawa ng paraan si gio para pigilan yun! ayokong malayo sa kanya!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ito ang continuation ng ang aking kwento este comment pala...


      so ayun nga, bakit ba kasi ang epz ng mudrakels ko dito! hindi siya katulad ng mga mudra natin dun sa riot eh.


      pero sana talaga, gumawa ng paraan si gio dahil kung hindi, iaalay ko na lang ang sarili ko kay hale! joke lang~ lumalandi mode sandali.







      oh ayan espren, alam kong medyo tinatamad ka sa pagsusulat... pero lagi mong tatandaan na may mga nagbabasa ng kwento mo, tulad ko! na sobrang lakas ng impact na ginagawa sa buhay ko!


      kitam mo, naba-bipolar na ako, feeling ko ako na talaga si gina! ang kulang na lang talaga ang gio ng buhay ko eh!


      at alam mo na, kapag tumigil ka sa pagsusulat, AYHEYTCHU na ulit!!! kaya pagpatuloy mo ang pagsusulat at stay inspired para AYLABYU palagi!


      hanggang dito na lang MUNA,
      Pinakamagandang Josa sa balat ng lahat ng mga may balat, Prinsesa Aegyo

      Delete
    2. espren... alam kong mahal mo ako..at hindi talaga ako fan ng april fools na yan... seryoso akong ao..ahahaha...anu daw???

      wagasan ba ang hanap mo? sige sa last chapter pagbibigayn kita, last naman na yon eh...

      wag kang madamot espren..sa akin na si hale.. gagawan ko ng lovestory yung sa amin ni Hale..ahaha...


      si monsi??? alam nyo kasi, yang si Monina mahilig yang mangapitbahay... lagi yang nasa bahay nila Mrs. Rublico...yung alagang pusa, tapos nakatuluyan nung pusa nya eh yung byudo na kapitbahay nila... at nakatuluyan naman ni Mrs. rublico si mr. byudo..ahahaha... jan napupulot ni Monina lahat ng mga banat nya... tambay nga sya sa bahay ni Mrs. Rublico, ka-chika din nya lagi yung psychologist na anak nung matanda..kaya ganyan yang bata na yan...ahahaha...


      kasi naman daw, masyado ka ng nag-enjoy sa pilipinas...kaya kailangan mo ng bumalik sa England...


      hintayin mo ang next chapter para malaman nating lahat kung ano ang gagawin ni gio...

      Delete
    3. sa pagsusulat ko naman espren... alam kong malalampasan ko din tong depression ko na toh... makakayanan ko to..hehehe... back to oldies muna ako.. back to romcom na puro kagaguhan muna ako... kay yung third party mo..sa susunod na dekada na..ahahaha

      Delete
    4. sa lahat ng sinabi mo, isa lang hindi ko kayang paniwalaan... yung SERYOSO kang tao! owkamown espren, wala yun sa bokabularyo natin! ahahaha!!! at ilang chapters na lang ba bago matapos ito? eksayted na ako!!!

      Delete
    5. AHAHAHA.. SERYOSO NGA... SERYOSONG JOKE YUN!! AHAHAHA...



      ILAN NGA BA??? HMMMM... DALAWA NA LANG... 14 DUN YUN KUNG ANO MANGYAYARI NEXT MONTH... KUNG UUWI KA, MAKAKA-UWI KA...


      YUNG SA LAST... WALA PA AKONG IDEA.. DEPENDE SA 14 YAN.. AT DIEPENDE RIN SA MAGIGING COMMENTS NYO..AHOHOHOHO...

      Delete
  4. waAaaAaah bKit cLa nAgbreAk,,, aNg skiT nmAn s daMdaMin uN,,, bUti snA kSi kuN mEi baSehaN aNg paGsesELos ni giO eHh,,, pEro oK n diN cgurO yAn,,, cguRo kELangAn niLaNg bigyAn ng tiMe aNg isA't isA,,,

    aNd for d brigHter sidE,,, mEi mgA mgAnda riN nMang naNgyRi eEh,, tuLad n Lng ng pAgbaiT ni sNow,,, mabiLis msyAdo aNg mgA pnGyyRi pEro oKay n diN,,,

    at yAn n eeKsenA n diN aNg mgA paRents ni giNa,,, s 22o LNg gUsto q spiLitAn xAng isAma ng mAmA niA prA nmAn mEi gaWin c giO,,, yAn anG inAabngAn q,,, hwAheHe,,,

    aTey quEen oKay n pO b aNg hAba ng coMment,,, snA pO ay mainSpire n kAu at waG mwALan ng gAna mAgsuLat,,, meRon pOng isAng 2Lad q n Lgi Lng nAg-aabNg ng updAtes mO,,,

    kyA ngA po aq as a reAder, syeMpre nkikibAsa Lng aq s mgA kweNto, i maKe suRe n mAgkocoMment tLgA aq prA po mLmaN ng autHor n mEi nkkAppreciaTe tLga ng kweNto niA,,, ayuN po atEy,,, wAg k titigiL s pAgsuSuLat,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^