Tuesday, April 23, 2013

The Cold and Heartless Gangster Queen [LHNSGQ] : Chapter 1 - Bloody Monday [Part 1]


Chapter 1 [Part 1]


Megan's POV:

 
"...... Meg, huwag ka sanang magagalit. Pero matagal ko nang gustong sabihin sa iyo 'to... Mahal kita. Kung may galit ka pa rin sa kanya, please tanggalin mo na ito. Hayaan mo akong alagaan kita. Aalisin ko ang galit sa puso mo. Please pag-bigyan mo ako...."

Minulat ko ang mata ko ng maalala ko ulit ang sinabi ni Terrence. Napa-buntong hininga ako. Please huwag kang mahulog sa akin.

"Delivery po!!!" napakunot ang noo ko ng may marinig akong nag door bell sa condo ko. Delivery? Wala akong pinadeliver ni isa.

Binuksan ko naman ang pintuan ko. Tumambad sa akin ang isang lalaking naka cap at may hawak na pizza. "What is it--" Bago ko pa siya matanungan agad nya akong tinakpan ng panyo sa ilong. Medyo matapang ito dahilan upang hilahin ako ng antok.

Hindi maaari. Lumaban ako at nagta-gumpay naman ako doon. Agad akong pumunta sa kuwarto ko at kinuha ang katana. Nilagyan ko iyon ng pampatulog na lason. Baka sakaling makatulong ito sa aking paghahanap sa kanya.


Agad kong sinugod ang lalake at nadaplisan ko siya kaya nawalan siya ng malay. 

Stupid Moron.....

Nagtataka na kayo sa mga nangyayari? Let's proceed to the beginning of the story :

===


*TOOOKK!* 
Napatingin ako sa malagkit at medyo dilaw-dilaw na bagay na inihagis sa akin ng isa kong bully na kaklase. As usual, pagtatawanan na naman ako ng mga estudyante dito.

Matiim kong tinignan ang isang babae na bumato sa akin. Inayos kong maigi yung salamin ko at may pinindot ako na sobrang liit dahilan upang hindi nila mapansin iyon.

SCANNING.... SCANNING....
100% DONE!
SHE'S Garelyn (GA-RE-LIN) Toreta, a model of Reid Model and Others Agency.... She is also a part of the 'Blazing Fame'
etc...etc...etc..


Napaismid tuloy ako. Tsk. Walang kuwenta. Napa kahina niya dahil kasali siya sa Blazing Fame Gang, ang gang na 50 beses ko ng natalo.
Reid. I smirk. Nagtatrabaho pala siya sa  model agency KO.

"Hahahaha!!! Kawawa naman ang estudyanteng ito! NERD ka kasi! Lumayas ka nga sa school na ito! Hindi ka nabibilang sa amin! If I know, Scholar ka lang dito."

Napatingin naman ako sa isa pang kasama ni Garapatalyn Toreta,

SCANNING....SCANNING....
100% DONE!
She's Mellisa CoronĂª, the model of CoronĂª Perfume Model Agency. Pure Bitch. She is also a cassanova.
etc...etc....etc....


"Ano tutunganga ka na lang ba dyan?! Wahaha! Palibhasa napa ka weak mo eh!" napatingin ako sa buong lugar. Psh.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag na bullet proof, water proof and kahit itapon mo siya at apakan pa ng ilang beses, ay hindi ito masisira. Ako ang nag imbento neto.
 Agad kong ni-call ang number ni Tristan.
"Tristan, gayahin mo ang boses ni Lolo at sabihin mo na Anong kaguluhan ang nangyayari. I loud mo ang speaker sa buong school para marinig nila. Then, on the count of three, palitan mo ang damit ko ng gangster look. Got it?"

"Yes, master Reid."

Lumingon ulit ako sa kanila na iritang-irita na. 
"Ano?! Tapos ka ng tumawag sa Knight-in-shining-Armor mo?! Hahahaha!! Go lang ng go dahil---'' naputol ang pagda-dakdak ng isa sa mga bully ng marinig nito ang boses ni Tristan, ang personal robot na inimbento ko, na ginaya ang boses ni Lolo. Ang HEAD-MASTER ng school na ito.
"Anong nangyayari dito? Bakit nyo na naman binu-bully si Ms. Tan?" nga pala, Ms. Tan ang ginamit kong apilyido dahil ayaw kong mahuli nila ako.

Nanginig naman sila sa takot ng marinig nila ang boses ni Lolo-kuno. Tss... This is the sign... tumakbo na ako ng tumakbo.. sinuot ko ang wireless earphone ko at tinawagan si Tristan.

"Tristan! On the count of three! One, two, three!" at sa isang iglap, iba na naman ang itsura ko.


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^