Saturday, April 27, 2013

That Girl Change Me : Chapter 3




Aielle's P.O.V


Nagumpisa na yung klase wala pa din si Adrian, san kaya nagpunta yun? Hanggang sa natapos ang klase wala siya. Bakit kaya ?


5pm na uwian na pero tumambay muna kami saglit sa may garden ng school kasama ko sina Bea, Hikari, Mae at Ixsha. Kwentuhan. Ang kukulit nga nila kasama ee. Quarter to 6 na nang maisipan na naming umuwi. Sina Mae, Bea at hikari naman may dadaan lang daw muna, kaya kami lang ni Ixsha ang magkasabay since iisang way lang din kami.

“Hmm, ixsha? Pwedeng magtanong” kanina pa kasi ako ginugulo ng katanungan ito ee. Kaya itatanong ko na sa kanya.

“bakit ?” tanong nya habang inaayos ang bag nya habang naglalakad kami palabas ng school.

“ Bakit di na pumasok si Adrian? After ng breaktime hindi na siya bumalik.”

“ah, as usual cutting..”

“cutting? Diba bawal dito yun?”

“Oo, bawal nga pero si Adrian kasi yung anak nung isa sa may pinakamalaking shares dito sa school kaya alam mu na, walang sumisita sa kanya kung magcutting siya.” Paliwanag ni Ixsha habang inaayos sa pagkakalagay sa likod nya yung backpack nya.

“lagi ba siyang ganun?”

“ou, alam mo adik sa computer games yun, ay mali mali buhay na nun ang paglalaro ng mga online games. Halos lahat naman ng boys natin naglalaro din pero mas grabe yun siguro 12 hrs ng buhay nya nakalaan sa computer games.”

“ay over naman. 12 hrs. talaga?” grabe kung ako nga  2 hrs. lang tumitig sa computer natatamad na ako ee.

Tapos bigla siyang tumigil. “oh bakit?” tapos humarap siya sa akin, nakipag eye to eye contact.

“ui, Ixsha anung nangyari sayo?”

“May gusto ka kay Adrian nu?” bigla nyang tanung, ang weird talaga nito.

“wa-wala ah..”

“bakit ? gwapo naman siya. Medyo suplado lang. pero gwapo pa din. Bakit wala kang gusto sa kanya? ”

“ang weird mo. Bakit kelangan ba magkagusto ako sa kanya?” tapos nagsimula na ulit kaming maglakad.

“hindi naman, kasi usually madaming nagkakacrush dun, nagtataka lang ako, kung bakit di mu siya gusto. Pero alam mo kung gusto mo siya okay lang naman di mo kailangang ideny. Normal na ang magkagusto sa kanya.”

“bakit ikaw nagkagusto ka ba sa kanya?” tanung ko, napahinto ulit siya.. pero saglit lang at nagsimula na ulit siyang maglakad.

“oo naman, crush na crush ko kaya yun, pero dati yun, may Justin na ako kaya wala na akong gusto dun..” weird talaga to, proud pa siya na gustong gusto nya yun.

“teka. Justin as in yung classmate natin? Si Justin Mendel?”

“yep. Di ka nagkakamali!” tapos biglang lumapad yung ngiti nya parang ganto ^_______^

“ah kayo ba?” tanong ko.

“oo naman. Kaso sa panaginip nga lang.”

“ay bakit ?”

Bigla siyang tumungo,”bestfriend lang kasi tingin nya sa akin. At kahit kelan hanggang dun na lang kami. Di na yun.. di na yun mababago. Kaya kahit mahal ko siya wala akong magagawa. Mamahalin ko na lang siya ng patago.” biglang lumungkot yung boses nya. Hay kaya ayoko ng mahal mahal na yan ee.

“okay lang yan.” Sabay himas sa likod nya. Di ko rin kasi alam sasabihin sa babaeng to ee.

“sira ! okay lang talaga. Sige na dito na bahay naming ee. ingat” tapos ngumiti siya sa akin pero ramdam ko na medyo di siya okay.

“sige byeeee.. ukas na lang”



Nakakatuwa si Ixsha parang si Mae lang din kanina, masarap kakwentuhan at kausap medyo may pagkaweird lang minsan at pagkaloka loka. Hay..


“hi miss” biglang may sumulpot na tatlong lalaki sa harapan ko. Siguro mas matanda lang sakin ng konti.


Umiwas na lang ako kasi naamoy ko parang medyo amoy alak sila.

“miss anong pangalan mo? Ang suplada mo naman” sabi nung mas matangkad na lalaki. Pero di ko sila pinapansin kaso sinusundan parin nila ako kaya medyo natatakot na ako.

“Miss teka nga lang” tapos biglang hinawakan nung medyo chubby na lalaki yung braso ko.

“ano ba bitawan nyo nga ako.” Matapang kong sinabi pero sa totoo lang natatakot na talaga ako. Naman oh sana may dumating na magligtas sa akin sa kamay ng mga lalaking ewan na to ..

“ sumama ka na lang sa amin, para ayos tayong lahat” sabi nung matangkad sabay naggrin siya sa akin.

“ayoko sabi!” tapos bigla ko siyang sinipa sa tuhod at dahil dun nabitawan nya ako at nagkatakbo ako kaso nahuli rin nila ako, nagsisisigaw ako pero ..  pero naramdaman ko na lang ang malakas na force sa may sikmura ko. 

Hanggang sa bigla na lang nagdilim ang paningin ko.

3 comments:

  1. curious sya kei adrian, dat means interesado sya dun.. hahah.. aminin..

    ReplyDelete
  2. hahahah..ang ganda ng story..update naa :)

    ReplyDelete
  3. Thank you po sa mga comments :))))))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^