Saturday, March 23, 2013

You Got Me : Chapter Thirteen

Chapter Thirteen


Moment ni Miley!!!



            “Babe wag ka ng malungkot, sandali lang naman ang two years diba, hindi natin mamamalayan na tapos na pala ang two years, and we’ll be together again.”



            Ayoko syang umalis ee, sabihan nyo na akong selfish pero ayoko talaga. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya, dun sa mga babae na pwede nyang makasalamuha ang wala akong tiwala. Sa gwapo at sweet ba naman ng boyfriend ko na to ewan ko lang kung walang ibang magkaron ng gusto sa kanya.


            Hindi pa rin ako kumikibo, hindi ko kasi alam kung papayag ba ako o hindi eh. “Kailangan ba talaga yon babe, ang tagal kasi talaga ng two years.” Ang naka-nguso kong sabi sa kanya.


            Niyakap naman nya ako at saka nagsalita “Yes babe kailangan talaga eh, but I’ll make sure na hindi mo maramdaman na magkalayo tayo. Face time tayo everytime na may free time tayo, o kaya naman Skype. Nanjan din naman si Mommy at Daddy to keep you company, para hindi mo maramdaman na wala ako.” At hinalikan nya ako sa tungkil ng ilong ko.


            Paano ako papayag na umalis sya eh nasanay na ako na lagi kaming ganito? Ang laki talaga ng problema ko ngayon! Oo nga pala nandito kami ngayon sa bahay ko at nandito kami sa sala.


            “I expect this to happened babe, etong kapag nagpaalam ako sayo mahihirapan akong mapapayag ka so I came here prepared.”


            Ano bang ibig nyang sabihin dun, prepared? “Huh? What do you mean by that?” bigla na lang syang tumayo mula sa pagkakahiga naming dalawa at may kinuha sya sa bulsa nya.


            “Please be my wife, soon. I’m doing this to prove to you na ikaw lang ang mahal ko at mamahalin pa sa mga darating na panahon. I can’t imagine my life without you anymore, I’ll do anything and everthing to make this soon-to-be long distance relationship works. You are my life; you’re everthing to me; Demi. Please be mine.”


            I really don’t expect this to happen, not now. “W-wacky!” w-what should I say to him? I can’t think straight, I’m still shock. “I really don’t know what to say, babe.”


            “Just say YES babe, and I’ll be the luckiest and happiest man alive!”


            “Y-yes!” at talagang nag-stammer pa ako. After I said yes, he kiss me on my lips passionately. “Don’t break my heart and your promise babe, I’ll kill you if you do!” ang naiiyak kong sabi sa kanya.





            “Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh!!!” ang sigaw ng apat na bakla ng makita ang singsing na suot ko.


            Todo hila naman si Milo sa kamay ko para tingnan ng mabuti yung singsing ko. “Mga bakla tunay ito, tunay na tunay! Award ka talagang Deminyita ka, imagine six months pa lang kayo pero nag-proposed na sayo si Lolo Wacky! Eh bruha, sigurado ka na ba talaga jan sa pinapasok mo?” tanong naman nya.


            “Oo naman, you know me. Hindi naman ako papasok sa isang bagay na hindi ko kayang labasan.” Sagot ko naman.


            Nagkita-kita kasi kami ngayong Thursday dahil na rin sa request ni Milo dahil may ipapakilala daw sya sa amin, it just so happen na may sasabihin din ako sa kanila. Malamang may bagong boylet ang bakla at gustong inggitin si Milka, Miley at Mina.


            “Teka nga pala Milola, sino at nasaan na ba yang ipapakilala mo  sa amin?” biglang tanong ni Miley-gaya kay Milo.


            Na sinigundahan naman ni Milka “Oo nga naman, nako Milo dapat hunkable ang ipapakilala mo sa amin para naman sulit ang pag-absent namin.” Sabay tawa naman nila Mina.


            “Mga atat-chiwa naman kayo jan, papunta pa lang daw sya kaya mag-waitsung kayo!” sagot naman ni Milo sa kanila. “Demi-licious baby, kailan nga pala ang alis ni lolo Wacky?”


            “Next month na sya aalis eh, that’s why we’re planning to file one or two weeks leave para naman before sya umalis nakapag-bonding kami.” Ang malungkot kong sagot kay Milo.


            Inakbayan naman ako ng ever comforting na si Mina “Wag ka mag-alala baby gelay, nandito lang kami para pasayahin ka. We’ll always make ourselves available everytime you need us. Right girls?”


            “Tomoh!!!” ang sabay-sabay naman nilang sagot.


            Ilang minuto pa kaming nag-uusap ng biglang mag-ring ang cellphone ni Milo. “Hello, nasaan ka na ba mahal? Kanina ka pa namin hinihintay dito eh.” award naman sa tawagan, mahal. “Ok, ingat ka ha, I love you too.” At in-end na nya ang tawag.


            “Malandi kang bakla ka, may ‘Ok, ingat ka ha, I love you too’ ka pang nalalaman jan. Nasaan na ba yang lalake mo na yan?” tanong ko kay Milo.


            “Wala kang kashulad badett, apaka-kiri lang.” segunda pa ni Mina.


            Super namula naman si Milo sa mga sinasabi namin, lanjutay na bakla talagang nagba-blush ang loka. Kung ano-ano pang manunukso ang inabot sa amin ni Lola Milo from the three of us.


            “MAHAL!!!”




(Miley POV)


            Buti pa ang baklang si Milo masaya sa kanyang buhay pag-ibig, samantalang kami nila Mina at Milka nganga ang dramarama. Ako kaya kailan makakatagpo ng papa?

           
            “Arouchness na nakaka-ines!” oh my gosh, ang takong ng akong elevator shoes. “Waaahhh, look what have you done! Tingnan mo oh” at talagang ipinag-duldulan ko sa kanya yung shoe ko na naputulan ng takong. “Nabali ang takong nitong killer shoes ko, hindi mo ba alam na ito ang favorite ko sa lahat?!”


            Bigla namang ginetsung nung lalake yung sapatos ko na ipinapakita sa kanya at saka ibinalibag sa kung saan. Mga kalahi kong badeth, prepare yourselves dahil may gyera tayong pupuntahan.


            “OMG na super laki, bakit mo pina-flyboat ang favorite shoesness aketch? Wantsung mo din bang i-throwlalu kita from here to El Nido? You’re so mean, I toldlalu to youness that it’s my favesung na shoebells!”


            Pero kagaya ng Papa Wacky ni Demilicious, deadmatology lang. Waley syang chinorva na kahit ano, at kagayaness kanina shockables na naman ang dramarama ko sa hapon dahil bigla na lang nya akong hinila papunta sa loob ng mall.


            Sisigaw na ba ako ng RAAAAAAAAAPPPPPEEEEE!!!!!!!!!???? Graveness naman itetch, ang waffle naman kasi nitong guysung na kasama ko pero nakaka-shokot yung facial expression-bookstore nya.


            “H-hoy bitiwan mo nga aketch dahil hindi akey kaladkaring badessa.” Kaloka ang lalake na to, kahit ba pogi sya at pinaliguan ang sarili nya sa pabango hindi pa rin aketch mafo-fall sa kanya! “Arouch!!!”


            Nakakahiya, pinag-titinginan na kami ng mga tao dito sa loob ng isang class na boutique ng mga sa--- oh my gosh!!! Dito ko binili ang favorite kong elevator shoes na kulay fink!


            Hindi ko na sya pinansin pa, todo-sightfulness na ako sa mga new arrivals ng The Shoe Capital para makabili ng bagong shoeslaks. “OMG, bakit hindi koagad naisipan na gumorabelles ditey para maka-buysung ng new shoes?” litanya ko habang busy ako sa paghahanap ng pwede kong i-boughtsung na sapatos.


            Bilga-bigla naman na lumapit yung lalake at ipinakita sa akin yung katulad nung sapatos ko na nasira ng dahil sa kanya. Hindi ko na bibilin ang ganong sapatos, lagi lang akong ire-remind ng shoesness na yon na nakilala ko ang isang tulad nyang cute, gwapo, good looking, handsome, pero tuod. Pero kung ibibili nya ako, ok lang!


            “Ayoko na nyan, mare-remember lang kita always if I’ll buy one of the elevator shoes na yan!” pagtataray ko sa kanya as I turn my sexy back on him. “Excuse me Miss, eto ba lahat ng new arrivals?”


            “Please give hi-he… please give that human being this shoes, charge it to me Donna.”


            What the hell!!! Crazy handsome frog na yata ang isang to, charge it to him? Close ba kami?! “Ok Sir, no problem.” Sagot naman nung sales lady na kausap ko. Gaaahhhh, what the hell in this boutique happening here? Kung makapagpa-charge sa kanya akala mo sya ang ow---


            “OW-EM-JI!!!” hindi nga kaya… Nilingon ko naman yung papasok at palabas ng boutique kung nasaan ako ngayon pero hindi ko na sya makita. “Excuse me Miss, sinetch ba yung guylalu na yon, knowsung mo ba sya?” ang hindi ko napigilang tanong kay Ms.Saleslady.


            “He’s our boss, mabait yang si Sir Kenneth. Ang swerte mo nga the kasi first time nyang magpa-charge, first time nyang nagpamigay ng sapatos.” Dapat ba akong matuwa sa nalaman ko na yon, o dapat na akong matakot kasi baka bukas naka-ban na ako dito sa favorite shoe store ko? “Anyway, eto po yung mga new arrivals namin Madam.” Ay award, tinawag nya akong ‘Madam’ feeling ko tuloy ka level ko si Madam na soon-to-be mother-in-law ni Demilicious.


            Kenneth… Kenneth pala ang pangalan nya. Nakakahiya naman yung inasal ko kanina, pero ano naming alam ko diba? Saka kahit na sinong matinong tao magwawala kapag nasira yung favorite shoes nya. Kalian ko kaya ulit sya makikita para naman makapag-sorry ako sa kanya, jahe talaga eh.




5 comments:

  1. ((Salamat sa update))

    ((^___^))

    ReplyDelete
  2. Miss Queen this story is really awesome :) ang ganda ng pagkaka buo ng story. Two Thumbs up at kung may pang pangtatlo at pang apat pa ako thumb itataas ko rin :) suppper like ;D hahahaha kahit matagal ang update ok lang :) hahahah sulit naman :) hahahahaha (Ang haba na nito, hihihih ^^)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat... Biglaan lang yang UD na yan, kasi nahihiya na ako.. hindi ko na kasi matandaan kung kailan ako huling nag-post ng update sa kahit na anong story ko... Buti na nga lang nahanap ko pa yang UD na yan sa PC na gamit ko sa work..ahahaha...


      salamat ulit sa comment...

      Delete
    2. aQ diN hAndAng mgHintAy s neXt chApter kHit p mtAgaL uN,,,

      Delete
  3. yey! UD! baka yung hunk sa bar yung fafaness ni milola!! haha.. miley-gaya! ikaw nah! award ka teh! lumalandi ka na rin !.. hndi ka rin ngpapahuli ha.. mei last trip pa.. sakay nah!... (ano daw??ngbabaliwan na nman ako! hihih.. forgot to take my meds)

    -_- ahuhu.. iiwan na ako ni wacky mylabs.. aiheytu nah!! well,coz ur already my Fiancee .with a capital F!!.. goshnes!!kilig to the backbones!!.. flylalu na nman aketch sa dreamland!..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^