Saturday, March 23, 2013

Royalty Battles : Chapter 1

Author's Note: Waaaaahhhh!!! EPIC!!! isa lang ang masasabi ko sa picture na iyan, ISA YANG MALAKING FAIL!!!! Halatang Japeke ang crown ni Han Ga In :P hehe! Anyways,Eto na ang Chapter 1 :P ☺☻☺☻

Royalty Battles
Chapter 1: Escape

Princess Haley's POV: 

TUUGGSSHHH

"Magaling! Magaling, Mahal na Prinsesa!" pagpupuri sa akin ng mga aking tagapag-silbi. Ngumiti lang ako sa kanila at binigay ko ang palaso ko at ang hayop na nahuli ko sa kanila.



"Tara na." wika ko sa kanila at tumango nalang sila. Sumakay na ako sa karwahe at pinagmasdan ko ang kapaligiran ko. 'Ang saya-saya talaga dito sa aming kaharian.'









"Mahal na prinsesa.. Gising na.." minulat ko ang mata ko at nakita ko ang aking kaibigan na ginigising ako. Nakatulog pala ako. Bumaba na ako sa karwahe at masayang pinagmasdan ang aming palasyo.  Napakaganda.

Pumasok na ako dito para makausap ko ang aking ama, ang Hari.

"Ama!!" masayang bati ko sa kanya pagdating ko sa kanyang silid. Niyakap ko siya at niyakap nya rin ako ngunit may napansin ako sa kanyang mata. Lungkot.

"Narito ka na pala aking anak." sabi nya ng nakangiti ngunit halata sa boses nya ang lungkot. Nagtaka naman ako sa kanya. 

"A-ama, bakit parang malungkot ka yata? Nakakapagtaka ang iyong kinikilos." sabi ko sa kanya. Bumuntong hininga sya at ngumiti sya ng pilit. "Wala ito. Sige mag-pahinga ka muna. alam kong pagod ka sa pangangaso mo kanina." sabi nya at tumalikod sa akin. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. Hindi ganito si ama. 

"Ama. Huwag kang magsinungaling sa akin. May itinatago ka at alam ko iyon. Sabihin mo sa akin ito. Pangako, hindi ako magagalit." sabi ko sa kanya ng nagbabanta ngunit malalaman mo rin sa pagsasalita ko ang paga-alala.

Bumuntong- hininga ulit sya. "Bukas na.." sabi nya sa akin. Lalo akong nagtaka. "Bukas na ang alin?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin at nagsalita, "Bukas na ang Royalty Battle." sandali akong natahimik. Unti-unting may apoy na lumalabas sa palasyo ngunit pangkaraniwan lang sa amin yan. Ganyan ako kapag galit.

"Princess Haley!!! Huwag mong idaan ang galit mo sa ganyan!" sigaw nya sa akin at sa isang kumpas ng daliri nya, nawala ang apoy kanina. 

"Aalis na muna ako." malamig na tugon ko sa aking ama. Naalala ko ang kapatid kong namatay dahil sa Royalty Battles. Kailangan kong tumakas.









Gabing-gabi na at kasama ko ang aking alagang aso. Nasa isang bodega ako at may binibigkas akong isang matalinhagang salita. Maya-may may lumitaw na portal papunta sa aking pupuntahan,

Nakita ko ang isang mundo na masaya, tahimik at napakaganda o kung tatawagin nila ay Earth. Isang mundong walang mga kapangyarihan at isang simpleng buhay lang na meron ang mga tao roon. Humakbang ako papasok sa portal apero bago ako umalis may huling salita akong sinabi, "Paalam aking Ama, Ina at maging sa iyo kuya." sabi ko at tuluyang pumasok roon kasama ang aking aso.




Author's POV (makikiepal lang :P) : 

Samantala, nasa isang kuwarto ang hari kasama pa ang mga ilang opisyales upang pag-usapan ang tungkol sa pagsusulit na magaganap bukas. Kanina pa nababahala ang kamahalan at tila nararamdaman nyang may masamang mangyayari. 

"Rudolph." pagtawag nya sa kanyang tagapag-silbi. "Ano pong maipagsisilbi ko sa inyo, kamahalan?" ani nito.

"Papuntahin nyo rito ang mahal na prinsesa." utos nya.  "Masusunod po, Kamahalan." sabi nya at umalis.

Palinga-linga parin ang hari at tila hindi sya mapalagay. "Aking mahal na asawa, bakit hindi ka mapalagay?" pagtanong sa kanya ng mahal na reyna at hinawakan pa ang kanyang kamay. "W-wala. Wala ito."sabi nya at yumuko.

"M-mahal na Hari! May p-problema tayo!"biglang dumating ang tagapag-silbi ng hari at tila hindi ito mapakali. Napalingon ang hari sa kanyang at nagtanong, "Anong nangyari!? Sabihin mo!?" sigaw nya. "A-ang mahal na p-prinsesa, n-nawawala po!" sagot neto. 

Napatayo ang mahal na hari at reyna at tinawag ang mga kawal. "Hanapin nyo sya! Huwag kayong titigil kakahanap hanggat hindi nyo pa sya nahahanap!" sabi nya. Yumuko ang mga ito bilang pagsagot at umalis. Pilit ikinalma ng reyna ang kanyang asawa.

'Hindi magsisimula ang Royalty Battles  hanggat wala ang prinsesa ng Luskade.' sabi ng hari sa kanyang isipan.
_________________________________________________________________

Author's Note: Boring noh? mamaya ko nalang ipagpapatuloy. Tinatamad na ako eh :P






2 comments:

  1. ((Ayos lang naman ang edit))

    ((Ako nga hindi marunong))

    ((Hehehe))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^