Tuesday, March 5, 2013

Officially Yours : Chapter 1

CHAPTER 1
( ZELINN IYA YU’s POV )

Kinawayan niya si Jamie ng matanaw niya ito pagpasok pa lang niya ng restaurant. “Hello, girl!” Nagbeso-beso sila ng makalapit siya. “I’m sorry I’m late, tumakas pa ko sa Shahiro.” Kumunot ang noo niya ng mapansin ang expression ng mukha nito. “Problem?”


“Girl, I’m sorry.”


“Sorry for what?” Saka lang niya napansin ang color pink niyang maleta na nasa gilid ng table. “Don’t tell me?”


Tumango ito. “Dad knew already. I’m sorry.”


Huminga siya ng malalim at nginitian ito. “It’s okay.”


“Paano ka?”


“I can manage.” Pero ang totoo, hindi na niya alam kung sa’n na siya ngayon titira.


May inabot ito sa kaniya. “This will help you.”


Ayaw man niyang tanggapin ang perang inaabot nito pero wala na din siyang pera. Two thousand na lang nasa wallet niya.


“Thank you, Jamie.”


“If you need anything, just call or text me, okay.”


Tumango na lang siya. Nagpaalam na ito. Habang siya nagpangalumbaba sa table habang nakatingin sa labas ng glass wall ng restaurant. Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakaupo ng...


“Excuse me, Ma’am?”


“Yes?” hindi lumilingong tanong niya.


“Oorder po kayo?”


Saka lang siya napalingon sa waiter na nasa gilid niya. “No.” Wala na ngang siyang pera, oorder pa ba siya?


Napakamot ito ng noo. “Bawal po kasing tumambay dito.”


Tinaasan niya ito ng kilay. “And so?”


“Eh, ma’am...”


“You know what, I can buy this restaurant if I want. At isa ka sa ipapatanggal ko.” Tumayo siya at hinila ang maleta niya. Nang makalabas ng restaurant ay kinuha niya ang phone sa shoulder bag niya at tinawagan ang pinsan niya.


“Zell, ba’t bigla ka na lang umalis?” bungad agad nito sa kabilang linya.
“Emergency. Hindi na muna ko papasok. Bye.” Ini-off niya ang phone niya dahil alam niyang mangungulit pa ito.


Nagpalinga-linga siya sa magkabilang kalsada. “What now, Zelinn?” She sighed. Pwede siyang umuwi sa mansyon nila. Pero HINDI! Patutunayan niya na kaya niyang mabuhay mag-isa!


Nagsimula na siyang maglakad ng mapadako ang tingin niya sa isang poste. Lumapit siya at tiningnan ang papel na nakadikit do’n. Malapit lang ito sa Shahiro, ah.


Kinuha niya ang papel at pumara ng taxi.


= = = = = = = =


“Two thousand ang renta. One month advance, two months deposit. Kukunin mo ba?”


Inilibot niya ang tingin sa loob ng maliit na kwarto na ‘yon. May maliit na kama at maliit na cabinet. ‘Yon lang ang laman ng maliit na kwartong ‘yon. Hindi niya mapigilang mapangiwi. “This little room? This is two thousand? Jeez! Mas malaki pa ang restroom ko sa mansyon.”


“Ano ‘yon, miss?”


Nilingon niya ito. “Nothing.”


Pinasadahan siya nito ng tingin. “Mukha kang mayaman, miss. Bakit ka mangungupahan dito? Pinalayas ka ba sa inyo?”


“No. I’m just testing myself if I can live with this kind of place.”


“Miss, pwede bang mag-tagalog ka na lang? Malapit na kong ma-nosebleed sa’yo.”


“Okay.”


O, ano, kukunin mo ba?”


“Hmm...one month advance, ONE MONTH deposit.”


“Two months deposit, miss.”


“One month.”


“Two months.”


“I’m not taking it. Maghahanap na lang ako ng iba.” Na mas maganda pa dito. Sana lang magkasya ang pera niya. Akmang lalabas siya ng pigilan siya nito. She smiled. Drama lang niya yung kanina. Alam naman niyang pagbibigyan siya nito. No one can say NO to her.


“Okay. Pero sa isang linggo, kailangan mo ng ibigay ang isa pang one month deposit mo. Yun ang patakaran dito.”


Freaking rules! She rolled her eyes. “Okay.” Tamang-tama, makukuha na niya ang sahod niya sa isang linggo.


“May mga patakaran tayo dito sa apartment. Una, hanggang alas-diyes ang curfew dito. Pangalawa...” Madami pang sinabi ang landlady. Tango lang siya ng tango, pero wala namang pumapasok sa utak niya. Pasok lang sa tenga, labas naman sa kabila. SHE HATED RULES. At ayaw niya ng inuutusan siya. “Naiintindihan mo ba?”


Tumango lang siya kahit wala naman talaga siyang naintindihan. “Ahm, is there someone who could make linis this room? There’s so many dust kasi. I mean, ang daming alikabok.” Ayaw nito ng english kaya magtataglish na lang siya.


“Magdadala ako ng walis, ikaw na ang maglinis.”


What? Siya? Maglilinis? Mauuna pang magunaw ang mundo bago siya humawak ng walis at dustpan. “May allergy ako sa alikabok.” Pero wala naman talaga. “Kung ako ang maglilinis nito, siguradong gagastos pa kayo para dalhin ako sa hospital kapag inatake ako ng allergy ko.”


Napakamot ng ulo ang landlady. “Okay. Uutusan ko ang anak ko para maglinis dito.” Umalis na ito habang napapailing.


Kumuha naman siya ng malinis na damit sa loob ng maleta niya at nilatag sa kama. Pero ng umupo siya, napangiwi na naman siya. Ang tigas ng kutson! Inilibot niya ang tingin sa maliit na kwarto. She rolled her eyes. “How can I sleep in this room? Nakakainis!” Nakuyom niya ang kamao niya. “Hindi dapat nangyari sakin ’to! How could you, Dad! I hate you! You’re always telling me that I’m your princess. But why? How could you do this to me?!”


Hindi niya mapigilang alalahanin ang nangyari kung bakit ang buhay prinsesa niya dati ay naging buhay daga ngayon.


THREE WEEKS AGO...


Party all night.


Bar hopping.


Out-of-towns.


Out-of-the countries.


Shopping to the max.


Signature clothes, bags and shoes.


Jewelries.


Latest gadgets.


Her red Ferrari car.


Her very own condo unit and a town house.


Iyon ang buhay niya. Iyon ang kinamulatan niya. Ang pagiging buhay prinsesa.


Everybody called her spoiled brat. Sunod sa luho. Nakukuha ang lahat ng gusto. Tama naman sila. Because at the age of TWENTY SIX, never pa niyang naranasan ang magtrabaho para makuha ang gusto niya. Mabili ang ganito. Mabili ang ganyan. Bakit pa kung mayaman naman sila? Kung nakukuha naman niya ang gusto niya ng walang kahirap-hirap, bakit pa siya magpapakahirap magtrabaho?


Hanggang sa dumating ang PINAKASUSUMPA niyang araw.


“Is this a joke, Dad?” hindi makapaniwalang tanong niya sa daddy niya habang nakatingin sa pink niyang maleta sa sala. Umaga no’n at kakauwi lang niya from a party last night.


“No.” seryosong sabi nito habang nakatingin sa portrait ng namayapa niyang ina.


“Dad!” Pinadyak niya ang mga paa niya.


“Remember what I told you after you graduated in college?”


“No, Dad.”


“A few months before your twenty seventh birthday, hindi ka na titira dito sa mansyon.”


“I didn’t remember any single thing about that.” Wala talaga siyang matandaan.


“Then this will help you to remember.” May inabot ito sa kaniyang papel. Nagtatakang binasa niya ang nakasulat do’n habang nagsasalita ang daddy niya. “Nakasaad dyan na aalis ka ng mansion three months before your birthday.”


“This is fake.”


“You have your signature there.”


Nakita nga niya. But no! She doesn’t even remember when did she signed this freaking paper!


Hindi na niya tinapos ang pagbabasa dahil pinunit na niya ‘yon at pinagtatapakan. Napailing na lang ang daddy niya sa ginawa niya.


“You’re already twenty six, Zelinn. Turning twenty seven. Paano ko maipapamana sa’yo ang company natin kung para ka pa ring teenager kung umakto hanggang ngayon? You should know your responsibilities.”


“I know what are my responsibilities, Dad.”


“Hindi mo alam.”


“Daddy, please.”


“No, Zelinn. This is the right time para tumayo ka na sa sarili mong mga paa. You have to live by your own from now on.”


“I can’t, Dad.”


“You can. At hindi ka pwedeng humingi ng tulong sa mga kaibigan mo dahil malalaman ko din ‘yon. And by the way, I already disconnected your ATM account. You can’t even use your condo unit from now on. Wala kang ibang pwedeng dalhin maliban sa laman ng maleta na ‘yan. Which is your clothes, of course. Kasama ‘yon sa nakasulat sa papel na pinunit mo.”


Kinuyom niya ang kamao niya. Hindi niya matanggap ang lahat ng sinabi ng daddy niya. HINDI!!! “Pinapalayas mo na ba ko, Dad? And you’re just using this freaking paper…” Tinapakan niya ang papel na pinunit niya. “...para palayasin ako? Nagsasawa ka na ba sakin? I’m your only daughter and I thought I am your princess? You can’t do this!”


“You’re still my princess. But still, I want you to learn the true meaning of life.”


True meaning of life? Duh!


“You have other option.”


“What is it?”


“You have to marry the man I chose for you.”


“NO!!!” This past few days, lagi nitong sinisingit na may napili na daw itong lalaki para pakasalan niya. Dedma lang siya. Ayaw pa niyang magpakasal!
Kung susundin niya ang gusto ng daddy niyang magpakasal siya, mawawalan siya ng freedom sa buhay. Hindi niya kaya ‘yon. Mas gugustuhin pa niyang umalis sa mansyon nila kesa ang magpakasal sa kung sino mang Poncio Pilato na ‘yon!


Kinuha niya ang maleta niya at nagmartsa palabas ng mansion nila.


“You car keys, Zelinn.”


Inis na hinagis niya sa sahig ang susi ng kotse niya bago lumabas ng bahay. Ipapakita niya sa daddy niya na kaya niyang mabuhay mag-isa. For sure, ito ang hindi tatagal sa kanilang dalawa. Alam niyang hindi siya nito matitiis. Alam niya.


Una niyang problema ang pera. Wala siyang malaking cash para mag-check in sa hotel. Five thousand lang ang pera sa wallet niya.


Lumapit siya sa pinsan niyang si Hiro. Mangungutang muna siya dito. Pero pinagsabihan daw ito ng daddy niya na wag daw siyang tulungan pagdating sa pera kung hindi niya paghihirapan. Ang bilis talaga kumilos ng daddy niya. Nag suggest ang pinsan niya na magtrabaho na lang daw siya sa Shahiro, ang restaurant na pagmamay-ari nito. Magtrabaho bilang waitress! My God! Siya, magwe-waitress! Pagsisilbihan ang ibang tao!


But she have no choice. Kailangan niya talaga ng pera.


Wala siyang problema sa titirhan niya. Pwede siyang maki-sleep over sa mga kabigan niya. At halos tatlong linggo ang lumipas na palipat-lipat siya sa bahay ng mga kabigan niya. Two to three days lang ang tinatagal niya sa bawat bahay dahil itago man ng mga kaibigan niya na nakikitulog siya, nalalaman pa din ng mga parents ng mga ito.


At si Jamie ang pinakahuling kaibigan niyang pinuntahan niya.


At ngayon, wala na siyang pwedeng puntahan. Kaya napilitan siyang mangupahan sa bulok na apartment na ‘to. Tama din ang desisyon niyang magtrabaho sa Shahiro dahil kakailanganin niya ng pera. At ngayon ang araw na ‘yon. Ngayon ang araw na magsisimula ang paghihirap niya! Sa Shahiro pa nga lang, hirap na siya. Ang pagtira pa kaya dito sa bulok na apartment na ‘to? Kakayanin kaya niya?


At ang nakakainis pa sa lahat, natiis siya ng daddy niyang maging NPA as in no permanent address.


Ang tanging kayamanan lang niyang masasabi ngayon ay ang cellphone niya, ang wala pang ten thousand na pera niya sa wallet niya, ang shoulder bag na bigay sa kaniya ni Jamie, ang mga damit niya, ang maleta niya! Wala na siyang alahas sa katawan dahil nabenta na niya ‘yon, except the necklace she’s wearing now na gift sa kaniya ng mama niya nung debu niya.


“Nakakainis!”


“Excuse me po.”


Napalingon siya sa pintuan ng maliit na kwarto niya. Isang teenager na babae ang nakita niya. “Why?”


“Lilinisin ko lang po yung kwarto ninyo.” nakangiting sabi nito.


Tumayo siya at kinuha ang maleta niya. “Okay. I’ll be back. Kakain lang ako sa labas. Make sure na malinis ‘to pagdating ko, okay.”


“Sige po, ate.”


“Don’t call me ate.”


“Bakit po?”


“I don’t like it when someone’s calling me ATE.”


Ano pong itatawag ko sa inyo?”


“Zelinn.”


“Parang ang gara naman po.”


“From now on, you will call me Zelinn. Is that clear?”


Nginitian siya nito. “Sige po, Ate.”


She rolled her eyes. “You’re so kulit!” Tinalikuran na niya ito. Hindi na naman niya mapigilang mapangiwi ng lumabas siya ng kwarto. Tatagal ba talaga ako dito? Jeez!

= = =


6 comments:

  1. wow new story!!! ganado magsulat!!! >___<

    ReplyDelete
  2. Oo nga sis! :))) Ikaw?Mustasa na?

    ReplyDelete
    Replies
    1. medyo okay na... nakamove-on na sa mga nawalang files ko... at nakakapagsulat na ulit ako! pero tinatamad pa ring mag-post kaya naman tumatambay-tambay na lang muna ako dito para i-check ang mga posts niyo. hihihihihi!!!

      uy~ at yung this gay's inlove with you ha!!! pa-update na rin!!! ^______^

      Delete
    2. buti naman sis! ^____^ go go go lang! hintayin ko ang pagba2lik mo pati ng WT :)))))

      next week sis ako maguupdate ng THIS GAY... :)))) isip2 pa ko ng mga kalokohan ni regina, hahaha!

      Delete
  3. so mei story na nga ung dalawang pasaway sa shahiro.. nice..

    ReplyDelete
  4. aNg cuTe ng stOry ni zELinn,,, uNg prAng nAgbbsA aq ng mAngA,,,, hwAheHe,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^