Friday, March 29, 2013

My Sleepless Night =_= [RANDOM]

Hannah/Zare's Note : Mga madlang people, share ko lang experience ko kagabi ay kahapon pala ay hindi kaninang madaling-araw pala. XD

=O=O=O=O=O=O=O=O=O=O=O=O=O=O=O=O=O=O=O=O=O=O=O=O=

Bandang 11-12:00

"Hoy Hannah!!!! Patayin mo nalang ang ilaw sa kusina tsaka nung electricfan pag tapos  ka na jan sa pagsusulat mo ng story!!!" sigaw ng mama ko sa akin. Hindi, ganyan talag siya magsalita, Kailangang sumigaw =_=

"Wa. (Oo ang ibig sabihin nyan. Kapampangan yan pero di ako Kapampangan. Lumaki lang ako dito sa Pampanga.)" nasabi ko nalang..

Nang natapos na ako sa pagsulat ng story, ginawa ko na ang inutos sa akin ni Mama. Nahiga narin ako at nagmuni-muuni at pinilit kong matulog.

Bandang 4:35

Nagising ako dahil.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.....Ewan =^=

Tanong nyo mata ko kung bakit dumilat... Sarap ng tulog ko tapos didilat siya? Ok, para na akong baliw dito.

Hindi ako makatulog kaagad  kaya tumayo muna ako at naglakad lakad sa kusina pero bumalik din ako sa pagkakahiga ko.. Nandito rin ang pinsan, sister-in-law at pamangkin ko. Bali ganto ang puwesto namin dahil sa sala lang kami natulog: 

s o f a s o f a s o f a s o f a s o
o          MAMA KO         f
f                                 a
a s o f a s o f a s o f a s o f a s

P   SISTER IN LAW KO

N
S   PAMANGKIN KO
A
N

K   AKO
O

s o f a s o f a s o f a s o f a s o 
o        PINSAN KO         f
f                                 a
a s o f a s o f a s o f a s o f a s

Yan ang puwesto namin.. Ng humiga na ako, nabigla ako kasi sinipa ako ng pinsan ko sa ulo dahil kaharap ko lang ang paa nya. Sinanday nya pa nga ito sa akin kaya ang ginawa ko pinalo ko ito. =_=






Naingayan naman ako ng tumunog ang sofa na hinihigaan ng isa ko pang pinsan dahil sa pag-galaw nito. Kada minuto ang likot likot nyang matulog at paiba-iba sya ng pwesto kaya naririndi ako sa pagtunog ng sofa at dahil katabi ko lang ito, hindi na ako nakatulog.






Maya-maya, narinig kong umungol ang pamangkin ko, at hinahanap nya ang gatas nya. Psh, 5 years old na sya pero nag ga-gatas pa siya =_= Inalalayan naman sya ng sister-in-law ko at kinuha pa ang isang unan kong niyayakap at binigay nya ito sa kanya. Lalo akong di makatulog dahil ayaw ko ng walang kayakap... >:(






"Bakit umiiyak si AJ?" tanong ni mama kaya ate ann. Si AJ o Aaliyah Jade ang pamangkin ko at si Ate Ann ang sister-in-law ko.

"Hinahanap ang gatas." sabi nya at nung makita na ang gatas nito at binigay naman ito na siyang ikinatahimik ni AJ.





Tumahimik na rin at since di na ako makatulog, kinuha ko ang cp ko at tinignan ko kung anong mayroon sa fb ko. Tinignan ko rin ang site ni ate Aegyo at naghihintay kung sino ang may update..




Buugggshhh..

Nabigla naman ako sa kumalabog. Napatingin ako kay Jaja, na hindi pa rin tinitigilan ang pagsipa sa akin at kay Nono na patuloy parin sa paglikot. =_=

Tumingin ako kay AJ na natutulog pero umuungol parin at si Ate Ann na nakayakap kay AJ.


Napatingin ako kay Mama na gumagalaw. Siya pala...






Tatapusin ko na dito ah?  Mahaba pa kasi iyon kaya to make the story short nung nag 6:00 na nagising na sila at ako puyat na puyat dahil mahigit 3 oras lang ang tulog ko.


Kinuwento ko sa kanila mga pinaggagawa nila at tinawanan lang nila ako. Sabi naman ni Jaja, nananaginip daw siya na magja-jogging siya.


Ayan lang =_=

1 comment:

  1. gravy lang ang experience nato!! sakit nga ng leeg ko dahil sa sipa ni Jaja.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^