Tuesday, March 12, 2013

[Random Post] Confessions of a Broken-hearted


Broken-hearted? Ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan nito? Akala ko noon kapag sinabing broken-hearted ka...it’s either nabasted ng nililigawan...niloko ng taong mahal nila...o di kaya naman nagbreak sila ng Jowa niya...iyon naman talaga kadalasan ang dahilan diba? Pero ngayon...medyo nag-iba na ang definition ko...may nagdagdag...ngayon ko naisip na napakababaw lang pala ng mundong tinitignan ko...kasi pwede ka rin palang mabroken-hearted kapag nawalan ka ng taong mahalaga sayo...at hindi lang ng “Lover” o “Crush”.


Mas masakit palang mawalan ng kaibigan kesa ng boyfriend. Iba yung impact ng sakit. Tipong tagos hanggang buto. Hndi ganun kabig deal para sakin ang iwanan ng boyfriend o magbreak... tipong ilang araw, linggo at buwan lang okay na ako.. nakapag move on na ako... pero yung sakit na mawalan ng kaibigan...iba pala... ang hirap magmove on.

Dalawang tao lang ang masasabi kong bestfriend ko sa buong buhay ko...isang babae... isang lalaki. Yung girl bestfriend ko since highschool...magkapit-bahay lang kasi kami...ilang tumbling lang nasa kanila na ako...ganun din siya sakin... nung tumuntong kami ng college medyo hindi na kami nagkakasama.. although we still belong in a same circle of friends magkaiba na kami ng taong madalas na kasama sa mga lakad... nagkaroon siya ng bagong “bestfriend”.. ganun din naman ako.. to the point na mas open siya dun sa bago niyang bestfriend kesa sakin.. okay lang yun...tanggap ko naman kung ayaw nyang mag-open sakin...basta ako.. honest ako sa kanya at siya pa din ang bestfriend ko.... after we graduated from college medyo nagkalabuan sila nung new bestfriend niya...at napalapit siya ulit sakin.. kami na ulit yung laging magkasama..kasi ako.. nandito lang naman ako lagi for her.. hindi ko siya iniwan kahit kelan.. hinintay ko lang siyang bumalik... until dumating yung time na nawala na naman siya sa buhay ko.. nagkaroon siya ng ibang priority...mas naging priority na niya ang boyfriend niya kesa saming mga kaibigan niya..wala naman akong magawa kasi mahal niya yun.. at yun ang pinili niya... pero nangako naman siya sakin na kapag kailangan ko siya darating siya... yun ang pinanghawakan ko...pero hindi na nangyare yun.. tuluyan na niya akong iniwan para sa boyfriend niya.

Yung boy bestfriend ko naman hindi kasing tagal ng pagkakakilala namin ni Girl BFF ang tagal na nagkasama at nagkakilala kami... pero yung intensity ng pagkakaibigan namin.. sobrang tindi...yung tipong tinalo pa ang pinakamatagal na samahan...after i broke up with my boyfriend.. siya ang lagi kong kasama.. siya ang umalalay sakin.. nagpasaya.. nagbigay comfort...sa kanya ko ibinuhos lahat ng atensyon ko.. oras.. pagmamahal... kasi sa kanya palang kuntento na ako...hindi ko na hinangad na magkaroon ng bagong boyfriend kasi kuntento na ako na siya ang kasama ko.... being with him makes me happy... yun na siguro ang pinakamasayang pangyayare sa buhay ko...kasi bata palang ako pangarap ko na ang magkaroon ng boy bestfriend... at siya ang naging tugon sa pangarap ko na yun...binigay ko sa kanya lahat-lahat.. hanggang sa wala na akong itira para sa sarili ko... ganun siya kahalaga sakin.. kasi siya na lang ang meron ako... siya nalang ang nasa tabi ko.... ang dami kong naging papel sa buhay niya... kaibigan, clown, alalay, nanay, ate, kasama sa lahat, at minsan kaaway... tinalo ko pa ang isang girlfriend sa dami ng papel ko..ganun siya kahalaga sakin...ganun ko minahal ang bestfriend ko... kahit na minsan binabalewala niya lang lahat ng effort ko...okay lang sakin.. basta ako.. nandito lang ako lagi para sa kanya...dumating pa nga ako sa point na ayokong mag-asawa hanggat hindi siya nauunang mag-asawa.. kasi ayoko siyang iwanan eh...gusto ko lagi lang ako sa tabi niya...pero siya din ang nagtulak sakin palayo... sabi niya sakin... hindi niya kayang ibigay sakin ang pagmamahal na kayang ibigay ng magiging boyfriend ko...kaya naman sinubukan ko ulit buksan ang puso ko para magmahal ng iba...hindi ko alam kung anong nangyare samin...unti-unti ko ng nararamdaman na lumalayo na siya... ano bang naging pagkukulang ko? Ginawa ko naman ang lahat...sobra sobra pa...i tried to stay away...sinubukan kong magkaroon ng ibang kaibigan at kasama...pero deep inside siya pa rin ang hinihintay ko.. siya pa rin ang hinahanap ko..everytime i tried to talk to him lagi niyang sinasabi na busy siya...na next time nalang nalang... okay lang.. nainitindihan ko naman.. wala naman akong magagawa eh.. ayokong magalit... nakakasama nga lang ng loob kapag sasabihin niya saking busy siya.. pero sa ibang bagay may panahon siya.. katwiran niya.. nandito lang naman ako lagi everytime na kailanganin niya ako...madali akong puntahan...at balikan...hanggang sa dumating yung time na nagkaboyfriend na ulit ako... mahal ko yung boyfriend ko.. pero may  bahagi ng pagkatao ko ang kulang... yung lugar na inookupahan ng bestfriend ko....pinaalam ko sa bestfriend ko na may boyfriend na ako..sabi niya he’s happy for me... pero mas lalong lumaki yung gap namin... mas dumoble yung time na hindi ko na siya nakakausap.. di na siya halos nagtetext sakin...di ko na siya nakakasama...sabi nila kapag nawala ka daw sa isang tao marerealized niya kung ano yung halaga mo.. so again i tried to stay away.. hindi na din ako nagtetext sakin tulad ng dati na kahit hindi niya ako replyan patuloy pa rin ako sa pagtetext.. kahit na pakiramdam ko pinagpipilitan ko nalang ang sarili ko.. ayoko kasing mawala sakin yung bestfriend ko eh... pero ang sakit palang malaman... na during those times na wala ka sa buhay niya... may ibang taong umuokupa... may ibang tao na siyang laging katext.. laging kausap.. madalas kasama...ang sakit... yung impact ng sakit sobrang lakas.... tipong intensity 10 at signal number 4... yung pakiramdam na yung puso ko nawasak bigla....may umagaw na sa bestfriend ko.. “inagaw niya sakin ang bestfriend ko”.. yung ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko...gusto kong magalit... gusto kong magtampo... pero wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak.... kasi kahit kelan hindi ko kayang magalit sa kanya...kahit ang sakit-sakit na... nawalan na ako ng papel sa buhay ng bestfriend ko.. yung mga bagay na dati ako ang gumagawa.. iba na ngayon ang gumagawa...kahit na sabihin niya sakin na bestfriend niya pa din naman ako...alam ko...na hindi na ganun...hindi na ako yun...may iba na...

Alam ko i’m just being paranoid.. pero sobrang sakit... sobrang sakit mawalan ng kaibigan...yung dalawang taong mahalaga sa buhay ko parehong nawala sakin...ano bang mali ko? Ginawa ko naman ang lahat.. sobra pa... minahal ko sila higit sa sarili ko.... pero iniwan pa rin nila ako.... wala akong ibang choice kundi sabihin sa ibang tao at sa kanila na “OKAY LANG AKO”...kasi wala akong magawa eh...wala...hindi ko na alam kung ano pa ba ang kulang... kung anong pagmamahal ba ang dapat kong ibigay sa kanila para wag nila akong iwan...kasi naibigay ko na lahat eh...wala ng natira.
Aaminin ko takot ako... takot akong mag-isa.. takot akong maiwanan... kasi eversince na bata ako naramdaman ko ng nag-iisa ako.. malayo sa sarili kong pamilya.. walang matatawag na kaibigan nung bata pa ako... trinaydor ng mga taong tinuring kong kaibigan.. until i found those two.. kaya hindi nakakapagtaka na pahalagahan ko sila ng sobra.. they are like my treasures...na ninakaw lang sakin ng ibang tao...okay lang sana kung lumayo sila pero ramdam ko na nandyan pa rin sila... kaso hindi...iniwan na nila ako..magkaiba man ang dahilan nila...kahit na sinasabi nilang walang nagbabago.. I’m still they’re bestfriend.. alam ko na meron...merong nagbago.

Sorry kung parang ang selfish ko...sorry kung parang inaangkin ko kayo... hindi naman eh...pero sana wag niyong iparamdam sakin na binabalewala niyo na ako... na hindi na ako mahalaga sa buhay niyo.. na may kapalit na ako.. kasi ang sakit.. kasi hanggang ngayon umaasa pa din ako.. umaasa ako na babalik kayo...na magiging okay ang lahat... kahit na alam ko na niloloko ko lang ang sarili ko... Move on??? Parang ang dali pakinggan diba? Pero kung ganun kadali yun sana hindi ako nagpapaka EMO ngayon...sana wala itong write-up na ito...at sana.. nagagawa kong ngumiti at tumawa na parang walang nangyare... sana bumukas ang lupa at lamunin na lang niya ako ng buo...

Ang EMO ko na naman ngayon...pero kasi ang sakit eh.. ang sakit sakit.. hindi ko alam kung naiintindihan niyo ako.... lahat ng bagay sakin apektado.. hindi ako makapagfocus sa trabaho kasi wala akong ibang gustong gawin kundi ang umiyak...yung pagsusulat ko ng story na ginagawa ko natigil na naman kasi natutulala lang ako sa harap ng monitor ng laptop ko.. wala.. aning na naman ang utak ko.. butas na naman.. parang nakaprogram lang sa kanya na “Umiyak ka” “magpakaemo ka”...sana dumating yung time na kaya ko na ulit ngumiti at sabihing “OKAY LANG AKO” kasi aaminin ko... ngayon hindi ako okay...kasi sobrang sakit na... hindi ko na talaga kaya.

-shinayawaara.

5 comments:

  1. Awhh.. i feel sorry for you ate.. nandito naman kami eh,kahit online world lang.. hehe.. mei message ako sayo ate.. pm ko lang..

    ReplyDelete
  2. Nakakarelate ako ng sobra.. Nafefeel kita Ate... Ang sakit lang

    ReplyDelete
  3. Thank you guys.. alam ko namang you're still there for me.. kaya nga ang online world ang comfort zone ko eh.. kasi naeexpress ko ang sarili ko dito and alam ko na nanjan lang kayo...

    nakakabadtrip lang kasi mukhang di ko mabeat yung target ko.. as of now nakaka two stories palang ako.. after kasi nung nangyare nablangko na ang utak ko..ultimo trabaho ko nga di ko magawa ng maayos eh.. haizt! sana bumalik na ako sa dating ako...awang-awa na sakin mga tao sa paligid ko eh...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya po natin ito Ate!! Maibabalik din natin ung dating tayo!! May plano si God para sa atin. Maybe nangyayari itong mga bagay na ito dahil may gusto siyang ipakita sa atin , yung mga bagay na hindi natin napapnsin dahuil masyado tayong napokus sa ibang bagay!


      Aja! Kaya natin ito!

      Delete
  4. ((You are right))

    ((Heart-breaking din ang mawalan ng kaibigan))

    ((I almost got my eyes filled with tears))

    ((Naka-relate ako ng sobra))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^