Saturday, March 16, 2013

A Messy Lovelife: Chapter 10




Nicole's POV

Haaaaaay! Good morning madlang people!!! I'm such a cheerful right now, and I don't know why! LOL. Eh kasi, pumunta kami ni Kenneth sa beach kahapon, and it was soooo fun! kaya hanggang ngayon, masaya pa rin ako! HIHIHI!

Agad akong bumangon at nagluto ng pagkain. Ano kaya ang kakainin ko ngayong breakfast? AHA! Fried eggs with fried rice na may kasamang ketchup, yumyum!!! 

*Humming*

"Lalalalala~ ~ ~ Hmmm, mmm, mm ~ ~ ~"

"Kakaiba ka ngayong araw na 'to ah!" at napatingin ako sa nanay ko na kasalukuyang naglilinis sa kusina. Nginitian ko nalang siya. "Eh kasi naman po, happy ako ngayong araw na 'to!" 

"Aaaah, anak...kapag masaya ka ngayon, asahan mo nang may mangyayare na hindi maganda, kaya parati kang dapat handa. Payo ko lang sa iyo yun sa 45 taon kong experience." advice ni nanay. "Opo."

Thanks for the advice....

Ano kayang mangyayare na hindi maganda ngayon????

Pagkatapos kong kumain at maligo ay pumunta na ako sa school. It's been bugging me all the time...anong mangyayare ngayong araw na 'to na hindi maganda? Haaayyy! nawala tuloy ako sa good mood. Kinabahan tuloy ako. >.<

"Itutuloy natin?"

"Oo" at unti unting may nabubuo na isang ngiti sa kanyang mukha.

"Kahit, masaktan ka ng mga ilang beses?" tanong niya ulit "Oo." sagot ko sakanya ulit.

Wait!!! 

"Kahit, masaktan ka ng mga ilang beses?"

Anung masaktan ako ng mga ilang beses??? I know, masasaktan ako dahil mawawala na ang pagkakaibigan namin ni Sam, pero...meron pa bang mga ibang bagay na mangyayare kapag itutuloy namin ang plano namin ni Tyrone? Haaayyyy! dapat pinag-isipan ko kahapon eh! kaya ayun tuloy, hayyy!!! bahala na si Batman kung anong mangyayare saakin. Ang importante ay dapat mawala si Tyrone sa puso ni Sam. Ugh! ang korne.

"Hoy!"

"Huh?" napatingin ako sa taong tumawag saakin. "Page, yowh!!!"

"Yooooow...." mahina niyang pagbati saakin. "Oy, ang tamlay mo ngayon ah! meron bang nagyayare na hindi maganda sa'yo ngayon?" tanong ko sakanya.


"Ugh! kakainiiiiiiiiiis! araw-araw nang nasisira ang araw ko simula nang mameet ko ang gag*ng lalakeng yun!!!" sabay sipa niya sa can ng soda. "Bakit? ano namang ginawa sa'yo ng lalakeng tinutukoy mo?" at nagsimula kaming maglakad papunta sa school. As you can see, paminsan minsan hinahatid niya ako sa school kapag wala siyang magawa at kapag gusto niyang makipag-usap saakin.

"Haaiist! araw araw niya akong iniinsulto! haiiist! kakairita!!! araw araw niya akong tinatawag na flat, pandak, panget, abnormal, malaki ang butas ng ilong, highblood, basagulera, bobo, hindi malakas etc...etc.....UUGGGGH! kakainiiiiis!!!"

"Pero, totoo naman yun lahat ah."

"Ay! nagsasalita ang hindi flat." sabay tingin sa chest ko. "Hoy! wag ka manyak!" at tinakpan ko ang dibdib ko gamit ang mga kamay ko. "Atleast hindi ako pandak."

"Che! tatangkad rin ako balang araw."

"17 ka na ngayon, you only have 1 year left."


"Ugh! stupid puberty!!!"


"Bleh!!! :P" at dinilaan ko siya. "Oh, nakarating na tayo sa school, babayoo! good luck nalang sa'yo kay...ewan." at tumakbo na ako papasok sa school at nagsimula na rin siyang maglakad pabalik sa bahay nila para matulog. Yun lang naman ang ginagawa niya aside sa pakikipagsabunutan sa mga babae sa paligid ligid.

Isang step ko lang sa gate ay bigla nalang ako pinalibutan ng mga babae at lahat sila mukhang nagagalit. "Oh! ano'ng kelangan niyo sakin?" tanong ko sakanila.

"NIIIIICOOOOOOLEEEEE!!!!!" tawag saakin ng isa sa mga babae. At mas linapitan nila ako. "Anong ginamit mo na magic spell kay Tyrone at naging boyfriend mo siya???????????" at pinalibutan ang buong paligid ng dark aura. "Huh?" kelan nila nalaman???

"Paano niyo nalaman?" tanong ko sakanila. "Ede sa facebook!!!" at pinakita saakin ng isa sa mga babae ang kanyang Ipad. "Ohhh! yan pala ang facebook."

"Just! focus on the post of Tyrone!!!" at pinalapit nila ang Ipad sa mukha ko yung 1 inch lang ang pagitan. "Aray! mata ko!" ilalayo ko sana ang mukha ko sa Ipad pero bigla nalang may humigit sa buhok ko at yun, hindi ko magalaw ulo ko.


"Can't you see it?!!!"

"Na may facebook ang ulol na 'yun? Oo, ayun oh! may facebook siya." sabay turo ko sa picture niya. "May facebook pala siyaa..."

"UGH! BASAHIN MO KUNG ANONG PINOST NIYAAAA!!!!" at sinabunutan niya ang buhok ko. "Aray!! buhok ko!!! Oo na, oo na! babasahin ko naaaa..." at binasa ko ang pinost ni Tyrone.


"Gilfriend ko na si Nicole Liam Dalla. Kung may angal kayo...well, I don't care!" Huh??? excited much? tss! agad agad naman niyang inannounce na girlfriend na niya ako, hindi tuloy ako nakapaghanda.

"Aaaah..."

"HOY! OF ALL GIRLS...IKAW PA! IKAW PANG PANGET AT MAHIRAP NA BABAE! EWW! GINAYUMA MO SIYA NO?!!!"


"Hindi ko siya ginayuma! sadyang mas maganda ako keysa sa inyong lahat!!!" at sinampal ako ng isa sa mga babae. "Feeler mo! hoy! mga model kaya kami."

"Mga model ng clown."


"Hoy!"

"Haiist! wateber! bitawan niyo nga ako." at sinipa ko sa tuhod ang babaeng nakahawak sa buhok ko. "Aray!!" tas nabitawan niya ang pagkakahawak niya sa buhok ko.


Tumayo ako ng mabuti at inayos ko ang uniform ko at tiningnan ko sila. "Oo, girlfriend na ako ni Tyrone. May angal kayo? kung meron man...wala kayong magagawa!!! kung ibubully niyo ako, well...Hindi ako maggigive up, I will still be Tyrone's girlfriend!!!" Ugh! gusto kong lamunin lahat ng sinabi ko. Gusto kong sabihin sakanila na "Joke lang!!! nahack lang ang account niya." pero kelangan ko 'tong gawin para kay Sam.

*clap* *clap* *clap*

At napatingin kaming lahat sa pumapalakpak. "Tyrone."

"Everybody, let's clap for my girlfriend!!!" pagpapalakpak ni Tyrone habang naglalakad papunta saamin. "I'm so proud of you, babe."


"BABE?!"


"What? it's our endearment to each other." at nagsmirk siya. Tss! babe??!!! ang sagwa! ang cliche! ang pangeeet! baboy ba ako? hindi naman ah! agad akoong tumakbo sakanya at hinatak ko ang kamay niya at kinaladkad ko siya papunta sa likod ng building. "Pag-uusapan natin yang endearment chuchus na 'yan." bulong ko sakanya habang kinakaladkad ko siya.


Pero bago kami pumunta sa likod ng building ay may sinabi ako sa mga fangirls niya. "BLEH! :p" Oo, ang childish ko ngayon. Para akong bata na dinilaan sila kasi nakuha ko ang lollipop na gusto nila. Tinawanan nalang ako ni Tyrone kaya inirapan ko siya at nagsimula na kaming maglakad.

Likod ng building...

Binitawan ko ang kamay niya at binigyan ko siya ng isang masamang tingin. "Ugh! babe?" nginitian niya nalang ako. "Yep! babe. Ang gandang pakingan diba?"

"Maganda? hahaha! baboy ba ako? kakasuka pakingan." I said while giving him a disgusted look. "Palitan mo nga!" at nagbrainstorm kaming dalawa kung anong dapat na maging endearment namin sa isa't isa.


"Baby?"

"Ano ako? sanggol?"


"Darling?"


"Mag-asawa ba tayo? advance masyado!"


"Sweetheart?"


"Eww?"


"Hmmm...love?"


"NOPE!"


At nag-give up na kami sa kakaisip ng mga endearment. Ugh! para talaga kaming magsyota. Why do we even have to think an endearment to each other? ano bang silbi ng mga endearment? I know, I know para ipakita sa lahat na magsyota kami and it's an expression of love. Pero, action speaks louder than words diba?


You don't need to give a nickname to your girlfriend/boyfriend. As long as you can show him/her how much you love him/her, then that's enough to prove to everyone that you love him/her.

Nagiging korne na ako sa mga sinasabi ko sa sarili ko. Inayos ko nalang ang uniform ko at ang pagkakahawak ko sa bag ko at tinawag ko si Tyrone. "Oy!"

"Bakit?"


"Tawagin nalang natin ang isa't isa sa mga pangalan natin."


"What about the..." hindi ko na siya pinatapos magsalita. "Ugh! babe, baby, sweetheart chuchus. Pwede naman natin ipakita sa iba na magsyota tayo through actions diba?"


"Sinasabi mo ba na magPDA tayo?" at nagsmirk siya. PDA?!!! agad agad na namula ang mga pisngi ko. Ewww! "Hi...hin.." at hindi niya ako pinatapos magsalita.


"Okay, yun naman pala ang gusto mo eh. Oh, pumasok ka na sa classroom mo baka malate ka pa." tumayo na rin siya at nagsimula nang maglakad sa kabilang side. "Prepare for later." sambit niya bago siya nawala sa paningin ko.

HUH? anong mangyayare mamaya? I just shrugged my shoulders then walked to my classroom. Pagkapasok ko sa classroom ay agad kong nadatnan si Sam na masayang nakikipag-usap sa mga classmates namin.

Haaaaay, gusto kong pumunta sakanila at makihalubilo sakanila. Pero, ipagtatabuyan nila ako dahil girlfriend na ako ni Tyrone dahil sa hindi ko siya deserve. Napatingin sila saakin. Lahat masasama ang tingin saakin including HER. I gave her a sad smile pero inirapan niya ako.

Umupo nalang ako at nagbasa ng libro. Wala naman akong makakausap eh. Nagsimula na ang classes. Lahat ay nagsiupuan at pumasok na rin ang teacher at nagturo.

LATER...
RECESS...

Lahat kami pumunta sa canteen. Gusto ko sanang kumain sa rooftop pero may nagsabi saakin kanina na sa canteen daw ako kakain. Baka, sinabi sakanya ni Tyrone. Haaay, ewan ko kung ano namang kalokohan ang gagawin niya sa canteen involving me. Ugh!

So, here I am. Nasa canteen, hinihintay ang ulol na 'yun. 

"Sorry, I'm late. Bumili pa ako ng makakain natin." at napatingin ako sakanya. "Kanina ka pa nandito?"

"Yeah."

"Whatever, diba bumili ka ng makakain natin? bakit isa lang ang binili mo?" tanong ko sakanya. "Para sweet!" sagot niya saakin na nakangiti. Tss! sigurado ako nag-eenjoy siya sa nangyayari saamin ngayon. Upakan ko siya dyan eh!

Umupo na kaming dalawa at lahat ng mga tao ay lahat saamin nakatingin. It's so uncomfortable! hindi ako makaconcentrate kumain. Parang every move ko sinusubaybayan eh! kaya, ayun nakaupo lang ako, hindi kumakain.

"Hindi ka kakain?"

"Huh? uhhh....uhhhh..."

"Gusto mo na subuan kita no? o sige!" at nagsmirk siya saakin. GRRRR! he's DEFINITELY enjoying this. "Hindi ako baby, kaya ko naman kainin yan mag-isa eh."

"Kahit na! mas sweet kapag sinusubuan natin ang isa't isa."

"Sinasabi mo ba saakin na susubuan rin kita?" at tumango siya na nakangiti. 'Pag wala nang mga tao dito, uupakan talaga kitaaaaaaa.....

"Say 'aaaahhh'" ugh! kakahiyaaaaa!!!!!!! "A...A...A...Ahhhhh....." at sinubuan niya ako. "Ang cute mo. Kaya nga kita mahal eh!" that face! I hate that face!!!!! halatang halata sa mukha niya na nag-eenjoy siya. Yan pala ah! yan pala ang sinasabi mo na dapat ko paghandaan. Grrr! is that all you've got?!! douchebag!

"Subuan mo rin akooo...aaaaahhh..." nakabukas ngayon ang bibig niya. Ang gandang suntukin. Tss! Sana mabulunan ka sa gagawin ko ngayon. Nagbuntong-hininga ako at agad ko siyang nginitian. "Nope."

"Eeeh, unfair!" at nagpacute siya saakin. Para siyang.....para siyang.....aso na wild na bigla nalang nagpacute. Ang pangeeeeeet! pero...cute lang ng kaunti.



"Si....sige na nga!" Linagyan ko ng malaking amount ng kanin at ulam ang spoon at sinubuan ko siya. Agad siyang nabulunan dahil sa malakas ang pagsubo ko sakanya kaya ayun! inuubo siya ngayon habang ako naman ay ngiting ngiti. "Oh my gosh, sorry!" at nag evil smile ako sakanya.

"You're so different......LOVE." at nag evil smile rin siya saakin. Tigas ng ulo ng kumag na'to. Sinabi ko sakanya na walang endearment eh! kainiiiiis! Magsasalita na sana ako pero bigla nalang may pumalo sa table, kaya agad kami napatingin sa pumalo.

Si Sam....

"Sa...Sam? Are you okay?" pag-aalalang tanong sakanya ng kasama niya. "I'm okay. Nawalan lang ako ng ganang kumain dahil sa nakikita ko ngayon." sagot niya habang nakatingin saamin ni Tyrone. Inirapan niya kaming dalawa at umalis sa canteen. Sinundan ko siya ng tingin and I can see it.....I can see the tears flowing down her cheeks. Ang sakit.

Tinapik nalang ni Tyrone ang aking balikat at nginitian niya nalang ako. "Let's eat, shall we?"

"O...okay."

Sam's POV...

Pain...

Jealousy...

Suffering...

Sadness...

Iyon ang ang nararamdaman ko ngayon. Ang sakit! Noong nasa canteen pa ako at nakikita ang dalawang taong yun. Hindi ko maiwasang...hindi ko maiwasang mainggit. It's because.............they look so good together.

Dahil doon, parang isinampal saakin ang katotohanan na hindi kami para sa isa't isa ni Tyrone. Na, hindi ako ang babaeng karapat dapat para sakanya.

Pumunta ako sa garden at doon ko inilabas ang lahat ng nararamdaman ko.

"Sam?" at napatingin ako sa taong tumawag saakin. "Ke...Kenneth." agad akong tumakbo papunta sakanya at niyakap siya. "Ang sakit!"

"Sa...Sam." at hinaplos niya ang buhok ko. Ang paghaplos niya sa buhok ko tuwing nalulungkot ako......nakakamiss. I missed him. Bakit hindi ko siya pinansin? bakit hindi ko pinansin ang taong nagmamahal saakin, ang taong handang saluhin ako? bakit?!!! 

Later...

"Sorry ah, nabasa ang uniform mo dahil saakin."

"Okay lang, mag-eevaporate naman ang water molecules eh." tinawanan ko nalang siya. "You're still a nerd." sabi ko na nakangiti.

"Good, ngumiti ka na."

Bumuntong hininga nalang ako at tiningnan nalang ang langit. It's so cloudy right now. "Nakakainggit."

"Hmm?"

"Sina Tyrone at Nicole, nakakainggit. Noong nasa canteen ako, nakita ko silang nagsusubuan ng pagkain. They look so good together. Nakakainggit."

"...."

"Hindi talaga ako para sakanya."

"Gusto kong magmove-on at magsimula ng bagong lovelife." at tiningnan ko siya. "I already decided."

"Na ano?"

"Na aalis na ako dito sa Pinas. I will continue my studies in France." at nagulat siya sa sinabi ko sakanya. "A..ano?! pwede namang sa ibang school ah."

"Kapag lilipat ako sa ibang school, may chance na magkikita kami. Eh sa France, imposible." sagot ko sakanya. "At saka, hindi ako makakamove on kung parati ko silang nakikita." dagdag ko pa. Nginitian niya nalang ako. "O sige, sana makamove on ka."

"Siyempre, ako pa. Pero, don't be sad! babalik naman ako dito kapag nabored ako sa France."

"Sa tingin ko, hindi ka na babalik dito. Hindi kasi boring sa France eh." at nagpout siya. "Hoy, ilang times na kaya akong nakapunta doon. Sigurado ako, mabobored ako doon."

"O sige, o sige! bumalik ka agad ah."

"Of course."

Sana....sana mawala na siya sa puso ko. Kapag nakamove on na ako. Itutugon ko nalang ang atensyon ko sa taong nagmamahal saakin, sa taong hindi ako sasaktan, sa taong handa akong saluhin kapag nahulog ko sakanya.

Si....Kenneth.






Author's Note:

Sorry kung hindi ko sinundan ang schedule. May exam kasi kami nung day na yun! Hontouni Gomenasai! at ginawa ko pa ang mga projects ko kasi y'know deadlines! ugh!

Anyways, check out my upcoming stories in my website.


Tell me what story should I start after I finished all my ongoing stories.


4 comments:

  1. ang cute ng pic dun sa pinaka-taas! share ko sa fanpage natin ha! gawin kong cover pic! ^____^

    ReplyDelete
  2. jabhudbskqodhfurbig!!! nkAkaKiLig Lng tLga c tyRonE,,, bKa b aNg LaKas niA mkPaMpakiLig,,, ndE p b kiniKiLig jAn aNg kaTukayO qNg c niCoLe hAh,,, ayiiiEee,,,

    ReplyDelete
  3. at sAm at kEnnEth, itULoy niO LNg yAn,,, prA tLga kAu s iSa't isA,,, wAg n kAung mAki-epAL kiNa tyrOne at niCkiss,,, oKay??? fiNe!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^