Friday, March 15, 2013

Feeling of a Graduated Student [RANDOM]

Feeling of a Graduated Student

Author's Note :  Lahat ng sinulat ko po diyan ay totoo. Totoo dahil buhay ko ang kinuwento ko dyaan. 
___________________________________________________________


 So ganito pala ang feeling na maging isang graduated student. Dalawang emosyon. 
 Masaya at malungkot. Masaya dahil graduate ka na sa isang school at mapupunta ka sa isa pang level ng pag-aaral o kung tatawagin mo ay sekondarya kung elementary graduate ka. Pwede ka ng makapagtrabaho kung tapos ka na sa college. 
 Malungkot dahil kung lilipat ka sa isang paaralan, hindi mo makikita ang mga kaibigan mo.


 Ako, si Hannah Jewel Anoos ay nakapag - graduate bilang isang studyante ng elementarya.  Nakakatuwang isipin na isa lamang akong hamak na bata. Kaunti pa lang ang mga kaaalam. Pero habang sa pag-laki natin, mas lalong lumalawak ang ating kaalaman.



 Masaya ako ngayon dahil makakarating na ako sa bagong level ng pag-aaral. Lalong lalawak ang kaalaman ko, lalong gagana ang talento ko at lalong rarami ang kaibigan ko.



 Nakakalungkot dahil isa ako sa star section ng paaralan namin ngunit wala akong nakuhang medal man lang. Simula pa ng pre- elem ako, naka third honor ako. Ngunit mayroon akong ka tie kaya siya nalang ang pinakuha ng medal.



 Sa rami kong honor nung bata ako, ni isa wala man lang nakaintindi sa akin. Kung gusto ko man lang ba umakyat sa stage o ewan. Hanggang naging grade 4 ako hanggang grade 6. Wala na. Napagod ako. Lagi nalang akong nakiki-kumpetensya sa kanila. Wala na talaga akong pag-asa dahil nung nag grade 4 ako, wala na akong honor. Nag grade 5 ako, wala rin. Ngayong grade 6, nakakuha ako pero hindi ako nakahabol.


 Matatawa ba kayo kung habang sinusulat ko ito ngayon, nakangiti ako? Bakit ako nakangiti?


 Bakit naman ako iiyak, kung pwede namang magkita ulit kami ng mga kaibigan ko. Bakit naman ako malulungkot kung nandito pa rin sila na lagi tayong sinusubaybayan hanggang sa paglaki natin? Sila, ang mga magulang natin na hanggang sa tumanda na sila, kahit wala na silang mga ngipin, kahit pa ika-ika na silang mag-lakad, kahit kulu-kulubot na ang mga balat nila, PATULOY PA RIN NILA TAYONG SINUSUPORTAHAN.



 Huwag kang umiyak. Bakit tayo iiyak sa isang kaibigan kung nandiito naman ang kaibigan natin? Bakit tayo iiyak kung mayroon pa tayong 3 natitirang kaibigan?



 Walang iba kundi ang DIYOS, ang ating AMA, at ang ating INA.



 Sa buhay nating ito, maraming pagsubok. Pero lagi mong tandaan, hindi Nila tayo iiwan.



Never lose faith, Never give-up. Always fight for yourself. Because when the time comes, all your sadness, pain, sorrow,and  agony will pass away. But one thing you will never forget is when you see yourself as a professional, you will knew how much you fight for yourself.



 Ang gulo kong mag- sulat noh? Bakit ba napunta ito tungkol sa buhay ko eh ang feeling ko lang naman dahil sa pag-graduate ko ang isusulat ko dito. Bakit napalayo ata sa title?



 Wew. But this day, this is my happiest day in my life. I'm a graduated student and I'm ready to enter my new level of my life.



- Hannah Jewel


Tip: Huwag na huwag mong kakalimutan ang masasayang araw mo!



3 comments:

  1. Wow! You're young!
    CONGRATULATIONS! ^^, Good luck sa high school life mo! ^.^

    ReplyDelete
  2. Ay! Namali po ako ng username. Username po ng cousin ko ang nagamit ko. Hehe. Anyways, Thank you po!!! ^_^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^