Thursday, February 21, 2013

TheSweetGirl needs advice!

:( Please help me ):






Ganito po kasi yun. Nung JS po namin nung Feb. 15, ang sweet-sweet po namin nung bestfriend kong lalaki. Tapos Feb. 18, usap-usapan na kami sa buong campus. Sabi kami daw. Tapos pati yung teacher ko sa english iniintriga ako patalikod. Diba nakakainis na kung ganun mangyari sayo? Eh ayun nga po, pinag-uusapan ako. I mean, hindi masyado sa kanya kasi lalaki naman siya so ang sisi napunta sakin. Kesyo ang landi daw namin nung JS. Eh bestfriend ko naman yun eh. Malamang naman sweet kami sa isa't isa diba? Tapos ayun, yung teacher ko sa english, babae siya, parang masama yung titig sakin tapos parang nang-iinis siya. Ewan ko ba dun. Palibhasa iniwan ng asawa. Bitter yata. 



Para po sa inyo, ano po dapat kong gawin? I mean, private talaga 'to pero gusto ko po kasing humingi talaga ng advice kasi nahihirapan na ko. :( Please po. Pa-help naman po.

7 comments:

  1. para naman sa akin.. IGNORE LANG ..
    kasi alam mo naman sa sarili mo na wala kayong ginagawang masama diba ?? kung ipapakita mo sa kanila na wala kang pakialam mapapagod at mapapagod din yang mga yan.. dapat ipakitya mo lang sa kanila na bestfriends lang kayo wala kayong ginagawang masama saka e anu naman sa kanila ?? sa dun sa teacher hayaan mo lang siya.. basta sa subject nya ipakita mo na magaling ka o nakikinig ka lagi sa kanya para wala siyang dahilan para pag initan ka .. :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yun din po sinasabi sakin nung mga kaibigan ko. Wag ko na lang daw po pansinin. Tsaka ginagawa ko naman po talaga yung best ko para makapasa ko sa subject niya eh. Hindi dahil may gusto akong patunayan, pero dahil gusto kong pumasa.

      Delete
  2. Bongga pagkarelate ko sayo.Ganyang ganyan kami ng bestfriend ko noon. Jusko maglalro lang kami ng chess ehnaiissue pa. pero ang ginagawa ko noon ,namin pala hindi na na namin sila pinapansin.Mamatay sila sa inggit. Ang regarding sa teacher niyo na yun nako ireverse Psych mo na lang... Lagi mong ngingitian... Waqg mong ipakita na natatakot or naiilang ka sa gingawa niya kasi dunka niya natatalo pag ganun.. Dapat sa harap niya cool kalang... !! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. agree ako dun sa dapat gawin sa teacher, ngitian mo lang para mas lalong maasar. malay mo malapit na siyang mag menopause... pero sa klase niya, pakitaan mong hindi ka papahuli.

      dun naman sa mga nangchi-chismis sayo, walang pakelamanan kamo. sugurin namin sila eh! pero ito seryoso, kung wala naman talagang malisya dun, wag kang papaapekto beb... lilipas din yan! ^_____^

      Delete
  3. kung ako yun mas lalo akong magiging sweet sa bestfriend ko para mas lalo silang mainis .. haha .. wala ako pake sa mga tao as long as masaya ako .. yun yung mga tao na ayaw kang makitang masaya at ang dapat sa kanila dine-deadma .. wag mo sila pag-aksayahan ng panahon .. yung teacher na sinasabi mo inggit lang yun at immature .. hindi dapat sya nangi-ngialam sa mga ganyang bagay .. kung nag-aalala sya magbigay sya ng advice hindi yung umaarte sya na para pa syang teenage na inagawan ng bf .. tawanan mo lang sila .. sila din mapapagod hindi ikaw .. tama si idol aegyo kung wala naman malisya wag ka paapekto .. problemahin mo na lang mga lessons mo kesa sa kanila .. hindi sila worth para problemahin .. masi-stress ka lang .. LOL ..


    sorry masyado yata brutal advice ko .. ganyan kasi ako pag may mga issue na tulad ng sayo .. :DDD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po! ^_^ Tsaka wala naman po talaga kasing malisya yun sa amin nung best friend ko eh. Sila lang naman nagbibigay ng malisya dun. Tsaka tama po kayo. Sa school ko kasi, maraming may ayaw sakin. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko naman sila inaaway or what. Basta galit lang sila sakin. Yung parang inggit na di ko maintindihan.

      Delete
  4. Salamat po sa mga advice niyo! :) Ngayon alam ko na kung anong gagawin ko kapag kaharap ko siya. :) AJA! Hindi ko siya iiyakan. ASANESS. Yung mga minamahal ko nga di ko iniiyakan eh, siya pa? :) HAHAHA!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^