Tuesday, February 5, 2013

Tale of Ethanica : Chapter 6

CHAPTER 6

~ Rinoa's POV ~





"Sige ingat ka nalang pauwi. Salamat sa paghatid Christopher ^__^" Sabi ko at sinara ang pinto ng kotse nya.


Akala ko aalis na sya pero nagulat ako nung binaba nya yung bintana sa bandang side ko at yumuko para makita ako. "Thanks ulit sa pagliligtas mo kay Stella. Topher na lang ang itawag mo sa akin ^_^"


"E-Eh?" Kasi ang alam ko yung mga tumatawag sa kanya nun eh mga ka-close nya.. Kung bakit tinatawag ko syang Topher dati? Malamang feeling close lang ako noh!! ahahah. pero di talaga akalain na sya pa mismo ang magsasabi sakin nun.


"Goodnight Rin!" Yun nalang ang sinabi nya at pinaandar ang sasakyan paalis.


KYAAAH! >///<


Alam nyo yung feeling mo nasa impyerno ka dahil sa mga natuklasan mo, pero merong isang anghel ang magliligtas sayo at hihilain ka pabalik sa langit?! Alam na alam ko yun eh kasi etong eto na talaga sya! Eto ang nangyayari sakin ngayon at syempre.. si Tophermylabs ko lang naman ang anghel ko :">


Kinikilig ako!! Bakit? Eh nakasama ko ba naman buong maghapon si Topher at syempre si Stella! Dinala nila ako sa bahay nila kasi may gusto daw ibigay sa akin si Stella. Actually naging ka-close ko na nga sya eh.. sobrang bait nya kasi.. tapos super ganda nya lalo pa kapag ngumingiti sya ^__^


Binigyan nya ako ng isang panyo. Medyo naguluhan ako kung bakit nya ako binibigyan nun.. eh hindi naman ako taghirap sa buhay kaya may panyo naman ako.. pero ang sabi nya sya daw mismo ang gumawa nun at binibigay nya toh sakin dahil sign daw ng friendship namin. Syempre nagulat ako na masaya.. kasi kahit ngayon lang kami nagkakilala, she trusted me. Ang bait nya talaga :')


Pagpasok ko ng bahay, nakita ko si Kuya na kumakain ng instant noodles habang nanunuod ng TV. "Hoy bakit ngayon ka lang?" Tanong nya habang sumusubo ng noodles.


"Nakikain na ako sa mga kaibigan ko Kuya." Sabi ko habang tinanggal ang sapatos ko at nilagay sa may shoe cabinet.


"Ay oo nga pala Rin. May nakita akong kuneho sa harap ng bahay natin kanina pero impossibleng yun yung inalagaan mo dati dahil meron na syang pulang collar kanina. Just saying :P" Pahabol ni Kuya.

Nasaan na kaya sila? Miss ko na din si Nyozaki :(


Saktong pag-akyat ko sa room, nag-ring agad ang phone ko. Eh? Naka-private number.. sino kaya toh? 

Priness ko ang answer button.

"Hello?"

<"Rin?"> Isang pamilyar na boses ang sumagot mula sa kabilang linya.

"Stella?"

Narinig ko syang tumawa. <"Haha ako nga! Sorry nakaistorbo ba ako? Wala kasi akong makausap eh.">

"Ah hindi naman. Actually kakarating ko lang ng bahay."


Ayun, nag-kwentuhan lang kami ni Stella. Ang sabi nya dahil sakitin sya mula pagkabata, wala na syang mga naging close friends. Meron daw dati nung high school sya pero nung nawala na ang komunikasyon dahil na-confine si Stella, hindi na sila nagpakita sa kanya.. That's ridiculous diba? I mean, hindi mo matatawag na totoong mga kaibigan ang mga yun! 


So ayun  nga, kaya daw she's happy daw na na-meet nya ako kasi she knows na I'm different from the others. She knows that I'm a good person daw.. syempre natuwa ako. Hwahaha! May blush effect pa yan hindi nyo lang kita XD


Nag-pintig naman ang tenga ko nung marinig ko ang pangalan ni Topher mylabs. 


<"Ayun si Kuya Topher! Hindi pa kaya sya nagkaka-girlfriend haha! Ewan ko dun kung bakit eh ang gwapo gwapo naman nya.."> Stella was saying.

"Weehh talaga?"


Oh my~ Hindi pa nagkakaroon ng relasyon sa ibang babae si Topher?! *O*

<"Oo nga. Ang daming may gusto sa kanya pero ni minsan hindi ko sya nakitang manligaw ng iba.">

"Talagang talaga?!"

<"Haha ang kulit mo Rin. May gusto ka kay Kuya Topher noh?">

Nanlaki naman ang mga mata ko dun. Ganun ba ako ka-transparent?? >///<

<"Silence means yes. Haha. To be honest, I like you for my cousin. Iba ka kasi sa mga babae lang dyan.">


"R-Really? Waaaaaah! Stella I love you na talaga!"

Natawa naman sya sa kabilang linya.

.


.

.

<"Good night Rin. Thank you for being my friend.">

I smiled. "Good night Stella. Just call me kung kailangan mo ng kaibigan. Mas mabilis pa akong pupunta dyan kesa kay superman! Hahaha!"


Pagkatapos namin mag-usap ni Stella, napangiti nalang ako. Well, at least I made someone happy ^___^



Hihiga na sana ulit ako sa kama nang biglang may katok sa pinto. Kuya Jay opened the door and poked her head in. 

"May tawag ka sa baba." Sabi nya.

"Huh? Sino daw?"

"Nanay daw ni Danica."

O_o Bakit naman kaya tumatawag sa akin si Tita Marge?

Bumaba ako sa may lounge at kinuha ang handset phone.


"Hello Tita Marge? Si Rin na po ito."


<"Oh Rin iha. Sorry kung nakakaistorbo ako ha? Itatanong ko lang sana kung nandyan si Danica ngayon sa inyo?"> Tanong nya. 

"Ha? Wala sya dito Tita eh. Late na ah wala pa ba sya dyan sa inyo?"

<"Wala pa nga eh. Haay ang batang yun nasaan naman kaya sya?"> Yung boses nya halatang puno ng pag-aalala, at parang anytime soon iiyak na sya. <"Nag-away kasi kami kanina.. galit ata sya sa akin. H-Hindi ko alam ang gagawin ko."> At ayun nga, umiyak na si Tita.


Nasan naman kaya si Danica ngayon? "Wag kang mag-alala Tita, tutulong ako sa paghahanap."


<"Thank you Rin."> Then she hang up.


Agad ko naman tinawagan si Tania at tinanong kung alam nya kung nasan si Danica. 


<"Huh? Sabi nya sakin kaninang tinawagan ko na pauwi na daw sya. Where the heck did she go then?!"> Pati si Tania nagpa-panic na.


"Calm down. Magkita tayo ngayon at hanapin sya. Nasan ka nga pala?"


<"Nasa bahay kasama ko si Lucas. Kitain ka nalang namin sa may school ground ok?">

"Okay."


Nagpalit agad ako ng damit na panlamig at kumatok sa kwarto ni Kuya. Sinabi ko sa kanya lahat pero hindi nya ako pinayagan umalis na ako lang mag-isa, kaya sumama sya sa akin.


///

Nandito na kami ngayon sa may school ground pero nag-stay kami  loob ng kotse habang hinihintay sila Tania.

"Nasan na sila? Kalahating oras na tayo naghihintay dito ah." Sabi ni Kuya.

"Hindi sinasagot ni Tania ang phone nya." Sabi ko naman habang patuloy pa din na tinatawagan ang phone ni Tania. 


~The number you have dialled is currently not available right now. Please try again later~


Lumipas pa ang sampung minuto pero wala pa din sila. Hays! Nasan na kaya ang mga yun?? Sinubukan ko naman tawagan ang phone ni Lucas this time, pero katulad nung isa, hindi pa din ma-connect. Parang bigla akong kinabahan sa mga nangyayari ngayon. 

"Try to ring Tania's house." Kuya suggested, which I did.


"Hi manang. Si Rin po ito.. nandyan po ba si Tania?"


<"Oh.. Miss Rin... Miss Rin.... si Miss Tania..."> Hindi matapos-tapos ni manang ang sinasabi nya. Yung boses nya, parang kinakabahan na ewan tapos bigla bigla syang umiyak. 

Ano nangyari??

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.


<"Si Miss Tania po.... nawawala!">


"Ano?! P-Pero pano nangyari yun? Nagkausap pa lang kami kanina mga isang oras palang ang nakararaan!"


<"H-Hindi ko po alam. Kasama nya si Sir Lucas kani--">


Hindi ko na sya pinatapos. "Nasaan si Lucas?!"

<"Nasa Pheyston Medical Hospital po.">

Hospital?! Shit ano bang nangyayari??



I didn't even bother saying bye kay manang. Binaba ko nalang agad ang phone at sinabi kay Kuya Jay na pumunta sa Pheyston Hospital. Halatang nalilito sya pero hindi na sya nagtanong at pinaandar nalang ang kotse.


Nung marating na namin ang hospital, tumakbo agad ako sa may Information desk.

"Room of Lucas Perez please."

"Room 206, second floor." Sabi nung babae after nya i-check ang computer.

Pumunta naman agad kami ni Kuya at nakita namin sa labas ng room ang dad ni Lucas at parents ni Tania na nag-uusap.

Umiiyak si Tita Leah habang yakap naman sya ni Tito Toby. 


"Come on honey. Ginagawa na lahat ng mga police ang kaya nila para mahanap si Tania." sabi ni Tito Toby. Pati si Tito Bob (daddy ni Lucas) tinatry na i-comfort si Tita Leah. Pagka-alis ng mag-asawa, lumapit agad kami kay Tito Bob.

"Tito.." Tawag ko sa kanya.


"Rin, Jay!"


"Narinig namin ang nangyari. Kamusta na si Lucas?" Tanong ko.

Nagbuntong hininga sya at umiling. "He wouldn't eat nor talk to anyone. Sinisisi nya ang sarili nya sa  nangyari kay Tania."


Hindi ko alam ang nangyayari, pero kailangan kong malaman. Una si Danica.. tapos ngayon si Tania.


"Tito, pwede ko ba syang makausap?"


"Hindi ko alam, sweetie. Kahit kasi ako ayaw nyang kausapin, pero sige subukan mo."


"Hintayin ka namin dito sa labas." Sabi ni Kuya at pumasok na ako sa room.


Sinara ko ang pinto at nakita si Lucas na nakahiga pero hindi nakaharap sa akin. Nakatalikod lang sya. "Sinabi ko ng iwan nyo ako eh!" Pagsigaw nya.


"Lucas.." I called him.



Na-recognise nya ang boses ko at humarap sya sa akin. Dahan dahan syang umupo at hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang syang umiyak. "M-May kumuha kay Tania.. at wala man lang akong nagawa para iligtas sya."


Nakikita ko ngayon ang sakit na nararamdaman nya at naramdaman ko na lang din na may luha na pumatak mula sa mga mata ko. Lumapit ako sa kanya at pinisil ang kamay nito. "Shh.. tell me. Ano ba talaga ang nangyari?"


"On the way na kami dun sa school para makipagkita sa inyo pero merong malakas na pagsabog ang nangyari sa harap ng daanan namin. Tapos... tapos merong isang babae na lumabas sa harapan. Hindi namin alam kung san sya nanggaling. Kakaiba ang suot nya pero yung--yung.." Tumingin sya ng seryoso sa akin. "Rin maniwala ka sakin. Hindi ako nagbibiro.. I swear that woman could use some kind of witchcraft!"


Bigla akong nangilabot sa sinabi nya. Napaka-seryoso ng mga mata nya. "Witchcraft?"


"Oo! As in magic! Basta before I knew it, Tania was already in her arms; unconscious. Sinubukan kong iligtas sya... pero merong liwanag na lumabas mula sa hawak nyang baton at nung nagising ako, nandito na ako sa hospital at nawawala si Tania."


Witchcraft? Magic? Strage woman?

Don't tell me...


"Pero bago yun, meron syang sinabi.." Pahabol ni Lucas.


"Anong sinabi nya??"


"'Alam kong ililigtas ng Ashtalica ang mga mahal nya sa buhay'. Yan ang exact words nya.. ni hindi ko nga maintindihan kung anong ibig nyang sabihin eh! Sinubukan kong ipaliwanag lahat sa mga police, pati sa mga parents ni Tania at kay Daddy, pero hindi nila ako pinaniniwalaan! Nasa panganib si Tania, Rin! Please believe me.."


Shit..

Don't tell me that woman is...


///

"Kuya sigurado akong si Alciony ang kumuha kay Tania at sya din ang responsable sa pagkawala ni Danica!" Sabi ko kay Kuya.


"Pano ka nakakasigurado?"


"Dinescribe sya ni Lucas. She warned me Kuya.. pero binaliwala ko lang yun. Sabi nya kailangan kong bantayan ang mga mahal ko sa buhay.. Anong gagawin ko Kuya?" I started to cry. Naiinis ako sa sarili ko ngayon. Imbis na hanapin ko ang mga best friends ko, wala akong ginagawa kundi umiyak. Pero kung hahanapin ko man sila, saan ako magsisimula?


"Kasalanan ko lahat toh.. Ako naman talaga ang gusto nung babaeng yun pero nadamay pati si Danica at Tania."


Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Kuya. "Hindi Rin.. Hindi mo kasalanan."


"Anong gagawin ko Kuya?"

Hindi sya nakasagot for a while. I didn't expect any answer from him anyway. But then he spoke.. 
"Those people. Yung mga soldiers o warriors na sinasabi mong nagligtas sayo. Baka matulungan ka nila."

Parang nabigyan naman ako ng pag-asa dun. Malamang alam nila kung saan ko matatagpuan si Alciony at mga best friends ko!

"Alam mo ba kung nasaan sila?" Tanong ni Kuya.

Parang namatay naman ang natitira kong pag-asa dun. I sighed and shook my head.

Saan ko ba sila mahahanap? Hindi ko alam..


///

Next morning, hindi na ako pumasok at sinamahan nalang din ako ni Kuya Jay. Sinuggest nya na hanapin na si Cloud at ang iba pa. Syempre hindi namin alam kung saan magsisimula pero sinubukan pa din namin.

4 pm na. Umupo ako sa may bench at pinatong ang ulo ko sa palad ko.

"Oh." Binigyan ako ni Kuya ng isang bote ng malamig na tubig, at umupo sa tabi ko.

"Kuya hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Mahahanap din natin sila.. wag kang mag-alala."

Napahawak nalang ako sa bracelet ko. Sabi nila may kapangyarihan daw ito.. would this help me?
.
.
.

"Rinoa Heartilly..."

Yung boses na yun.. 

Napatayo ako at tumingin sa paligid.

"Rin?" Nagtatakang tawag sakin ni Kuya. Pero nagulat nalang ako nang biglang may tao na sa likod ni Kuya at hinila sya gamit ang paghawak sa leeg nya.


"Oh god.." I gasped. It was like my heart stopped.

Hindi sya si Alciony.. sya yung nakita kong kasama ni Alciony dati na parang naka-costume na pang-pusa. Nakakatakot ang mga mata nya.. at alam kong hindi lang costume yun. I hate to admit it pero isa syang engkanto!

"Do not worry. One day, you will come to see them right? You are the one who will come after us.... in Ethanica." At dun na lumabas si Alciony. Lumulutang sya sa tabi nung kasama nya na ngayon ay hawak si Kuya.


Hinigpitan nung babaeng pusa ang paghawak nya sa leeg at kamay ni Kuya. He was coughing so bad. "R-Rin... t-takbo.."

I shook my head violently. Naramdaman ko nalang na umiiyak na naman ako. "HINDI! HINDI AKO TATAKBO! K-KAYO, IBALIK MO ANG MGA KAIBIGAN KO! BITAWAN NYO ANG KAPATID KO!"


Tumawa lang si Alciony.. yung tawa nya na parang kuryente ang dumaloy sa katawan ko.


"Sa tamang panahon, magkikita ulit tayo." and with that, they slowly disappeared with my brother.



"KUYAAAAAA!!!"

2 comments:

  1. hALa mkApigiL hiningA n na nNgyyRi,,, nAeexcitE n aq sobrA,,, tiMe n tLgA prA mAunLeash aNg poWers ni riN at iLigtAs cLa,,, at UNLEASH tLga uNg teRm q hA,,, hwAheHe,,,

    ReplyDelete
  2. ╭━━╮╭╮╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭╮╭╮
    ╰┫┣╯┃┃╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭╯╰┫┃
    ╱┃┃╱┃┃╭━━┳╮╭┳━━╮┣╮╭┫┃
    ╱┃┃╱┃┃┃╭╮┃╰╯┃┃━┫┣┫┃╰╯
    ╭┫┣╮┃╰┫╰╯┣╮╭┫┃━┫┃┃╰┳╮
    ╰━━╯╰━┻━━╯╰╯╰━━╯╰┻━┻╯

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^