Wednesday, February 13, 2013

Princess Love Series : The Story Behind


The Story Behind

a/n:  Pagnakita niyo po yung sign na ito >>(*) .Means nagchange ng Point of view. 

Once upon a time there was a Princess name Ellaisa and that was me! I'm no goody-goody Princess or even the bad one. Hindi rin ako bunso na favorite ng Hari at  Reyna hindi rin panganay na Ms. Perfect naman dapat. Hindi rin ako Lost Princess at mas lalong hindi itinagong Prinsesa. Ako?! Ako ang pangalawang anak ng Hari at Reyna. Ang isusunod na ikakasal DAW kasi nga Married na ang Status ni Ate  kaya kailangan ko nadin magpasakal este magpakasal.Pero paano naman  yun kung hindi pa nga siya dumadating!!


" BOO!"


"Ay anak ka ng palaka!!"



"HAHAHAH! Mukha ko anak ng palaka?! Asa ka dre!!Sa gwapo kong ito??!"


" Che! Ano na naman bang ginagawa mo dito at  ang kagandahan ko na naman ang iniistorbo mo?! " Nakakainis ang lalaking ito, lagi niya nalang akong inaasar.


"Kagandahan daw?Kung maganda ka eh bakit hindi ka magustuhan ng Kuya ko?Ay malabo pala iyon sa kilos mo palang at pananalita ."and thats below the belt. Kailangan talaga sinasabi yung ganun.


" Oo na ,ako ng pangit .AKO NG HINDI MAGUGUSTUHAN NG  KUYA MO!!" pagkasabi ko noon ,nagtatakbo na ako papunta sa kung saan. Sa pagtakbo ko ay may humila sa aki

"Ellaisa ,bakit ka nagtatakbo??"


"Pakelam mo?!"


" May problema ka ba?"


" Gusto mong malaman ang problema ko!??"


 "Oo naman"


"Ikaw! Ikaw ang problema ko!!"


"Ako??"


"Oo,Ikaw manhid!! "



Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa mapagod ako. At syempre pagpagod kana magpapahinga kana. At sa pagpapahinga kong yun saka ko narealize kung sino yung kausap ko kanina.


EPIC FAIL KA TALAGA ELLAISA!! Ang kausap ko lang naman kanina ay ang mismong Crown Prince.


*sighs*

"Wala na,wala na talaga"  pailing iling pa ako.Ang tanga ko kasi.


"Tanga lang eh noh?!"


"Ay palaka!!"


"Ang kulit mo din eh no,di nga ako palaka!


"Bakit ka andito?! Wag mong sabihin na--------"binigyan ko siya ng naghihinalang tingin.


" Bago ka mag-isip ng kung ano,naiwan mo po yung payong mo! Saka mukha ka kasing suicidal kanina kaya kita sinundan,mamaya magpakamatay ka konsensiya ko pa. " kahit kailan talaga .


"Yeah,yeah sabi mo eh. "saka ko kinuha yung payong ko.At iniwan na siya doon.Narinig kong may binubulong siya pero hindi ko na pinansin kasi pag pinansin ko pa iyon hahaba lang ang usapan namin.





"Mahal na Prinsesa nasa labas po si Prinsipe Bryan."

 

OMG! Ang Crown Prince.Gosh lang!!


"Papasukin mo po siya." pahinhin syempre.


"Magandang araw ,Ellaisa." bati niya. Why so gwapo.Ngumiti naman ako sa kanya.


"May maipaglilingkod ba ako sa inyo ,Mahal na Prinsipe??" tanong ko.


 " Ilang beses ko bang sasabihin sa iyong Bryan na lamang ang itawag mo sa akin. "


 "Hehehe,pasensya na nakasanayan ko nalang kasi. "


 "Ikaw talaga"nakangiting sabi niya tapos ginulo niya yun buhok ko. At yun ang huling bagay na ayaw kong ginagawa sa akin! Ang ginugulo ang buhok ko kaya naman tinabig ko yung kamay niya na ikinagulat niya. Ako din nagulat.


 " Oops! Sorry! ^_^ V Ayoko kasing ginugulo ang buhok ko." paghingi ko ng paumanhin


"Ikaw talaga"


"Nga pala ,bakit biglaan ata ang pagdalaw mo?”'tanong ko .Wala pa naman akong ginagawang kalokohan ngayong araw. Sa pagkakaalala ko.


 "Nag-alala kasi ako sa sinabi mo kanina"ano ba yung sinabi ko kanina? Di ko maalala.


"Huh??"


"Nakalimutan mo na?Sabi mo kanina ako ang problema mo " Ah .Yung kanina pala!


"Ah yun ba wag mo ng pansinin iyon. Medyo hindi lang maganda ang araw ko inaasar na naman kasi ako ni Gusting. “ medyo nahihiya kong sabi.


“Gusting??”  Nataranta naman daw po ang kagandahan ko baka magalit siya sa akin pag nalaman niyang yun yung tawag ko sa kapatid niya. Pero  kesa naman magsinungaling ako diba? It’s a big no! no! never akong magsisinungaling.


“Sorry! Sorry!Kasi yun kapatid mo naman eh-----------


“So si Gusting eh si Justin?”putol niya pagsosorry ko kakatakot mamaya magalit sa akin.Nagulat ako ng bigla siyang tumawa.


“Bryan??”


“Pasensya kana,nakakagulat lang kasi iyan ang tawag mo kay Justin pag narinig ka noon  siguradong mag-aaway kayo. “ patuloy parin siya sa pagtawa napasimangot naman ako.

(>.<)

“Oh bakit ganyan ang mukha mo??” tanong niya.


“Kahit naman di ko siya tawagin na ganun inaaway niya parin ako” para akong batang nagsusumbong sa tatay niya. -.-



“Wag mong isipin yon nagpapansin lang siguro sayo”at doon naman napakunot ang noo ko.Bakit naman siya magpapansin sa akin? Bago pa man ako makpagtanong ay nagsalita siya ulit.

“Mamamasyal kami mamaya ni Alliya gusto mo bang sumama??” para namang dinurog ang puso ko sa narinig.Pero syempre echos lang yun!!Kahit naman crush na crush ko itong si Bryan eh hindi naman ako ganoon ka obsessed na ultimo kapatid ko pagseselosan ko. No way!


“Ah sige” pagpayag ko.


 “Nakalimutan kong sabihin kasama nga pala si Justin! Bawal ng tumanggi! “


“Andaya mo! Kainis to!” pagmamaktol ko pero wala na akong magagawa eh.




(*)



“Bakit antagal nyo??” parang naiinis si  Prince Justin habang tinatanong iyon kay Ate Ellaisa at Prince Bryan.


 “ Ipapagpaumanhin mo kapatid ,sinumpong kasi ng hika si Ellaisa kaya’t kinailangan siyang ipatingin muna sa manggagamot” paliwanag ni Prince Bryan.


“Kung ganoon pala bakit sasama ka pa sa pamamasyal hindi ba dapat ay nagpapahinga ka??” mas naging seryoso ang tono nito malayo sa nakasanayan kong makulit na si  Prince Justin.


(>3<)


“Ang boring kaya! Saka feeling ko binuburo ako sa kwarto ko ,hindi naman ako magpapagod eh .” reklamo naman ni Ate .Napabuntung-hininga nalang si Prince Justin.


“Kung wala ng problema ,tayo na’t mamasyal.” Pag-aaya ni Prince Bryan. Inabot na ng mga kawal ang gagamitin naming kabayo at dahil nga sinumpong ng hika si Ate hindi siya pinayagan na sumakay mag-isa sa kabayo kaya’t sa Prinsipe Bryan siya sumakay.



Pagkadating naming sa aming destinasyon agad na nag-ayos ang mga katiwalagn kasama naming ,napansin kong hindi gaanong inaasar ni Prince Justin si Ate Ellaisa. Nakaupo lang si Ate sa may malaking bato samantalang si Prince Justin eh hawak ang kabayo niya habang nakatingin kay Ate , hindi ko maiwasang hindi maramdaman ang pagkirot sa aking puso .Oo ako ay umiibig kay Prinsipe Justin. Pero sa nakikita ko mukhang si Ate Ellaisa ang kanyang tinatangi.


 “Mukhang malalim ang iniisip mo ,Alliya”ngumiti lang ako ng payak kay Prince Bryan.Akala ng lahat  mayroon kaming pagtatangi ni Prince Bryan sa isat-isa pero nagkakamali sila kami ay matalik na magkaibigan sa akin niya lahat sinasabi ang mga bagay na hindi niya magawa para kay Ate Ellaisa. At alam niya rin na mahal ko si Prince Justin.


Sinasabi ng lahat ng paborito ako ng mga magulang namin,Oo totoo iyon lahat ng bagay na naisin ko o hilingin ko ay agad kong nakukuha iyon ang isang bagay na lamang ko kay Ate Ellaisa ,sa aming tatlong magkakapatid si Ate Ellaisa ang hindi pansinin pero kahit ganoon wala lang iyon sa kanya at doon ko siya hinahangaan.


 “Alliya! Alliya”


“Huh??”


“Malalim nga iniisip mo, kanina ka pa namin tinatawag ni Justin”


“Paumanhin,may iniisip lamang ako,bakit niyo ba ako tinatawag??” tanong ko kay Prince Bryan.


“Aayain sana kitang pumunta sa dulong bahagi,balita ko’y may magagandang bulaklak doon” totoo ba ito? Si Prince Justin mismo ang nag-aaya sa akin.


“Ako ang nagturo sayo ng lugar na iyon” nakangising sabi naman ni Prnce Bryan.


“Oo nga kaya sasamahan mo kami roon.”napansin kong wala na roon si Ate Ellaisa.


“Si Ate Ellaisa??” tanong ko.


 “Maglalakad –lakad lang daw siya. “ sagot sa akin ni Prince Justin.


“Ah” kiming sagot ko.



Pumunta kami sa lugar na sinasabi nila,napakaganda. Nanguha ako ng ilang bulaklak ibibigay ko kay Ina at Ate Illiana.

Habang pabalik kami ay sinasalubong kami ng isang hinihingal na katiwala .


“Si ---si Prinsesa Ellaisa po-----“ hindi pa natatapos magsalita ang katiwala ay nawala na ang dalawang prinsipe sa tabi ko.Tumatakbo na sila papunta sa sa direksyon kung nasaaan si Ate. At dahil nag-aalala rin ako,sumunod ako roon.At isang di inaasahang tao ang nakita ko roon.



Ang lalaking pumatay sa matalik na kaibigan ni Prince Justin at Prince Bryan.Ang mas ikinagulat ko ay ang pagtatanggol ni Ate Ellaisa sa lalaking iyon.



“Umalis ka riyan ,Ellaisa” mahahalata mo sa boses ni Prince Justin ang galit.


“Hindi ,hindi ako aalis. “ matatag na sabi ni Ate Ellaisa.


“Ellaisa,umalis ka na diyan ,hindi mo siya dapat ipinagtatanggol “mahinahon naman na sabi ni Prince Bryan.


“ Hindi, kayo ang umalis .Kailangan niya ng magamot ----------


“Bakit mo siya gagamutin?! Isa siyang criminal!” sigaw ni Prince Justin na akmang susugod pero natigilan siya ng humarang si Ate.



“ Umalis ka riyan ,Ellaisa.”


“Hindi kayo ang umalis!”


“Dapat siyang mamatay! Isa siyang mamamatay tao!”


“Pag piñatay mo ba siya mabubuhay ang kaibigan mo?! Saka hindi mo ba nakikitang sugatan siya??!” galit na rin ang tono nito. Humakbang naman papalapit si Prince Justin pero nagulat kami ng bumunot ng espada si Ate.


“Wag kang lalapit,ang mabuti pa ay umalis na kayo, hindi ko hahayaang saktan niyo siya.” nagulat ako ng sumugod si Prince Justin papunta kay Ate ,nagawa naman siyang labanan ni Ate subalit nasugatan si Ate kay’t inawa’t na ni Prince Bryan ang dalawa.



“Kumalma ka! Justin!” pasaway nito.Nilapitan ko naman si Ate pero sa halip na magpatulong sa akin ay may sinabi pa siyang ikinagulat ko .


“ Tulungan mo siya Alliya ,mabagsik na lason ang nasa panang tumama sa kanya kung hindi mahuhugasan ang sugat niya maari siyang mamatay. “


“Pero Ate------



“ Kung mamatay siya ngayon para narin tayong katulad niya na isang mamamatay tao “tumingin ako kay Prince Bryan na nagtatanong at tinanguan niya naman ako kaya;’t tumayo ako at nilapitan ang lalaki at sinumulang gamutin. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na nilalapitan ni  Prince Justin si Ate pero si Ate na mismo ang nag-iwas.



Nang masigurado na namin na okay na siya ay umuwi na kami.



(*)


“Ngunit ,Ina maaring may dahilan si Ellaisa kung bakit niya ginawa iyon.”


“Alam ko,subalit sa ginawa niyang iyon dahil alam niyang iyn ang tama”


“Tama man o hindi tinulungan niya  ang isang kalaban,Prinsipe ng kalaban natin ang tinulungan niya. “



 Wala na akong nagawa,sinubukan kong kausapin ang aming ama na patawarin si Ellaisa pero buo na an desisyon nila.Ayokong matulad sa akin si Ellaisa na dahil lamang sa isang pagkakamali ay nawala ang lahat ng pangarap ko sa buhay.


“Mukhang malalim ang iniisip ng aking asawa. “ Hindi ba pwedeng ngayon lang ay  si Ellaisa muna ang problemahin ko?Sa tuwing makikita ko ang mukha ng lalaking ito ay naasar ako.



“Pwede ba,wag mo akong simulan marami na akong iniisip “


“ Oh, Illiana alam mo hindi mo na dapat iniisip ang mga bagay na iyan ,problema ng kapatid mo yan. “

Problema niya nga ito,subalit Ate niya parin ako at nag-aalala ako para sa kanya. Hindi ko na muna pinansin ang asawa ko at pumunta sa tahanan ng mga Prinsipe ,sila lamang ang makakatulong sa akin para hindi matuloy ang pagpaparusa kay Ellaisa.



Lubos kong ikinagulat ang pagtanggi nilang tumulong sa akin. Hindi ko malaman kung anon a ang gagawin.



 Sa araw ng pagpaparusa kay Ellaisa.


 Hanggang sa huli’y sinubukan kong kausapin ang aking ama’t ina subalit wala itong naitulong. Subalit tila yata pinakinggan ng Bathala ang panalangin.

 Sinugod kami ng mga tulisan ng araw na iyon ,hindi kami handa at nabalot ng takot ang buong kaharian subalit hindi inaasahang tagapangtanggol ang dumating an hukbo ng Prinsipeng niligtas ni Ellaisa. Napaalis nila ang  mga  tulisan .Sinabi nito na iyon ay pagbabayad lamang ng utang na loob sa ginawa ni Ellaisa. Nangako rin ito ng katapatan sa aming kaharian.

Nailigtas si Ellaisa



(*)



  Buhay ako, hindi ba dapat Masaya ako?? Pero bakit ganito pakiramdam ko isa akong buhay na patay.


“Tila malalim ang iniisip ng bayani ng bayan”


“Bryan”


“Patawad”


“Para saan?” tanong ko.



“Dahil nagalit ako at hinayaan ko lamang ang mga pangyayari.” Kiming umiling naman ako.


“Wala  ka naman kasalanan, alam ko kung gaano kahalaga sa inyo ang kaibigan niyong iyon. “


“Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ipinagtanggol mo siya??”


“Bakit ?Hindi ko rin alam sa totoo lang pero ng mga oras kasi na iyon ng makita ko ung mga mata niya ang tanging makikita roon ay ang kahandaan niyang mamatay pilit niton tinatago ung takot. Alam kong bagaman handa na siyang mamatay alam niyang may kulang pa at gusto ko siyang tulungan sa bagay na iyon. Gusto niyang hingin ang kapatawaran sa inyo”.


“Na ginawa na niya. “ nagulat ako sa sinabi niya.


“Huh??”


“Personal niya kaming pinuntahan atnakakulat ngang pinatawad siya ni Justin” napangiti ako sa narinig.


“Mabuti naman at ngumiti ka na” puna niya. “ Halika” aya niya.


“Saan tayo pupunta??” tanong ko


“Masyado a ng maputla kailangan mo ng maarawan. “ may pang-aasar sa boses niya. Nagpatianod nalamang ako sa kanyan kagustuhan.


Habang  naglalakad kami ay hindi inaasahang eksena ang inabutan namin.


Ang pagtatapat ni Justin kay Alliya.


Napangiti ako subalit nagulat ako ng yakapin ako ng Prince Bryan.


 “Hindi mo kailangan tingnan kung nasasaktan ka “sabi niya

“Ano ang pinagsasabi mo,Masaya ako para sa kanila. “


 “ Kung Masaya ka bakit ka umiiyak??”nagulat ako sa sinabi niya hinwakan ko ang pisngi ko at may luha nga. Magsasalita sa ako pero---



“Woah! SPG!!”  napatingin ako sa nagsalita. Si Justin kasama si Alliya.Humiwalay ako sa pagkakayakap ni Bryan.


Ngumiti ao at binato ng kung anong nadampot ko si Justin “ Hoy! Anong SPG ka dyan! Sapak you want??” akala ko sasagot siya sa sinabi ko pero nagkibit balikat siya umalis kasama ni Alliya ako naman ay dali daling pumunta sa lugar kung saan mapapanatag ang loob ko. Hindi ko maintindihan bakit nga ba ako nasasaktan sa nakita ko?


Sigurado naman ako sa sarili kong si Bryan ang gusto ko.


“Hanggang ngayon ay hinihintay mo parin siya” napatingin ako sa nagsalita ang taga pagbantay ng lugar na ito.



“Hindi ko alam “


“Alam mo ,hindi mo lang ginagawa ang dapat mong gawin “


“Pero ano nga bang dapat kong gawin??”


“Tinatanong mo sa akin iyan??”


Ngumiti ako sa kanya at tumayo.Tama siya matagal ko na dapat itong ginawa .Nang akmang gagawin ko na ay humahangos na dumating si Justin pero hindi niya na ako naabutan dahil tumalon na ako sa bangin…….


Hanggang sa muling pagkikita, Justin.


*


 Sa bawat kwento may sikretong nakakubli...


Hanggang  kailangan maghihintay? 


Hanggang kailangan aasang matutunan mong mahalin?


Kailan makakamtam ang kalayaan??
   



 >>>ELLAISA

6 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^