Tuesday, February 19, 2013

Kwento ng Pagkakaibigan


Kwento ng Pagkakaibigan




Mula sa isang ngiti
Hanggang sa matamis na pagbati
Dalawang batang magkaiba
Nagkakilala’t nagkasama



Pagkakaibiga’y nabuo
Tumatag at lumago
Masayang pagsasama
Bumuo ng magandang alaala

Ngunit tadhana’y mapaglaro
Dal’wang magkaibiga’y pinaglayo
Pagita’y magkabilang mundo
Pagkikita’y sadya nang Malabo

Ngunit magkalayo man sa isa’t isa
Mga puso’y di mawawalan ng pag-asa
Na minsa’y muling magkakasama
Magkikita’t makakapiling ang isa’t isa

Pagka’t ang pinagsamahan
Di basta basta makakalimutan
Pangako’y pinahahalagahan
Pagkakaibiga’y di kayang talikuran

Pangakong pagkakaibigan
Di basta basta mahahadlangan
Pagka’t ang pinagsamahan
Subok na’t di kayang wakasan



---
N/A: ito po ay tula ko para sa bestfriend ko .. yan po yung kwento naming dalawa, Birthday nya po ngayon at dahil nasa New Zealand na siya ito po yung naisip kong regalo para sa kanya .. gusto ko din pong ibahagi sa inyo yung gawa ko, sana magustuhan nyo :) 



yan po yung dalawang batang nasa tula ko :) 







4 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^