Monday, February 11, 2013

Alyessa and The Wizard : Chapter Five

Chapter Five : Asthma?

(Alyessa Howell's POV)

"Hmmm.."

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. 


Naka-higa ako..

Nasaan ako?

Bumangon ako ng dahan-dahan at nagpalinga-linga sa paligid.


"Nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko.


Naka-upo ako sa isang higaan. May iba ring nandito. May napaka-laking bintana na purong salamin sa kabilang pader na nakaharap sakin.


"Alyessa, gising ka na pala." Napalingon ako sa nagsalita.


"Da... Danzell. Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya.


"Nasa Clinic ka ngayon, hinimatay ka na lang bigla kanina habang umiiyak ka sa dibdib ko." Pagkukwento niya.


"Ta... Talaga? U..umiyak ako?" Di ko makapaniwalang tanong.


Medyo naningkit yung mga mata niya. Sumabay din yung nakakamatay na ngiti niya.


"Oo, di mo ba matandaan?" Tanong niya.


May bigla akong naalala. 




"HAHA! Anong ginawa mo dun sa buhok ni Zell?" Natatawang tanong nung babae.


Naki-tawa na lang ako. "Ginawa ko lang naman yung Basic na tinuro niya sakin eh. Haha."


"Before I forgot. Ako pala si Michi, eto namang mokong na 'to, siya si Clifford. Pwede mo kaming maging kaibigan. Diba, Clifford?" Sabay siko niya sa katabi niya.


"Ha-eh.. Oo. Lahat nang malapit kay Danzell malapit din sa amin, kaya wag kang mahiya na lapitan kami." Sagot ni Clifford.


Kinurot ni Michi yung ilong ni Clifford. "Bumira na naman yang pagka-chickboy mo!! Naku~ Lagot ka na naman kay Danzell kapag nalaman niya yan!"


"Heh. Di niya naman malalaman kung di mo sasabihin. Tsaka di ko naman ginagawa kay... Ano nga pangalan mo?"


"Alyessa. Alyessa Howell." Sagot ko.


"Ayun, Di naman ako nagpapaka-chickboy dito kay Alyessa eh." Saka pasimpleng lumapit sakin saka ako inakbayan.


Lumapit si Michi habang nakangiti ng maasim. Hinawakan niya yung braso ni Clifford at unti-unting inangat. "Ayan, bumibira na naman yang pagka-chickboy mo. Aminin mo man o hindi, nakuu~ Kilalang-kilala na kita Clifford. Magkakasama na tayo nung bata pa tayo." Saka na tuluyang tinanggal ni Michi yung braso ni Clifford sa balikat ko.


"Araaay!!"


May humila ng buhok ko saka na ako pinalibutan ng mga babae.


"Anong karapatan mong ganunin yung buhok ni Danzellmylabs?!"


"Oo nga! Sino ka ba para gawin yon?! Isa ka lang namang hamak na muggleblood ah!"



Hindi ko na maintindihan yung mga sinasabi nila. Pinagpasa-pasahan na nila ako ng tulak. Nahihilo na ako. Tumutulo na rin ang mga luha ko. Nakakainis. 


"Alyessa? Are you listening?"


Natauhan ako.


"Ano ulit yun?" Tanong ko.


"Tinanong ko sa nurse kanina, at pwede daw na may history ng asthma ang family mo." Sagot niya sakin.


Napayuko ako. "Pa-pasensya na, Danzell. Hindi ko alam kung sino ang mga magulang ko. " Sagot ko.


"So... You're an orphan?" Tanong niya sakin.


Tumango ako ng marahan.


"Pasensya na, hindi ko alam eh." Paumanhin niya.


"O...okay lang. Tanggap ko na naman yun." Sagot ko.


Sa totoo lang, wala na naman sa akin yun eh. Wala na rin akong pakielam kung lumitaw na lang ng kusa ang mga magulang ko.


"Ayaw mo ba silang makilala?" Tanong niya na ikinabigla ko.


"Hindi sa ayaw ko. Nasanay na lang talaga ako na wala sila sa tabi ko." Sagot ko.


"Ah. Ay teka, gusto mo ba ng makakain?" Tanong niya bigla.


"O sige, medyo gutom na rin kasi ako." Sagot ko na lang at hinimas ko ang tyan ko.


~~~~~~~

TheSweetGirl's Note: Ang tagal kong di nakapag-UD. :) Ano? Buhay pa ba? XD

1 comment:

  1. Uu ngA atEy,,, pEro wOrth it nmAn anG pagHihintAy at pagbbALik mu kXe buKod sa aNdaMing chApters aNg ndAgdaG,,, mggAnda yuNg updAtes,,, sALaMat pO,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^