Saturday, January 12, 2013

Your Dream Doll : Chapter 5

~Thank you talaga kay ate aegyo,  di dahil sa kanya  hindi ko ito maipopost...

(SHIELA POV)



Lumapit siya sa akin at nagsabing,  “Wag mo na akong iiwan ulit ha...” So that's the reason  kung bakit siya nagkakaganyan?


I need to think of a better solution para bumalik siya sa dati. Hindi pwedeng tumagal ang Devil side niya, hindi ko yata yun kakayanin yan.


Nakatayo lang kami  at parang  naghihintay kami kung sinu una magsasalita but  bigla na lang siya  lumabas ng walang  paalam tapos lakas pa ng pagkasara niya, NAKU NAKU naman  ,ang bastos talaga  anu reason niya para gawin yun?!...



Relax na lang tayo wala tayo magagawa kasi bad attitude   ang pinapakita niya kaya wala tayong  choice kunti pagpasensyahan siya.So check na lang natin kung anu solution about this.




.....................After 1 hour........................



Sabi dito:


  "IF YOU WANT TO  TURN  HIM  BACK,  YOU NEED TO WIN HIS HEART."


Ibig sabihin kailangan ko siyang pasayahin  para  bumalik siya sa dati. Ang tanong, paano ko gagawin yun kung ganito niya ako tratuhin! Kita niyo naman diba, parang ang imposible talaga!!! Wala bang back-up solution...?


How about this:


"THE OTHER WAY TO TURN HIM BACK IS TO INSERT THE KEY TO UNLOCK THE LATCH ON HIS NECKLACE."


Photobucket


Oh yun naman pala may mas  madaling way! Iinsert ko lang pala itong susi para buksan yung lock sa necklace niya and boom!!!  Back to normal na lahat-lahat!!! Magbabalik na ang angelic and sweet Alex! Bwahahaha!!!




"Mahanap na nga ang kumag! Nandun lang yun sa labas..." Sinara ko na yung libro at hinanap siya sa labas pero kahit anino niya, hindi ko nakita.



*Hanap dito....


*Hanap doon....

* After 123456789 kilometers of walk... OA noh? Pero parang ganun yung feeling sa haba ng nilakad ko!



Hinahap ko pa siya sa buong subdivision yata namin at nagtanong-tanong sa mga kapit-bahay kung may nakita sila lalaking pogi sana pero mukhang demonyo na umaaligid o palakad-lakad, kaso wala sa kanila ang nakakita sa kanya. Saan naman kaya napadpad ang lalaking yun?



"Eesh! Makabalik na nga lang!!! He's such a waste of my precious time! Argh!" Imbes na makapagpahinga na ako, siya pa inatupag ko diba? "Kung ayaw niyang magpakita, eh di wag! Susulpot naman siguro yun..."



Pumunta na lang ako sa may maliit na garden na pinatayo ko sa likod ng bahay namin. "At  least dito nakakarelax~ wohoo!"



Nalibot ko na yata ang kasuluk-sulukan ng mundo kakahanap kung saan man lupalop nagsuot si Evil Alex.  "Grabe, pagod na pagod ako..."



Pero pagdating ko mismo doon sa garden, nakita ko na siya!!!

 photo 248961_148383191902137_4170102_n_zpsa6e30489_526F672C_zpsde65a493.jpg


"Anak ng puto naman!!! Tsk!!!" Nagpakapagod pa ako kakahanap sa kanya. Yung feeling na nilakbay ko na yata ang buong Earth dahil parang ganun yung pagod ko tapos nandito lang pala siya!!!  Kaka-badtrip much!!!



(Eh ang shunga ko rin, inuna ko pang maghanap sa labas noh? Kay, fine! Ako rin ang may kasalanan, pero kalahati lang!)



“Ikaw lalaki ka, kanina pa kita hinahanap tapos nandito ka lang pala!!!” Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang pawis sa mukha ko at hinga na hingal sa kakahanap sa kanya na upo lang siya  dun



“Bakit sinabi ko ba na hanapin mo ko?”



Aba ang sama  ha!!! Matapos kong magpakapagod sa paghahanap sa kanya, yan lang ang sasabihin niya? Grabe talaga sa sama ng ugali! Ni hindi man lang niya napapansin na naliligo na ako sasarili kong pawis  tapos ganun lang sasabihin niya.  Na parang wala lang!!!



“Alam mo bang pagod na pagod at natitikman ko na sarili kong pawis dahil hinahanap kita. Then what? Yan lang sasabihin mo sa akin? Anong klaseng homo ka? Huhulaan ko hindi ka sapien!!!”



"Malamang! Isa kaya akong doll noh? Stupid lang? Ikaw anong klaseng homo ka? Homongoloid? Hwahahahahahahaha!!!"



Nakakaiinis!!! Gusto kong ipalunok sa kanya ang sarili niyang tonsil! Wala na nga siyang sense kausap, wala pa siyang sense of humor!!! Ang sino mang matawa dun sa asar niya saakin, palalayasin ko dito sa kwento ko! 



Anyway, ayun mas naglevel-up ang inis ko sa kanya! Grabe nakakairita siya!!!



At mas determinado na ako na  lumapit na ako sa kanya at nang maipasok ko na itong susi dun sa lock ng necklace niya. Devil Alex must go now!!!




At malapit ko na sanag ipasok yung susi pero napigilan niya ang kamay ko...



“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha!!!” Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko kasi ang higpit ang pagkakahawak niya sa mga akin.  Tina-try kong tanggalin ang kamay niya pero hindi ko siya kaya.



“Bitawan mo nga ako!!!” Yun  na lang ang lumabas sa mga bibig ko dahil wala na ako magawa.



“Sa tingin mo papayagan kita na basta-basta na lang hawakan ang necklace ko?” Nakatitig siya saakin ng masama  na parang  may gagawin na siya masama saakin.



Naku naman kasi!!! Bakit kasi naging ganito na  siya!!! Kung  hindi  lang nangyari yun lumayo ako sa kanya, hindi sana siya magkakaganito na enemy na ang  turing sa akin.....T^T


“Bitawan mo sabi ako eh!!” Nilakasan ko na lang ang loob ko at sumigaw ako. Grabe mas humihigpit na ang pagkakahawak niya sa akin. Ang sakit-sakit na ng kamay ko... child abuse na 'to... torture!!! T^T.......Ahuhuhu



“I know what you want to do. Gustong mawala na ako diba at bumalik na yung mabait na si Alex? Well let me tell you something, hindi ko hahayaang mangyari yun!” Tinaasan niya ako ng kilay.



Alam na niya ang plano ko... ano nang gagawin ko?



"Oh ano  ngayon? Nag-iisip ka na kung ano nang gagawin mo?" Ano bang lahi meron siya? Manghuhula at nahuhulaan niya kung ano ang naiisip at sunod kong gagawin.  Imba!!!



“Paano mo nalaman?” Yun na lang ang nasabi ko sa kanya. Paano nga ba? Diba?



“Halata naman sa mukha mo ehh, stupid!" Ouch na ha! Kanina  pa niya ako tinatawag na stupid!!!




“Wag mo nga ako tawaging stupid!!!” Ang yabang kasi,  akala mo kung sino!!! Kung hindi lang nasa katauhan niya si Alex, kanina ko pa siya nasapak ehh.



“Pero madali naman akong kausap eh. Kung gusto mo talaga siyang bumalik, you need to be my servant for 100 days.” He smirked again and then tinalikuran na niya ako, saka naglakad  papalayo.





WHAT THE HELL!!! ANONG KLASENG IMPYERNO ‘TONG NAPASUKAN KO?!!



Ang 100 days na pagiging  girlfriend ko kay Alex ay nauwi sa pagiging servant ng Devil Alex na yan.


5 comments:

  1. I miss the nice Alex but interesting din naman yung bad one.. What will happen next? I'm excited to know. Ü

    ReplyDelete
  2. Ganda! Update pa pls.

    ReplyDelete
  3. haha.. tawa much lang ang UD na to.. pero mas likey ko yung bad side nya.. hahha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^