Monday, January 28, 2013

This Gay's Inlove With You Mare : Chapter 7

CHAPTER 7
( Regina Salazar’s POV )

“Uy, thank you kanina.”


“Kanina ka pa nag-te-thank you.” Tulak ni Glenn yung pushcart habang nakasunod ako sa kaniya.


“Sarap suntukin no’ng lalaki.”


“Edi sana ginawa mo.”


“Kung hindi pa siya nag-sorry kanina, baka na-jombag ko na siya.”


“Nanuntok ka na ba ng lalaki?”


“Oo.”


Napalingon siya sakin. “Hindi nga?”


“Oo nga.” Natatawang sabi ko. Naaalala ko pa ang araw na ‘yon. “High school ako no’n. First day of school. First year ako. Hinatid ako ng Tito Diosa ko sa school namin. Siguro nagtataka kung bakit Tito pero Diosa. Vhakler kasi ang Tito ko. Sa kaniya kami nakatira ng kuya ko simula ng mag-highschool kami. Wala na kasi si mama, namatay siya nung pinanganak kami ni kuya. Wala na din si papa. Pero hindi siya patay, nag-asawa lang uli siya. So mabalik tayo sa kinukwento ko. Halos kakapasok lang namin ni Tito Diosa sa gate ng makarinig ako ng panlalait para sa Tito ko. Syempre nainis ako. Nilapitan ko ‘yong lalaki sabay sapak sa feslak niya. Kaya sa halip na sa classroom ang punta ko, first day na first day, sa principal’s office ang deretso ko.”


“Ang dami mong sinabi. Tinanong ko lang kung nanuntok ka na, nakwento mo na agad ang buhay mo.”


Nginitian ko siya. “Madaldal lang.” Tiningnan ko yung pushcart niya. Puro meat, fish, pork, vegetable and condements lang ang nando’n.


“May cook ka ba?” tanong ko.


“I lived on my own so I cooked for myself.”


“Wow! Talaga?” Grabe! Kay talented naman nitong vhakler na ito. Gwapo na, macho pa, a theater actor na plus chef pa. Talo pa ko, ah. ”Masarap ka bang magluto? Patikim naman ng luto mo. Si kuya kasi pag nag-rerequest ako sa kaniya ng pagkain, ayaw niya kong pagbigyan. Magluto daw ako kung gusto ko. Magaling kasing magluto ang kuya kong ‘yon. Eh, ako, ang alam ko lang kasi na lutuin ay sunog na hotdog at itlog.”


“Pinagmalaki mo pa talaga.”


“Mero’n pa pala. Noodles.”


“Sunog na noodles.”


“Grabe ka naman. Noodles na ang pinaka-matino kong luto, noh. Patikimin mo naman ako ng luto mo.”


“Si Gio lang ang pinatitikim ko ng luto ko.”


“Ang daya mo naman!” Ang swerte naman ni Gio, may gwapo siyang taga-luto. “Teka, Ano pa bang bibilhin natin?”


“Natin? Kasama ka ba sa magbabayad nito?”


Sabi ko nga. “Ano pa bang bibilhin mo?”


“Wala na.”


“Toiletries?”


“May stock pa ko.”


“Napkin?”


“What?!”


Natawa tuloy ako sa reaksyon niya. “Hahahaha! Joke lang.”


“No. Buti pinaalala mo, bibili din pala ko no’n.”


“Talaga? Bibili ka? Para ka palang si Bakureg, eh. Pag sumasama kasi ako do’n pag nag-go-grocery siya, bumibili siya ng napkin. Para daw ma-feel niyang girlash siya.”


“Bakureg?”


“Si Bakureg ay ka-federasyon mo. Kaibigan siya ni Tito Diosa. Ipapakilala din kita sa kaniya. For sure, magkakasundo din kayo no’n. Kaya lang magaslaw kasing kumilos ‘yon, unlike you, masyado kang finesse.”


Hindi siya sumagot kaya tumahimik na muna ako. “Uy! Sa’n ka pupunta?” Papunta na kasi sa counter si Glenn.


“Ano sa tingin mo? I’m gonna pay for this.”


Sumunod ako sa kaniya. “Bibili ka pa ng napkin diba?”


“Then get me one.”


“What? Ayoko nga. Nangangawit na nga ko sa saklay na ‘to, pababalikin mo pa ko do’n. Napaka ungentleman mo naman!”


“I’m a GAY, remember?”


“Yes, you’re a gay. But still, you’re a GUY. Pusong babae ka nga lang.”


“Bakit ba lahat ng sasabihin ko, lagi kang may dahilan?”


“Gano’n talaga.” Nasa counter na kami. “Teka, yung napkin mo?” bulong ko sa kaniya.


“Katatapos ko lang magkaro’n.” bulong din niya sakin.


Ang lakas ng tawa ko. “Hahahahaha!” Napatingin tuloy samin yung ibang tao.


Tinakpan ni Glenn ang bibig ko. “Ang ingay mo naman!”


Nag-peace sign ako. Ang lakas din ng trip nito, eh. Katatapos lang daw niyang magkaro’n? Hahahahaha!



= = = = = = = =



“Out of order. Use the stairs. Out of order. Use the stairs. Out of order. Use the stairs. Out—”


“Ilang beses mo bang uulitin ‘yan?” Napalingon ako kay Glenn. Inis ang mukha niya habang nakatingin sakin.


Paano ba naman, pagdating namin sa tapat ng elevator. May nakadikit do’ng note na ‘Out of order. Kindly use the stairs. Sorry for incovinience.’ Tapos nung tinanong ko siya kung anong floor ung unit niya. 6th floor daw! Imagine, 6th FLOOR! Eh, ang sakit na nga ng paa at kili-kili ko, tapos aakyatin ko yung sixth floor? Naman palaman suman!


“Wala na bang ibang choice?” tanong ko sa kaniya.


“Pwedeng liparin.”


“Final answer? Wala bang choice A or B or C?”


“Liparin mo nga kung gusto mo.”


“Uy, san ka pupunta?” Umalis na kasi siya bitbit ang pinamili naming grocery kanina. Pinamili pala niya.


“I’ll use the stairs.”


Sumunod ako sa kaniya. “Pa’no naman ako? Buhatin mo na lang kaya ako.”


“Umuwi ka na.”


“Hah? Kulang ‘yon pamasahe ko.”


Nasa taas na ng hagdan si Glenn ng lingunin niya ko. “Sino bang nagpumilit na sumama ka? Ako ba?“ Ako. Gusto ko kasing matikaman yung luto niya. ”Now. Go home.” Tinalikuran na niya ko. Nawala na siya sa paningin ko. Sinilip ko siya sa pagitan ng hagdan.


“Glenn! Hihintayin kita dito, ah!!!”


Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Narinig kaya niya ko? Siguro naman, ang lakas na ng boses ko, eh. Umupo ako sa hagdan. Minasahe ko ang binti ko. Kinuha ko ang phone ko. Maglalaro na muna ako ng temple run.


Hindi ko alam kung ilang minuto na kong nakaupo at naglalaro ng temple run ng...


“You’re still here?”


Napangiti ako at napalingon. And there, I saw him standing a few steps away from me.  “Ba’t ang tagal mo?” Kinuha ko ang saklay ko at tumayo.


“You’re waiting for me?”


“Yes.”


May kinuha siya sa bulsa niya at inabot sakin.


“Ano ‘yan? Hindi ako namamalimos.”


“Pamasahe mo.”


“Ah.” Pero hindi ko kinuha yung pera. Hindi naman totoong kulang yung pamasahe ko. Sinabi ko lang ‘yon. Wahehe. “Ang tagal kong naghintay sa’yo. Pwedeng maki-inom muna?” Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Umakyat na ko ng hagdan. Napahinga ko naman yung binti ko kaya okay na. “Wag mo na kong buhatin. Okay na ko.”


“Sinong nagsabing bubuhatin kita?”


“Ako.” Nilingon ko siya. Na maling ginawa ko. Nagkamali ako ng pag-tapak ng saklay sa hagdan. Na-out-of-balance tuloy ako. Ako na ang dakilang clumsy pangalawa sa bestfriend kong si Nic. Apat na baitang pa lang naman ang naakyat ko. Pero masakit din ‘yon noh. Idagdag pa na my injury yung kanang paa ko. I tried to regain my balance, pero—“Mahuhulog ako, Glenn!”


“Shit!” Napapikit na lang ako. Sana may angel na sumalo sakin. Sana...


Hinintay kong bumagsak ako. Pero bakit parang hindi ako masyadong nasaktan? May naramdaman akong matigas na bagay sa harap ko. May parang nakapalupot din sa beywang ko. Idinilat ko ang mga mata ko. Si Glenn ang nakita ko. Nakapikit siya at nakangiwi. Diosmiomarimar! I was on top of him! Katawan pala niya ang sumalo sakin. At mga braso niya ang nakapalupot sakin.


Napatingin ako sa kamay ko. Sa kamay kong nakahawak sa magkabilang dibdib niya. Ang tigas naman. Pero pinigilan kong pisilin ‘yon, aside from baka majombag ako ni Glenn, kamanyakan na ‘yon. And I’m not a pervert!


Dumilat ang mata ni Glenn. Syete! Ang gwapo talaga niya! Para tuloy akong tangang nakatingin lang sa kaniya.


“Tutunganga ka na lang ba diyan? Ang bigat mo kaya!” inis na sabi niya sakin.


Saka lang ako natauhan. “S-sorry...”


“Nakakainis ka talaga! You’re so, you’re so...ay naku!


“Sorry na nga...” Nagmadali na kong tumayo bago niya ko tuluyang majombag. Tinukod ko ‘yong dalawang kamay ko sa magkabilang gilid niya. Wala sa loob na inapak ko yung may injury kong paa para makatayo. “Ouch!” Napasubsob na naman ako kay Glenn. Kaya lang this time, hindi lang katawan ko ang napasubsob sa kaniya.


Nanlaki ang mga mata ni Glenn. (0_0)


Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. (O_O)


Why?


Because...


Because MY LIPS landed EXACTLY on HIS LIPS!


WAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!


Diosmiomarimar!


ANG FIRST KISS KO!!!


5 comments:

  1. anebenemen!!! para akong si bakureg dito habang kinikilig na nagbabasa!!! ahahahahahaha!!! ang tawa ko kay glenn, dinadalaw rin ng period!!! saan kaya lumalabas yun? ahahaha, kung saan-saan na ako nadadala ng imagination ko!!!

    pero yung kiss!!! omybetchibygallywowowwee~ ang haba na ng nagagawa kong expression dito ha!!! kasi naman bago pa pala yung kiss yung sinasabi niyang you're so... so what??? gusto kong dugtungan yung mismong post (kasi as admin pwede ko iedit yun -evil aegyo lang) kaso baka ihagis ako ng author!!!

    at kapag ganito na kahaba ang nasulat kong comment, ibig sabihin ako ay nagma-mantra na sana mapabilis ang update!!! may mantra talaga~

    pasensya na po, ang laking istorbo ko na yata!!! lels~ XD

    ReplyDelete
  2. ((nakakakilig po sobra))

    ReplyDelete
  3. Nainlove na si Glenn kay Regina jan.. <33

    ReplyDelete
  4. hala nagkiss n cla!!!!!!!! naiimgaine q c glen kunwari kinikilbutan at icnusumpa c regina pero deep inside tumitibok n ang pusong llki nia!!! hahahahhahahahahahhhaa!

    ReplyDelete
  5. ang daldal nya talaga and super makulit!!.. at talagang ipinagmalaki nya pa ung hndi sya future master chef in the making!!.. and ano raw??2nd daw sa clumsiness after nicole??haha.. praising your self dre??hahah..

    what the??? their first kiss!!! hahahha.. pusanggala nman oh!! blessing yun!! i bet sa isip ni glenn nagawa nya nang patayin si regina ng 10000000x over and over again!! haha.. partida pa yon.. how much more sa physicalan na.. hihih

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^