Monday, January 21, 2013

The Casanova Sisters : Chapter 3

Chapter 3
Last day of the Holidays



BRIANNA'S POV


Time: 11am




"Hey sis, gising na." Naramdaman kong inaalog-alog nya ako.

"Urgh.. fuck off, Drea." Nag-cover ako ng kumot.

"Oh I love you, MADDISON! Hihi~ ^__^"


Tinanggal ko ang kumot then I glared at her.

"Don't you call me Maddison, Ondrea."

"God sister.. easy lang. ang puso mo oh ^__^V"

Umupo sya sa gilid ng kama ko. "Last day  nalang ng vacation, we should enjoy it! Hindi yung nandyan ka lang tapos sa bar."

I sighed. Kapag ganito ka- hyper ang kapatid ko ng ganitong oras, hindi pwedeng um-oppose ka sa gusto nya. She's a brat, alright.

I combed my hair with my fingers at umupo.

"So anong gusto mong gawin?"

"Let's go to the beach ^0^"

"K.Fine."


Tumayo na ako at dumeretso sa CR.

After an hour of pag-aayos sa CR, lumabas ako at buhok naman ang inaayos ko, then make-up, then ang damit.

Done.


"Sissy~ Are you ready yet? Manong driver is waiting downstairs na!" I could hear Drea's voice from her room.

Gosh, kahit na magkatapat lang ang rooms namin, she was still being so loud.

"Shut up, Drea. Lower down your voice." Sinara ko ang pinto ng kwarto ko at sinuot ang summer hat.

I'm wearing a short short and a comfy backless summer top.. nakasuot naman si Ondrea ng swimming flowery dress at nakaponytail ang hair nya.


"Leggo! ^0^"

"Why so hyper?" tanong ko habang sabay kaming naglalakad pababa ng circular stairs.

She giggled. "And why so sungit?"


"tss." i just rolled my eyes.

Sumakay na kami sa back seat ng van.


"Manong, let's go to Mikee's house muna." Sabi ni Ondrea.

Umupo ako sa dulo sa tabi ng bintana at nagsuot ng headphone. Then biglang may nag-alis dito -__-

"What?" I asked my oh so bored sister.

"KJ mo naman sister. Don't you wanna talk to your beautiful sister instead of listening dyan?"

Tsk. para naman bata toh.

"Exactly right sister." I smirked.

"Waah! Why so bad? I am so gonna tell you to Mommy! >0<"

"And I'm gonna tell you to Daddy." I stuck my tongue out at her then she snorted :P

So I guess you can tell na mama's girl sya and i'm papa's girl. Haha.

.
.
.
Tumigil si manong sa tapat ng bahay ni Mikee, then lumabas silang dalawa ni Joan mula sa bahay at sumakay sa van.

Beso-beso kaming apat. They are our best friends since second year high school.

Si Joan Madrigal at Mikee Zablan na mga baliw din tulad ni Ondrea. Pero hindi tulad namin ng kapatid ko, mga good girls tong mga toh in some way. Hindi sila oppose sa pagiging casanova namin pero hindi sila ganun. Mga loyal type ba. But they are so kikay and maarte. Haha.


                                                                       Joan                                  Mikee

"Oh-em-gee! School will already start tomorrow." sabi ni Joan.

Pinatong ni Mikee ang paa nya sa may bakanteng upuan. We dont mind. We're like sisters.. "I dont mind. Makikita ko na ulit si Papa Luke ko. Kyaah~ I so miss him na." she said.


"Ohh. I have chika chika guys," sabi naman ni Ondrea while shifting her position excitedly. "You know while I was at Cevahir may lumapit sa aking super hottielicious looking guy. *O*"

Excited naman tong mga best friends namin.

"Oh my God! Really? So on game ka ba?" - Joan

Ondrea smiled playfully, twisting her hair with her fingers. "Not really. Nasa school natin sya and he wanted to take my number. Syempre hindi ko binigay pero you know what he did?"


"Ano??"


"Sinigaw nya na makukuha nya din ang number ko!"

Kilig na kilig naman tong sister ko. Tss. Playing hard to get as ever.

"So bakit hindi mo binigay kung mukhang type mo naman sya?" tanong ni Mikee.


"Wala lang. Hahah.. But I assure you na I can get this guy. Magiging akin din sya." ;)


I just yawned, uninterested. "Shut the fuck up you guys. I'm gonna have a nap."

Tumawa nalang silang tatlo at hininaan ang mga boses nila.


***

We were like models na rumarampa sa beach, kulang nalang eh mga camera. Kasi oh, kaming apat naka-palit na sa aming two piece. Gora lang ang mga lalaking naglalaway. Okay, mga dogs na sila. -__-

Habang ang tatlo eh naglalaro dun sa tubig, ako naman ay nagsu-sunbathing. Nakahiga ako sa may beach bench at naka-sunglasses habang naka-super thin robe.


"Excuse me, that's my spot." May maarteng boses ang narinig ko. Ako ba kausap nun?

Minulat ko ang mga mata ko at nakitang may nakatayong babae sa harapan ko. Ang taray ng look ni ate. Bakit ba laging may nang-aaway sakin? Oh well ganyan talaga ang maganda.

"Binili mo ba toh?" tanong ko.

Nangunot ang noo nya. "No."

"Then it's not your spot. Lumipat ka nalang, nandito na ako eh." Pumikit na ulit ako.

"Hey babe, you okay?" May narinig naman akong boses ng lalaki.

"Inaagawan nya ako ng spot babe!" Sumbong ng babae. Sumbungerang frog -__-

"Excuse me, this is my girlfriend's spot." Ako na naman kinakausap. Ano ba?! 

Tinaas ko na ang sunglasses ko and I glared daggers at them. "Pwede ba? This was vacant before I came kaya kinuha ko na. You don't have the right to tell what's yours in this public area. Sabihin mo dyan sa girlfriend mo na lumipat nalang. Geez people.. give me a break -___-"

Medyo nagulat sa sagot ung guy pero napangiti sya.. -_- Hmm in fairness may six pack si kuya. Well built ang muscles nya tapos ang gwapo. Yum.

Nakita ko sila Ondrea sa may di kalayuan.. may nabingwit na naman at ang kapatid ko at may kausap syang guy.

Tumingin ulit ako sa lalaki sa harapan ko. I smiled at him seductively at tumayo from the bench. Oh ayan kita na ang body ko..

Lumapit ako sa kanya at nilapit ang mukha ko sa tenga nya. "I like you." I whispered.

"What the hell?!" sigaw nung girl.

~__~ What's with his eyes? Parang natatawa sya na ewan? What's wrong with this guy? Iba sya sa mga nabibingwit ko.

I smirked at them at umalis na.

.
.

"Joan!" I called her.

Naglalaro sya ng buhangin.. parang bata -__-

"Sino ung kausap ni sister?" Tanong ko.

"Oh yun! Yun ung sinasabi nya na boylet sa Cevahir. Bryan daw ang name. Gwapo oh haha.. another toy na naman ni Ondrea."

Okay.. buti pa si Drea on game na ulit. I gotta get that weird guy kanina.  -__-

-----------

ONDREA'S POV

Ang KJ talaga ng twin sister ko.. Last day na nga for vacation and hello school na naman. urgh I hate school at the same time I love school because we’re so popular and madaming boy toy dun. :)

Nandito kami sa beach with our loving BFFs.. Si Joan and Mikee. We were having fun sa beach and if you ask me where’s my freakin sister? Nandun siya alone.. boring buhay ng kapatid ko pero Casanova yan. matinik yan hihi~ :))

Habang naglalaro kami ng beach volleyball ni Mikee, <si Joan ang scorer namin> hindi ko sadya na my mataaman na guy sa ulo. Oops >__< So I went to him quickly to get the ball and of course to apologize for what happened… (mabait naman ako eh)


"Waah sorry po~!!" I apologized (>/\<)

Nakayuko lang sya at hawak-hawak ang kanyang ulo. Pag-angat ng ulo nya eto ang reaction ko 

O___O as in my beautiful eyes were wide open


“hey… I’m sorry for what happened Bryan. I didn’t mean it.”  OMO I'm so dead…. Si crush ang natamaan ko >_<

Oh yes, my crush. Wala lang.. he's cool kasi kaya crush ko na sya. Okay, ako na malandi XD

“ No I won’t accept your apology Miss Ondrea… I will accept  your apology if you allow me to be with you for the whole day. We'll have a date together and of course your treat.”  He smirked. 

Pwede bang sapakin ko na tong lalaking to? Hindi ko na siya crush. God, ako ang babae tapos ako manlilibre? Ano siya sinuswerte? The heck naman… Pero in fairness mabilis si kuya. Bakit kaya hindi ko sya nakilala sa school?

“aah—y-y-yeaaah sure but just call me Drea masyadong mahaba na ang Ondrea.” shit bakit ba ako nauutal diba Casanova ako? I think wala lang naman to and so yeah hindi ako maiinlove. As in NEVER! Patay din ako kay sister kapag nagkataon. We never fall to anyone, dahil sila ang maiinlove. Our only role is to make them fall. then BOOM!


I heard him laugh. Anong nakakatuwa dun? >_<

“yeah sure Drea babe”



Nakita ko si Joan kausap si Brianna and nakatingin samin hahaha. Bri~ may nabingwit ako… ikaw wala pa ata wahaha :P Lumayo muna ako kay Bryan kasi si Brianna nakatingin ng masama. Oopsie dowsie.. bawal inggitin si sister ^0^

Naglakad sya pabalik dun sa may beach bench then I saw a good six pack guy na nilapitan nya. Aba hindi magpapatalo~~ XD But then may third wheel na another girl. Who the hell are they anyway?

Nag-palaam lang ako kay Bryan na pupuntahan ko lang si Brianna. Baka mamaya may away, sasali ako.. miss ko na makipag-away eh :D

“Hey Bryan, aalis muna ako. Puntahan ko lang ate ko.”  Sana makalusot. Magtatago na ako sa kanya para hindi ko sya malibre. Maghahanap ako ng lalaking manlilibre sakin hahaha~!! 

“Oops Drea babe, sama mo ako diba? I will accept your apolo--”  

“ok fine let’s go… pupuntahan ko lang ate ko okay?”  Hindi ko na siya pinatapos magsalita kasi alam ko naman na uulitin niya lang yung sinabi niya

 He chuckled. “Okay let’s go Drea babe”  

with matching kiss pa sa cheek. Wow ha.. Nice.  Are you trying to play a game with me Bryan? Okay I’ll play with you ^__^


 -----------

BRYAN'S POV

 Nandito kami ng barkada sa rest house ng isa naming barkada, kasi last day na nga ng vacation ngayon and bukas start na naman ng class. Oh I hate classrooms but I love girls in our school kasi mga chicks *u*

Nakwento ko pala sa barkada ko ung chick na na-meet ko sa Cehavir mall last night. Aish ang gay pero ang ganda niya. Mahaba ang buhok tapos ang puti. Kilala ko siya matagal na. Actually since 1st year college kami crush ko na siya  kaso wala eh natotorpe ako sakanya… gay na -___-


Ako nga pala si Bryan Jeremiah Harris. Galing sa isang mayaman na family. Marami kaming businesses and I think business partners nina Mom and Dad ang parents nina Ondrea and Brianna. Well marami akong girls pero I’m not serious sa lahat ng naging babae.. I've never had any girlfriends or in a relationship. Magpepreno na ako sa kaka-flirt sa kanila kapag dumatign sa puntong yun. Nakakasira lang kasi ng ulo at nakakabutas ng bulsa yan.


“hey dude what happened sainyo nung chick mo?ano naka-score ka?”  tanong ni Paul

“gago! Asa ka naman. Wag niyo ako itulad sainyo!” mga lokong to igaya daw ba ako sa mga ugali nila? =__=

“ hoy Paul tandaan mo si pinuno virgin pa yan. Parang sa kanta ni Madonna lang yan eh, like a virgin awwwww touched for the very first time~… Araaaay pinuno masakit yun ha.”  

Binatukan ko nga ng isang malakas si Andrew. Tama daw bang kumanta? Parang timang lang.


“ PINUNOOOOOOOOOOO!”  

Natumba ako bigla kasi ang lakas ng force nung tumama sakin at ang sakit sa ulo ha >_<

Pag-angat  ng ulo ko…


Teka nasa langit na ba ako? Bakit nakakakita ako  ng isang anghel? Bumababa ba siya para kunin ako?

“hey… I’m sorry for what happened Bryan. I didn’t mean it.” si ondrea my labs.

“No I won’t accept your apology Miss Ondrea… I will accept  your apology if you allow me to be with you for the whole day. We'll have a date together and of course your treat.”  aah shit nakakahiya siya pa talaga manlilibre >_< oh c’mon bryan wrong move.. Pero oh well, mayaman din naman sya eh. Tsaka wala pa yung allowance ko for this month baka mabutas agad bulsa ko.

“aah—y-y-yeaaah sure but just call me Drea.. masyadong mahaba na ang Ondrea.”  So ibig sabhin close na kami? Kasi nagpatawag na siya ng Drea sakin eh. Mostly kasi pag hindi niya close oOndrea ang gusto niyang itawag sakanya.


Lumayo saglit si Drea kasi parang nakita siya ng kambal niya and parang nanlaki yung mata niya nung nakita niya yung kambal niya na may kasamang guy and a girl.

Lumapit naman ang barkada ko sakin.

 “Pinuno ayos ka lang ba? Masakit ba?”  aba lokong Paul to. Tanungin daw ba ako? Sige subukan ko sayo tapos tatanungin kita kung masakit

 “Hala si Pinuno hindi na nagsasalita. Napipi na ata.”  Andrei ikaw kaya makakita ng anghel hindi ka mapipi?

“Pero ang ganda ng chick na nakatama kay Pinuno. Sana ako nalang natamaan.”  isa pa tong si Martin. Suntukin ko kaya ng matauhan? AKIN lang yun!

“shut up all of you!  Kung ayaw niyo mabigyan ng leksyon!!”

Nanahimik din sa wakas ang mga loko.  

“ and just so you all know, sakin yang si Ondrea, get it? No one can touch her or else masasaktan ang lumapit sakanya.” ang tapang ko sa barkada pero sa kanya taob ako -__-


Pabalik na si Ondrea. Hoy Bryan get back to your senses … kausapin ko daw ba sarili ko? tss sumenyas na ako sa barkada ko na umalis na.. maghanap sila ng chick nila dito, wag yung chick ko 



“ Hey Bryan, aalis muna ako. Puntahan ko lang ate ko .”  hala kailangan kong gumawa ng paraan para makasama ko siya buong araw

“ Oops Drea babe, sama mo ako diba? I will accept your apolo-- ”  

 “ok fine let’s go… pupuntahan ko lang ate ko okay?”  

Hindi na niya ako pinatapos. Grabe ang ganda niya talaga. Tss gay >_<

Natawa nalang ako. “Okay let’s go Drea babe.”  hinalikan ko lang naman siya sa cheeks oh baka akala niyo sa lips ha… sana hindi wrong move to 


Pinuntahan na namin yung kambal niya. Nandoon padin yung dalawa,. yung babaeng ayos lang ang itsura pero kapag tinabi na dun sa kapatid ni Drea ay taob na taob.. pwede na syang maligo sa putikan. Tska ang lalaking akala mo napaka gwapo. Tss mukhang mayabang. Mas gwapo ako -__-


“Hey Bri what’s your problem? Bakit ganyan mukha mo?” Tanong ni Ondrea.

hanep tong magkapatid na to. Ibang klase parehas ng ugali kaso si Ondrea medyo may kakulitan pero etong si Brianna wala.. tahimik lang sya. Parang boring buhay niya dahil nga anti-social. Katakot ang itsura.

Lumapit si Brianna kay Ondrea at may binubulong. 

Biglang lumapit si Ondrea dun sa lalaki.






O_____O




Hinalikan nya ito.

Sasampalin na sana siya nung babaeng mukhang hipon kaso biglang kinuha ni Drea yung kanang kamay na sana sasampal dun sa magandang mukha nya.


“Hey you. For your information miss na mukhang hipon, don’t you ever touch my porcelain face kasi belo touches ang skin ko. eh yung sayo? Pipitchuging spa lang? or baka naman sa parlor ka lang nagpapafacial?” hindi ko alam kung anung irereact ko dun sa sinabi ni Drea kasi ang ganda niya padin kahit nagagalit pero biglang nagjoke eh… cool talaga to si drea eh. Ngayon ko palang syang nakitang ganito kahit na bali-balita sa school na ganito lagi ang gawain ng magkapatid.

“ and to you …" Tumingin sya dun sa lalaki. "Kuya, bilhan mo yang girlfriend mo ng spot dito and make sure na my name niya ha? Oh I almost forgot. 50,000 per square meter dito and I think hindi niyo kayang bilhin and so yeah. Bye~ I won’t waste time talking to some strangers.”


/// 

“Hey Drea”  

“ yes Maddison?”

“It's BRI not MADDISON.” ayan na sasabog na ang bulkan

“yeah right whatever,  what is it?” ^0^

“thank you. Anyway, you weren't supposed to kiss him dahil isda ko un… and who’s that guy with you?”  ayun sa wakas nakita din ang poging ako…

“ uhh—B-Bri si Bryan… Bryan si Brianna my twin freakin sister” ang ganda nila pareho pero mas maganda si Drea para sakin. 

Napataas ng kilay si Brianna sa tono ng boses ni Ondrea, tapos tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Para akong kinilabutan. Tsk ano ba yang mga matang yan?


“ oh nice to meet you Bryan… well, take good care of my angel-slash-evil sister. See you around."


4 comments:

  1. nkkAexcitE tLga uNg mgA nNgyyri dtO,,,

    ReplyDelete
  2. New author ka pala dito .. Welcome po pala!!! Keep on posting, we'll keep on reading ..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^